Share

KABANATA 1

SUMALUBONG kay Katriona ang musika, kasabay ang ingay na sigawanan at tawanan. Halo-halong amoy ng alak, sigarilyo at iba ng makapasok siya ng bar kasama ang kaibigan na si Pia at Glaiza.

Maaga pa kaya kaunti pa lang ang tao, karamihan ay mga babaeng nakalingkis sa lalaki. Kaliwa’t-kanan ang PDA, making out.  Hindi na ‘yon bago sa kaniya dahil ganu’n palagi ang nakikita niya sa tuwing siya’y nasa bar. Matagal na ng huli siyang nakapunta ng bar ng siya’y single pa at ngayon siya’y naririto dahil masakit ang puso niya. She's single again!

She's suffering heart breaking dahil na huli niya ang boyfriend niya na nakikipagtalik sa ibang babae sa mismong condo nito. Sa mismong araw ng anniversary nila! Sa lahat ng ipinagpalit sa kaniya ay ang babae pang kinakamuhian niya sa balat ng lupa!

Mga walang hiya!

Naghanap siya ng bakante nakita niya na walang tao sa may bartender kaya naglakad siya papunta dito at nakasunod lang ang mga kaibigan sa kaniya.

“What do you want, guys? My treat.” ani niya na ikinangisi ng dalawa at nagkatinginan na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Siya ang tipo ng kaibigan na sobrang pagtitipid ay nagiging kuripot. Kahit pa mayaman siya kailangan niyang magtipid para makapag-ipon for her future family.

Isa siyang magandang babae, mapagmahal at maalaga ngunit bakit nagawa pa rin siya nitong ipagpalit? She even ready to tie herself on him.

“Seryoso? May sakit ka ba? O baka naman may pinakain sayo ni Marko at ganiyan ka?” Umakto pa si Pia na hahawakan ang kaniyang noo pero hindi niya ito hinayaang dumapo ang kamay nito sa kaniyang mukha.

“One glass of tequila please,” Kaagad siyang huminggi ng alak sa bartender ng makaupo siya sa isang stool at sumunod naman sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan.

“I don't wanna hear that asshole-bastard name! Wala akong sakit, puso ko lang ang masakit dahil sa gagong lalaki na nanloko sa akin! Buwisit! Magsama sila mga haliparot!” Gigil na gigil niyang saad.

Hindi niya lubos maisip na ipagpapalit siya ng boyfriend niya sa isang haliparot na babaeng kinamumuhian niya.

He's a shit! Bastard! Asshole.

Tama lang na hindi niya binigay dito ang sarili. Kahit na ito ang madalas nitong hingiin sa kaniya na nauuwi sa kanilang pagtatalo, nagkamali lang siya sa patuloy na pagmamahal dito kahit ilang beses niya na itong na huli na may kahalikan na ibang babae. Naging bulag-bulagan siya sa mga panahong iyon dahil halik lang naman, pero this time, hindi niya masisikmura ang panloloko nito sa kaniya na talagang sa condo pa nito nag-uwi ng babae sa mismong araw ng kanilang anniversary!

Kahit ganu'n ito ay minahal niya ito dahil ito ang ka una-unahang lalaki na binahagian niya ng kaniyang puso. Lalaki na inakala niyang makakasama niya hangang sa pagtanda. She love Marko but her love turned anger inside of her. She want revenge!

“Hinay-hinay naman, Kat, daig mo pa ang lasingo sa pagka-uhaw sa alak.” Saway sa kaniya ni Glaiza ng nakakalimang shot na siya ng tequila, hindi siya sanay na uminom pero sa inaakto niya ngayon daig niya pa ang lasingo sa inuman.

She's weak inside but strong and brave outside, modesty and soft-hearted lady. Hindi mahirap mahalin ngunit mahirap angkinin. Mataas ang standard niya sa lalaki, sa dami ng matinong nangliligaw sa kaniya si Marko ang minahal niya na akala niya’y seryoso sa kaniya. She need to change! She need to be strong and learn how to play her own fire! She can and she will!

“Hindi niya deserve ang iyakan, sinabi ko naman sayo, kahit siya pa ang pinakamagaling na doctor, gwapo at mayaman, he doesn't deserve you. Sayang ang ganda mo kung patuloy kang magpapaloko sa gagong iyun.” Glaiza is against Marko.

I want to be a badass in everyone's eyes!

