”Ginoo, Inaamin ko sayo, alam kong ako ang nasa mali… Nagmamakaawa ako sayo. Pakiusap iligtas mo ang akin grandpa! Pinapangako ko na ako ang papasan ng responsibilidad! Hindi kita sisisihin kung hindi mo siya mapapagaling…”Kinagat ni Jenson ang kanyang ngipin at lumuhod sa harap ni Leon.“Anong ginagawa mo? Tumayo ka…”Nabigla si Leon at nagmamadaling inabot si Jenson para tulungang tumayo.“Hindi, Hindi ako tatayo hanggang di ka pumapayag” pinagpipilitan ni Jenson.“Pero…”Pakiramdam ni Leon ay nailagay siya sa masikip na pwesto. Gusto niya mag-oo ngunit hindi siya kumpiyansa kung makakatulong siya.Pakiramdam niya na hirap siyang tumanggi, dahil nakikita niya ang sinseridad ni Jenson at isa sa mga iilang tao na nagpapakita ng pagmamahal sa pamilya.“Sige, sige, gagawin ko ang aking makakaya…” bumuntong-hininga si Leon at napilitang pumayag.“Salamat, maraming salamat…” naging emosyonal si Jenson at pinasalamatan si Leon ng paulit-ulit bago tumayo.Sumunod si Leon kay Jenso
Sa kabilang banda, nakaupo na pakrus si Leon sa lupa at gumagamit ng spiritual energy sa paglagay ng presyon, ang hindi nakikitang spiritual energy ay nagsimulang dumaloy sa katawan ni Bernard galing sa mga daliri ni Leon.Dahil napakaseryoso ng kondisyon ng matanda, maraming ginamit na energy si Leon.Sa loob lang ng ilang segundo, nagsimula siyang pagpawisan ng malakas at namutla ang kanyang mukha, nanghina rin ang kanyang katawan at malapit ng bumigay ang kanyang katawan.Nang makita nila ang eksenang iyon, ang mga nanonood ay hindi maiwasang kabahan, kahit hindi nila alam kung ano ang ginagawa ni Leon, alam nilang nahihirapan siya sa kanyang ginagawa.“Mister Wick, nakikita mong malapit ng himatayin ang binata! Hindi niya maililigtas ang iyong lolo! Kapag nagpatuloy pa ito, siguradong mamatay ang matanda! Minumungkahi kong ipadala ang matanda sa ospital sa mabilis na panahon, sa kaalamang mayroon ako, kaya ko siyang iligtas basta makita ang sakit niya gamit ang mga medikal na
Mayroong bugso ng mainit na palakpakan, at ang ang umuugong na kapaligiran ay nakakahawa ng sobra na lahat ng taong nanonood ay sumunod at pumalakpak. Maliban sa pagkakagulat sa kamangha-manghang medikal na abilidad ni Leon, naantig ang kanilang mga puso sa kagitingan ni Leon at kagustuhan niyang mailigtas ang matanda.“Iyon ang tamang gawain…” nahihiyang ngumiti si Leon. Ang tanging ginawa niya lamang ay ang kanyang makakaya. Hindi niya inasahang makakuha ng papuri at pagkilala sa lahat.“Pagod na pagod siya, mayroon ba kayo diyan tubig?” Tanong ni Bernard sa mga tao.“Ako meron…”Isang dalaga ang nagabot sa kanila ng bote ng mineral water.Alam ni Jenson na naubos ang lakas ni Leon, kaya’t binuksan niya ang bote at binigay ito kay Leon.“Gulp… Gulp…” Nainom ni Leon ang kalahati ng bote ng isang hingahan. Sinara niya ang kanyang mga mata at sinimulan niyang paikutin ang natitira niyang spiritual energy sa kanyang katawan para maayos ang kanyang paghinga.Makalipas ang ilang sag
”Elder Wick, kung magsasabi ako ng totoo, ang iyong myocarditis ay hindi tuluyang nagamot limang taon na ang nakalipas, at nagiwan ng nakatagong problema sa iyong kalusugan, itong mga problema na ito ang dahilan kung bakit bigla ka nagkaroon ng sakit sa puso! Hindi ito coronary heart disease!” Paliwanag ni Leon.Naliwanagan si Bernard. “Ganun ba, kaya mo ba akong pagalingin?”“Oo, nang ginamot kita gamit ang pressure point treatment kanina, ang lahat ng nakatagong problema sa kalusugan mo ay natanggal na. Bibigyan kita ng prescription. Gagaling ng tuluyan ang iyong kondisyon kapag ininom mo ito ng isang linggo.”Sumenyas si Bernard sa bodyguard para kumuha ng panulat at papel. Sinulat ni Leon ang prescription at binigay ito sa matanda.“Maraming salamat sa iyong kabutihan, binata. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang kabutihan mo… Ito, kunin mo ang cheke na ito. Isa lamang maliit na regalo bilang pasasalamat. Pwede mo na ring kunin ito bilang bayad sa konsultasyon. Pakiusap
