Hanggang sa mananghalian na kami, hindi pa rin ako makapaniwala—hindi pa rin nags-sync in sa akin na nakita ko siya sa ganoong paraan. Like, what was that?! I have hated him for years now and I have never appreciated anything about him. Ngayon lang talaga, at isinusumpa kong hinding-hindi na ‘to mauulit.
Unfortunately, we are eating lunch together. I’m okay with Rico joining us, para naman may kausap si Kheena at hindi ako ang ginugulo. But when Rico’s around? Malamang sa malamang, hindi puwedeng hindi niya kasama si Aven. Being at the same place as him makes my blood boil up to 56.7 degrees celsius but I guess I ‘always’ have to suffer silently.Although, I can do something about it. Puwedeng-puwede akong lumipat ng ibang table or hindi naman kaya’y bumalik sa classroom at do’n na lang kumain pero bakit ako pa ang gagawa ng paraan? Siya dapat ang mag-adjust dahil siya ang nakaka-perwisyo.“You know what? I just realized that it would be nice to eat alone. Baka sa susunod hindi na ako sumabay sa inyo, Kheena.” After I said that, as expected, Kheena dramatically dropped her utensils and gasped, and then harshly clutched her chest, “Ayaw mo na ba akong kasama kumain? I-Is that what you’re trying to say, Cinderella?” Tumalsik pa ang ilang butil ng kanin at laway niya sa braso ko nang ibulalas niya ‘yon.Tamad akong ngumuya, “Ikaw lang ba ang kasama ko ngayon?”I turned to Rico when he shifted in his seat.“Oh? Baka ako na naman, ah? Hindi na nga kita kinakausap diyan para hindi ka mainis, e!” depensa agad nito kahit wala pa man akong sinasabi.I chuckled, “Don’t worry, kaya pa naman kitang pagtiisan. But as much as I want to tell you that I’m fine with you being here, I cannot lie. Lalo na’t may dala kang masamang hangin. Nakakawalang gana.”I gripped my water bottle when Aven butted in.“Hmm? You can just say my name, you know.”“Bakit ko naman gagawin ‘yon? Suwerte mo naman para sayangin ko laway ko sa pagbigkas ng pangalan mo. Hindi ka kasali sa usapan kaya huwag kang sumasabat,” anas ko ngunit na kay Rico pa rin ang tingin.“Ah, hindi ba? Akala ko, ako ang tinutukoy mong masamang hangin, e.”Bakit ba hindi na lang siya manahimik? His chill and sarcastic tone makes me want to strangle the sh*t out of him. I never questioned the existence of anything or anyone, but whenever I see him? Hindi ko mapigilang magtaka kung bakit ba siya ipinanganak ng nanay niya at kung ano pa ang iba niyang purpose sa mundo bukod sa pagiging peste sa buhay ko.Marahas ko siyang nilingon, “Huwag kang mag-alala. Hindi ka nga nagkakamali.”Bahagya nitong tinagilid ang kaniyang ulo at sinalubong ang tingin ko.“Oh, akala ko ba hindi ako kasali sa usapan? Ang gulo mo naman, Prinsesa.”“Shut up!”He just smiled at me and mouthed, “Okay.” Then he shrugged and zipped his mouth mockingly.Argh! Ang sarap niyang saksakin ng tinidor! “Oookay! We should eat na. Nakakagutom talagang mag-aral, ‘no?” Kheena said, obviously just to interrupt the rising tension between me and Aven. Gusto ko pang magsalita para makabawi ngunit binaling ko na lang sa pagkain ang inis ko.Natapos ang lunch break at kahit nasa klase na, hindi pa rin humuhupa ang init ng ulo ko. While the teacher is discussing in front, I’m also taking my time fighting the urge to choke Aven. May pinapakopya sa amin at kung minamalas nga naman ay hindi ko makita ang ballpen ko. Kinapa-kapa ko ang aking ponytail kung saan ko ito palaging isunusuksok pero wala akong nakapa. I checked the pockets of my blouse ngunit wala rin ‘yon do’n. P*cha naman!“Sh*t, where is it?” I whispered.Abala ako sa paghalukay-ube ng mga gamit sa loob ng bag ko nang biglang maglahad ng g-tec ‘tong katabi ko. I didn’t face him, patuloy lang ako sa paghahalungkat ng gamit ko.“Hoy, oh.”