“Makapagsalita ka naman, kahit ganu'n iyung tao mahal ng kaibigan natin, darating ang panahon na magbabago rin siya. Kat, no bodies perfect. Lahat tayo nagkakamali kaya natural lang na kapag nasa isang relasyon ka masasaktan at masasaktan ka, hindi lang puro sarap at saya,”

Simula pa lang sa una ay ayaw ni Glaiza kay Marko para sa kaniya, samantalang si Pia ay botong-boto ito kay Marko. Nagsaya si Pia ng maging sila ni Marko at nagluksa naman si Glaiza ng mga araw na iyun.

“Itigil mo na nga ang pagb-build up sa hudyo na ‘yan. Niloko na nga ang kaibigan mo, na saktan na lahat-lahat gusto mo pa rin siya para kay Kat, tatadyakan na kita jan e,” Inirapan ni Glaiza na napapantastikuhang napatitig si Pia kay Katriona.

“OMG! Don't tell me, break na kayo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Pia. She's slow. Muntik niya nang makalimutan na wala pa itong alam sa panloloko na ginawa sa kaniya ni Marko.

“Oo, break na kami! As in fucking break and never been together again. I am free! Free to do whatever I want.”

Tama na ang nagpaka-tangga ako sa kaniya ng isang taon. Hindi naman talaga siya palamurang tao sadyang lumalabas ito sa bibig niya kapag sobrang galit at sakit ang kaniyang nararamdaman.

“Tequila please,” She wink on the bartender as she accept the glass.

Hindi niya napansin ang gwapong binata kanina kung sa bagay ay nakakaramdam na siya ng pagkahilo dahil sa dami ng nainom niyang alak. Hindi maikakaila na may itsura ang binata. Gumanti naman ito ng ngiti sa kaniya na halos ikalaglag ng panga ni Pia ng lumabas ang dimple nito na nakita nilang tatlo.

“Shit, makalaglag panty...” Bulong ni Pia.

Inisang lagok niya ang tequila na in-order niya at napatingin siya sa dancefloor ng pasok sa taste niya ang music na pinatugtog, she want to dance!

She want to forget, she want to relieve the pain.

“Nakikita niyo ba ang nakikita ko?” Sinundan niya ng tingin ang mata ni Glaiza. Mapakla siyang ngumiti ng makita si Marko kasama ang mga kaibigan nito at ang babaeng ipinagpalit sa kaniya.

Ang kapal ng mukha!

Tumayo siya at sinuklay ang may kahabaan niyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri, she's hot the way she do that. Alam niyang nasa kaniya ang mata ni Marko dahil nakita siya ng isa kaibigan nito.

Nakasuot siya ng isang sexy dress, hapit na hapit nito ng hubog ng kaniyang katawan, kitang-kita ang ka sexy-han niya at mala-angel na mukha na hindi mo aakalain na nasa ganitong lugar matatagpuan.

Pagsisihan mo na ginago mo ‘ko Marko!

She smirked and walk towards the dancing she miss this! May ilan-ilang tao na sumasayaw dahil sa mapang-akit ang musika. She dance like she doesn't care who's watching her. All she want is to relieve her sadness she felt.

Sa kaniyang pagsasayaw limot niya kung ano ang estado niya sa buhay.

She's a fucking doctor a daughter of businessman!

She start to sway her hips and gently move her body, she's dancing like a Queen of dancefloor. She love the music that's suit to her the way she move. Hindi maalis ng mga lalaki ang mata kay Katriona na nakakabihag ang ganda nito sa dancefloor at sa galing nitong sumayaw, ka akit-akit sa mata ng kalalakihan. Wala siyang pakialam kung nakatingin ito sa kaniya basta ang alam niya ilabas ang inis na nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagsayaw niya. May isang lalaki na lumapit sa kaniya at nakipagsayaw, sinabayan niya ito.

Nahagip niya ng paningin niya si Marko na nakikipaghalikan kay Lianna. Namuo ang galit sa kaniyang dibdib ng makita ang paglalandian ng dalawang taong kinamumuhian niya, she's still in pain, dahil hindi madaling kalimutan ang nakaraan nilang dalawa. Hindi madali para sa kaniya ang sakit na nararamdaman niya dahil mahal niya ito –no! Minahal niya ito!

Napatingin siya entrance ng bar at nakita niyang bumasok ang dalawang lalaki. Ang isa ay nakaformal attire, gwapo ito ngunit hindi iyon ang nakakuha ng attention niya kundi ang lalaki na kasama nito na may badboy look. Napalingon ito sa gawi niya dahilan para magtama ang kanilang mata, malayo at may distance pero alam niyang sa kaniya ang mata nito.

