Share

KABANATA 3

NAPABALIKWAS si Katriona ng maramdaman niya ang liwanag na tumatama sa kaniyang mukha. Nasapo niya ang kaniyang noo ng maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo.

Hangover!

“Aww!” D***g niya ng masagi niya ang kaniyang pagkababae, kumirot ito na para bang may sugat ito. Ang bigat ng pakiramdam niya at masakit ang buong katawan niya.

“Shit!” Bulaslas niya ng mapagtanto na wala siya sa sariling silid, inilibot niya sa kabuohan ng silid ang kaniyang paningin at wala siyang na tagpuan kundi ang sarili niya na tanging kumot lang ang saplot niya.

Someone raped me!

Sandali siyang natigilan upang alalahanin ang lahat ng nangyari kagabi ngunit hindi niya maalala kung sino ang lalaki na nakasama niya. Sa halip ay nahagip ng mata niya ang makapal na pera na kulay asul.

Do I look like a paid girl?

Pinilit niya ang sarili na makatayo sa kama at paika-ika na naglakad papunta sa sofa. Kinuha niya ang nakatupi niyang ang damit na suot niya kagabi. Nagmamadaling dinampot niya ang bag niya na nakalagay sa center table ng marinig niyang mag ingay ang kaniyang cellphone.

Glaiza’s calling...

“Hello?”

Kinakabahang sinagot niya ang tawag ng kaibigan, hindi niya alam ang gagawin. Wala siyang ibang na tatandaan maliban sa niloko siya ng boyfriend dahilan para pagpakalasing siya sa bar!

[“Thanks God! Sumagot ka na, na saan ka ba ah? Nag-aalala na sayo si Tita, hindi ka daw umuwi, my god! Anong nangyayari sayo? Na saan ka pupuntahan kita, –”] Pinutol niya ang sasabihin nito.

“...N-no, no, pa uwi na ako. Magkita na lang tayo sa hospital. See you!”

[“Wag mong sabihin na kay Marko ka nagpalipas ng gabi? My god! Babae wag mong sabihin na ibinigay mo sa kaniya ang sarili mo? Nag-iisip ka ba ah?!”] Napairap siya na para bang ka harap niya lang ang kausap.

“Glaiza, no! Stop thinking like that, stop. Okay? I don't wanna heard his name, please. I’ll explain when I see you, for now. Bye!”

Kaagad niyang pinatay ang tawag ng kaibigan at akmang tatawagan niya ang kaniyang Ina ng battery low na siya.

Shit! Bakit naka-open ang recorder ko? Damn it!

Pinatay niya ang recorder ng cellphone niya at direkta itong na save ka sabay ng pag off ng kaniyang cellphone. Nanggigigil na ibinalik niya sa bag ang cellphone niya. Nagmamadaling nagbihis siya ng kaniyang damit habang ingat na ingat na wag masagi ang kaniyang pagkababae dahil kumikirot ito, pakiramdam niya ay may sugat sa loob niya.

Nagmamadaling nilisan niya ang silid na hindi niya kilala ngunit bago niya ito tuluyang iwan pinakatitigan niya ang buong kwarto sapat lang para masaulo ang bawat anggulo nito.

Galit ang lumukob sa kaniya kaya kinuha niya ang pera na iniwan nito dahil balak niyang isampal sa lalaking iyun kapag nagkita silang muli. Hindi siya bayarang babae at hindi siya papayag na tratuhin siya nito ng ganito!

Habang papalabas siya sa condo na kinaruruunan niya panay ang sulyap sa bawat sulok ng condo baka sakaling makita niya ang lalaki na kumuha ng pagkababae niya. Ngunit bigo siya, wala man lang siyang nakita kahit larawan nito sa frame. Walang ka display-display it's a plain house. Para bang bagong-bago pa ito na hindi pa matagal na natitirahan.

Habang nasa elevator ay iniisip niya kung sino ang nakasama niya ka gabi ngunit kahit anong pilit niyang alalahanin mas sumasakit lang ang kaniyang ulo. Hindi pwedeng hindi niya makilala ang kumuha sa kaniyang pagkababae, she promise herself na kung sino ang makakauna sa kaniya ay magiging asawa niya.

Kailangan nitong panindigan ang pag-angkin sa kaniya!

“Hi Ma'am, good morning. How may I help you?” Saad ng babaeng nasa front desk kung hindi siya nagkakamali ito ang receptionist.

