“Salamat. Sana ay mahanap mo rin ang taong mamahalin mo,” Ang sabi ni Iris ng nakangiti.“May malaking parte ang tadhana sa ganitong mga bagay. Hindi madali para humanap ng isang tao.” Ang bulong ni Ariel, ang isip niya ay puno ng mga imahe ng mukha ni Leon at mga alaala ng pagligtas nito sa kanya noon.Maraming taon ang hinintay niya at nahanap niya na ang lalaking gusto niya, at ang lalaking ito ay naging boyfriend ng bestfriend niya. Hindi mapigilan ni Ariel na isiping nilalait siya ng tadhana.Nang mapansin ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Ariel, tinanong ni Iris, “Ariel, anong problema? Ano ang iniisip mo?”“Ah, wala. Iniisip ko lang ang tungkol sa trabaho. Bumalik na tayo sa trabaho.” Umiyak si Ariel at binago niya ang pinag uusapan.…Samantala, umalis ng opisina si Leon at dumating siya sa Blue Moon Bar. Dahil ito ang teritoryo ni Mason, ang mga tauhan ni Mason ay agad na dinala si leon sa backstage para makita si Mason.“Mr. Wolf, ano ang ginagawa niyo dito?” Nabigl
Dahil ang unang batch ng Energy Nurturing Pills ay limitado, maraming mga pamilya ang umuwi ng walang dala at alam ni Mason na wala siyang laban kahit na inimbita siya sa ceremony. Nabalitaan niya na nagawa ni Fane na bumili ng maraming Energy Nurturing Pills, ngunit dahil hindi na nagtatrabaho si Mason para sa Southern King, wala na rin siyang paraan para makuha ang pills mula sa Southern King.Ang tanging pag asa ni Mason ay ang maghintay bago ang second batch ng Energy Nurturing Pills ay ma-produce upang may pagkakataon siyang bilhin ang mga ito.“Wag kang mag alala. Nag reserve ako para sayo!” Ang sabi ni Leon, bago niya binigay kay Mason ang isang flask ng Energy Nurturing Pills.“Mr. Wolf, ano ito? Ang Energy Nurturing Pill?” Binuksan ni Mason ang flask at tumitig siya sa puting mga pills sa loob habang nabighani siya.Tumango si Leon. “Oo, tama. May total na one hundred pills sa loob. Inihanda ko ito para sayo.”Binigyan ni Cynthia si Leon ng five hundred Energy Nurturing P
Sa pananaw ni Vincent, gumastos si Fane ng milyon-milyon para sa isang bagay na walang kwenta at na ginastos ni Fane ng lahat ng perang ito para sa wala.“Dad, wag muna kayong magalit. Hayaan niyo akong matapos. Sinabi ko na sa inyo na ang Energy Nurturing Pills ng Cynthion Group ay maganda ang epekto. Ang lahat ng pamilya na inimbita sa ceremony ay nag aagawan para sa pills at ako lang ang nagawang bumili bago pa bumili ang iba dahil maaga itong sinabi ni Mr. Wolf sa akin.” Ang paliwanag ni Fane.“Sinasabi mo na ang ibang mga pamilya ay nag aagawan sa pills? Talaga?” Nabigla si Vincent.“Totoo ito! Pwede niyo silang tanungin kung hindi kayo naniniwala sa akin!” Tumuro si Fane sa mga tauhan na sumunod sa kanya sa ceremony.“Sir, totoo po ito. Nagaagawan po ang lahat para sa pagkakataon na bumili ng Energy Nurturing Pills ata ng ilan pa po sa mga pamilya ay muntik nang makipag laban para sa first-grade Energy Pills. Salamat sa pagiging matalas ni Mr. Fane, nagawa niyang makuha ang m
“Akala ko ay masyado kang bata at walang pag iingat para maging independent, pero base sa magandang nagawa mo ngayon, mukhang matalas ka talaga. Hindi mo ako nabigo!” Tinapik ni Vincent ang anak niya sa balikat.Ngumiti ng kuntento si Fane sa pag abruba sa kanya ng tatay niya.Samantala, sa Young Mansion.Si Elder Young ay nag memeditate sa yard nang bumalik si Gilbert sa bahay habang may madilim na ekspresyon sa kanyang mukha.“Gilbert, welcome home! So, ano ang binabalak ng mga Shear?” Ang tanong ni Elder Young.“Tiningnan ko na ito, Dad, at ang lahat ng sinabi ng mga Shear ay totoo. Ang Energy Nurturing Pills ay gumagana ng mas mabuti kaysa sa inaasahan.” Huminga ng malalim si Gilbert para pigilan ang inis na nasa loob niya, bago niya inilarawan ang lahat ng nangyari sa ceremony, kasama na ang breakthrough ni Gordon sa training nito.“So, sinasabi mo na hindi lang sa ang pills ay nagpapabilis ng proseso ng pag level-up, nakakatulong pa ito sa mga martial artist upang lumagpas