Kahit si Hilmar ay hindi eksepsyon dito. Nawala ang galit niya kay Leon kanina at naging paghanga ito sa pambihirang medical skills at ethics ni Leon.Pagkatapos magdalawang isip ng ilang sandali, lumapit siya kay Leon at yumuko siya. “Mister Wolf, paulit ulit kong kinwestyon ang medical skills mo at gusto kong humingi ng tawad sa kawalang galang ko! Kahit kailan ay hindi ako naniwala sa alternative medicine, at naniwala ako na walang kwenta ito kumpara sa modern medicine. Tinuruan mo ako ng leksyon ngayong araw, at natuto ako ng marami mula sayo, kaya maraming salamat!”“Masyadong mataas ang tingin mo sa akin, Doctor Schwabe. Isa kang kilalang doctor sa larangan ng medisina, at marami pa akong kailangan matutunan para maabot ang lebel mo,” Naging mapagkumbaba si Leon at hindi niya isinapuso ang mga ginawa ni Hilmar kanina.“Ito ang business card ko, Mister Wolf. Tawagan mo ako sa susunod kung kailangan mo ng tulong.”Nilabas ni Bernard ang business card niya at binigay niya ito ka
Pagkatapos umalis sa trabaho, sumakay ng motorsiklo si Leon papunta sa pinakamalaking tiangge sa Springfield City.Ayon sa mga record na nasa alaala na minana niya, may pattern na tinatawag na Energy Convergence Circle na pwedeng gamitin para iconcentrate ang spiritual energy ng isang tao. Nagpapabilis ito ng gathering at refinement ng kanyang spiritual energy, dahil pwedeng magmultipy ang refinement niya sa kaunting pagsisikap lang!Ang bundok sa likod ng villa ay puno ng spiritual energy, kaya plano ni Leon na gamitin ang Energy Convergence Circle sa bundok upang makita kung bibilis ang kanyang energy refinement.Gayunpaman, kailangan niya ng jade para magamit ang Energy Convergence Circle.Ang natural jade ay puno ng spiritual energy, at ang epekto ng Energy Convergence Circle ay lumalakas sa dami ng spiritual energy sa loob ng jade.Pumunta si Leon sa tiangge para bumili ng ilang jade para isetup ang circle.…Sa labas ng Antique Flea Market, nagpark si Leon nang makita niya
”Makinig ka ng mabuti, Wolf. Isa itong babala! Lumayo ka na kay Marilyn! Kapag hinarass mo ulit siya, pangako ko na papatayin kita!” Ang babala ni Brody ng may madilim na ekspresyon sa kanyang mukha.Humigpit ang kamao ni Leon ngunit lumuwag agad ito.Mayaman ang mga Sullivan, at hindi sila ang tipo ng mga tao na dapat galitin. Dahil malayo pa si Leon sa pag abot ng tunay na kapangyarihan niya, ayaw niya muna makipaglaban kay Brody dahil mapapahamak lang siya.“Lumayas ka!” Suminghal ng malamig si Brody at lumuwag ang hawak niya sa kwelyo ni Leon.Hindi na nagsalita si Leon at tahimik siyang naglakad patungo sa tiangge.“Bakit mo siya hinayaan, babe? Bakit hindi mo siya binugbog? Walang kwenta si Leon at hindi niya na girlfriend si Iris. Iniwan na siya!” Ang sabi ni Marilyn ng hindi natutuwa.Sinampal siya ni Iris ng dalawang beses sa Civil Records Office noong nakaraan, at dahil alam niyang wala siyang kapangyarihan para maghiganti kay Iris, si Leon ang tanging paglalabasan niya
”Ikaw na naman, Wolf? Para kang isang lamok na ayaw lumayo sa amin! Binabalaan kita kanina na ‘wag mo nang harassin si Marilyn. Naghahanap ka ng gulo!” Nagalit si Brody at tumitig siya ng malupit kay Leon.“Walang humaharass sa kanya. Sinabi ko na sa inyo na bibili ako ng gamit. Hindi kayo makatwiran!” Tumingin ng malamig si Leon. Hindi niya inaasahan na makasalubong niya ang mga ito sa tiangge na isang malaking lugar.“Hindi ako naniniwala sa kalokohan mo! Pumunta ka dito sa oras na pumasok kami sa tindahan. HIndi pwedeng nagkataon lang ito! Bakit ka ba sunod ng sunod? Ito ba ay dahil ayaw ni Iris ng isang walang kwentang basura na tulad mo?” Tumingin si Marilyn kay Leon ng may panghahamak sa kanyang mukha.Umaasa sila ni Brody na makita nila ulit si Leon para maturuan nila ito ng leksyon, ngunit dahil sa pagsunod ni Leon sa kanya, halata na may masamang intensyon si Leon sa kanya!“Wala akong oras para makipaglaro sa inyo!”Hindi pinansin ni Leon sina Brody at Marilyn at dumire