Share

Kabanata 11

“Oo nga pala, Leon, naalala ko na sinaksak ka ng lalaki ‘yun kagabi. Ayos… ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?” Ang tanong ni Iris ng nag aalala.

Naalala niya ang imahe na sinaksak ng lalaki si Leon sa dibdib gamit ang kutsilyo, ngunit ang kakaibang bagay ay buhay pa rin si Leon na para bang walang nangyari sa kanya.

Nagsimulang magduda si Iris sa nakita niya kagabi.

“Ayos lang ako. Ayos lang ang sugat ko.”

Hinawakan ni Leon ang kanyang dibdib, ngunit aksidente niyang nahawakan ang sugat. Kumunot ang noo niya at napaungol siya sa sakit.

“Ano ang problema? Masakit ba? Sige, pupunta tayo sa hospital ngayon!”

Tumayo bigla si Iris at may kabadong ekspresyon sa kanyang mukha.

“Hindi ito masyadong masakit. Hindi gaano tumatagal ang sakit, at nawawala agad ito pagkatapos nito dumating. Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan pumunta ng hospital.”

Ang sakit ay nabawasan habang hinimas ito ni Leon ng ilang beses.

Gusto niyang tanggalin ang damit niya para tingnan ang sugat niya, ngunit nahiya siya sa harap ni Iris.

“Tanggalin mo ang damit mo at ipakita mo sa akin kung gaano ito kalala.”

Nag aalala pa rin si Iris.

“Pero…”

Nahihiya si Leon at medyo awkward siya na tanggalin ang damit niya sa harap ng isang babae.

“Bilisan mo na at tanggalin mo ang damit mo!” Ang sabi ni Iris.

Hindi niya pinansin na isang lalaki si Leon—pati medyo bata siya puno pa ng sigla!

Para gumaan ang loob niya, sinabi niya sa sarili niya na walang kailangan ikahiya kung ayos lang ito kay Iris!

Habang iniisip ito, kinagat niya ang ngipin niya at tinanggal niya ang damit niya para ipakita ang payat at matibay na katawan niya.

Lumapit si Iris para tumingin at nakita niya na ang sugat sa dibdib ni Leon ay nagkaroon na ng peklat. Bukod pa dito, pangit ang itsura ng peklat, parang alupihan na limang sentimetro ang haba, at kahit sinong makakita nito ay siguradong kikilabutan.

“Paano mo nasabi na hindi masakit kung may peklat ka na ganito kalaki?!”

Tinaas ni Iris ang kamay niya at hinawakan niya ang peklat sa dibdib ni Leon. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Madaling malaman kung ano ang nararamdaman niya ngayon nang makita niya ang peklat na mula sa pagiging bayani ni Leon noong iniligtas siya nito kagabi.

Ngunit, sa sumunod na sandali, may kakaibang eksena na nangyari.

Mula sa hawak ni Iris, ang mga peklat at unti-unting nabalatan, at nabunyag ang makinis at pink na balat sa ilalim.

Natulala si Iris. Karaniwan na kailangan ng isang buwan para mabuo at mawala ang peklat, ngunit ito ang nangyari kahit na wala pang isang araw ang lumipas simula nang matamo ni Leon ang sugat. Walang bakas ng peklat sa kanyang bagong balat.

Mahirap itong paniwalaan.

Habang nalilito, nagpatuloy si Iris sa paghawak sa peklat, kumilos ang kamay niya habang sa nawala na ang lahat. Ang bakas ng peklat na nandoon ay wala na sa bagong balat sa ilalim, at ito ay para bang hindi nasugatan si Leon.

Naging blanko ang utak ni Iris.

Samantala, namula naman ang mukha ni Leon!

Ang kamay ni Iris ay malambot at makinis, at dumaan ito sa dibdib ni Leon na parang magkasintahan sila.

Ang isang masiglang lalaki ay hindi matitiis ang ganitong mga paghawak!

Tumigas ang katawan niya at tumibok ng mabilis ang puso niya. Sa sobrang kaba niya ay nahihirapan siyang huminga.

“Ano ang ginagawa niyong dalawa?!” Ang sigaw ng isang galit na boses.

May isang matandang lalaki na nasa limampung taong gulang ang edad ang pumasok sa kwarto.

May isang 36 o 37 taong gulang na babaeng nakakapit sa kanya. Nakakaakit ang babae, ngunit dahil marami itong nilagay na makeup.

Ang babae ay may suot na mahigpit na dress na may plunging neckline. Ang hugis ng katawan niya ay maganda, at nakakaakit ang kilos ng baywang niya.

“Dad? Bakit ka nandito?”

Nabigla si Iris, at doon niya lang napagtanto na may isang kamay siyang nakahawak sa dibdib ni Leon.

Ito ay isang iskandaloso na eksena.

Namula agad ang pisngi ni Iris, at tinaas niya ang kamay niya na para bang nakahawak siya ng live wire.

Ganito din si Leon at mabilis niyang sinuot ang damit niya.

Namula ang mukha nila Leon at Iris na para bang nahuli sila sa akto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status