”Ako na mismo ang gagawa nito!” Kinagat ni Brody ang ngipin niya at lumapit siya para gawin ang ginawa ni Leon kanina.Ang natitirang laki ng raw jade stone ay sapat pa rin para hiwain ng ilang beses, ngunit agad niyang ginamit ang makina para hiwain ang stone sa gitna nito.Agad na may berdeng liwanag na lumabas!“Ayun! Lumabas ang green!”“Diyos ko! Hindi kaya’t imperial green ulit ito?”“Hindi ba’t sinabi ng lalaki na wala itong laman? Nagkamali ba siya?”…Napanganga ang lahat, hindi nila inaasahan na magkaroon ulit ng isa pang imperial green!“Darling! Nagawa mo rin! Isa itong imperial green, at mas malaki pa ito! Naka jackpot tayo!”Sa sobrang tuwa ni Marilyn ay lumapit siya, yumakap siya sa leeg ni Brody, at hinalikan niya ito ng maraming beses.“Hahaha… Hindi ba’t sinabi mo na wala itong laman sa loob, Leon? Buksan mo ang mga mata mo at tingnan mo ito!” Tumawa ng malakas si Brody. Naging mayabang at pasikat siya!Nabigla si Leon. Ang punto niya ay ang maghiganti kay
”Congratulations, Mister Sullivan! Ginastos mo ang lahat ng pera an ‘yun at nakakuha ka lang ng dry green! Hindi ako magiging kasing yaman na tulad mo!” Ang sabi ni Leon at tumingin siya kay Brody na parang isa itong malaking tanga.“Ikaw…”Galit na galit si Brody, naintindihan niya na na nahulog siya para sa patibong ni Leon. Tumitig siya ng galit na galit kay Leon at sinabi niya, “Kasalanan mo ito, Wolf. Walang hiya ka para taasan ang bid para lokohin ako…”“Ano naman? Bakit ako titigil sa panloloko sayo kung ganito ang ginawa mo sa akin?”Ngumisi si Leon pagkatapos ipatikim kay Brody ang ginawa nito sa kanya.Ngunit, ang hindi inaasahan ni Leon na sa sobrang malas ni Brody, makakakuha lang ito ng walang kwentang dry green. Dahil dito, masisisi lang ni Brody ang sarili niya para sa pagiging malas nito!“Papatayin kita dahil pinagastos mo ako ng napakalaking halaga!” Sumabog sa galit si Brody at mabilis siyang sumugod kay Leon na parang isang baliw.“Kontrolin mo ang sarili mo!
Ang kailangan niya para sa ordinaryong jade ay hindi kasing halaga ng tulad ng kailangan para sa core. At least, kailangan nito maging pea-green jadeite na higit sa ilang libong dolyar.Dahil hindi kulang sa pera si leon, gumastos siya ng nine hundred thousand para bumili ng 18 piraso ng finished white jadeite at dinala niya ang lahat ng mga ito.…Pagkatapos lumabas ng tindahan, naglakad si Leon patungo sa lugar kung nasaan nakapark ang motorsiklo niya.Pagkatapos ng ilang sandali, nakita niya si Brody at Marilyn na lumapit kasama ang dalawang bodyguard nila.“Nasa labas ka na rin, Leon. Matagal akong naghihintay para sayo!” May bayolenteng tingin sa mukha ni Brody at may masamang ngiti sa sulok ng kanyang bibig.“Ano ang gagawin mo, Brody?” Dumilim ang ekspresyon ni Leon at may masamang kutob siya.“Ano sa tingin mo?”“Ang pangyayari sa Civil Records Office at ang nangyari kanina sa jade store ay dalawang bagay na pagbabayaran mo ngayon!” Ngumiti ng malamig si Brody. Kumaway
Sa oras na sabihin ito ni Marilyn, sumipa si leon sa isa sa mga bodyguard sa harap niya.Tumunog ang pag bali ng buto, at dumura ng dugo ang bodyguard. Ang katawan niya ay lumipas ng tatlo o apat na metro at bumagsak ito sa sahig.Naramdaman ng bodyguard na para bang ang mga buto niya ay baling bali na, at umungol siya dahil sa sobrang sakin.At least lima o anim sa ribs niya ang nabali, at hindi siya makatayo mula sa sahig!Sa puntong ito, ang isa pang bodyguard ay inatake si Leon at sinuntok nito si Leon sa mukha.Tumalikod si Leon, hinawakan niya ang kamao nito, at humawak siya sa braso nito bago niya ito pinihit. May tumunog na crack, at sumigaw ng malakas ang lakaban niya habang nabali ang braso nito dahil sa pwersahang pagpihit.Pagkatapos, humawak si Leon sa balikat ng bodyguard at kinuha niya ang pagkakataon na ito para ihagis ang kalaban niya gamit ang shoulder throw.Pagkatapos, lumapit siya, nilagay niya ang paa niya sa paa ng kalaban niya, at naglabas siya ng nakakat
