ANG PAKIRAMDAM NA yakap nito ay tila ba isang kasiguraduhan na walang masamang mangyayari kay Nina. Ang init at kaligtasan ay sabay niyang nararamdaman habang katabi si Hayes. At ang bagay na ganito ay hinding-hindi niya kayang ipagpalit kahit sa ano mang bagay o kayamanan. Siguradong magbibilang siya ng ilang milyong taon bago ulit ito maramdaman at maranasan.Marahan ang paghinga niya at kalmado naman ang bawat pagtibok ng kanyang puso. Naliliyo at namamangha din siya sa atensyon at uri ng pagkakayakap ng lalaki na para bang sinisigurado nitong hindi na siya makakawala pa dito.How Nina wishes they could stay there forever.He felt a wet yet soft thing that pressed on her bare shoulder and she knew it was Hayes' lips, he even made a kissing sound after that."What is it? Care to tell me what's bothering you?" Punong-puno ng lambing at pag-aalala na tanong nito, mas humihigpit pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya na ikinapikit ng kanyang mga mata ngunit hindi naman iyong uri ng yakap na
NAHAHABAG NA PINAKATITIGAN ni Rosemarie si Hawthorne. Naiintindihan niya kung bakit ito nagkakaganon at naaawa siya dahil kailangan nito iyong pagdaan.Siya man din ay nagalit ng sabihin sa kaniya ng tiyuhin nito ang katotohanan at kahit gusto niya iyong ilihim dito ay hindi maaari. Karapatan nito iyong malaman at para na rin hindi kuwestiyunin ng mga taong nasa paligid nito ang pagiging hari niya.Huminga ng malalim si Rosemarie bago lumabas ng silid na iyon.Ngayong wala na dito ang dating hari na pinagsisilbihan niya ay inialay na lang niya ang oras sa pagamutan. Noong una ay naiitsapwera pa siya, inaapi at pinagtatabuyan ng mga manggagamot na matagal ng naninilbihan doon pero ng makita ng mga ito ang dedikasyon at kakayahan niya sa panggagamot ay unti-unti ng tumigil ang pang-aalipusta ng mga ito sa kaniya."Ikaw na lang ang maghatid ng pagkain niya o di kaya mag-utos ka ng iba."Iyon ang naabutang eksena ni Rosemarie sa kusina. Dumaan lang siya doon bago siya dumiretso ng kanyang
'SIGURO AY LASING lang talaga ang kamahalan kaya niya iyon nasabi.'Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Rosemarie sa sarili dahil bakit naman nito iyon sasabihin sa kaniya? Bakit siya nito aalukin ng ganoong bagay?Matapos nito iyong sabihin sa kaniya ay nawalan na ito ng malay kaya ipinahatid na lang niya ito sa silid nito."Siguradong epekto lang iyon ng alak."Pagkukumbinsi niya sa sarili dahil hindi siya mapalagay at paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang mga sinabi nito na ultimo pagtulog ay naging mailap sa kaniya, bigla-bigla na lang din siyang natutulala at hindi na niya namamalayan na nakangiti na pala siya.Ngunit hindi naparito si Rosemarie para doon kaya bago pa lumalim ang nararamdaman niya ay iiwasan na niya iyon. Hindi na angkop para sa kaniya na manatili sa palasyo kaya lumipat na siya sa bahay pagamutan. Sa paraang iyon ay hindi na magkukrus ang landas nila ng hari.NAGLALAKBAY ANG ISIP ni Hawthorne habang inilalahad ng pinuno ng konseho ang mga paghahanda para
MULA SA KINAUUPUAN ni Rosemarie at pagtingin sa pulsuhan ng pasyenteng kanyang ginagamot ay napatayo siya ng makita si Ingrith. Ang mga manggagamot naman ay gumilid habang nakayuko dito kaya ganon din ang kanyang ginawa.Hindi angkop ang marangyang kasuotan at kagandahan ng babae sa payak na lugar na iyon. Tila namumukod tangi ito, tila sa isang tuyong hardin at ito lang ang nag-iisang paru-paro o natatanging buhay na bulaklak."Ikaw siguro si Rosemarie." Sabi nito ng tumayo sa kanyang harapan."Ano ang makapaglilingkod ko sa inyo, Kamahalan?""Sumunod ka sa akin." Saka siya naunang lumabas.Nagbulungan naman ang mga kasamahan ni Rosemarie, nagtataka at iba ay naiinggit. Mabilis na lang niya itong sinundan."Huwag mo na akong tawagin na kamahalan, oo nga at nagmula ako sa maharlikang pamilya ngunit kahit kailan ay hindi ko naramdaman na isa akong maharlika."Hindi alam ni Rosemarie kung bakit iyon sinasabi sa kaniya ni Ingrith."Si binibining Yovanna lang ang itinuring ako na kapantay