Mag-isip ka Katriona. Mag-isip!

“Gusto ko lang itanong kung may ibinilin sa inyo ang asawa ko bago siya umalis?” Gumana ka please!

“Me I know your husband's name Ma'am?” Nakangiting tugon nito sa kaniya at para bang may tiningnan ito sa computer.

“From room 5***, hindi kasi siya nagpapaalam sa akin, hindi ko rin makontak.” Napakagat-labi siya.

“Wait a minute Ma'am, I check it first. Ngunit sigurado po ako na walang ibinilin si Mr. Zaimon ng lumabas siya, actually Ma'am, thirty minutes pa lang ng lumabas siya galing sa condo niya.” Napa-awang ang labi niya.

Zaimon? Who the hell he is?!

“T-thank you,” Nilisan niya ang building nito at kaagad na sumakay sa taxi at nagpahatid siya sa kanilang mansion.

Zaimon, wala siyang kilalang Zaimon! Impossible naman na si Marko ang kumuha ng pagkababae niya e, hindi naman ito ang building ng condo nito. Damn! What I have done? I need to find that Zaimon!

“Good morning, Ma'am. Kanina pa kayo hinihintay ng Mommy mo,” Saad ng katulong na nagbukas ng pinto para sa kaniya.

“Na saan si Mommy?” Napalunok siya dahil sa kaba.

“Nasa garden po sila ng Daddy niyo, kumakain ng almusal.” Ibinigay niya ang bag niya rito bago naglakad papunta sa garden, pinilit niyang makapaglakad ng maayos kahit na masakit ang nasa gitna niya.

Kaagad niya namang natagpuan ang kaniyang magulang na masayang kumakain sa garden, para pa rin itong teenager sa sweetness nito sa isa’t-isa na nagsusubuan.

“Are you out of your mind, Katriona?! I can't sleep worrying about you! Where did you spend your night? Hindi ka man lang nag text o tumawag na nakauwi ka na sa Condo mo!” Sunod-sunod na tanong ng kaniyang ina, bakas ang pag-aalala sa boses nito.

“Mommy, I can explain...” Nakayukong ani niya sa Ina. Her name is Karren. Ito ang unang beses na pinag-alala niya ng ganito ang kaniyang Ina. Nakalimutan niyang may usapan silang dinner kagabi at hindi siya nakarating.

“Mom, I live independently almost a year, you don't have to worry about me. I'm sorry if I forgot about our dinner,” She added.

“Come here, Sweety. Join us,” Tumayo ang kaniyang ama na si Cezar at ipinaghugot siya ng isang upuan.

“Honey, she's not getting any younger. Look our daughter is now a professional doctor, she's know how to decide for herself. Let her,” Hinawakan ng kaniyang ama ang kamay ng kaniyang Ina.

“I know, but she's our Unica Hija, I want the best for her and her safety. Nagkalat ang mga rapist sa kalye, hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala para sa kaniya. Bakit kasi hindi ka na lang bumalik dito?” Pinakatitigan siya ng kaniyang Ina.

She gulp. “I’m sorry Mommy, Dad. Pinag-alala ko po kayo, pero wala po kayong dapat na ipag-alala, ayos lang ako sa condo ko, I have peace.”

“I know, what's happen between you and Marko, that's why I'm deadly worried, baby... Nandito lang si Mommy if you need someone to talk, come on join us, papasok ka pa ba?” Hinawakan ng kaniyang Ina ang kamay niya.

“Thank you, Mom, ngunit saan niyo naman po nalaman ang tungkol sa bagay na iyan?” Tumango ang kaniyang ina habang walang imik naman ang kaniyang ama na bakas ang galit sa mukha nito.

Hindi niya na i-kwento sa kaniyang magulang ang nangyari sa kanila ni Marko pero totoo nga talagang may pakpak ang balita, sa sobrang bilis nitong makarating sa kaniyang magulang hindi niya alam kung sino ang nagsabi dito.

Sinaluhan niya ang kaniyang magulang sa pagkain ng almusal, tahimik lang siyang kumakain habang ukupado pa rin ang kaniyang isipan ng lalaking nag ngangalang Zaimon.

“Hindi ako papayag na makalapit pa sayo ang manloloko na lalaking iyun!” Napatingin siya sa kaniyang ama. “P-po?” Napalunok siya.

