Ang mga secretary ay may trabaho na gawin ang mga gawain na hindi kailangan ng kasanayan. Wala silang tunay na talento at hindi rin maganda ang oportunidad nila sa trabaho. Bukod pa dito, iba ang lebel ng Elegante Group kumpara sa parent company ng Wick Group, dahil maliit na subsidiary lang ang Elegante Group sa ilalim ng Young Group.Bilang manager ng public relations department, si Gilbert ay malapit nang mapromote sa top management ng kumpanya. Natural lang na mababa ang tingin niya sa isang secretary na tulad ni Leon.“Pag uusapan namin ni Ariel ang mga importanteng bagay tungkol sa business partnership. Walang magagawa ang isang secretary na tulad mo kapag nanatili ka dito. Sa tingin ko ay dapat kang lumabas at maghintay,” Ang sabi ni Gilbert.“Sige.” Hinayaan lang ito ni Leon dahil hindi niya kailangan pag usapan ang tungkol dito. Nang maghanda na siya para umalis, humawak si Ariel sa braso niya.“Sa totoo lang, Gilbert, si Miss Young ang nag utos na kami ni Mister Wolf a
May pahiwatig na ngiti sa mukha ni Gilbert.“Dinner? Sa isang hotel?” Nagbago ang ekspresyon sa magandang mukha ni Ariel. HIndi siya baguhan sa mundo ng business, naintindihan niya ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Gilbert. Ang layunin ni Gilbert ay hindi para kumain!“Parang hindi naman tama para kumain tayo ng dinner sa hotel, Gilbert. Sa tingin ko kung ililibre ka namin ni Miss Young sa pagkain bilang pasasalamat sa pagtulong mo sa pagkuha ng matagumpay na partnership.” Ngumiti si Ariel at sinabi niya ito habang naniniwala na si Gilbert—ang senior niya noong estudyante pa sila—ay inimbita siya sa dinner ng walang ibang intensyon.“Sa tingin ko ay hindi mo naiintindihan ang gusto kong sabihin, Ariel. Alam mo na matagal na akong may gusto sayo, kaya sasabihin ko na ito sayo ng diretso! Kapag pumayag ka na maging babae ko, gagawin ko ang lahat para makuha mo ang kontrata!” Ang demanda ni Gilbert.“Ano? Hindi pwede! Salamat sa paghanga mo, Gilbert, pero para sa akin ay isa ka lamang
Kasunod ng malutong na sampal, nagkaroon ng matining na tunog sa pandinig ni Gilbert at bumagsak siya. Ang noo niya ay tumama sa mesa at tumulo ang dugo dito.Umungol sa sakit si Gilbert at hinawakan niya ang noo niya, at nakita niya na ang kamay niya ay puno ng dugo.“Papatayin kita!”Mapula ang mga mata ni Gilbert, at nagliyab ang galit sa puso niya habang sinugod niya si Leon na parang isang baliw.Tumalon sa ere si Leon, sinipa niya ang tiyan ni Gilbert, at lumipad si Gilbert papunta sa pader pagkatapos nitong mapaatras. Ito na siguro ang pinaka nakakahiyang sandali ng buhay ni Gilbert.“Kalimutan mo na, Leon. Tara na.” Nang bumalik sa sarili si Ariel, mabilis siyang lumapit at hinawakan niya ang braso ni Leon. Sa mga pangyayari ngayon, siguradong hindi mangyayari ang partnership at hindi na umasa si Ariel.Ang gusto niya lang ay ang umalis agad, at baka lumala pa ang sitwasyon.Tumango si Leon at naglakad siya palabas kasama si Ariel.“Pigilan niyo sila! ‘Wag niyo silang p
Sa wakas, naintindihan na ni Ariel kung bakit pinuri ni Iris si Leon sa pagiging gwapo nito.Pareho sila ng pananaw ni Iris sa sandaling ito at naisip nila na si Leon ang simbolo ng kagwapuhan!“Dali… Tumawag kayo ng pulis…”Huminga ng malalim si Gilbert at ang galit na ekspresyon niya ay napalitan ng pagkabalisa.Hindi niya maintindihan kung paanong ang isang secretery na tulad ni Leon ay napakalakas!Kung hindi niya ito nakita, hindi siya maniniwala na totoo ito!“Tama na! Ano ba ang nangyayari dito?” May galit na tao na sumigaw mula sa likod. Ang boses ay galing sa isang lalaki, na siyang lumapit sa eksena mula sa maraming mga company executives.Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Jenson.Nabigla siya sa kaguluhan ng paglalaban.“Mister Wick…”Nabigla ang mga manonood.Si Jenson ang apo ng chairman ng Wick Group na nagsilbi bilang general manager ng kumpanya.“Sakto lang ang pagdating niyo, Mister Wick. May taong gumagawa ng gulo sa kumpanya natin at nasaktan ako bi