Shit! I like his eyes!

Hindi niya inalis ang mata sa binata hangang sa maglakad ito patungo sa madilim na bahagi ng bar.

SA KABILANG banda naman isang lalaki ang nakamasid kay Katriona. Nakuha ng dalaga ang attention niya mula ng pagpasok niya sa bar ng magtama ang kanilang mga mata. Naka-upo ito sa isang black leather sofa sa sulok na madilim na bahagi ng bar, habang umiinom ng whiskey. Hindi maalis ang mata ng binata sa sexy na dalaga na gumigiling, she dance freely like she doesn't care on what's everyone would say. May namuong galit sa kaniyang dibdib sa hindi niya maipaliwanag ng dumapo ang kamay ng lalaking kasayaw nito sa baywang ng dalaga.

“Boss, kailangan niyo ba ng babae?” Umiling siya sa lalaking inutusan ng Lolo niya na samahan siya na pumunta sa bar na pagmamay-ari nito.

“Na saan ang banyo?” Inisang lagok niya ang lamang alak ng kaniyang baso.

“Deritso ka lang boss, tapos kanan. Kaliwang pinto,” Tinap niya ang balikat nito at bumulong sa tenga nito.

“Hindi mo na kailangang isa-isahin, pinagmumukha mo akong gago.” Inayos niya ang suot niyang jacket.

Wala pa siyang alam sa pa sikot-sikot sa dito, dahil ito ang unang gabi niya na makapunta sa isang mamahaling bar na maraming magagandang babae at mamahaling alak. Manghang-mangha siya ng makapasok dito kanina, ibang-iba ito sa buhay na nakasanayan niya. He didn't expect that he’ll experience this kind of luxurious life. Ngunit kailangan niya ng masanay dahil ito ang totoong siya.

Wala pa siyang kilala sa mundong ito maliban sa Lolo niya at kay Brick.

Kaagad niya namang nakuha ang comfort room ng lalaki. Sa kalagitnaan ng pag jingle niya naramdaman niya ang kaluskos sa labas kaya pinakaramdaman niya.

Puta!

Mabilis ang kilos niya ng bigla na lang may bumundol sa pinto at akmang aambangan niya ito ng suntok ng makitang babae ang nasa likuran niya at pa tumba ito kaya mabilis ang galaw na sinalo niya ito at sinipa niya ang pinto dahilan para muli itong sumara.

Marahas na napayapos ang matitipuno niyang braso sa maliit na bewang ng dalaga na hapit na hapit ng suot nitong dress. Mahigpit na napahawak ang dalaga sa kaniyang damit sa bandang dibdib. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya dahilan para magkalapit ang kanilang mukha. Napalunok siya nang makita ang mala-anghel nitong mukha na halata ang pagkalasing.

Ito ang babaeng pinagmamasdan niya.

“Hindi ka ba marunong magbasa?” Malamig niyang tanong sa dalaga nang igaya niya ito pa tayo. Pinagmasdaan nito ang kaniyang mukha, pamanuri ang tingin nitong tiningnan siya mula ulo hangang –

Namilog ang mata nito. “Such a big dick.”

Nagbaba siya nang tingin. “Puta!”

Nagmamadaling tumalikod ang binata at ipinasok sa loob ng pantalon ang nabubuhay niyang alaga at kaagad na itinaas ang zipper.

Putangina’ng gago!

Nakaramdam ng matinding hiya ang binata dahil nakita ng dalaga ang kaniyang pagkalalaki. Ngunit hindi niya ‘yon pinahalata, he's a man.

Bakit ba naman kasi sa lahat nang makakalimutan niya iyun pang makalimutang ipasok sa kulungan ang alaga niya? Kasalanan ito ng babae!

Damn it! Buwisit.

Sunod-sunod namang napalunok si Katriona dahil sa nakita niya para bang na wala ang alak sa katawan niya dahil sa nakita. Masasabi ni Katriona na gwapo ang binata, he have a good look despite of his handsome face she can see, his dangerous.

Talagang sinundan niya ito papunta sa banyo dahil gusto niyang makilala ang binata.

Makapal at maiitim na kilay may hati ang kaliwa nitong kilay, army cut ang hairstyle niya na mayroong guhit na pa parang lightning sign sa kaliwang side na parang karugtong ito ng hiwa sa kilay nito. Matangos ang ilong at perfect shape kissable lips, all in all ay nakakatakot ito ngunit gwapo ito sa paningin ni Katriona.

