“Ama, ayon sa librong binabasa ko ay hindi natin dapat basta-basta nilalagay sa ating mga kamay ang batas. Ibig sabihin ho ba nito ay kailangan muna natin ng matibay na patunay at mga pruweba sa pagkakasalang ginawa ng nasasakdal bago sila hatulan?” tanong ko sa aking ama na nasa katapat ko nakaupo. Narito kami ngayon sa silid aklatan. Kasalukuyan kong binabasa ang libro tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin ng isang namumuno patungkol sa mga nagkakasala, at siya naman ay nagbabasa ng mga ipinasang batas at kasulatan sa kanya mula sa konseho.
Napatigil siya sa pagbabasa at tumingin sa akin. Ibinaba niya ang scroll na hawak niya sa may mesa bago sumandal sa kanyang upuan.
“Iyan ang nakasaad sa ating kasulatan at tamang gawin, ngunit may mga pagkakataon na maaari natin iyang baliin, katulad na lamang kung harap-harapan nating nakita na nagtataksil sila sa ating mundo o kapag may mga kalabang sumugod sa atin at kailangan na ng ating mga nasasakupan,
“Mira, hindi na lang ako sasam—” “No way! Kailangan mong sumama sa amin para makapaglibang ka naman. Saglit lang tayo!” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at pabagsak na naupo sa kanyang kama. Hindi siya nagpapatalo simula kanina at mukhang wala nga akong magagawa kung hindi ang sumama sa kanila dahil paniguradong hihilahin niya ako paalis mamaya. Nandito ako ngayon sa bahay nila Mira dahil pagtapos naming magtalo ni Cyrus kanina ay rito ako dumiretso. Hindi ko matagalan ang makita si Cyrus sa iisang lugar o miski ang makasama siya. Hindi ako makapaniwala na sa kanyang paningin ay ako ang mali dahil napikon si Sofie, gayong ang babaeng kanyang pinagtatanong at pinapanigan ay ang nagsisimula ng gulo. Simula sa pagbangga niya sa akin noong kaarawan ng kapitan ng lugar na ito, hanggang sa mga nangyari pang pakikipagtalo niya sa akin. Matatanggap ko pa sana na mali ako kung sinumpa, o sinaktan ko ng pisikal ang babaeng iyon, ngunit ang tanging sinabi ko
Sa kahit anong mundo ka man mapunta, hindi na bago at hindi na mawawala ang mga nilalang na may masasamang gawain at may mga itinatagong kulo sa loob. Ang pagnanasa ng mortal na kaharap ko ngayon sa akin ay ramdam at basang-basa ko sa kanyang isip.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga balikat habang unti-unting nilalapit ang kanyang mukha. Ang akala niya ata ay hahayaan ko na siya sa nais niyang gawin sa akin dahil hindi ako lumalaban sa kanya at nagbabanta lang… ngunit nagkakamali siya. Sa pangalawa at huling beses na banta ko ay roon na ako tumigil. Nang inihinto niya ang paglapit ng mukha niya sa akin ay singurado kong nakatitig siya sa aking mga mata bago pinagbago ang kulay no’n.Ang kamay niyang nakahawak sa aking balikat ay nagsimulang manginig sa takot, kasabay ng panlalaki ng mga mata niya at paglayo sa akin.“H-hindi ka t-tao!” takot na sabi niya sa akin. Isang ngisi ang ibinigay ko sa kanyang sagot bago pinanunbalik ang
Cyrus,Nagtalo man tayo kanina ay hindi naman no’n mababago na lubos akong nagpapasalamat sa tulong na ibinigay mo sa akin. Simula pa lang sa pagkuha mo sa akinna nag-aagaw buhay noon sa may ilog, sa paggagamot sa akin, sa pabibigay ng mga pangangailangan ko at sa pagpapatuloy mo sa akin sa iyong tahanan. Alam kong hindi masusukat ng mga salita kung gaano ako lubos na nagpapasalamat sa iyo kung kaya’t panghawakan mo ang pangako kong sa pagdating ng araw ay babawi ako sa iyong kabutihan, pati na rin kina Mira.Patawad sa naging pagtatalo natin kanina. Palagi akong walang kontrol sa aking emosyon at galit.Sa pag-alis kong ito ay sana’y huwag mo na akong hanapin upang ang tahamik na buhay ng bawa’t isa ay manumbalik. Naaalala ko na ang lahat kung kaya’t babalik na ako sa tunay na pinanggalingan ko.Muli, maraming salamat at patawad.  