“Hinahanap ko ang ballpen ‘ko, okay? Huwag mo ‘kong ginugulo kung ayaw mong it*rak ko sa leeg mo ‘yang hawak mo,” pabulong kong anas.Mangha siyang tumawa, “Chill ka lang. Ito na nga ‘yong ballpen mo, e.”Nang sipatin ko ang hawak niyang g-tec, may electrical tape rin ang dulo no’n kagaya ng sa akin. Hinablot ko ito mula sa kaniya nang makumpirmang akin nga ang hawak niyang ballpen.“Ba’t nasa ‘yo ‘to?” I glared.“Nahulog mo kanina nang mag-walk out ka no’ng recess.” He shrugged and grinned, “You’re welcome.”Imbes na sumagot, inirapan ko lang siya. He thinks I would thank him? ‘You’re welcome’ my a**. Why would he say that if I didn’t even say ‘thank you’? Ako? Magpapasalamat sa kaniya? Haha! Never.* * *I woke up at the right side of the bed. Although, it’s a bit sad since umalis na naman sina Mom for their two-day business trip in Singapore. But at least, I get to say goodbye before they left. Nakangiti pa akong bumaba ng sasakyan matapos maihatid ni ‘Tay Nelson pero nang makasabay kong pumasok sa main gate si Aven? Wala na. Everything got f*cked up and my smile literally dropped like a hot potato. Puwede naman siyang mauna sa akin sa paglalakad ngunit mas pinili niyang bagalan ang paghakbang kaya talagang nagkasabay kami.“Wow, I know that’s your resting face, but still—good morning!” bati niya at lalo pang tumabi sa akin.I aggressively shrugged my left shoulder to shoo him away without glancing at him, “F*ck off.”Bahagya naman siyang lumayo, “Uy, masamang nagmumura. Wala talagang preno ‘yang bibig mo, ‘no? Nag-good morning lang, e,” he chuckled.He’s talking to me like we are the extremely close friends in the entire universe when disgust and bitterness are obviously glued on my face!“So? Do I need to return the favor? Leave me alone. I’m on the f*cking edge of my scant patience for you, Alessandro. Hindi malabong bigla na lang kitang masakal sa pagka-imbyerna!” I glared at him ngunit imbes na masindak ay nakipag-titigan pa nga ito habang nakangisi.“Hindi ka ba talaga titigil?” I added.“Alessandro pa nga. Okay, okay!” Itinaas nito ang magkabilang kamay at binilisan ang paglalakad para mas mauna, ngunit nanatili pa ring nakaharap sa akin habang patalikod ang hakbang.“But I can’t promise that I’ll leave you alone. I’m sorry to break this to you but you’re stuck with me until the end of our high school journey, Prinsesa. Although, it depends on you kung gusto mo pa rin akong makasama hanggang college. If that’s the case, don’t hesitate to tell me.” As he slid his hands into his pockets and then he winked!I almost threw up seeing how disgusting his face was but I let that slide since he did leave me alone somehow. Lunch had passed and after the conversation we had this morning, hindi na kami muling nagka-usap. We still had to make interactions ‘tho since we were sitting next to each other, at madalas ay nagpapa-exchange paper lang naman kaysa magpa-clockwise kapag may quiz or activity.For some reason, hindi niya ako binibuwiset. Kahit sina Rico ay nagtataka rin na wala kaming fliptop battle ni Aven ngayong araw. They literally waited, ngunit wala talagang nangyaring ganoon. Hmm, ano naman kayang binabalak ng ugok na ‘yon?Masayang pumasok ng classroom sina Migz at nakasakay pa sa likod nito si Rico.“Guys! Sabi ni Talanza, hindi na raw muna siya magka-klase ngayon. Puwede na raw tayong umakyat sa ComLab since E-Tech naman daw ang next subject natin,” excited na balita ni Rico.“Saka, magka-klase agad si Sir Canlas. Siya na lang daw gagamit ng time ni Sir Talanza,” Migz added.“Weh, totoo ba? ‘Pag ako, napagalitan na naman sa kalokohan niyo, ha,” banta ni Angelou ngunit handa naman ng lumabas ng classroom dala-dala ang kaniyang binder notebook.