“Putangina! Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba marunong magbasa ah?!” Sigaw ng binata dito para itago ang hiya na nararamdaman sa dalaga.

Natauhan ang dalaga sa sinabi nito. Nagkakamali siya! “In my life, I’m curious what's dick look like. Don't be shy, you have a nice dick. I can't stop thinking if it fit in me. Such a dangerous...”

Nagkagat-labi ang dalaga habang nakatingin sa pagkalalaki niya na nakabuhol na sa loob ng pantalon niya. Shit! Bakit ganito ang epekto sa kaniya ng babae?

“Katriona, and you are?” Nakangiting pagpapakilala nang dalaga sa kaniya. Iniabot nito sa kaniya ang maputing kamay at sa tingin niya ay kay sarap haplosin.

Tinanggap niya ang kamay nito at bahagyang pinisil bago hinalikan sa likod ng palad. Damn so smooth!

He smirked, “Eilton Z.”

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa dalaga, bahagyang napa-atras ang mukha ng dalaga para iiwas nito ang mukha sa kaniya dahilan para mapahawak siya sa likod nito para alalayan na hindi matumba.

“Pasalamat ka hindi ikaw ang tipo kung babae, dahil kung oo, lalabas ka dito na gumagapang.”

Nakatitig sa mata nitong ani niya. Hindi nakawala sa mata niya ang paglunok ng dalaga na para bang natakot ito sa sinabi niya.

He smirked. “Ang ganda mo,” Sandali niyang pinaglapat ang kanilang labi, bago niya ito tinalikuran nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng men's comfort room.

Muli niyang tinapunan ng tingin ang dalaga, hubog pa lang ng katawan nito sold na! He smirked.

“Tara!” Naka-ngisi na niyaya ni Eilton ang kaniyang tauhan at na unang naglakad. Sa sobrang koryosidad ng tauhan niya, similip ito sa pintong nilabasan niya at nakita ang babaeng hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nito. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ng tauhan niya.

“Ayos si Boss, ibang klase...” Naiilang na tinginan nito ang bulto ng kaniyang amo.

“Bilisan mo!” Kaagad namang nagmadali ang tauhan niya ng sigawan niya ito. “Boss, nakaraos ka na?” Malokong tanong ng tauhan niyang si Brick.

Katriona.

Napangisi siya ng maalala ang pangalan ng dalagang nagpakilala sa kaniya, ang babaeng magaling sumayaw!

“Hindi siya ang tipo ng babaeng parausan.” Naupo siyang muli sa kaniyang inuukupa kanina.

“Iwan mo na ako dito, kaya ko na ang sarili ko.” Inilahad niya ang kamay para hingin ang susi ng sasakyan dito.

“Pero boss—”

“Akin na ang susi, magtaxi ka na lang pauwi. Sabihin mo kay Lolo wag siyang masyadong mag-alala sa gwapo niyang apo, uuwi ako na gwapo pa rin.” Napalunok naman si Brick bago inalagay sa nakabuka niyang palad ang susi ng sasakyan.

Hindi palabiro ang Lolo niya paniguradong pag sinabi iyun ni Brick lagot ito pero lagot pa rin ito kapag hindi siya kasama pa uwi.

“Boss, an–”

“Ako ng bahala kay Lolo, sibat na!” Napakamot naman sa batok si Brick at sinunod ang utos ng kaniyang boss.

Eilton Zaimon Davidson, ‘yan ang totoo niyang pangalan. Lumaking madiskarte, at namuhay sa karahaksan makakain lang ng tatlong beses sa isang araw. Apat na taon siya ng mamatay ang kaniyang mga magulang sa mismong harapan niya, palaboy siya sa kalye ng mawala ang mga ito.

Pitong taon siya ng kinupkop siya ni Nanay Ising ang babaeng niligtas niya ng muntik na itong masagasaan. Binihisan, pinakain, at pinag-aral siya nito ngunit lahat ng ‘yon may ka palit na sakit ng katawan mula sa asawa nitong si Armando. Sa kinsing taon na kasama niya ito ramdam niya ang paghihirap sa buhay lalo kapag lasing ito, lahat sila ay nasasaktan. Galing siyang bilangguan bago na tuklasan ang totoong pagkatao niya.

