Share

CHAPTER 50

"Paano na lang kaya ako kung wala kang lagi dumadamay sa akin? Siguro hindi ko na kakayanin ang lahat."

Hindi na sumagot si Christian. Pinunasan niya ang luha ng bestfriend saka niya hinawakan ang baba nito at tumingin sa mga mata ni Irish.

"Okey ka ka ha! Huwag ka nang umiyak!"

Tumango lang si Irish.

Nagbukas si Christian ng isang tupig at isinubo niya iyon sa maluha-luhang si Irish.

"Ginagawa mo pa akong bata. Akin na nga 'yan." Kinuha niya ang tupig sa kamay ni Christian at sabay na silang kumain.

"Bok, ako na diyan, bumalik ka na sa tabi ni Janna." Seryosong tinuran ni Daniel nang maabutan niyang nakasandal si Irish sa balikat ni Christian.

"Christian, stay here with me, and you, please stay away from us!" Hinawakan ni Irish ang braso ng ni Christian. “Ikaw na lang ang bumalik sa tabi ni Janna.”

"Hindi puwede ang gusto mo. Paano kung may mangyari sa'yo? Isa pa, hindi pa nakakapagsimula si Christian sa trabaho niya bilang PSG kaya kung may mangyari sa'yo, sa akin ang balik no'n at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status