Share

Kabanata 12

“Kung hindi ako dumating dito, hindi ko matutuklasan na nagdala ka ng isang hindi sibilisadong lalaki sa bahay!” Ang malamig na sinabi ng matandang lalaki.

“Sino ang hindi sibilisado?! Bakit niyo sasabihin ang isang bagay na napakasakit? Kaibigan ko si Leon. Walang namamagitan sa amin!”

Hindi natutuwa si Iris.

“Sinasabi mo ba talaga sa amin na walang namamagitan sa inyo, ngayon at hinawakan mo siya ng ganun? Sino ang niloloko mo? Wala ka bang dignidad kahit na may araw pa, Iris? Kung ganun, gawin mo na rin ito sa labas ng bahay!” Ngumiti ng nanunuya ang magandang babae.

“Wala na kayong pakialam dito! Pwede kong gawin ang kahit anong gusto ko, at wala kayong karapatan para utos-utusan ako!”

Tumingin ng masama si Iris sa babae, at ang poot sa pagitan nila ay lumalala.

“Gilbert, tingnan mo siya! Nagiging bastos at walang galang siya!”

Inalog ng magandang babae ang braso ng matandang lalaki ng may mapagpanggap na ekspresyon.

“Ano ba ang problema mo, Iris? Gustuhin mo man ito o hindi, nanay mo pa rin si Daisy. Paano mo siya nagawang kausapin ng ganitong pag uugali!” Ang sabi ni Gilbert.

“HIndi ko siya nanay! Namatay na ang nanay ko noong dalawampung taon na ang nakaraan! Isa lang siyang pokpok na sumiping sayo para pumasok sa buhay mo. Ano ang karapatan niya na maging nanay ko!” Ang sagot ni Iris.

“Narinig mo ba ‘yun, Gilbert? Tinawag niya akong pokpok!” Ang sabi ni Daisy na tila umiiyak.

“Nagiging bastos ka na! At rebelyoso!”

Nagalit si Gilbert at tinaas niya ang palad niya, balak niyang sampalin si Iris.

“Sige! Wala nang kahit sino sa pamilya ang nagpapahalaga sa akin simula nang mamatay si Mom. Si lolo na lang ang may pakialam! Bakit hindi mo ako patayin para tapos na ang lahat!”

Matigas ang ulo ni Iris at ayaw niyang sumuko.

“Walang hiya ka…”

Nanginig sa galit si Gilbert. Sa nakalipas na mga taon, nagpokus siya sa atensyon niya kay Daisy at sa anak nitong lalaki, at binawi niya ang kamay niya nang isipin niya na hindi siya gumawa ng sapat para sa anak niyang babae.

“Oras na para pag isipan mo ang kasal, Iris, at hindi ako tumututol kung may boyfriend ka! Pero, base sa background ng pamilya natin, dapat ay kumuha ka ng boyfriend na nararapat sa katayuan mo!”

Pinigilan ni Gilbert ang galit niya, tumuro siya kay Leon, at sinabi niya ng mapanglait, “Tingnan mo ang lalaking ito. Ang mga damit niya ay madungis na parang isang pulubi! Siya ba ang klase ng lalaki na bagay bilang boyfriend mo?”

“Sinabi ko na sa inyo na kaibigan ko si Leon, hindi ko siya boyfriend! At hindi rin siya isang pulubi!”

Hindi natutuwa si Iris.

“Magkasama kayo sa bahay. Ano pa ba siya kung hindi ang boyfriend mo? Iniisip mo ba na tanga kami ng tatay mo?”

Ngumisi si Daisy ng may mapanghamak na ekspresyon. “Nagpapanggap ka na dalisay ka nitong mga nakalipas na mga taon. May mga tsismis na virgin ka pa rin, kaya madaling maintindihan na nagulat ako na naging magulo ang pribadong buhay mo! Gaano kalala na ba ang ibinaba mo para mapunta ka sa relasyon sa isang miserableng lalaki na tulad niya!”

Nagalit si Iris sa komentong ito at nagsimula siyang magsalita ng kung ano-ano.

“Ikaw… Sige, aamin ako. Boyfriend ko si Leon, at mahal ko siya! ‘Yan! Masaya ka na?”

Nagalit si Iris pagkatapos siyang laitin ni Daisy, kaya kumapit siya sa braso ni Leon at nagpanggap siyang maging malambing kay Leon.

Nabigla si Leon. Tumigig siya kay Iris ng may malaking mga mata at hindi niya alam ang gagawin niya.

“Oh? Umaamin ka na ba ngayon?” Ngumisi si Daisy.

Namutla ang mukha ni Gilbert bago ito namula sa galit. Naglabas siya ng isang cheke, nagsulat siya ng mga numero, at hinagis niya ito direcho sa mukha ni Leon. “Wala akong pakialam kung sino ka o kung saan ka galing, iho, pero hindi ko hahayaan na makihalubilo si Iris sayo! Ito ang pitong daang libo. Tanggapin mo ang pera at lubayan mo na agad ang anak ko! At kung inabala mo ulit siya sa susunod, sisiguraduhin ko na mamamatay ka ng walang nakakaalam!”

Lumunok si Leon at pinanood niya habang bumagsak ang cheke sa sahig.

Ang pitong daang libo ay isang napakalaking halaga para sa isang tao na walang pera!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status