Hindi nagmamadali si Leon na patunayan ang kanyang sarili, Kapag nakuha na niya ang deal at napirmahan na ang kontrata mamayang gabi, wala ng dahilan para hindi siya paniwalaan ni Iris.Gamit ang pagiisip na iyon, nagkaron ng ideya si Leon at binago niya ang kanyang mga salita, “Ang punto ko ay dapat sikapin ng kumpanya na makipag-kooperate sa Wick Group. Ito ang pinakamaganda nating pagpipilian sa ngayon! ”“Katawa-tawa at hindi makatotohanan!” hinampas ni Michael ang kanyang mga kamay sa lamesa at tumayo. Ginawa ng tanga ni Leon ang kanyang sarili kanina, kaya hindi niya na ito kinutya. Sa halip, sinabi niya ang kanyang pananaw “Miss Young, bilang sales director ng kumpanya, responsibilidad ko ang lahat ng problema pagdating sa sales! Tingin ko dapat nating ipagpatuloy ang kooperasyon sa Westpraise Group at imungkahi na magkaron ng negosasyon at sikapin na bawasan ang kanilang hinihiling na kita ng five percent.”Nagpatuloy siya “At saka, pwede tayong tumuloy sa pangalawang sales
“Ikaw…. ay girlfriend ni Leon? Totoo ba ito?” Dahil sa pagkagulat naiwan ni Iris ang kanyang bibig na nakabukas. Naalala niya na hindi gusto ni Ariel si Leon ng magkita sila nakaraang dalawang araw, at tinawag niya pa itong bading.Hindi niya inasahan na magkakalapit si Leon at Ariel sa loob lamang ng dalawang araw, at ang kamanghamangha ay ang relasyon nila ay umusad ng napakabilis!“Hindi niya ako girlfriend…” tinignan ng masama ni Ariel si Iris at nagalit, inisip niya sa kanyang sarili “Dahil ito sa pagsalo ko sayo matapos mong tanggalin si Joseph!”“H-h-hindi, Hindi ko siya girlfriend, Iri— Uhhh… Miss Young. Walang nangyayari sa aming dalawa, maniwala ka sakin!”Winagayway ni Leon ang kanyang kamay ng paulit-ulit para ipakitang totoo ang kanyang sinasabi at ayaw niyang maging mali ang pagkakaunawa ni Iris sa kanyang relasyon kay Ariel.“Ikaw…” galit na galit si Ariel dahil hindi niya maintindihan kung anong gustong iparating ni Leon sa kanyang mga galaw. Tila nagmamadali siyan
Naging matatag si Michael sa pananalig niya, hindi dahil gusto niyang labanan si Ariel, kundi dahil nilalabanan niya si Leon!“Magandang ideya ito!”“Kailangan ng pasensya kung gusto natin umusad. Dapat tayong manatili na stable bago tayo sumulong sa merkado…”Maraming mga conservative na senior executive ay nagbigay ng suporta nila.“Hindi, walang punto na idelay natin ito ng isang taon! Nakipagkasundo ang kumpanya natin sa kanila ngayon, ang balanse ng kapangyarihan ay mapupunta sa kamay ng Westpraise Group. Magiging mas mahirap sa atin na sumulong sa susunod na hakbang!” Ang sabi ni Ariel.Dahil magkaiba sila ng opinyon ni Michael, ang mga radical at conservative ay nagtalo, at wala sa kanila ang sumusuko.“Sige na. Tumahimik kayong lahat!” Tinapik ni Iris ang mesa, sumenyas siya na tumahimik ang lahat.“Dahil may dalawang magkaibang pananaw, hahayaan ko na kumilos ang magkabilang panig sa kanilang mga mungkahi. Si Mister Duvall ang mamumuno sa pag negotiate sa Westpraise Gro
“Gusto mo lang gumawa ng eksena!” Tumingin ng hindi natutuwa si Iris kay Leon. Sa tingin niya ay hindi kaya ni Leon na makakuha ng kontrata mula sa Wick Group, at iniisip niya kung kaya niyang sisantihin sa kumpanya si Leon kapag nabigo ito.“Ang punto ay, nauubusan na tayo ng oras. Makikipag negotiate si Miss Summers at Mister Wolf sa Wick Group. Kapag hindi niyo nakuha ang rights para makipag cooperate sa kanila sa loob ng dalawang araw, susundin natin ang plano ni Mister Duvall!” Ang huling desisyon ni Iris.Alam ni Iris na magiging mahirap para magkaroon ng partnership sa Wick Group, kaya nilagay niya ang pag asa niya kay Airel dahil hindi siya umaasa na makakatulong si Leon!“Umaasa akong makita na sisante ka na sa loob ng dalawang araw, Mister Wolf!” Ngumiti ng mayabang si Michael habang nasa imahinasyon niya na inaapakan niya ang ulo ni Leon.Umiling ang senior executives sa pagkadismaya at tumingin sila ng nanunuya kay Leon. Walang kahit sino ang umaasa na mananalo si Leon!