“Tatanggalin ko siya sa hospital at hindi ko siya bibigyan ng recommendation letter kahit isa siya sa pinakamalagaling na doctor.” Humingga siya ng malalim.

“Dad, labas ang naging relasyon naming dalawa sa trabaho. It's unfair for him, besides I'm not affected anymore.” Nangungusap ang mata na tumitig siya sa ama. Tumango naman ito, saka hinawakan ang kamay niya.

“Wag kang magdadalawang isip na balika –”

“Dad, not anymore. I promise,” Malawak naman na ngumiti ang kaniyang ama ng bumaling siya sa kaniyang Ina nakangiti rin ito sa kaniya. Ngiti na para bang kakaiba.

“My baby is now growing up. Ngunit, wag ka sanang magtatanim ng galit sa puso mo, matuto kang magpatawad. Kahit anong gawin mo may pinagsamahan pa rin kayo, oo, galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya sayo but –”

“Honey, wag mo ng ipilit. Madaming lalaki ang mas matino sa lalaking iyon,” Putol ng Ama niya.

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kaniyang daliri. Parang si Glaiza at Pia lang ang kaniyang magulang. Gustong-gusto ng kaniyang Ina para sa kaniya samantalang ang ama niya naman ay tutol dito.

Pagkatapos nilang kumain ng almusal. Nagtungo siya sa kaniyang silid, naligo siya at todo kuskos siya sa kaniyang katawan. Madaming marka ang naiwan sa kaniyang katawan, lalo na sa kaniyang dibdib at bandang leeg. Mabuti na lang hindi ito na puna ng kaniyang mga magulang. Ngunit kahit anong kuskos niya hindi niya matanggal kaya wala siyang magawa kundi ang tapusin na ang kaniyang pa ligo bago pa siya tuluyang malate madami siyang pasyente ngayon.

Nag-suot siya ng turtle neck-long sleeve, fitted dress na kulay itim, para takpan ang mga bakas ng iniwan ng lalaki sa kaniya.

Kaagad naman siyang inihatid ng kanilang family driver sa Almeda Hospital, iyon ang hospital na pagmamay-ari ng kaniyang ama na minana pa nito mula sa na mayapa niyang Lolo.

“Good morning Doc.” Bati sa kaniya ng isang nurse na nakasalubong niya. Nginitian niya ito at patuloy siya paglalakad patungo sa elevator.

“Doctora Katriona Czara Almeda, isang tanong, isang sagot! Saan ka pumunta ka gabi?” Nasapo niya ang noo niya ng mabosesan ang kaibigan na si Pia, Isa itong nurse. Kaibigan niya ito mula ng high school pa lang siya kaya kilalang-kilala na siya nito.

“Nurse Pia Celestial, wag ngayon. Nagmamadali ako madami na ang pasyente ko na naghihintay sa opisina ko. Mamaya na lang tayo mag-usap, pwede?” Bumaling siya dito na ikinataas naman ng kilay nito, habang sinusuri siya mula ulo hangang paa.

“Nakakapagtaka ang ayos mo ngayon ah, masyado bang malamig at ganiyan ang suot mo? Hindi ka nag-susuot ng dress kapag nasa trabaho. Bet ko ‘yan, ganda mo girl.” Tinuro-turo pa siya nito habang nakangiti ng bunga. “Slay!” Alam ko ang nais niyang iparating.

“Pero alam mo ba girl kung sino ang nakita ko kanina? Shit! Makalaglag panty ng gwapo, antipatiko. Kainis!” Pia pouted.

“Sino na naman ba ‘yang pasyente na iyan?” Palagi namang ganiyan si Pia kapag nakakakita ng pasyente. Huhulaan niya kung hindi ito asawa ng manganganak, paniguradong biktima ng isang car accident.

“Of course not! Kasama siya ni Mister Davidson, akalain mo ‘yon ipinakilala niya kanina sa board of directors bilang apo niya. Eilton Z! Shit, pangalan pa lang ang hot na ng datingan! Siguradong kapag nakita mo siya mas ikaw pa ang magyayaya sa kaniyang makipagtalik!” Sinamaan niya ng tingin si Pia na halata ang kilig sa mukha nito at bastos na bunganga.

“Tumigil ka nga baka may makarinig pa sayo. Isa pa wala akong pakialam kung gwapo ‘yan. Aanhin ko ang gwapo kung manloloko lang naman?” Bahagyang napangiwi si Pia, “Bitter...” Bulong nito.

