Sa pananaw ni Vincent, gumastos si Fane ng milyon-milyon para sa isang bagay na walang kwenta at na ginastos ni Fane ng lahat ng perang ito para sa wala.“Dad, wag muna kayong magalit. Hayaan niyo akong matapos. Sinabi ko na sa inyo na ang Energy Nurturing Pills ng Cynthion Group ay maganda ang epekto. Ang lahat ng pamilya na inimbita sa ceremony ay nag aagawan para sa pills at ako lang ang nagawang bumili bago pa bumili ang iba dahil maaga itong sinabi ni Mr. Wolf sa akin.” Ang paliwanag ni Fane.“Sinasabi mo na ang ibang mga pamilya ay nag aagawan sa pills? Talaga?” Nabigla si Vincent.“Totoo ito! Pwede niyo silang tanungin kung hindi kayo naniniwala sa akin!” Tumuro si Fane sa mga tauhan na sumunod sa kanya sa ceremony.“Sir, totoo po ito. Nagaagawan po ang lahat para sa pagkakataon na bumili ng Energy Nurturing Pills ata ng ilan pa po sa mga pamilya ay muntik nang makipag laban para sa first-grade Energy Pills. Salamat sa pagiging matalas ni Mr. Fane, nagawa niyang makuha ang m
“Akala ko ay masyado kang bata at walang pag iingat para maging independent, pero base sa magandang nagawa mo ngayon, mukhang matalas ka talaga. Hindi mo ako nabigo!” Tinapik ni Vincent ang anak niya sa balikat.Ngumiti ng kuntento si Fane sa pag abruba sa kanya ng tatay niya.Samantala, sa Young Mansion.Si Elder Young ay nag memeditate sa yard nang bumalik si Gilbert sa bahay habang may madilim na ekspresyon sa kanyang mukha.“Gilbert, welcome home! So, ano ang binabalak ng mga Shear?” Ang tanong ni Elder Young.“Tiningnan ko na ito, Dad, at ang lahat ng sinabi ng mga Shear ay totoo. Ang Energy Nurturing Pills ay gumagana ng mas mabuti kaysa sa inaasahan.” Huminga ng malalim si Gilbert para pigilan ang inis na nasa loob niya, bago niya inilarawan ang lahat ng nangyari sa ceremony, kasama na ang breakthrough ni Gordon sa training nito.“So, sinasabi mo na hindi lang sa ang pills ay nagpapabilis ng proseso ng pag level-up, nakakatulong pa ito sa mga martial artist upang lumagpas
Kasama na ang Elegante Group, ang pamilya Young ay ang magagawang umangat sa tuktok ng Springfield City.Ito ang pinakamalaking ambisyon ng pamilya Young at ng ibang mga pamilya.Ang hindi alam ni Elder Young at ni Gilbert, ang taong nag produce ng mga alchemical pills ay si Leon.Si Leon mismo ay hindi inaasahan ang ganitong tagumpay. Gusto niya lang kumita mula sa pagbebenta ng mga pills, hindi niya napagtanto na ang mga pills ay isang malaking elemento ng kapangyarihan sa mata ng mga major family sa Springfield City. Kung alam niya lang na ang pamilya Young ay binigyan ng malaking kahalagahan ang Energy Nurturing Pills, sa kanila na lang sana siya nakipag tulungan at ginamit ito siguraduhin ang relasyon niya kay Iris.Mula sa pananaw ng iba, hindi rin maituturing na masamang bagay na pinili ni Leon na makipag tulungan sa pamilya Shear. Sa kanya na ang Cynthion Group at magkakaroon siya ng magandang kinabukasan ngayon at may sarili na siyang business, sa halip na umaasa sa pamily
“Bakit naman natin ito gagawin?” Tumingin si Elder Young kay Gilbert ng nagtataka.Nalito si Gilbert, sinabi niya, “Dad, isang ulila lang si Leon, wala siyang suporta ng isang makapangyarihang pamilya at kinasal na siya noon. Hindi siya nararapat para kay Iris! Hindi natin pwede hayaan na magsama sila ni Iris!”“Ang lahat ng mga bayani ay nagsisimula sa wala! Kung kaya niyang umakyat sa tuktok, bakit mahalaga kung isang ulila siya? Para naman sa pagiging kasal niya noon, hindi ito malaking bagay sa panahon ngayon!” Ang kalmadong sinabi ni Elder Young.“Pero—” Nabigla si Gilbert dahil hindi niya inaasahan na ang tatay niya ay papayag sa relasyon.“Tama na! Wala siyang mga karibal na martial artist sa edad niya. Ikaw na mismo ang nagsabi. Kung kaya niya yun, pwede natin siya bigyan ng pagkakataon.” Ang sabi ni Elder Young, bago sumingkit ang mga mata niya sa damo sa likod nila. “Sinong nandyan?”“Ako po ito. Nag aalala ako na mauhaw po kayo, kaya nagdala po ako ng tsaa.” Lumapit si