Lubos akong naguguluhan. Alam at ramdam ko na aking kakampi ang nilalang na bumuhay sa akin, ngunit ang hindi ko maintindihan ay matapos niya akong buhayin ay dinala niya ako rito sa mundo ng mga mortal kahit na alam niya na mas kailangan ako sa aming mundo, at tapos ay iniwan na masama ang lagay sa may ilog. Alam kong noong iniwan niya ako ay ang mga sugat na lamang mula sa pagtagos ng espada sa katawan ko ang natira at mga sunog ng balat na natamo ko mula sa pilak na kadena na maaaring maghilom kahit hindi kailangan ng sobrang panggagamot… pero ang malaking katanungan ay bakit sa lahat ng lugar ay rito niya ako dinala? At sino siya?Ang unang nasa isip ko ay maaaring si Helena iyon dahil siya ay makapangyarihan at may kakayahang buhayin ako, ngunit kilala ko ang boses ni Helena at kung nagkataon man ay paniguradong iuuwi niya ako sa kanilang mundo. Sigurado naman akong hindi rin iyon si Danie dahil hindi sila aabot sa aking nang mga oras na iyon at hindi niya ako hah
Sa pag-alis ni Mira ay itinuloy ko na ang plano ko. Muli akong bumalik sa pila ng tricycle at nagpahatid sa may ilog. Ang sabi sa akin ay hindi ako mahahatid direkta sa lugar na iyon kung kaya’t ibababa na lamang ako kung ano magsisismulang maglakad papunta sa ilog. May kalayuan ito sa sentro ng bayan kung nasaan ako ngayon at kung saan nanunuluyan dahil kalapit na ito ng barangay nina Cyrus, kung kaya’t inabot ako ng isang oras bago nakarating sa babaan.Ang babaan na ito ay ang malapit na sa papasok ng barangay nina Cyrus kung kaya’t nang bumaba ako ay sinigurado kong walang nakakakita sa akin at mabilis na kumaliwa kung saan doon ang daan papunta sa may ilog. Mabuti na lamang ay wala akong nakakasalubong na mga tao kung kaya’t hindi ko na kailangang magtago. Hindi ko nais na may makakita sa akin lalo na’t nakakasigurado akong alam nilang hinahanap ako ni Cyrus.Sa palagay ko ay labinlimang minuto rin akong naglakad bago ko narating ang
Mahirap at komplikado, ngunit kailangan kong kayanin at gawin. Tinignan ko ang braso ko na puno ng mga sugat kagabi ngunit ngayon ay hilom na. Ang mga sugat na natamo ko kagabi ay mula sa pag-eensayo.Hindi ko nakontrol ang kapangyarihan ko kahapon kung kaya’t katulad ng mga nangyayari sa mga pagsasanay ko noon ay sa akin bumalik ang mga atake at nasugatan ko ang aking sarili. Masyadong mahirap ang bagay na gusto kong gawin dahil miski ang aking ama noon ay nahirapan, pero hindi ako susuko lalo na’t alam kong makakatulong ito sa amin sa pagdating ng oras.Hindi ko alam kung sumasagi ba sa isip ng mga kalaban ang muli kong pagbabalik dahil basta na lamang nila akong iniwan noon at hindi tinignan kung tuluyan bang namatay. Kung oo ay dapat na maghanda sila dahil sisiguraduhin kong babalik ako na dala ay tagumpay, at kung hindi naman ay mas mainam iyon upang sila’y magulat at masindak dahil pumalpak ang kanilang unang pagpapabagsak sa akin.Inayos
Pagtapik sa aking balikat. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako pero kanina ko pa nararamdaman ito kasabay ng mahinang pagtawag sa pangalan ko. May iba pa itong sinasabi ngunit hindi ko iyon maintindihan dahil ang diwa ko’y nasa pagtulog pa. Wala akong kasama sa aking tinutuluyan kung kaya’t paanong nangyaring may tumatapik— agad akong napamulat at napabangon ngunit pagdaing lamang at pagsapo sa nasaktan kong noo ang nangyari. Tumama ako sa isang bagay—o mas mabuting sabihin na tumama ang noo ko sa mukha ng isang nilalang na nakakasigurado akong siya ang nambubulabog sa aking pagtulog. Nawala sa aking isipan na kahapon ay biglang bumagsak ang malakas na ulan at wala akong nagawa kung hindi ang patuluyin si Cyrus dito sa tinutuluyan ko. Hindi ko siya maaaring hayaang umuwi dahil masyadong delikado at panibagong dagdag konsensya na naman kung may mangyaring masama sa kanya. Hindi tumila ang ulan kung kaya’t dito siya tumuloy at natulog. Sinabihan ko siya kagabi n
Sobrang labo at gulo ng lahat. Ang plano kong pagbabalik sa aming mundo ay naudlot dahil ayaw magbukas ng lagusan para sa akin kahit na anong subok ko. Ilang oras akong nandito sa kakahuyan at sa itaas mismo ng puno kung nasaan ang lagusan ngunit kahit gamit ang kapangyarihan ko ay walang nangyayari.Kanina’y hindi ko pinaniniwalaan at sineseryoso ang sinabi sa akin ng bampirang palaging nagbibigay ng persimmon sa akin dahil hindi ko lubos maisip na paano ako magkakaroon ng misyon sa isang mortal gayong isa akong bampira, at isa pang reyna na ang tungkulin ay pangalagaan at protektahan ang aming mundo, ngunit habang naglalakad ako ngayon dito sa loob ng kakahuyan ay napagtanto kong hindi siya nagbibiro at ang kanyang sinabi ay kailangan kong sundin.Ang kanyang pagkakakilanlan ay isa pa ring misteryo dahil bukod sa kaalaman na siya ang nagligtas sa akin ay wala na akong ibang alam. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa, kung may katulong ba siya sa pagpaplano