Maliban kay Elder Young, nakaupo rin sina Gilbert at Daisy sa tabi niya sa hall.Nagpatuloy na tumingin ng malamig si Gilbert kay Leon, dahil ang nangyari sa villa ay nagbigay ng masamang first impression kay Leon.Samantala, mabait ang ugali ni Elder Young. Inutusan niya pa ang mga katulong na magbigay ng tsaa at tubig para kay Leon ng hindi man lang nagpapakita ng kahit isang bahid ng panunuya o panlalait.“Lolo, ipapakilala ko po sa inyo si Leon. Siya po ang nagligtas sa akin kagabi…”Pagkatapos ay isinalaysay ni Iris ang buong kwento.“Maraming salamat sa pagligtas sa buhay ng apo ko, Leon. Lagi naming tatandaan ang kabaitan mo! Ang kabutihan ng isang tao, kahit gaano kaliit, ay lagi dapat bayaran Sabihin mo sa akin, may gusto ka ba na kahit ano? Gagawin ng pamilya namin ang aming makakaya para matupad ang mga kahilingan mo.”Ngumiti ng mabait si Elder Young.“Salamat po, pero wala po akong gusto na kahit ano…”Umiling si Leon.Niligtas niya si Iris kagabi para sa hustisya
Pagdating sa pagkakakilanlan, background, o family business, si Graham ay mababa kumpara sa kilalang pamilya na tulad ng mga Young. Ngunit, pagdating sa reputasyon at katayuan, siya ay maikukumpara kay Elder Young.Tutal, ang kahit sinong nagkasakit ay kilala siya bilang mahusay na doctor sa Springfield City. Maraming mayaman at makapangyarihang indibidwal ang lumapit sa kanya para magpagamot.“Sana ay pagpasensyahan mo ako sa biglang pag dating, Elder Young. Gusto kong ireassess ang kondisyon mo…”Pinagdikit ni Graham ang mga kamay niya at ngumiti siya.Biglang nagkasakit si Elder Young nitong nakaraang kalahating buwan, kung saan ang dibdib niya ay sumikip at hirap siyang huminga.Si Graham ang gumamot sa sakit ni Elder Young noon.Sa mga oras na ‘yun, dalawa silang pumayag na magkaroon ng isa pang checkup pagkalipas ng kalahating buwan, at kung walang problema na dumating sa sumunod na checkup, ang kondisyon niya ay masasabing magaling na.“Salamat sa abala, Graham.”“Walang
“Isa itong nakakamatay na point sa katawan ng isang tao!” Kumunot ang noo ni Graham, naisip niya na nabasa lang siguro ito ng taong ito mula sa mga medical book at gusto lang nito magpasikat. Hindi siguro alam ng taong ito na ito ay nakakamatay.“Iho, ano ang sinasabi mo? Ang Middle Chest Point at ang Soul Palace Point ay nakamamatay. Paano mo ito magagamit ng basta basta? Alam mo ba kung paano gumagana ang katawan?!” Ang sabi ng assistant ni Graham kay Leon.“Mukhang pumunta ka dito pagkatapos malaman ng konti tungkol sa medical skills para magpasikat? Sasabihin ko sayo, ang mga taong tulad mo ang rason kung bakit masama ang reputasyon ng mga alternative healer sa bansa!” Kahit ang moralidad ni Leon ay inatake sa puntong ito.May gusto pang sabihin si Leon, ngunit sumingit si Iris.“Leon, nasa panganib ang buhay ng lolo ko ngayon. Sinusubukan siyang iligtas ni Graham, kaya ‘wag ka nang gumawa ng gulo!” Ang sabi ni Iris ng hindi natutuwa.Kahit na iniligtas ni Leon ang buhay ni Ir
“Kalokohan! Kahit si Graham, ang Holy Doctor, ay hindi kayang gamutin ang sakit ni Elder Young. Sino ka ba sa tingin mo? Ano naman ang magagawa mo? Sa tingin mo ba ay ang kakayahan mo ay mas mahusay kay Graham?!” Ang panlalait ng assistant ni Graham.“Nababaliw ka na!”Kumunot ang noo ni Graham habang sinuri niya si Leon bago niya sabihin, “Isang doctor ka rin ba?”“Hindi ako isang doctor…” Umiling si Leon.“Hindi ka naman pala doctor. Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?! Kahit na isa kang doctor, imposible na sapat ang kakayahan mo para gumamot ng kahit sino base sa edad mo. Gusto mo lang kumuha ng atensyon. Kalokohan!” Nagalit si Gilbert habang nakatingin siya ng malupit kay Leon.Muli na namang nilait si Leon.“Hindi pa ito sigurado! Sa oras na nakilala ni Leon si lolo, sinabi niya na nasa panganib ang buhay ni lolo! Pati binanggit niya rin na mali ang mga points na nilagyan ni Graham ng pressure noong ginamot ni Graham si lolo kanina. Kaso, walang naniniwala sa kanya! Pero, k