“Oo nga! Kunwari pa ‘tong si President, handa ka na ngang umakyat, oh? Sabik sa aircon yarn?”If I know, na-uto na naman nila ang matandang guro. Ugali pa man din nilang alaskahin ito sa kadahilanang nakakabagot itong magturo at madalas pang magkuwento tungkol sa buhay niya. Well, sometimes, it kinda helps. I’d be lying kung sasabihin kong never akong na-bored sa klase ni Sir Talanza.Palabas pa lang ako ng classroom nang biglang sumunggab sa akin si Kheena na siyang ikina-atras ko. Anak ng tinapa, wala ba silang klase at dito na naman siya nanggugulo? Sa pag-atras ko na ‘yon ay may nabangga ako sa likod ko. I looked back and was about to apologize when I saw Aven’s annoying face.Kunot-noo ko siyang sinipat. “Sorry,” labas sa ilong na paghingi ko ng tawad. “Nakikita mong mababangga ka na, bakit hindi ka na lang umiwas? Are you that stupid?”I know it’s my fault that I bumped into him but puwede naman siyang umiwas, ‘di ba? Isa pa, hindi ko naman sinadya at kung sinadya ko man, sisiguraduhin kong tatalbog siya hanggang sa pinakadulo ng Milky Way.“Nakatingin ako. But since ikaw naman ang babangga sa akin—syer! Why nort?” maarte niyang sabi, tipong tumatabingi pa ang nguso niya at bahagyang iniling ang kaniyang ulo.“Mukha ba akong nakikipag-biruan sa ‘yo, ha?”He was about to say something again nang biglang sumingit sa pagitan namin si Kheena. At dahil nga malaki ang height difference nila, bahagya siyang napayuko nang sabay kaming akbayan nito.“Balita ko, vacant niyo rin daw? Tara! Canteen muna,” Kheena said as she wiggled her eyebrows.Rico nodded.“Vacant namin kaso gagamitin ni Sir Canlas ‘yong time ni Sir Talanza, bale two hours ngayon ang klase namin sa E-Tech. So, hindi na rin siya vacant.”Hinawakan ko ang braso ni Kheena at inalis ‘yon sa balikat ko, “Ano na naman bang kailangan mo?”Sumimangot naman siya at bumitaw na rin kay Aven.“Ano ba ‘yan, bakit naman kayo magka-klase agad? KJ talaga ni Kalbo, plano ko pa sanang tumambay sa canteen, e!”Hindi ako sumagot at tuluyan na silang iniwan para umakyat sa third floor. Pagkabukas ko pa lang ng pintuan ng ComLab, sumalubong na agad sa akin ang lamig. Do’n ko lang napagtanto na nakalimutan ko pa lang dalhin ang sweater ko. Sa dinami-dami ba naman ng puwede kong maiwan, ‘yon pa talaga? Ang galing mo talaga, Cinderella.Nang maka-upo na lahat, nagsimula na rin agad mag-discuss si Sir. Medyo hindi ko lang makita ‘yong presentation niya, pero good thing binabasa niya muna ito bago ipaliwanag. Mataimtim akong nakikinig habang pasimpleng nilalabanan ang lamig at panginginig. Dahil nga sa walang kamatayang alphabetical order, nasa bandang likod ang puwesto ko. Kung hindi ba naman minamalas, halos katabi ko lang ang aircon at katabi ko pa si Aven. Paano ko kinakaya ang ganitong sitwasyon palagi? I don’t know either.Abala ako sa pakikinig nang biglang ipatong ng walang-hiya ang kaniyang hoodie sa hita ko. Really? Ngayon pa talaga na nasa kalagitnaan kami ng klase? Ayokong mapagalitan kaya imbes na singhalan siya ay pasimple ko na lang tinapon sa kaniya ang hoodie. Sinadya kong lakasan ang pagkakabato para madama niya ang pagka-irita ko. But then he did place it again on my lap! Do’n na ako napalingon sa kaniya.“Ano ba? Mukha ba akong patungan ng gamit mo, ha?” pabulyaw kong bulong.Hindi niya ako tinapunan ng tingin, humalumbaba lang ito at inayos ang kaniyang salamin.“Nanginginig ka.”“Oh, tapos? Anong pakialam mo?”I admit, it feels warm pero mas pipiliin ko pang manginig sa ginaw kaysa manghiram ng jacket sa kaniya. Tinapon ko itong muli pabalik sa kaniya but the hoodie end up landing on my lap again!I was ready to kick his leg when he yawned and whispered, “Your skirt seems shorter than usual. Takpan mo, nakikita ko hita mo.”Kumalat ang init sa mga pisngi ko dahil sa kahihiyan. Agad akong tumagilid ng upo, paharap sa aircon at inabot sa kaniya ang hoodie niya. Pasimple akong lumingon sa paligid at mukhang wala namang ibang nakarinig niyon bukod sa aming dalawa. Why does he have to point it out?! Kapag nasa classroom naman, wala naman siyang napapansing ganito, ah?