“Tumira ako kasama ang pamilya mo ng tatlong taon, Marilyn. Kahit na wala akong nagawa para tanggapin mo ako, at least ay nagsikap ako para sayo. Pero tinatrato mo ako sa paraan na sa tingin ko ay wala kang konsensya! Ang sampal na ito ang paraan para bumawi ako sayo! Simula ngayon, putol na ang relasyon natin!” May malamig na tingin sa mukha ni Leon, at ang ekspresyon niya ay tila walang pakialam sa halip na galit siya.Sa isip niya, gumawa siya ng klarong linya kay Marilyn, at simula ngayon, silang dalawa ay estranghero na lamang at wala na silang kinalaman sa isa’t isa!“Paano mo…”Nabigla si Marilyn. Tinakpan niya ang pisngi niya at tumingin siya kay Leon na tila hindi siya makapaniwala.May panahon na binugbog at nilait si Leon ng mga Manson, bukod pa sa may buhay siya na mas malala pa kaysa sa isang aso.Ngunit sa huli, naintindihan na ni Marilyn na ang pasensya ni Leon ay hindi senyales ng kahinaan. Ngayon at nagliyab na ang loob ni Leon, kaya niyang labanan sina Marilyn at
Pagkatapos mag isip ng ilang sandali, nagdesisyon si Iris na hayaan si Leon na makisama sa meeting, dahil ang presensya ni Leon doon ay hindi masyado makakaapekto.Pagkatapos kumain ng hapunan, bumalik si Iris sa kwarto niya para magpahinga.Tulad ng kagabi, tahimik na umakyat si Leon sa tuktok ng bundok habang dala ang jade. Nilabas niya ang mga ito, nilagay niya ito ayon sa set pattern, at nilagay niya ang 18 na piraso ng white jadeite sa lupa. Hindi nagtagal, naset up na ang Energy Convergence Circle.Ang susunod na hakbang ay ang paganahin ang core ng circle, at gagana na rin ang circle pagkatapos.Tila walang mangyayari kung hindi papaganahin ang core, at walang makakatuklas ng misteryo na nakatago dito.Naglakad si Leon papunta sa core at umupo siya sa lupa. Pagkatapos ay nilabas niya ang huling piraso ng clear jadeite tablet at nilagay niya ito sa core ng circle.Umihip ang hangin, at hindi nagtagal ay gumana na ang Energy Convergence Circle, ang spiritual energy sa tuktok
“Hindi…. ka natuto kung paano…. Magmaneho?” Nagulat si Ariel ng marinig niya iyon. Umirap siya at sinabing “Kung ganun bakit hindi mo palitan ng motorsiklong iba ang kulay? Hindi ka ba nahihiyang gumamit ng pink na motorsiklo?”“Hindi ko binili itong motorsiklo, binigay ito ni Iris sa akin…” nagkibitbalikat si Leon.HIndi lang basta basta nagbibigay ng regalo sa lalaki si Iris. Isa itong pagtrato na walang sinumang lalaki ang makakakuha. Kaya mapilit si Leon sa paggamit nito.“Kaya pala!” napaisip si Ariel at napagtanto kung bakit iyon ang gamit ni Leon na motorsiklo.“Ano bang mayroon sa kulay ng motorsiklo ko at lagi mo pinapansin Miss Summers?” Nagtatakang tanong ni Leon, iniisip niya kung pinagsasabihan siya nito dahil wala lang siya magawa.“Dahil pwede ko gawin lahat ng gusto ko! Sino ka para pigilan ako?” Namula ang magandang mukha ni Ariel at pinandilatan ng matindi si Leon bago tumalikod at mayabang na naglakad.Kung ibang tao ang nasa posisyon ni Leon, Hindi niya ito pa
Ipinakita ni Ariel ang kanyang pagkainis.Ang Elegante Group ay nasa mundo ng fashion business, kaya maraming magagandang babae ang nasa loob ng kumpanya, para kilalanin si Ariel bilang pangalawa sa pinakamagandang babae sa kumpanya ay isang patunay sa kanyang kahusayan sa lahat ng aspeto! Kung pagbabasehan lang ang kanyang itsura at kagandahan, iilan lang ang mga taong mas higit pa sa kanya sa kabuuan ng Springfield City!Masyado pang malayo si Michael sa katayuan kung ikukumpara kay Ariel!Higit sa lahat, Ang gusto ni Ariel sa lalaki ay yung dominante at may paninindigan. Si Michael sa kabilang-palad, ay isa lamang lalaking may magandang itsura at kulang sa pagkalalaki para sa kanya.Nakalipad na sa langit ang mga baboy bago pa siya magkagusto kay Michael!“Oo, tama…” nahihiyang napangiti si Michael. Tinignan niya si leon, na nakatayo sa tabi ni Ariel at nagbago ang kanyang ekspresyon ng may naalala siya. “Hindi ba si Mister Wolf ito sa president’s department?”Nagulat si Leo