Share

Kabanata 30 Two Liars

Umuwi si Nessa sa bahay ng tiyahin. Gulong gulo ang isip niya. Wala siyang maalala kagabi. Nagising na lamang siya sa condo ni Andrei. May nakita siyang mantsa ng dugo sa bedsheet. Ibig sabihin ay ginalaw siya nito. Pinagkatiwalaan niya ito ngunit pinagsamantalahan siya. Nawala ang virginity niya ng ganoon lang. Tulog siya! Sana man lang ay ginising siya at nagpaalam. Nagagalit siya kay Andrei ngunit higit sa kanyang sarili. At ngayon ay nahaharap siya sa malaking problema. Paano kung mabuntis siya? Hindi pa siya handang maging ina.

Makalat ang bahay. Mukhang dumating na ang mayakis niyang tito. Speaking of the devil, lumabas ito sa kwarto. Puno ng malisya ang tingin nito sa kanya. Nakahubad pang itaas ito at nakalabas ang malaking tiyan. Kulay dilaw ang shorts nito. Mukha itong si Winnie the Pooh horror version.

“Nessa, kagabi pa kita hinahanap.”

Inabala niya ang sarili sa pagliligpit. Ang daming hugasin sa lababo.

Lumapit ang kanyang tito. Nalanghap niya ang mabahong amoy nito. Amoy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status