“I-I don’t need it!” pagmamatigas ko pa.“Villantura and Velasquez! I’m discussing here in front, aren’t you aware?! Por que mga honor students kayo, ganiyan na kayo umasta?! Aba, ang taas naman talaga ng tingin niyo sa mga sarili niyo! Get out of my class, and stand outside until this class ends!”Mangangatuwiran pa sana ako pero wala naman nang silbi ang pagpapaliwanag, lalong-lalo na sa teacher namin na ‘to. Labag sa loob akong sumunod kay Aven na nauna nang tumayo para lumabas. Great, I just missed a double-hour class because of that jerk’s madness.Warmth crawled on my skin as soon as we got out of the Computer Lab, it was soothing. But the
That day, I went home frustrated and confused. Why would my heart pound faster and harder like that just because he held my hand? Nakapagtataka lang dahil hindi naman ako ganoon mandiri. Hindi na ako nag-abalang magpaliwanag kay Ana, I just walked out on them. I have no idea why I ran away but it feels like it was the right thing to do.Oo nga’t nakakatakot ang pelikulang pinanood namin. Ngunit hindi ‘yon ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog nang maayos nitong mga nakaraang gabi. What he did wasn’t scary, it was disgusting as f*ck that it kept repeating in my mind and I don’t know what I should do to forget the feeling of his hand intertwined with mine.“Prinsesa—“I raised my hand in front of Rico’s face before he could even finish his sentence, “I’ll eat lunch alone, makaka-alis na kayo.”“Ha? Na naman? E, pero bakit muna? Ilang araw ka nang ganiyan, Cindz. Rinding-rindi na kami sa pagtatalak ni Kheena!”Pumalatak ako,“Walang dahilan, okay? Can’t you just go? It’s not like you
Despite of what Aven have reasoned out, Kheena looked at me unconvinced. Hindi na nakakagulat na sa kanilang dalawa ni Rico ay siya ang may mas malakas na radar pagdating sa mga bagay na tungkol sa aming dalawa ng paborito nilang kaibigan. Alam kong hindi ko rin naman siya matatakasan kaya hinila ko na lang ito at isinama papuntang library.Kinuwento ko kung bakit at kung paano nangyari na magkasama kami no’ng araw na ‘yon. Nabanggit ko rin sa kaniya ang tungkol kay Analice nang hindi sinasadya dahil sa pagkainis but of course, there’s no way I would tell her about that holding-hands part. Ano ako, hibang? I would never!“What?! E, gag—“Agad kong tinakpan ang kaniyang bibig at saglit na napapikit ng mariin. Pabulong ko siyang sinita, “Kheena, we’re in a freaking library! And please, huwag mo nang tangkaing mag-eskandalo just for that reason.”Uunahan ko na agad siya because knowing how crackhead she is, hindi malabong gano’n nga ang gawin niya. As expected, she’s really annoyed about
Am I sick? This sudden changes… hormonal, perhaps? O baka naman ay talagang ipinakulam na ako ni Aven? Lately, I’ve been feeling weird things, and I’m not happy that I kinda feel shy whenever I sense him steal glances from me. Well, for me, it’s really awkward for a person you hate the most to be suddenly look charming after an argument. Normal bang makaramdam ng hiya bukod sa galit kapag aksidenteng nagtatama ang mga mata niyo? I mean—D*mn, I hope that’s normal.“Guys, sino daw ang sasali sa volleyball at basketball, both boys and girls? By curriculum daw this year. Jusko, buti na lang ‘no? Kung by strands ay talagang lugi tayo. Ang dami kaya ng HUMSS students!”“Kung palakasan lang naman ng putok ay hindi natin kailangang mangamba. Roberto Diaz for the win! Ang hindi sumuporta, isu-subsob sa kili-kili ni Robi HAHAHAHAH!”Nalalapit na naman ang intramurals. I’m not into sports, wala akong ganap pero nagtatiyaga akong pumasok dahil sayang rin ang plus points sa attendance. I don’t enjo
