“Iris, wag kang mag alala. Magiging ayos lang ako. Magtiwala ka sa akin!” Pinagaan ni Leon ang loob ni Iris, bgo siya humakbang paharap.Tumahimik si Iris. Umabot na ang sitwasyon sa punto na hindi niya ito makokontrol at wala siyang magagawa kundi ang maniwala kay Leon.“Hindi mo siguro ito inaasahan, no? Nagtago ka sa likod ko at sinugatan ako, kaya nanatili ako sa kama ng higit sa kalahating buwan! Magdurusa ka ngayon dahil sa kahihiyan na binigay mo sa akin!” Tumingin ng masama si Gordon kay Leon.“Magpasalamat ka, matanda! Hinayaan kitang mabuhay at ito ang rason kung bakit nakatakas ka ng buhay! Hindi ka swerte ngayon!” Ang kalmadong sinabi ni Leon habang tumitig siya kay Gordon ng may mapagmataas na paraan.“Kalokohan! Mamamatay ka na, bata!” Nagalit si Gordon, sumugod siya kay Leon, ang kamao niya ay dinala niya papunta sa dibdib ni Leon.“Leon, mag ingat ka!” Ang sigaw ni Iris.Nang simulan ang training bilang isang martial artist, naramdaman niya kung gaano kalakas ang
Gayunpaman, kung kaya ni Leon na talunin si Gordon, na siyang nasa Advance Innate State, imposible na ang power level ni Leon ay nasa Initial Innate State.“Mr. Fields, sigurado ako na siya ay nasa Initial Innate State bago pa ito! May ginawa siguro siya na kakaibang bagay.” Tumingin ng masama si Gordon kay Leon. Natikman niya na ang pagiging tuso ni Leon noon at ang hinala niya ay may ginagawang mga trick si Leon, kung hindi ay hindi matatalo ni Leon si Gordon ng sobrang dali.“Tama na! Dalawa kayong nasa isang laban, kaya anong mga trick ang pwede niyang gamitin? Kahit na ginawa niya ito, nakita namin dapat ito!” Ang naiinip na sigaw ni Theodore.“Pero,” Agad na natulala si Gordon.“Mr. Fields, kakatapos lang po ni Gordon na mag breakthrough sa level ng training niya. Nag aadjust pa po siguro siya. Hayaan niyo po ako na makipaglaban sa batang ito!” Ang mungkahi ng isa pang lalaki.“Hindi na! May kakaiba sa batang ito. Ako na mismo ang gagawa nito! Ayaw kong hayaan kayo na lumaba
“Pero wala kang true energy, kaya isang tao ka lang na nagsanay ng external power! Pero, malakas lang ang external power, hindi ito tatagal. Tingnan natin kung ano ang itatagal mo laban dito!” Ngumisi si Theodore, nagdesisyon siya na si Leon ay isang manlalaban na sinanay ang external power dahil walang pinapakita na true energy si Leon.Hindi pa nakarinig si Theodore ng kahit sino na umabot sa Advanced Innate State gamit ang external power lang, at humahanga siya na makamit ang ganitong achievement. Gayunpaman, kung wala ang suporta ng true energy, ang external power ay hindi tatagal sa mga laban at dahil medyo mas mahina si Leon kay Theodore, sigurado si Theodore na matatalo niya si Leon.Tulad ng inaasahan, namutla si Leon at umatras siya sa walang tigil na mga atake ni Theodore.“Tapos na, bata! Maghanda ka!” Nang makita ang pagkakataon, sumuntok si Theodore papunta sa dibdib ni Leon ng may bilis na parang kidlat, alam niya na magiging malubha ang sugat ni Leon kahit na nakaligt
“Pfft!” Umubo ng dugo si Theodore at lumipad siya palayo.Nabigla si Gordon at ang ibang mga tauhan niya, pati na rin si Gilbert na siyang inobserbahan ang sitwasyon mula sa malayo.Si Theodore ang isa sa pinaka talentadong martial artist sa mga tao sa edad niya at kahit na isa siyang playboy, halos walang kahit sino ang kayang lumaban sa kakayahan niya. Kahit na magtulungan sina Anson at Jacob upang labanan si Theodore, hindi sila mananalo, ngunit nagawa ni Leon na talunin at sugatan si Theodore.Napanganga si Gilbert. Base sa pagkakaalam niya tungkol kay Leon, akala niya ay isang walang kwentang ulila lang si Leon at hindi niya inaasahan na matalo ng lalaking ito si Theodore ng madali lang.Kung hindi kayang talunin ni Theodore si Leon, imposible na matalo nila Anson at Jason si Leon. Habang iniisip ito, tama lang na sabihin na si Leon ang nasa tuktok ng pinakabatang henerasyon ng mga martial artist.Nayanig ang paniniwala ni Gilbert habang pinanood niya si Leon na maging isang