Buhay na matagal na pinagkait sa kaniya ang marangyang buhay! Siya ang ka isa-isang apo ni Don Zackarias Davidson. Pinakamayamang tao sa buong mundo.

Sinong mag-aakala na namulat ka sa isang simpleng buhay na nauwi sa isang magulo at puno ng karahaksan malalaman mong nag-iisa kang taga pag-mana ng Davidson?

Mula sa isang kahig-isang tuka ngayon kaya niyang bilhin ang kahit na sinong gustuhin. Ang isang taong tulad niyang arogante, siga, barumbado, tarantado at binansagang ‘Hari ng selda’ ng city jail at ‘Boy chixboy’ ng tondo ay may bitbit na ginintuang pangalan.

Ito na ang simula ng marangyang buhay. Buhay na dapat niyang tinatamasa noon pa man. Ngayon na nasa itaas na siya sisiguradohin niyang mananatili siyang nasa itaas at hindi na muling babagsak.

Ngayon madali na para sa kaniya para makuha ang hustisya sa pagkamatay ng magulang niya.

“There you are,” Naibaling niya ang kaniyang mata sa babaeng tumabi sa kaniya.

“Wanna play a fire with me, handsome?”

Mapang-akit na tanong ni Katriona sa kaniya, napatitig siya sa baso na hawak nito na may lamang red wine, nilalaro ng daliri nito ang bunganga ng baso.

“Hindi ikaw tipo ko, umalis ka sa harapan ko.” Sinungaling!

“Hinalikan mo ‘ko tapos sasabihin mong hindi ako tipo mo? Tsk, hindi ka ba pumapatol sa expert na babae pagdating sa kama?”

Inilapit nito ang mukha sa kaniya habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Nagbaba ang mata nito sa kaniyang labi habang naka kagat-labi ang dalaga.

“Hindi ako pumapatol sa babaeng laspag na, mas tipo ko ang babaeng wala pang karanasan.” Kinindatan niya ito. Napa-awang ang labi ng dalaga.

Aaminin niyang nagustuhan niya ito kanina, malakas ang epekto nito sa kaniya pero sa lumabas sa bibig nito na wawala ang pagkagusto niya dito. Bakit nga ba hindi niya naisip na marami na Ang nakatikim dito?

Hindi ito ang tipo niyang babae. Maganda ito, mukhang mayaman, pumupunta sa ganitong lugar na sumasayaw na parang hindi desenteng tao. Sa katayuan nito sa buhay siguradong natikman na ito ng iba ngunit ng maalala niya ang sinabi nitong first time na makakita ng ari, ay hindi niya maiwasang maguluhan kong enosente pa nga ba talaga ito o ugali lang nito na magsinungaling para makuha ang lalaki na gustuhin nito?

“May I be an expert in my mouth and mind but I don't have bed experience, be my first...” Uminom ito ng wine at inilapag sa center table ang basong dala nito.

He smirked. “What a very honest woman, nice offer.” Sinakop niya ang labi nito at kaagad naman niyang pinakawalan ng maramdaman niyang tinutugon na nito ang halik niya.

“But no thanks. Masyadong maganda ang lahi ko, sayang kung mapupunta sayo.” Tumayo siya at iniwang naka-awang ang labi ng dalaga sa loob ng bar.

Palabas na ng bar si Eilton ng may limang lalaki na humarang sa harapan niya ng papunta siya ng parking lot. Itinapon niya ang upos ng kaniyang sigarilyo at pinakatitigan ang lalaking na papagitnaan ng apat na lalaki, matalim itong nakatitig sa kaniya, nag-aapoy sa galit ang mga mata nito, hindi niya ito kilala kaya wala siyang natatandaan na may atraso siya dito.

“Anong kailangan mo? Wag kang haharang-harang sa dinadaanan ko kung ayaw mong masagasaan,” Dumiretso siya sa paglalakad hangang sa nasa harapan na siya nito ay hindi ito tumabi dahilan para magsukatan silang dalawa ng masamang tingin. Hindi nagkakalayo ang tangkad nila kaya sukat na sukat ang tinginan nila na para bang may kidlat sa pagitan ng tinginan nila. It's Marko Davidson. Katriona's ex-boyfriend.

“Kilala mo ba ang binabangga mo, P're?” Maangas na tanong nito.

“Wag mo ‘kong tinatawagan ng ganiyan, hindi tayo magkakilala at mas lalong hindi tayo magkumpare.” Malamig niyang tugon dito.

Nagtangis ang bagang ni Marko ng marinig ang sinabi niya.