“Work with your chemistry mga anak, okay? Good job, Ren. You walk like you’re in a real fashion show runaway, I love that. I hope you can teach Cindy how it’s done, hmm? You may now take a break. Be back at 1 PM.”Hindi ko alam na ganito pala ka matrabaho ang pagsali sa pageant. Akala ko naman no’ng sinabing magiging representative ako ng curriculum namin ay ire-represent ko lang talaga ang Grade 11 Curriculum, maglalakad lang sa stage at sasagot ng tanong ng judges. But yeah, it’s too late to back out now. Good thing, may experience na ‘tong partner ko and I think there’s still at least thirty-eight percent of chance na maipanalo namin ang pageant. Hindi na ako magugulat kung after the pageant madaming maghabol sa kaniyang mga scouts or modelling agencies.Naglalakad na kami ngayon pabalik sa mga classroom namin. Ren is a HUMSS student, magkatabi lang ang classroom namin since taga-HUMSS 1-A siya but it’s funny na hindi siya pamilyar sa akin. Either mahina ang social skills ko or tala
Hindi man nakapaglaro, mukhang nag-eenjoy naman si Kheena sa pang-aasar kay Rico. Kanina pa ito nagsisisigaw, chine-cheer ang kaibigang kanina pa nakaupo sa bench sa gilid ng court. Nasa bandang kanan kami ng bleachers at mula sa puwesto namin ay kitang-kita namin si Rico na halatang sabik nang humampas ng bola. Saklap naman no’n, todo praktis pa tapos sa huli bangko lang naman pala.“Go, Enrico! Sit properly, bogo!” sigaw pa ni Kheena sabay halakhak ng malakas. Kahit ‘yong mga katabi namin ay natatawa na rin sa paulit-ulit nitong isinisigaw. Napapatakip na lang ng mukha si Rico sa kahihiyan.Actually, wala sana ako ngayon dito dahil may practice kami para sa pageant. Kaso, kasali rin pala si Ren sa badminton players kaya after lunch na lang raw. ‘Buti naman ‘no, sa araw-araw ba naman na pagp-practice ng ngiti ay nangalay na ang panga ko. Ilang band-aids na rin ang dumaan sa sakong ko dahil kinailangan kong magtakong kahit practice pa lang upang tumibay ang tindig ko at hindi madaling
I hope Aven’s words distract me from being pathetically nervous but they didn’t. Ren and I are both on the opposite side of the stage wings. We’re supposed to meet halfway and then walk together for our introduction but after I had a glimpse of the crowd and heard the chaotic cheering of our curriculum, I feel like I won’t be able to walk properly. Am I shy? No. Do I have stage fright? I don’t know. It’s just… I don’t want to be laughed at.“Let’s welcome, the Grade 11 Curriculum!”When Ren took a step, I did too. Sinusubukan kong huwag tumigil sa kalagitnaan ng paglalakad dahil nga pinapanood na kami ng madla, parang ang hirap ihakbang ng mga paa ko ngunit pinipilit kong maglakad ng maayos. Oh please, I don’t want to embarrass myself in front of these people! Kung puwede ko lang kaltukan ang sarili ko ay baka kanina ko pa nagawa. F*cking stop panicking, Cinderella! D*mmit!Tuluyan nang bumigat ang aking kaliwang paa at no’ng mga sandaling ‘yon, akala ko talaga ay mapapahiya na ako ngu
A week later, just like what he said, he did come back on pestering me but his antics got worse—more silly and crazier! He transformed from being an unbothered piece of sh*t into his usual mischievous self again. And this time, walang araw na hindi ako umuuwing gusot ang mukha. ‘Yong kulit niya sa isang araw? Jusko, halos pang-dalawang linggo! Ewan ko ba, balak ‘ata ako nitong patayin sa sama ng loob. Hindi ko na nakakayanang manahimik na lang kapag naiinis ako sa kaniya kasi kapag ginawa ko ‘yon, posibleng ‘yong inis ko ay mauwi sa luha. Walang-wala talaga ang pagiging pikunin ko sa pagiging magulo niya.Minsan napapakurap na lang ako kapag bigla niya akong kikindatan habang nakikipag-harutan sa mga kaibigan niya at medyo ipinagpapasalamat ko naman na pasimple niya itong ginagawa. Kasi kapag nagkataon na may makapansin, lalo na si Rico? Paniduradong uulanin na naman kami ng pang-aasar dahil sa kalokohan niyang h*******k siya.“Prinsesa,” tawag sa akin ni Lynette, kaklase naming nakaup