“Oh siya, sige na, baka umuusok na ang ilong ni Doctora Glaiza sa delivery room na wala pa ang nurse na mag-aassist sa kaniya.” She rolled her eyes. “Daldal ka kasi ng daldal, mamaya na lang.” Tumango naman ito at kumakaway sa kaniya.

Eilton.

Saan niya na nga ba ito narinig? She press the button of the elevator. After a minutes of waiting the elevator opened. Napatitig siya sa lalaking nasa loob ng elevator. Nagtama ang kanilang mata dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya ng pumasok sa isip niya ang putol-putol na imahe nito sa kaniyang isipan at unti-unti niyang na alala ang buong pangyayari ka gabi.

Nakaramdam siya ng hiya ng maaalala niyang siya ang nagyaya dito na makipagtalik at inalok niya ito ng kasal. Halos malaglag ang panga niya ng mapagtanto na ang lalaking nasa harapan niya ang nakakuha ng pagkababae niya! She knew it! It's Eilton Z. Z stand for Zaimon!

Natauhan si Katriona ng makitang muling sasara ang pinto ng elevator pero bago niya pa muling mapindot. May kamay na humarang sa pinto ng elevator dahilan para muli itong bumukas.

“Sasakay ka ba o hindi?” Malamig na ani nito habang nakatukod ang isang kaliwang kamay sa nakabukas na pinto ng elevator. He's so hot!

Hindi niya sinagot ang binata, pumasok na lang siya sa loob at pumunta sa kabilang dulo ng elevator dahil naiilang siya dito. Kung hindi lang siya nagmamadali hindi siya sasakay sa elevator na ang lalaki ang kasama sa loob.

Pagkasara ng elevator pigil niya ang kaniyang hininga. Habang sumasagi sa isipan niya ang pag-iisa ng kanilang katawan, nalasap niya ang langit sa piling nito.

This man took her virginity he need to marry her!

Palihim siyang bumaling sa binata, nakapamulsa ito habang nakatitig sa nakasarang pinto ng elevator. Bagay na bagay dito ang suot nitong black v-neck shirt na napapatungan ng mamahaling jacket na kulay itim at itim na maong na pantalon na pinaresan ng isang white shoes.

Nakaka-akit ang makapal nitong kilay na may hiwa sa gitna, samahan pa ng hikaw nito na kulay silver, pabilog na may spike design na nakapalibot dito. Nagbaba ang tingin niya sa itim guhit na napansin niya sa ibaba ng taenga nito.

Is that a tattoo?

“Kung nakakatunaw lang ang tingin kanina pa na lusaw ang gwapo kung mukha sa kakatitig mo.” Nag-iwas siya ng tingin dito. God, nakakahiya!

“As if sayo ako nakatingin,” She rolled her eyes. “Hindi ako bulag,” Binalinggan siya nito dahilan para magtama ang mata nilang dalawa.

“Paano mo naman nalaman na sayo ako nakatingin?” Panghahamon niya sa binata, bumaling ito sa nakasarang pinto ng elevator dahilan para sundan niya ito ng tingin.

My god!

Wala siyang kawala, nagrereflect sila sa nakasarang elevator para lang silang na nanalamin sa loob ng elevator.

“Bakit mo ‘ko tinitingnan ng ganiyan?” Baling sa kaniya ng lalaki, “Wag kang umakto na hindi mo ‘ko kilala.” Naasar niyang sambit dito, kung makapagsalita ito ay parang balewala siya dito na para bang hindi sila magkasama magdamag.

“Talagang hindi naman kita kilala. Maliban sa magaling kang sumayaw sa dancefloor, binusuhan mo ako sa banyo, niyaya akong makipagtalik.” Namula ang mukha niya sa hiya na naramdaman.

“At higit sa lahat, sinukahan mo ang damit ko. Iyon ang hindi ko makakalimutan.” Dagdag pa nito na ikina-awang ng labi niya.

“Hindi ako katulad ng babaeng nasa isip mo kaya mula ngayon, ang babaeng magaling sumayaw sa dancefloor, nakakita ng pagkalalaki mo sa banyo, nag-aya sayong makipagtalik, at sinukahan ang damit mo sa sobrang pagkalasing ay magiging a-sa-wa mo na...” Malapad siyang ngumiti sa binata na ikinatawa naman nito ng pagak. Talagang pinagdiinan niya ang salitang asawa.

