Share

Ika-apatnapu't isang kabanata (unang parte)

Katulad ng palagi kong nakagawian ay ipinaghanda ko ng almusal si Cyrus at kasabay niyang kumain. Sa pagkakataong ito ay ang hiniling niyang sinangang na may maraming bawang at ang pinatuyong isda na tinatawag niyang dilis at tuyo ang akin ipinirito, at dinamayan na rin ng itlog. Tinuruan niya ako kahapon ng kung paanong timpla ang gusto niya sa kanyang kape kung kaya’t iyon ang inihanda ko para sa kanya. Mas gusto niya raw ito kaysa sa gatas.

Pagkaluto ng lahat ay inihanda ko na iyon sa mesa. Nakakapanibagong isipin na kung dati’y ako ang pinagsisilbihan dahil ako ang reyna, pero ngayon ay iyon naman ang ginagawa ko para sa iba. Hindi naman iyon nakakahiya at mas lalong hindi rin nakakababa dahil ginagawa ko ito bilang kapalit sa tulong na ibinigay sa akin ni Cyrus dahil kung tutuusin ay baka wala na ako kung hindi dahil sa tulong niya.

At isa pa, hindi ko tinitignan ang sarili ko na mataas sa iba lalo na at kailanma’y hindi ako tinuruan ni ama na ta

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status