Kasama na ang Elegante Group, ang pamilya Young ay ang magagawang umangat sa tuktok ng Springfield City.Ito ang pinakamalaking ambisyon ng pamilya Young at ng ibang mga pamilya.Ang hindi alam ni Elder Young at ni Gilbert, ang taong nag produce ng mga alchemical pills ay si Leon.Si Leon mismo ay hindi inaasahan ang ganitong tagumpay. Gusto niya lang kumita mula sa pagbebenta ng mga pills, hindi niya napagtanto na ang mga pills ay isang malaking elemento ng kapangyarihan sa mata ng mga major family sa Springfield City. Kung alam niya lang na ang pamilya Young ay binigyan ng malaking kahalagahan ang Energy Nurturing Pills, sa kanila na lang sana siya nakipag tulungan at ginamit ito siguraduhin ang relasyon niya kay Iris.Mula sa pananaw ng iba, hindi rin maituturing na masamang bagay na pinili ni Leon na makipag tulungan sa pamilya Shear. Sa kanya na ang Cynthion Group at magkakaroon siya ng magandang kinabukasan ngayon at may sarili na siyang business, sa halip na umaasa sa pamily
“Bakit naman natin ito gagawin?” Tumingin si Elder Young kay Gilbert ng nagtataka.Nalito si Gilbert, sinabi niya, “Dad, isang ulila lang si Leon, wala siyang suporta ng isang makapangyarihang pamilya at kinasal na siya noon. Hindi siya nararapat para kay Iris! Hindi natin pwede hayaan na magsama sila ni Iris!”“Ang lahat ng mga bayani ay nagsisimula sa wala! Kung kaya niyang umakyat sa tuktok, bakit mahalaga kung isang ulila siya? Para naman sa pagiging kasal niya noon, hindi ito malaking bagay sa panahon ngayon!” Ang kalmadong sinabi ni Elder Young.“Pero—” Nabigla si Gilbert dahil hindi niya inaasahan na ang tatay niya ay papayag sa relasyon.“Tama na! Wala siyang mga karibal na martial artist sa edad niya. Ikaw na mismo ang nagsabi. Kung kaya niya yun, pwede natin siya bigyan ng pagkakataon.” Ang sabi ni Elder Young, bago sumingkit ang mga mata niya sa damo sa likod nila. “Sinong nandyan?”“Ako po ito. Nag aalala ako na mauhaw po kayo, kaya nagdala po ako ng tsaa.” Lumapit si
“So, sinusubukan niyang patayin ang kahit anong mga witness?!” Nagbago ang ekspresyon ni Gilbert, agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ng asawa niya.Kahit si Elder Young, na siyang laging mahinahon, ay nawala ang pagiging mahinahon. Hinampas niya ang upuan at tumayo siya ng may madilim na ekspresyon sa mukha niya, “Daisy, sinasabi mo ba na ang naganap na pagkidnap kay Iris ay may kinalaman kay Leon?”“Hindi ko alam, naisip ko lang na kahinahinala ang mga kilos ni Leon. Pero, hindi ko masasabi na ang pagkidnap kay Iris ay may kinalaman sa kanya,” Ang malabong sinabi ni Daisy.“Dad, maraming mga bagay na napatunayan na ito ay may kinalaman sa kanya! Baka siya pa ang mastermind sa likod ng pagkidnap kay Iris!” Ang galit na sigaw ni Gilbert.“Hindi naman siguro? Niligtas niya pa ang buhay ko noon. Kung siya ang mastermind sa likod ng lahat at gusto niyang saktan si Iris o ang pamilya natin, bakit niya ako ililigtas?” Ang sabi ni Elder Young na hindi sigurado.Habanag iniisip kun
Sa Elegante, pumunta si Leon sa opisina ni Iris noong bumalik siya sa kumpanya. Nagkataon na nakita niya si Iris na nagliligpit ng dokumento at naghahanda na umalis.“Iris, hindi ba’t masyadong maaga para umalis ka ng trabaho? Bakit nagliligpit ka na?” Ang interesadong tanong ni Leon.“Ah, tumawag ang lolo ko sa akin. Sinabi niya na may mahalaga siyang kailangan sabihin sa akin, at sinabi niya na umuwi ako,” Ang maikling paliwanag ni Iris.“Anong mahalaga? Bakit ito importante?” Ang tanong ni Leon.“Ano sa tingin mo? Ito siguro ay dahil sa relasyon natin. Kung hindi, wala na sigurong ibang bagay.” Gumulong ang mga mata ni Iris kay Leon at namula ang mukha niya.Noong sila ay nasa opening ceremony ng Cynthion Group nitong hapon, medyo naging malapit siya kay Leon, at nagkataon na nakita ito ng tatay niya.Naisip ni Iris na ang hula ni Gilbert ay magkasintahan na sila ni Leon, at sinabi din siguro ito ni Gilbert kay Elder Young. Yun ang rason kung bakit tinawag siya ni Elder Young