Si Harvey ay nasa peak Innate State at ang isang Pure Energy Pill ay makakatulong sa kanya na umabot sa realm of Supreme Master.“Maganda ito!” Nasabik si Harvey noong una, ngunit naging mahinahon siya nang mapagtanto niya na magiging mahirap na humanap ng wild Panax o wild fleece flower root na lumaki ng higit sa limandaang taon o mas matagal.“Mr. Wolf, sa totoo lang, mahirap itong makuha, kahit para sa mga Shear, pero wag kang mag alala. Papapuntahin ko ang mga tauhan ko sa ibang lungsod para magtanong sa paligid at sasabihin ko agad sayo kapag may nahanap ako!”“Sige. Hihintayin ko ang magandang balita mula sayo,” Ang sabi ni Leon ng nakangiti.Pagkatapos apg usapan ang mga bagay na tungkol sa ingredients, kumuha si Leon ng Beauty Pills at Life-Prolonging Pills bago siya bumalik sa hall.Noong bumalik si Leon, tinanong ni Iris, “Leon, hindi kita nakita sa hall kanina. Saan ka pumunta?”“Ah, bumili ako ng mga pills. Ito ay tinatawag na Beauty Pill. Maganda ito para sa mga baba
Nang makita ni Leon si Gordon, agad niyang napagtanto kung bakit tila may sama ng loob si Harvey kay Theodore.Sa likod ng group, nakatayo si Gilbert kasama ang mga tauhan niya at inobsersbahan niya habang inambush ni Theodore sina Leon at Iris.“Sir, nasa isang gulo po si Ms. Iris. Dapat po ba kaming makialam?” Ang tanong ng isa sa mga tauhan.“Ayos lang. Mukhang target ni Theodore si Leon, kaya sa tingin ko ay wala silang gagawin kay Iris. Obserbahan niyo muna. Kapag balak ni Theodore na saktan si Iris, pipigilan natin siya,” Ang nagdadalawang isip na sinabi ni Gilbert.Ang pamilya Young at ang pamilya Fields ay hindi direktang magka kompetisyon at hindi isang tanga si Theodore para saktan si Iris.‘Para naman kay Leon Wolf,’ Ang naisip ni Gilbert, ‘walang hiya siya para ligawan ang anak ko!’Kinamumuhian ni Gilbert si Leon at matutuwa lang siya kapag tumulong si Theodore na turuan ng leksyon si Leon. Mas mabuti kung ang anak niya ay napagtanto na walang kwenta talaga si Leon p
Mabilis ang pangyayari na ito at hindi niya ito inaasahan.Sa sandaling yun, agad na lumalim ang kamuhian ni Gilbert kay Leon. Kung umaasa lang siya na turuan ng leksyon ni Theodore si Leon kanina, nagdesisyon siya na gusto niyang patayin ni Theodore si Leon.“Iris, baka ang iba ay natatakot sa mga Young, pero hindi ako! Wala akong pakialam kung boyfriend mo siya. Sinira niya ang plano ko at hindi ko siya hahayaan ngayong araw. Lumayo ka na dito, kung hindi ay hindi ako magpapakita ng awa!” Ang malamig na sinabi ni Theodore.Hindi mahalaga kung sino si Leon at kahit na isa siyang manugang ng pamilya Young, siya ay magiging katumbas lang ni Theodore sa katayuan.“Hindi ko—” Ang sabi ni Iris, ngunit siningitan siya bago pa siya matapos.“Iris, ako ang nagsimula nito. Ako na ang bahala dito.” Humakbang palapit si Leon at prinotektahan niya si Iris sa likod niya.“Pero malakas si Theodore,” Ang bulong ni Iris ng nag aalala. Kahit na may kakayahan si Leon, si Theodore ang eldest son n
“Iris, wag kang mag alala. Magiging ayos lang ako. Magtiwala ka sa akin!” Pinagaan ni Leon ang loob ni Iris, bgo siya humakbang paharap.Tumahimik si Iris. Umabot na ang sitwasyon sa punto na hindi niya ito makokontrol at wala siyang magagawa kundi ang maniwala kay Leon.“Hindi mo siguro ito inaasahan, no? Nagtago ka sa likod ko at sinugatan ako, kaya nanatili ako sa kama ng higit sa kalahating buwan! Magdurusa ka ngayon dahil sa kahihiyan na binigay mo sa akin!” Tumingin ng masama si Gordon kay Leon.“Magpasalamat ka, matanda! Hinayaan kitang mabuhay at ito ang rason kung bakit nakatakas ka ng buhay! Hindi ka swerte ngayon!” Ang kalmadong sinabi ni Leon habang tumitig siya kay Gordon ng may mapagmataas na paraan.“Kalokohan! Mamamatay ka na, bata!” Nagalit si Gordon, sumugod siya kay Leon, ang kamao niya ay dinala niya papunta sa dibdib ni Leon.“Leon, mag ingat ka!” Ang sigaw ni Iris.Nang simulan ang training bilang isang martial artist, naramdaman niya kung gaano kalakas ang