“Hoy, babae! Wag mo akong pinagbibiro ng ganiyan. Hindi mo ako kilala,” Malamig na tugon nito.

“Unti-unti, makikilala rin kita. Eilton Z.” Umiling ang binata. “Marami na akong na ikama na babae ikaw lang ang nangyaya sa akin na makipagtalik na may kondisyon pang kasal, ganiyan mo ba ako ka gusto para pakasalan mo ako?” Sa pagkakataong ito siya naman ang napatawa ng pagak.

“Talagang iba ako sa mga p****k! Panagutan mo ang pagpapakasarap mo sa katawan ko kagabi! Binalaan kita na kapag pinasok mo wala ng bawian, papakasalan mo ako!” Naiinis na sambit niya sa binata na ikinatitig nito sa kabuohan niya.

“Hindi naman ako ang na sarapan sa ginawa natin kundi ikaw. Sanay na ako sa ganu'n samantalang ikaw unang beses mong makatikim, swerte mo pinalasap ko sayo ang langit. Pwede namang salamat na lang ang sabihin mo, wag lang ang kasal-kasal na ‘yan, kung gusto mong muling malasap ang langit, alam mo na naman ang condo ko punta ka lang, paliligayahin kita.” Nakangising ani nito sa kaniya na siyang ikinasama ng tingin niya dito. Nakapako ang tingin nila sa isa't-isa ng marinig niya ang tunog ng elevator at bumukas na iyon.

“Hinding-hindi ako papayag na magpakasal sayo, magunaw man ang mundo hindi ako magpapatali sayo. Alalahanin mo, kusa mong ibinigay sa akin ng sarili mo.” Naglakad palabas ng elevator ang binata nakakailang hakbang pa lang ito ng sumigaw siya.

“I sue you for raping me!” Naiinis niyang sigaw.

Muli itong bumaling sa kaniya. “Mas gusto ko pang makulong kaysa ang matali sa isang babae.” Kinindatan siya nito bago nagpatuloy sa paglalakad.

Naiwan namang nagpupuyos sa galit si Katriona sa loob ng elevator, hindi siya papayag na hindi siya nito papakasalan, nakuha nito ang bagay na iningatan niya ng maraming taon.

“Papakasalan mo ako sa ayaw at sa gusto mo, Eilton Z.” Bulong niya sa kaniyang sarili at nagmamadaling lumabas ng elevator bago pa siya masarahan nito.

Naiinis siya sa binata, ang lakas ng loob nitong angkinin siya duwag naman na pakasalan siya! Mabilis na naglakad siya patungo sa kaniyang opisina ng makasalubong niya sa pasilyo si Marko Perez—ang dati niyang kasintahan at si Lianna Dixon na haliparot na babaeng nang-agaw sa kasintahan. Nakasuot ang dalawa ng doctor’s uniform dahil co-doctor niya ang mga ito.

Mas lalong na buwisit ang araw niya ng makitang naghalikan pa ito sa harapan niya kahit na alam naman ng mga ito na makakasalubong siya.

Magsama-sama kayo! Piste!

Naglakad siya ng diretso ng akmang lalampasan niya na ito ng tawagin siya ni Lianna na para bang iniingit siya na nakakapit ito kay Marko.

“Doctora Katriona, you're late, hindi porket ikaw ang anak ng may-ari ng hospital magpapalate ka, be responsible.” Nagpanting ang pandinig niya.

“Doctora Lianna Dixon, isang magaling na chemist ang ama mo, bakit hindi ka magpagawa ng gamot sa pangangati ng katawan mo para hindi ka nagpapakamot sa doctor na isa ring haliparot? Malas mo baka mangati siya mapakamot sa iba, kawawa ka...” Pang-iinsulto niya sa dalawang manloloko sa kaniyang harapan.

“Katriona.” May pagbabanta sa boses ni Marko na nakatingin sa kaniya.

Sinalubong niya ang mga mata nitong bakas ang pagsisi. “Doctora Katriona,” Pagtatama niya sa binata.

“Be formal Doc Marko, wala tayo sa Lugar para maglokohan at kung pwede lang, ilugar niyo rin ang ka landian niyo, hospital ito hindi motel. Pinapaalala ko lang baka nakakalimutan niyo, excuse me...” Matamis siyang ngumiti sa dalawa bago pa siya nagsimulang naglakad. Sasabunutan sana siya ni Lianna ngunit napigilan ito ni Marko.