“Leon, ang galing mo!” Masyadong nag aalala si Iris, at ngayon at nakapag relax na siya, hindi niya na maitago ang pagkasabik niya at niyakap niya si Leon.Si Theodore ang isa sa pinakamahusay na martial artist sa henerasyon nila at si Iris ay nabigla na makita na natalo ni Leon si Theodore.Bigla niyang napagtanto na si Leon ay mas malaki pang kakayahan kaysa sa inaasahan niya at nagkaroon siya ng mas malaking kumpiyansa na makasama si Leon. Kailangan ng konting oras, siguradong aaprubahan si Leon ng pamilya Young.Samantala, dumilim ang ekspresyon ni Gilbert habang humigpit ang kamao niya nang makita na ang anak niya ay yumakap kay Leon. Naalala niya na gumawa ng pabor si Leon para sa pamilya Young at pinigilan niya ang galit niya, bago siya tumalikod para umalis.Sina Leon at Iris ay walang alam sa presensya ni Gilbert at walang alam si leon tungkol sa sama ng loob ni Gilbert sa kanya. Kung napansin ni Leon ang ugali ni Gilbert sa kanya, hindi magiging magaan ang loob niya.“Ir
Ang kalmadong sinabi ni Irisi.Dahil pumayag na siyang maging girlfriend ni Leon, walang rason para itago ang relasyon niya at nagdesisyon siya na sabihin ang katotohanan kay Ashwin upang pigilan ito sa pagrereklamo tungkol kay Leon.“Ano? Boyfriend niyo siya? Paano, paano ito nangyari?!” Nayanig ang puso ni Ashwin, napahinto siya.Si Ashwin ang isa sa pinaka tapat na manliligaw ni Iris na sinubukang hulihin ang puso ni Iris ng higit sa dalawang taon. Akala niya ay mahuhulog para sa kanya si Iris sa huli basta’t nagpatuloy siya sa panliligaw, ngunit nalaman niya na ang pangarap na babae niya ay inagaw ni Leon.Galit na galit talaga siya.“Ms. Young, niloko niya ba kayo para gawin ito? Alam niyo naman ang background niya. Isa siyang ulila na walang naiwan na kahit anong ari arian sa pangalan niya. Kinasal pa siya noon! Isa siyang walang kwentang lalaki, kaya paano siya naging nararapat para sayo?” Ang balisa na tanong ni Ashwin.Kung si Leon ay isang miyembro ng makapangyarihang p
Namula si Iris at tumango siya. Si Ariel ang bestfriend niya at wala siyang nakita na punto na itago ang relasyon niya kay Leon.“Ano?” Nabigla si Ariel. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay kahit na narinig niya ang pag uusap sa labas ng pinto, nanginig pa rin ang puso niya nang marinig niya ito mula kay Iris.“Ito ba ay dahil niligtas ni Leon ang buhay mo noon?” Ang tanong ni Arel.“Isang parte na ito, oo. Nagsimula akong magkagusto sa kanya noong binuwis niya ang buhay niya para iligtas ako at pagkatapos ng lahat ng pinag daanan namin, napagtanto ko na isa siyang mabuting lalaki at unti-unti akong nahulog para sa kanya.” Ang sabi ni Iris.Naisip niya ang lahat ng alaala sa pagitan nila ni Leon, mula sa unang beses na nagkakilala sila, hanggang sa oras na nagtapat ng pag ibig sa kanya si Leon at naghalikan sila noong nakaraang dalawang araw. Ang lahat ng matamis na alaala nila ay nagbigay init sa puso niya.“Iris, hindi naman sa nagsasabi ako ng masa tungkol kay Leon, pero hindi ka
“Salamat. Sana ay mahanap mo rin ang taong mamahalin mo,” Ang sabi ni Iris ng nakangiti.“May malaking parte ang tadhana sa ganitong mga bagay. Hindi madali para humanap ng isang tao.” Ang bulong ni Ariel, ang isip niya ay puno ng mga imahe ng mukha ni Leon at mga alaala ng pagligtas nito sa kanya noon.Maraming taon ang hinintay niya at nahanap niya na ang lalaking gusto niya, at ang lalaking ito ay naging boyfriend ng bestfriend niya. Hindi mapigilan ni Ariel na isiping nilalait siya ng tadhana.Nang mapansin ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Ariel, tinanong ni Iris, “Ariel, anong problema? Ano ang iniisip mo?”“Ah, wala. Iniisip ko lang ang tungkol sa trabaho. Bumalik na tayo sa trabaho.” Umiyak si Ariel at binago niya ang pinag uusapan.…Samantala, umalis ng opisina si Leon at dumating siya sa Blue Moon Bar. Dahil ito ang teritoryo ni Mason, ang mga tauhan ni Mason ay agad na dinala si leon sa backstage para makita si Mason.“Mr. Wolf, ano ang ginagawa niyo dito?” Nabigl