Kasama na ang Elegante Group, ang pamilya Young ay ang magagawang umangat sa tuktok ng Springfield City.Ito ang pinakamalaking ambisyon ng pamilya Young at ng ibang mga pamilya.Ang hindi alam ni Elder Young at ni Gilbert, ang taong nag produce ng mga alchemical pills ay si Leon.Si Leon mismo ay hindi inaasahan ang ganitong tagumpay. Gusto niya lang kumita mula sa pagbebenta ng mga pills, hindi niya napagtanto na ang mga pills ay isang malaking elemento ng kapangyarihan sa mata ng mga major family sa Springfield City. Kung alam niya lang na ang pamilya Young ay binigyan ng malaking kahalagahan ang Energy Nurturing Pills, sa kanila na lang sana siya nakipag tulungan at ginamit ito siguraduhin ang relasyon niya kay Iris.Mula sa pananaw ng iba, hindi rin maituturing na masamang bagay na pinili ni Leon na makipag tulungan sa pamilya Shear. Sa kanya na ang Cynthion Group at magkakaroon siya ng magandang kinabukasan ngayon at may sarili na siyang business, sa halip na umaasa sa pamily
“Bakit naman natin ito gagawin?” Tumingin si Elder Young kay Gilbert ng nagtataka.Nalito si Gilbert, sinabi niya, “Dad, isang ulila lang si Leon, wala siyang suporta ng isang makapangyarihang pamilya at kinasal na siya noon. Hindi siya nararapat para kay Iris! Hindi natin pwede hayaan na magsama sila ni Iris!”“Ang lahat ng mga bayani ay nagsisimula sa wala! Kung kaya niyang umakyat sa tuktok, bakit mahalaga kung isang ulila siya? Para naman sa pagiging kasal niya noon, hindi ito malaking bagay sa panahon ngayon!” Ang kalmadong sinabi ni Elder Young.“Pero—” Nabigla si Gilbert dahil hindi niya inaasahan na ang tatay niya ay papayag sa relasyon.“Tama na! Wala siyang mga karibal na martial artist sa edad niya. Ikaw na mismo ang nagsabi. Kung kaya niya yun, pwede natin siya bigyan ng pagkakataon.” Ang sabi ni Elder Young, bago sumingkit ang mga mata niya sa damo sa likod nila. “Sinong nandyan?”“Ako po ito. Nag aalala ako na mauhaw po kayo, kaya nagdala po ako ng tsaa.” Lumapit si
“So, sinusubukan niyang patayin ang kahit anong mga witness?!” Nagbago ang ekspresyon ni Gilbert, agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ng asawa niya.Kahit si Elder Young, na siyang laging mahinahon, ay nawala ang pagiging mahinahon. Hinampas niya ang upuan at tumayo siya ng may madilim na ekspresyon sa mukha niya, “Daisy, sinasabi mo ba na ang naganap na pagkidnap kay Iris ay may kinalaman kay Leon?”“Hindi ko alam, naisip ko lang na kahinahinala ang mga kilos ni Leon. Pero, hindi ko masasabi na ang pagkidnap kay Iris ay may kinalaman sa kanya,” Ang malabong sinabi ni Daisy.“Dad, maraming mga bagay na napatunayan na ito ay may kinalaman sa kanya! Baka siya pa ang mastermind sa likod ng pagkidnap kay Iris!” Ang galit na sigaw ni Gilbert.“Hindi naman siguro? Niligtas niya pa ang buhay ko noon. Kung siya ang mastermind sa likod ng lahat at gusto niyang saktan si Iris o ang pamilya natin, bakit niya ako ililigtas?” Ang sabi ni Elder Young na hindi sigurado.Habanag iniisip kun
Sa Elegante, pumunta si Leon sa opisina ni Iris noong bumalik siya sa kumpanya. Nagkataon na nakita niya si Iris na nagliligpit ng dokumento at naghahanda na umalis.“Iris, hindi ba’t masyadong maaga para umalis ka ng trabaho? Bakit nagliligpit ka na?” Ang interesadong tanong ni Leon.“Ah, tumawag ang lolo ko sa akin. Sinabi niya na may mahalaga siyang kailangan sabihin sa akin, at sinabi niya na umuwi ako,” Ang maikling paliwanag ni Iris.“Anong mahalaga? Bakit ito importante?” Ang tanong ni Leon.“Ano sa tingin mo? Ito siguro ay dahil sa relasyon natin. Kung hindi, wala na sigurong ibang bagay.” Gumulong ang mga mata ni Iris kay Leon at namula ang mukha niya.Noong sila ay nasa opening ceremony ng Cynthion Group nitong hapon, medyo naging malapit siya kay Leon, at nagkataon na nakita ito ng tatay niya.Naisip ni Iris na ang hula ni Gilbert ay magkasintahan na sila ni Leon, at sinabi din siguro ito ni Gilbert kay Elder Young. Yun ang rason kung bakit tinawag siya ni Elder Young