Kumukulo ang dugo niya sa dalawa idagdag pa ang pag-iisip kung paano niya makukuha ang loob ni Eilton na pakasalan siya, hindi siya nito matatakasan! Kahit butas ng karayom papasukin niya pakasalan lang siya ng binata!

Naka-upo siya sa kaniyang swivel chair, halos kakatapos niya pa lang na tingnan ang huli niyang pasyente, mabuti na lang at wala siyang schedule ngayon na may papa-anakin siya dahil kung meron hindi niya alam kung magagawa niya ito ng maayos sa daming gumugulo sa kaniyang utak. She skip lunch para matapos kaagad ang kaniyang schedule. She's an Ob-gyne doctor kaya puro buntis ang nagiging pasyente niya. She love what's she's doing, her mother is a doctor, mana lang siya dito.

Dinampot niya ang kaniyang cellphone ng marinig ang ring tone niya. It was her Dad calling.

“Dad?” Sumandal siya sa swivel chair niya.

[“How are you sweetie?”] Dad never forget to check her every time.

“Kakatapos ko lang po na i-check up lahat ng pasyente ko sa araw na ito, bakit po?” Magalang niyang tanong dito.

[“Umuwi ka ng maaga sasama ka sa amin ng Mommy sa dadaluhan naming party.”] She pouted.

“Pero Dad –”

[“No buts. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo, para naman may makilala na bagong kaibigan.”] Hindi naman kaibigan ang gusto nitong matagpuan niya kundi isang lalaki na maitatapat nito sa pambato ng kaniyang Ina na si Marko.

“I will Dad, see you.”

[“Bye.”] Kaagad naman niyang binaba ang kaniyang cellphone. Nakaramdam siya ng gutom tinatamad siyang bumaba sa cafeteria ngunit wala siyang magagawa inutusan niya ang kaniyang secretary na ihatid ang mga files na hinihinggi sa kaniya ng kaniyang Ama.

Lumabas siya sa kaniyang opisina at naglakad papunta sa cafeteria, na ramdaman niyang nag vibrate ang kaniyang cellphone tanda na may nag mensahe sa kaniya kaya kaagad niya itong kinuha sa suot niyang uniform.

“Kat, nasa cafeteria kami nag me-meryenda na saan ka?” Laman ng mensahe sa kaniya ni Glaiza, she's about to reply on her friend when someone bump her.

But before her body hits the tile floor of the Hospital, strong arms caught her unbalance body.

“Putangina!”

Does it just her imagination or it was that Eilton's baritone voice?

“What the—” Hindi niya naipagpatuloy ang kaniyang sasabihin ng pagmulat ng kaniyang mata nakita niya ang mukha ng binata, na magkalapit ang kanilang mukha, she can't help but to blush as she remember what's happen inside the men's comfort room in the bar. She saw his manhood!

Kaagad siyang pinakawalan ng binata kaya naman umayos siya ng tayo. “Doctor ka pala?” Ngumisi ito.

“Nice!” Naglakad na ito para lampasan siya ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso nito dahilan para lingunin siya nito.

“Ano na naman?” Sarkastikong tanong nito.

“Pakasalan mo ako.” Mahinahon niyang sambit sa binata habang na ngungusap ang kaniyang mga mata na nakatitig sa walang emotion nitong mga mata.

He smirked. “Maski sa panaginip hindi mangyayari.” Inalis nito ang kamay niya sa braso nito. Nasaktan siya sa ginawa nito na para bang may nakakahawa siyang sakit para ayawan siya nito.

Her tears drop. Para siyang isang bayarang babae sa mata nito, ang baba ng tingin nito sa kaniya. Ano ba mali sa kaniya at ayaw siya nitong pakasalan?

Hindi niya ito susukuan. Kung kailangan niyang magpabuntis dito gagawin niya, maging asawa niya lang ito dahil papanindigan niya ang pangako niya sa kaniyang sarili na ang lalaking makakakuha ng pagkababae niya ay magiging asawa niya. Doon man lang ay maipadama niya ang tapat siya sa kaniyang sarili na tuparin ang matagal niyang ipinangako sa sarili, self-love.

Damn, she forgot to slap his money on his own face.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status