Pagkatapos ng treatment, namutla si Leon. Namuo ang mga pawis sa ulo niya habang nakaupo siya sa sahig. Halos himatayin na siya sa pagod.Hindi pa rin siya isang tunay na doctor. Hindi niya magamit ang internal power niya sa kanyang treatment. Nagawa niyang tapusin ang treatment ng umaasa sa kakaibang energy sa katawan niya.“Ugh!” Sa ngayon, biglang umubo si Elder Young. Dumilat siya at umubo siya ng dugo. Agad na namantsahan ng pula ang mga damit niya at ang sahig.Pagkatapos nito, pumikit si Elder Young, hindi siya kumilos. Kahit ang paghinga niya ay huminto. Ito ay para bang namatay siya!“Lolo…”“Dad…”Ang sabay na sinabi nila Iris at Gilbert. Sumigaw sila sa lungkot habang tumakbo sila patungo kay Elder Young.“Tama ako na nagpapasikat lang ang lalaking ito. Hindi ko alam na gagawa siya ng gulo. Namatay pa si Elder Young dahil sa ginawa niya. Lumalala ang mundo dahil sa mga taong tulad mo!” Umiling ang assistant. Alam niya na ito ang magiging resulta ng kapabayaan ni Leon,
“Ano ang nangyari?” Nalilito si Elder Young. Gumising siya mula sa kawalan ng malay, kaya wala siyang ideya kung ano ang nangyari.“Ang nangyari ay…” Lumapit si Iris at sinalaysay niya ang lahat kay Elder Young.Nabigla si Elder Young. Sinampal niya si Gilbert, pinagalitan niya ito, “Tanga ka, ano ang ginawa mo?! Sinusubukan akong iligtas ni Leon dahil sa kabaitan ng puso niya. Hindi mahalaga kung nagamot niya ako o hindi, ginawa niya pa rin ang makakaya niya. Paano mo nagawang bayaran ang kabaitan niya ng ganun?! Bilisan mo at humingi ka ng tawad sa kanya!”Hindi gusto ni Gilbert si Leon pagkatapos ng lahat ng nangyari, ngunit dahil sa pananakot ng tatay niya, nag aatubili siyang lumapit at sinabi niya, “Leon, nagkamali ako sa ginawa ko kanina. Patawad…”“Mister Young, masyado po kayong mabait. Isang maliit na maling pagkaka intindi lang ito. Ayos lang ang lahat,” Ang mabilis na sinabi ni Leon.Sa mga sandaling ito, lumapit din si Graham. Yumuko si Graham kay Leon, “Iho, patawad
“Tama,” Tumango ng tapat si Leon.Kulang sa edukasyon si Leon, at ang kakayahan niya pagdating sa trabaho ay pangkaraniwan lang din. Hindi magiging madali para sa kanya na makakuha ng trabaho.Kung kaya ni Elder Young na makahanap ng maayos na trabaho para sa kanya, makakatulong ito sa kanya.“Leon, pasensya na sa pagiging pranka ko, pero sa husay ng medical skills mo, sigurado ako na hindi magiging mahirap para sayo na maging isang sikat na doctor na tulad ni Graham? Bakit mo gusto ng isang karaniwan na trabaho?!” Ang nalilitong tanong ni Elder Young.Sa kakayahan na ipinakita ni Leon kanina, maraming mga mayaman at makapangyarihang tao ang makikipag kasundo kay Leon.Maging pera, kapangyarihan, o kasikatan, madali itong makukuha ni Leon.Bakit niya kailangan ng trabaho?“‘Yun ay…”“Elder Young, hindi po ako magsisinungaling. Kahit kailan po ay hindi ako natuto ng medical skills, at wala din akong kwalipikasyon bilang isang doctor.“Ang pressure point technique na ginamit ko
“Iris, what doesn’t kill you, makes you wiser. Hindi na ligtas para sayo na tumira sa labas, bumalik ka na dito sa amin!” Sabi ni Gilbert ng may pagaalala. Hindi niya maiwasang tingnan si Leon.Gusto niyang bumalik ang kanyang anak sa dalawang rason. Una ay para sa kaligtasan ng kanyang anak, at ang pangalawa ay para maihiwalay niya ito kay leon.Base sa kanyang nakikita, malamang na habol ni Leon ang kanyang anak. Kaya malakas ang loob nitong subukang iligtas si Elder Young, na kung saan siya ay sinuwerteng mailigtas ito. Isa lamang normal na mamamayan si Leon at walang pambihirang talento. Hindi siya nararapat para kay Iris!“Imposible! Ayaw ko bumalik dito! Titira ako sa lugar na may maraming high-end villa, mayroong dedicated na security guards na nakabantay lagi, nagdagdag na rin ng anim na bodyguard si lolo para sa akin na poprotektahan ako, sigurado ang kaligtasan ko!” pailing na sinabi ni Iris.Pauwi na siya ng makidnap siya nung isang gabi, Isa itong hindi inaasahan na i