Hindi pinansin ni Jenson ang gulat na tingin ng lahat. Mabilis siyang lumapit kay Leon at sinabi niya ng nakangiti ng may respeto, “Ano ang ginagawa mo dito, Mister Wolf?”“Ah, nandito ako para makipag usap tungkol sa isang posibleng partnership,” Ang sagot ni Leon ng nakangiti.“Partnership? Ah, ang tinutukoy mo ba ay ang partnership sa pagitan ng Elegante Group at Wick Group? Tumawag ang lolo ko sa akin at sinabi niya na pumayag siya na pumirma ng kontrata mamaya sa dinner. Bakit pumunta ka dito ng maaga?” Nabigla si Jenson.Siya ang tanging responsable sa sales channel business ng Wick Group, at sinabi ni Bernard sa kanya ang tungkol dito sa phone kanina.“Ito si Miss Summers, ang assistant ng president ng kumpanya namin. Sinabi ko na sa kanya na napag kasunduan na ang partnership, pero hindi siya naniniwala sa akin at pinilit niyang pumunta kami dito…” Ngumiti si Leon at pinaliwanag niya ang buong sitwasyon, pati ang harassment ni Gilbert sa opisina.“Hindi ka pala nagsisinung
Ngumiti si Jenson, tumingin siya sa kanyang relo, at sinabi niya, “Halos alas kwatro na, Mister Wolf. Mas mabuti nang manatili ka dito para hindi ka na mag abala na bumalik. Iniisip ko na tawagan ang lolo ko ngayon at pwede tayong pumunta sa hotel para sa isang maagang dinner? Ayos lang ba ito sayo?”“Sige…” Tumango si Leon, ngunit medyo nagdalawang isip siya nang tumingin siya kay Ariel sa tabi niya.Agad na naintindihan ni Jenson ang ibig sabihin ni Leon at inimbita niya ng nakangiti si Ariel. “Miss Summers, dahil kaibigan ka ni Mister Wolf, gusto mo bang sumama sa amin kung ayos lang sayo?”“Salamat sa pag imbita.” Alam ni Ariel na inimbita siya dahil kay Leon. Pagkatapos itong pag isipan, pumayag siya sa imbita ni Jenson dahil gusto niyang malaman ang relasyon ni Leon sa mga Wick.…Sa loob ng isa sa mga maluho na VIP room sa The Sovereign Hotel, umupo sina Bernard at Jenson kasama si Leon at Ariel sa mesa.Sa utos ni Bernard, naghain ng mga pagkain at wine ang mga waiter, at
Halos tumalon din ang puso ni Ariel. Nakatulong na rin si Leon na makuha ng kumpanya ang isang oportunidad para makipag partner sa Wick Group, kaya sayang kung ang presyo ay naging isang problema.“Elder Wick, sir, kung hindi po kayo kuntento sa presyo, pwede po namin ito bawasan ng ilang percentage points. Pero, pwede lang po namin ito babaan ng five percentage points. Ito lang po ang kaya naming ialok…” Ang sinabi ni Ariel ng puno ng sinseridad at inilabas niya ang huling alas niya.“Hindi, nagkakamali kayo. Hindi ko sinabi na masyadong mataas ang presyo. Sa tingin ko ay masyadong mababa ito.” Ngumiti si Bernard at umiling siya.“Mababa po… ito?” Nabigla si Ariel at hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.Matagal na siyang nasa trabaho, at sa lahat ng negotiation na pinuntahan niya, ang mga kliente ay laging nagrereklamo tungkol sa masyadong mataas na presyo at lagi nilang sinusubukan na ibaba ang presyo.Ito ang unang beses na nakilala niya ang isang tao na nagsabi na mabab
Ngumiti si Leon at pinaliwanag niya ang nangyari.“May medical skills ka? Talaga? Hindi mo ako niloloko, tama ba?” Nabigla si Ariel.Habang naghihintay para maging green ang traffic light sa intersection, lumingon siya at tumingin siya ng naghihinala kay Leon, na para bang nakatingin siya sa isang alien.Nagkibit balikat si Leon. “Syempre! Sa tingin mo ba ay wala akong magawa kundi lokohin ka?”Hindi pa rin naniniwala si Ariel. “Baka hindi, pero kung magaling ka sa medisina, bakit pinili mo na magtrabaho sa kumpanya bilang isang small-time secretary sa halip na isang doctor sa hospital?”Pakiramdam niya ay hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Leon.Uminom ng wine si Leon kasama si Jenson sa hotel kanina, at gumagana na ang epekto ng alak sa kanya. Namumula ang mukha niya at sinabi niya, “Kung hindi ka naniniwala sa medical skills ko, pero ko itong patunayan ngayon!”“Paano?” Nalilito si Ariel.Hindi sumagot si Leon. Lumapit siya kay Ariel at tumitig siya sa magandang mukha nito.