"HINDI MO NA ako kailangan pang iligtas. Bumalik ka na sa Psicadiasis at ipinapangako ko sa 'yo na babalik din ako don. Magkakasama ulit tayo."Iyon ang huling mga salitang sinabi ni Tariq kay Rosemarie. Ang kanyang amain, ang lalaking kinilala niyang ama simula ng nagkaisip siya ngunit sa isang iglap ay hindi na niya ito makakausap at makikita pa. Hinding-hindi na niya ito makakasama pa.Napaluhod siya at sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang luha habang kitang-kita niya ang paggulong ng ulo nito sa kalupaan at pagbagsak ng wala na nitong buhay na katawan.Alam ni Rosemarie na nakita siya ng amain dahil iniangat pa nito ang kamay sa kanya at nakuha pa nitong ngumiti bago ito tuluyang pugutan ng ulo ni Hawthorne.Nang wala ng natirang mga kawal, nang makaalis na sila Hawthorne ay doon lang inalis ng babae ang kamay sa kanyang bibig. Doon na lang din siya humagulgol at nagsisigaw. Pinagsusuntok niya ang lupa sa sobrang sakit at galit na nararamdaman, na para bang sa paraan na iyon ay mapap
NAIIRITANG TUMAYO SI Rosemarie, pinagpupulot ang mga damit saka inilagay sa batya pagkatapos ay binuhat iyon at nagmamadali siyang umalis doon kahit madulas at mabato ang ilog.Parang tila sa kumukulong tubig ang nararamdaman niya at kapag tuluyan ng umapaw ay talagang hindi na niya mapipigilan ang galit. Kinamumuhian niya ito at nasasaktan siya ng sobra dahil sa ginawa nito. Sa ginawa nitong pagkuha sa kaisa-isang taong nagmahal sa kaniya ng lubusan at itinuring siya na anak.At mas nasasaktan siya dahil hindi niya masabi dito ang katotohanan. Wala itong kaalam-alam sa paghihinagpis at mga kalungkutan niya."Ano bang problema at nagkakaganyan ka?" Humarang si Hawthorne sa harapan ni Rosemarie.Ganon na lang ang pagpigil ng dalaga na huwag itong singhalan."Kamahalan, baka ho may makakita at makakilala sa inyo dito. Dapat ang mga kawal sa palasyo ang kasama ninyo at hindi ang isang hamak na tulad ko lang, makakasira ho iyon sa reputasyon n'yo at ayaw ko na hong pag-usapan ka pa ng iban
NAGKAKAGULO ANG MGA kasamahang manggagamot ni Rosemarie ng bumalik siya sa bahay pagamutan."Anong nangyari sa 'yo at basang-basa ka, Rosemarie?" Nakakunot ang noo at nagtatakang tanong ng kanilang pinuno ng makita siya. "Ikaw lang ba ang naglaba?"Binanlawan niya ulit ang mga nilabhan at siniguradong malinis ang mga iyon bago siya bumalik kaya hapon na no'n at wala na ring masyadong pasyente doon."Bakit wala ni isa man ang tumulong kay Rosemarie samantalang hindi naman ngayon ang araw ng kanyang paglalaba?"Natahimik naman ang ibang mga manggagamot, iniiwasan na mapatingin sa mga mata ng kanilang pinuno."Wala ho silang kasalanan." Pagpigil ni Rosemarie sa babae. "Ako ho mismo ang nagprisinta na maglaba.""Ganon ba? Pero kahit na, dapat lahat tayo dito ay nagtutulungan.""Ano ka ba, pinuno?" Nilapitan ito ng isa nilang kasamahan, hinawakan siya sa braso habang ang isang kamay nito ay may hawak na maganda at mamahalin na palamuti. "Natapos naman na ni Rosemarie ng maayos ang kanyang
"DINIG NINYO NA ba ang usap-usapan tungkol sa mahal na hari at kay Rosemarie?""Totoo ba talaga iyon?""Kung totoo ngang may pagtatangi ang kamahalan kay Rosemarie, paano na tayo? Paano na kung maging babae siya ng hari o 'di kaya ay maging reyna siya?""Kung magiging reyna nga si Rosemarie, hindi kaya gantihan niya tayo sa mga pang-aapi at pang-aabuso natin sa kanya? Naalala n'yo ba iyong sinandya natin na matapon ang kinakain niya?""Ikaw lang naman ang nagplano no'n tapos binuhusan mo pa siya ng tubig sa ulo niya kaya siguradong ikaw lang ang paparusahan niya. Tapos inutos-utusan mo pa siya, kahit ang mga nakatokang gawain mo ay ipinapagawa mo sa kanya."Iyon ang mga narinig ni Rosemarie sa kusina kaya hindi siya tuluyang pumasok dahil hindi niya alam kung saan nakukuha ng mga ito ang ganoong usapan.Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago siya tahimik na pumasok at ng makita ng mga ito ay agad siyang nilapitan ng mga ito."Rosemarie, kami na ang magbubuhat at gagawa ng pag-iigib n