“Oo, tama ka! Kung siya man ang mastermind ng pagkidnap kay Iris o hindi, hindi natin pwede hayaan na makasama niya si Iris dahil masama ang mga intensyon niya!” Ang sabi ni Elder Young ng may mabigat na tono. May kinang sa kanyang mga mata.Plano niya noon na bigyan ng pagkakataon si Leon para sa apo niya, ngunit nagbago na ang intensyon niya sa sandaling ito!…Dumating si Leon sa manor kasama si Iris.Kahit na pumunta na siya noon dito, ito pa rin ang unang beses na bibisitahin niya sina Elder Young at Gilbert bilang boyfriend ni Iris, kaya medyo balisa siya.Sa loob ng sala, hindi inaasahan ni Edler Young na dumating si Iris kasama si Leon. Nabigla sila ni Gilbert.Gayunpaman, tama lang ito sa intensyon nila.Ang parehong partido ay may chansa para ipakita ang meron sila, upang wala nang problema sa susunod!“Elder Young, Mr. Young, naghanda po ako ng mga regalo para sa inyo. Ito po ay four hundred na first-grade Energy Nurturing Pills. Sana po ay magustuhan niyo ang mga it
Kalmado si Elder Young habang sumenyas siya kay Gilbert na ibalik ang pills kay Leon.“Yun ay…” Natulala si Leon.Alam niya na ang mga Young ay kailangan ng Energy Nurturing Pills, kaya sinasadya niyang maghanda ng regalo. Hindi niya inaasahan na tatanggihan siya ni Elder Young.“Grandpa, ginagawa ito ni Leon dahil sa kabaitan ng puso niya, bakit niyo siya tinanggihan?” Hindi mapigilan ni Iris na magtanong.“Iris, sinabi na ng tatay mo sa akin ang tungkol sa inyo ni Leon. Sabihin mo sa akin ng totoo, magkasintahan ba kayong dalawa?” Ang sabi ni Elder Young ng may mabigat na tono.Namula si Iris at umamin siya, “Opo, tama. Boyfriend ko na po siya ngayon…”“Hindi, hindi kami sang ayon dito ng lolo mo!” Tumayo si Gilbert at tumanggi siya ng galit.“Grandpa, hindi rin po ba kayo sang ayon dito?” Nabigla si Iris habang tumingin siya kay Elder Young ng nagmamakaawa.Alam niya na mahal na mahal siya ni Elder Young. Para sa kanya, bibigyan ni Elder Young si Leon ng isang pagkakataon.
“Yun ay—” Walang masabi si Leon. Hindi niya inaasahan na iisipin ni Gilbert na siya ang mastermind sa lahat ng ito.Biglang walang siyang masabi, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sarili niya.“Tama! Leon, para iligtas ako, nagdesisyon ka na mamatay kasama ang mga kidnapper noon. May sapat na kakayahan ka, pero bakit kailangan mong gawin yun?” Nabigla si Iris, napagtanto niya na ngayon na may mali.Nasaksihan niya mismo ang kakayahan ni Leon. Walang problema si Leon na harapin ang ilang dosenang mga lalaki.Sa kakayahan ni Leon, ang dalawang kidnapper ay madali lang harapin. Bakit niya kailangan mamatay kasama nila?Pinepeke lang siguro ito ni Leon!Habang iniisip ito, ang tiwala ni Iris kay Leon ay nagsisimulang mayanig.“Iris, hindi ko alam ang kahit anong martial arts noon.” Gusto ni Leon na ipaliwanag ang sarili niya, ngunit hindi niya alam kung paano.“Wala kang alam na martial arts? Sinasabi mo ba sa akin, sa loob ng dalawa o tatlong buwan, nagawa mong umangat s
Ang lahat ng ito ay sapat para patunayan na may problema kay Leon!“Iris, hindi! Tapat ang mga nararamdaman ko para sayo. Pangako na wala akong makasariling intensyon sa kapangyarihan ng pamilya mo, atg hindi ko gustong gamitin ang mga Young.” Ang tapat na sinabi ni Leon.“Ganun? Bakit pala hindi mo hinuli ang mga kidnapper noong niligtas mo ako? Bakit mo sila pinatay para patahimikin sila?” Ang tanong ni Iris, kinagat niya ang mga labi niya. Magulo ang puso niya, at hindi niya alam kung dapat niya pagkatiwalaan si Leon.“Kakasabi ko lang kanina. Hindi ko alam ang martial arts noon. Isang himala na noon at nakaligtas ako. Paano ako magkakaroon ng kakayahan para mahuli sila?” Ang mapait na sinabi ni Leon.“Sige, sabihin na natni na naniniwala na hindi mo alam ang martial arts noon. Paanong biglang umunlad ng mabilis ang mga kakayahan mo? Biglang naging pambihira pa ang mga kakayahan mo. Ibang iba ito kumpara sa pagkakaalam ng lahat. Kaya mo ba itong ipaliwanag?” Ang tanong ni Iris h