“Listen to me bastard!”

Hinawakan nito ang kwelyuhan ng suot niyang jacket.

“Talagang hindi! Dahil kumukulo ang dugo ko sa ginawa mong pag halik sa girlfriend ko! Sa susunod na –”

“Wag ako boy! Hindi mo kilala ang binabangga mo.” Tinapik niya ang kamay nitong nakahawak sa kwelyuhan niya dahilan para itulak siya nito.

“Ang yabang mo ah! Sino ka ba sa inaakala mo?” Tinulak siya nitong muli sa dibdib dahilan para mabuhay ang dragon sa loob niya.

Walang sabi-sabing sinungaban niya ito ng suntok at kaagad na sinipa ang lalaking kasamahan nito na susugod sa kaniya. Mabilis na dinukot niya sa bulsa ang coping blade na palagi niyang dala at itinutok sa leeg ni Marko. Hawak niya ang kaliwang kamay nito papunta sa likuran at kaunting galaw lang nito ay mababali ang braso nito.

“Wala ako sa kondisyon para makipaglaro sa inyo, mahirap na. Ayaw kong magasgasan ang gwapo kung mukha. Sa ibang araw na lang kapag wala akong importante na paglalaan ng oras.” Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay nito dahilan para mapasigaw sa sakit walang magawa ang apat na kasamahan nito.

Ipapakilala siya bukas ng Lolo niya sa lahat, ayaw niyang may galos ang mukha. He need to be look presentable.

Pumasok sa isipan niya na si Katriona ang tinutukoy nito dahil ito lang naman ang babaeng hinalikan niya sa loob ng bar ngunit paano naman ito na sabing shota si Katriona e may kasayaw itong lalaki kanina? Tsk!

Inilapit niya ang bibig sa tenga nito, “...Sa susunod na hahalikan ko ang shota mo sisiguradohin kung mauuwi sa kama, babalitaan kita.” Tinulak niya ng malakas si Marko dahilan para masalo ng kasamahan nito.

Mas nangibabaw ang galit ni Marko sa sinambit niya. Tinapunan niya ito ng nakakapatay na tingin bago siya sumakay sa sasakyan niya. Matinding tension ang nasa pagitan nilang dalawa, kahit hindi niya ito kilala sa pangalan, tandang-tanda niya ang mukha nito.

Kung shota nito si Katriona bakit hindi ito umalma ng halikan niya? Hindi man lang siya nito sinampal. Such a playful girl, hindi niya hahayaan na paglaruan siya ng dalaga.

No way!

Tuso siya pagdating sa babae, kung tuso si Katriona mas tuso siya. Kaagad niyang inapakan ang break ng may babaeng humarang sa daan niya.

“Putangina!”

Malutong niyang mura nang makilala na si Katriona ito. Talagang sa tapat ng bar pa siya hinarang. Binusenahan niya ito ngunit hindi gumalaw.

Buwisit!

Itinabi niya ang sasakyan bago siya bumaba at na iinis na nilapitan ang dalaga. Iwas na iwas na nga siya dito dahil pinipigilan niya ang sarili na madala sa tukso lalo pa’t kakaiba ang reaksyon ng katawan niya pagdating dito.

“Magpapakamatay ka ba, ah?!” Galit niyang isinara ang pinto driver at naglakad papalapit sa dalaga na pa suray-suray kung maglakad.

“N-no, don't shut...” Inisang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa. Napalunok siya ng maramdaman humaplos ang kamay nito sa kaniyang dibdib pababa sa kaniyang abs. Damn!

Lasing na ‘to.

“May kashalanan ka sa akin alam mo ba ‘yown? Ninakawan mo ako ng dalawang besesh na halik at pagbabayarin kita. Pakashalan mo ako!” Lasing na ani nito, gusto niyang itulak ang dalaga ngunit hindi niya magawa. Masyadong maganda ang katawan nito sayang kung magagasgasan lang.

“Halik ang ninakaw ko sayo, ide isasauli ko ang halik!” Walang sabi-sabing sinungaban niya ng halik ang dalaga, isinandal niya ito sa nakasarang pinto ng driver seat.

Mabuti na lang at madilim ang lugar na kinaruruunan nila at walang tao. Kaagad namang nakipaglaban sa halik niya ang dalaga. Nasasabayan nito ang bawat galaw ng labi niya, he's burning in desire just because of that kiss.

He can't hold it anymore. He want to fuck this sexy lady!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status