“So, sinusubukan niyang patayin ang kahit anong mga witness?!” Nagbago ang ekspresyon ni Gilbert, agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ng asawa niya.Kahit si Elder Young, na siyang laging mahinahon, ay nawala ang pagiging mahinahon. Hinampas niya ang upuan at tumayo siya ng may madilim na ekspresyon sa mukha niya, “Daisy, sinasabi mo ba na ang naganap na pagkidnap kay Iris ay may kinalaman kay Leon?”“Hindi ko alam, naisip ko lang na kahinahinala ang mga kilos ni Leon. Pero, hindi ko masasabi na ang pagkidnap kay Iris ay may kinalaman sa kanya,” Ang malabong sinabi ni Daisy.“Dad, maraming mga bagay na napatunayan na ito ay may kinalaman sa kanya! Baka siya pa ang mastermind sa likod ng pagkidnap kay Iris!” Ang galit na sigaw ni Gilbert.“Hindi naman siguro? Niligtas niya pa ang buhay ko noon. Kung siya ang mastermind sa likod ng lahat at gusto niyang saktan si Iris o ang pamilya natin, bakit niya ako ililigtas?” Ang sabi ni Elder Young na hindi sigurado.Habanag iniisip kun
Sa Elegante, pumunta si Leon sa opisina ni Iris noong bumalik siya sa kumpanya. Nagkataon na nakita niya si Iris na nagliligpit ng dokumento at naghahanda na umalis.“Iris, hindi ba’t masyadong maaga para umalis ka ng trabaho? Bakit nagliligpit ka na?” Ang interesadong tanong ni Leon.“Ah, tumawag ang lolo ko sa akin. Sinabi niya na may mahalaga siyang kailangan sabihin sa akin, at sinabi niya na umuwi ako,” Ang maikling paliwanag ni Iris.“Anong mahalaga? Bakit ito importante?” Ang tanong ni Leon.“Ano sa tingin mo? Ito siguro ay dahil sa relasyon natin. Kung hindi, wala na sigurong ibang bagay.” Gumulong ang mga mata ni Iris kay Leon at namula ang mukha niya.Noong sila ay nasa opening ceremony ng Cynthion Group nitong hapon, medyo naging malapit siya kay Leon, at nagkataon na nakita ito ng tatay niya.Naisip ni Iris na ang hula ni Gilbert ay magkasintahan na sila ni Leon, at sinabi din siguro ito ni Gilbert kay Elder Young. Yun ang rason kung bakit tinawag siya ni Elder Young
“Oo, tama ka! Kung siya man ang mastermind ng pagkidnap kay Iris o hindi, hindi natin pwede hayaan na makasama niya si Iris dahil masama ang mga intensyon niya!” Ang sabi ni Elder Young ng may mabigat na tono. May kinang sa kanyang mga mata.Plano niya noon na bigyan ng pagkakataon si Leon para sa apo niya, ngunit nagbago na ang intensyon niya sa sandaling ito!…Dumating si Leon sa manor kasama si Iris.Kahit na pumunta na siya noon dito, ito pa rin ang unang beses na bibisitahin niya sina Elder Young at Gilbert bilang boyfriend ni Iris, kaya medyo balisa siya.Sa loob ng sala, hindi inaasahan ni Edler Young na dumating si Iris kasama si Leon. Nabigla sila ni Gilbert.Gayunpaman, tama lang ito sa intensyon nila.Ang parehong partido ay may chansa para ipakita ang meron sila, upang wala nang problema sa susunod!“Elder Young, Mr. Young, naghanda po ako ng mga regalo para sa inyo. Ito po ay four hundred na first-grade Energy Nurturing Pills. Sana po ay magustuhan niyo ang mga it
Kalmado si Elder Young habang sumenyas siya kay Gilbert na ibalik ang pills kay Leon.“Yun ay…” Natulala si Leon.Alam niya na ang mga Young ay kailangan ng Energy Nurturing Pills, kaya sinasadya niyang maghanda ng regalo. Hindi niya inaasahan na tatanggihan siya ni Elder Young.“Grandpa, ginagawa ito ni Leon dahil sa kabaitan ng puso niya, bakit niyo siya tinanggihan?” Hindi mapigilan ni Iris na magtanong.“Iris, sinabi na ng tatay mo sa akin ang tungkol sa inyo ni Leon. Sabihin mo sa akin ng totoo, magkasintahan ba kayong dalawa?” Ang sabi ni Elder Young ng may mabigat na tono.Namula si Iris at umamin siya, “Opo, tama. Boyfriend ko na po siya ngayon…”“Hindi, hindi kami sang ayon dito ng lolo mo!” Tumayo si Gilbert at tumanggi siya ng galit.“Grandpa, hindi rin po ba kayo sang ayon dito?” Nabigla si Iris habang tumingin siya kay Elder Young ng nagmamakaawa.Alam niya na mahal na mahal siya ni Elder Young. Para sa kanya, bibigyan ni Elder Young si Leon ng isang pagkakataon.