Tumingin ng galit si Ariel kay Leon. Humigpit ang kamao niya, at sasabog na siya sa galit.“Ako ay…”Lumunok si Leon nang mapansin niya ang malupit na tingin ni Ariel at tumingin siya sa mahigpit na kamao nito.Sinabi sa kanya ng kutob niya na bubugbugin siya ni Ariel kapag nagsalita pa siya.Ayaw niyang masuntok siya ni Ariel!“Sige, sige. Sasama ako sayo…”Ngumiti ng mabait si Leon.Ang isang matalinong tao ay alam kung kailan wala siyang kalamangan sa kalaban. Sa ngayon, kuha na nila ang cooperation, kaya pwedeng gawin ni Ariel ang kahit anong gusto niya!Hindi ito isang malaking bagay kay Leon, pwede niyang tratuhin ang sitwasyon na parang gumagala lang sila ni Ariel.“Mabuti at tama ang pinili mo.” Suminghal ng malamig si Ariel at hinila niya ang nag aatubili na si Leon patungo sa president’s office. Pagkatapos, sinabi niya kay Lily na iprint ang mga kailangang dokumento na gagamitin para sa negotiation ng cooperation.Kailangan din ni Leon ng kontrata, kaya sumenyas siy
Ang mga secretary ay may trabaho na gawin ang mga gawain na hindi kailangan ng kasanayan. Wala silang tunay na talento at hindi rin maganda ang oportunidad nila sa trabaho. Bukod pa dito, iba ang lebel ng Elegante Group kumpara sa parent company ng Wick Group, dahil maliit na subsidiary lang ang Elegante Group sa ilalim ng Young Group.Bilang manager ng public relations department, si Gilbert ay malapit nang mapromote sa top management ng kumpanya. Natural lang na mababa ang tingin niya sa isang secretary na tulad ni Leon.“Pag uusapan namin ni Ariel ang mga importanteng bagay tungkol sa business partnership. Walang magagawa ang isang secretary na tulad mo kapag nanatili ka dito. Sa tingin ko ay dapat kang lumabas at maghintay,” Ang sabi ni Gilbert.“Sige.” Hinayaan lang ito ni Leon dahil hindi niya kailangan pag usapan ang tungkol dito. Nang maghanda na siya para umalis, humawak si Ariel sa braso niya.“Sa totoo lang, Gilbert, si Miss Young ang nag utos na kami ni Mister Wolf a
May pahiwatig na ngiti sa mukha ni Gilbert.“Dinner? Sa isang hotel?” Nagbago ang ekspresyon sa magandang mukha ni Ariel. HIndi siya baguhan sa mundo ng business, naintindihan niya ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Gilbert. Ang layunin ni Gilbert ay hindi para kumain!“Parang hindi naman tama para kumain tayo ng dinner sa hotel, Gilbert. Sa tingin ko kung ililibre ka namin ni Miss Young sa pagkain bilang pasasalamat sa pagtulong mo sa pagkuha ng matagumpay na partnership.” Ngumiti si Ariel at sinabi niya ito habang naniniwala na si Gilbert—ang senior niya noong estudyante pa sila—ay inimbita siya sa dinner ng walang ibang intensyon.“Sa tingin ko ay hindi mo naiintindihan ang gusto kong sabihin, Ariel. Alam mo na matagal na akong may gusto sayo, kaya sasabihin ko na ito sayo ng diretso! Kapag pumayag ka na maging babae ko, gagawin ko ang lahat para makuha mo ang kontrata!” Ang demanda ni Gilbert.“Ano? Hindi pwede! Salamat sa paghanga mo, Gilbert, pero para sa akin ay isa ka lamang
Kasunod ng malutong na sampal, nagkaroon ng matining na tunog sa pandinig ni Gilbert at bumagsak siya. Ang noo niya ay tumama sa mesa at tumulo ang dugo dito.Umungol sa sakit si Gilbert at hinawakan niya ang noo niya, at nakita niya na ang kamay niya ay puno ng dugo.“Papatayin kita!”Mapula ang mga mata ni Gilbert, at nagliyab ang galit sa puso niya habang sinugod niya si Leon na parang isang baliw.Tumalon sa ere si Leon, sinipa niya ang tiyan ni Gilbert, at lumipad si Gilbert papunta sa pader pagkatapos nitong mapaatras. Ito na siguro ang pinaka nakakahiyang sandali ng buhay ni Gilbert.“Kalimutan mo na, Leon. Tara na.” Nang bumalik sa sarili si Ariel, mabilis siyang lumapit at hinawakan niya ang braso ni Leon. Sa mga pangyayari ngayon, siguradong hindi mangyayari ang partnership at hindi na umasa si Ariel.Ang gusto niya lang ay ang umalis agad, at baka lumala pa ang sitwasyon.Tumango si Leon at naglakad siya palabas kasama si Ariel.“Pigilan niyo sila! ‘Wag niyo silang p