Gayunpaman, kung kaya ni Leon na talunin si Gordon, na siyang nasa Advance Innate State, imposible na ang power level ni Leon ay nasa Initial Innate State.“Mr. Fields, sigurado ako na siya ay nasa Initial Innate State bago pa ito! May ginawa siguro siya na kakaibang bagay.” Tumingin ng masama si Gordon kay Leon. Natikman niya na ang pagiging tuso ni Leon noon at ang hinala niya ay may ginagawang mga trick si Leon, kung hindi ay hindi matatalo ni Leon si Gordon ng sobrang dali.“Tama na! Dalawa kayong nasa isang laban, kaya anong mga trick ang pwede niyang gamitin? Kahit na ginawa niya ito, nakita namin dapat ito!” Ang naiinip na sigaw ni Theodore.“Pero,” Agad na natulala si Gordon.“Mr. Fields, kakatapos lang po ni Gordon na mag breakthrough sa level ng training niya. Nag aadjust pa po siguro siya. Hayaan niyo po ako na makipaglaban sa batang ito!” Ang mungkahi ng isa pang lalaki.“Hindi na! May kakaiba sa batang ito. Ako na mismo ang gagawa nito! Ayaw kong hayaan kayo na lumaba
“Pero wala kang true energy, kaya isang tao ka lang na nagsanay ng external power! Pero, malakas lang ang external power, hindi ito tatagal. Tingnan natin kung ano ang itatagal mo laban dito!” Ngumisi si Theodore, nagdesisyon siya na si Leon ay isang manlalaban na sinanay ang external power dahil walang pinapakita na true energy si Leon.Hindi pa nakarinig si Theodore ng kahit sino na umabot sa Advanced Innate State gamit ang external power lang, at humahanga siya na makamit ang ganitong achievement. Gayunpaman, kung wala ang suporta ng true energy, ang external power ay hindi tatagal sa mga laban at dahil medyo mas mahina si Leon kay Theodore, sigurado si Theodore na matatalo niya si Leon.Tulad ng inaasahan, namutla si Leon at umatras siya sa walang tigil na mga atake ni Theodore.“Tapos na, bata! Maghanda ka!” Nang makita ang pagkakataon, sumuntok si Theodore papunta sa dibdib ni Leon ng may bilis na parang kidlat, alam niya na magiging malubha ang sugat ni Leon kahit na nakaligt
“Pfft!” Umubo ng dugo si Theodore at lumipad siya palayo.Nabigla si Gordon at ang ibang mga tauhan niya, pati na rin si Gilbert na siyang inobserbahan ang sitwasyon mula sa malayo.Si Theodore ang isa sa pinaka talentadong martial artist sa mga tao sa edad niya at kahit na isa siyang playboy, halos walang kahit sino ang kayang lumaban sa kakayahan niya. Kahit na magtulungan sina Anson at Jacob upang labanan si Theodore, hindi sila mananalo, ngunit nagawa ni Leon na talunin at sugatan si Theodore.Napanganga si Gilbert. Base sa pagkakaalam niya tungkol kay Leon, akala niya ay isang walang kwentang ulila lang si Leon at hindi niya inaasahan na matalo ng lalaking ito si Theodore ng madali lang.Kung hindi kayang talunin ni Theodore si Leon, imposible na matalo nila Anson at Jason si Leon. Habang iniisip ito, tama lang na sabihin na si Leon ang nasa tuktok ng pinakabatang henerasyon ng mga martial artist.Nayanig ang paniniwala ni Gilbert habang pinanood niya si Leon na maging isang
“Leon, ang galing mo!” Masyadong nag aalala si Iris, at ngayon at nakapag relax na siya, hindi niya na maitago ang pagkasabik niya at niyakap niya si Leon.Si Theodore ang isa sa pinakamahusay na martial artist sa henerasyon nila at si Iris ay nabigla na makita na natalo ni Leon si Theodore.Bigla niyang napagtanto na si Leon ay mas malaki pang kakayahan kaysa sa inaasahan niya at nagkaroon siya ng mas malaking kumpiyansa na makasama si Leon. Kailangan ng konting oras, siguradong aaprubahan si Leon ng pamilya Young.Samantala, dumilim ang ekspresyon ni Gilbert habang humigpit ang kamao niya nang makita na ang anak niya ay yumakap kay Leon. Naalala niya na gumawa ng pabor si Leon para sa pamilya Young at pinigilan niya ang galit niya, bago siya tumalikod para umalis.Sina Leon at Iris ay walang alam sa presensya ni Gilbert at walang alam si leon tungkol sa sama ng loob ni Gilbert sa kanya. Kung napansin ni Leon ang ugali ni Gilbert sa kanya, hindi magiging magaan ang loob niya.“Ir