Chapter 88. Ngayon, hindi niya alam kung huling pananakit na iyon ng pinsan niya kay Irish ngunit nakikita niyang wala siyang magiging lugar sa puso ni Irish. Hindi na niya kayang maging isang matalik lang na kaibigan sa habang-panahon. May nararamdaman na siyang patuloy na nagpapahirap sa kaniya. Isang marubdob na damdamin na patuloy na sumusugat sa kanyang puso. Kailangan din niyang isipin muna ang sarili niya. Tanggap na niyang hanggang "bestfriends" lang silang dalawa ni Irish.Huminga siya nang malalim. Kailangan na niyang magdesisyon din para sa sarili niya. Kinuha niya ang cellphone. Hinanap niya ang huling text sa kaniya ng kaibigang nasa ibang bansa. Kung mangyayari rin lang naman ito, bakit pa niya iyon patatagalin. Ang pagsisimula ng paglimot ay hindi na dapat ipinapabukas pa. Matagal na niyang tinitiis ang lahat ng bakayaran ng nililihim niyang nararamdaman. Hindi na muna niya binasa ang mga text sa kaniya ng Kuya Daniel niya. Kailangan niyang ipahinga ang isipan. May mga
CHAPTER 89Nalito si Irish. Hindi niya maintindihan kung bakit ang simpleng kantahan ay nauwi sa iyakan? Mabilis rin siyang tumayo. Sinenyasan niya si Dick na ayusin ang bill. Sinundan niya si Christian na noon ay nagmamadaling tinungo ang dalampasigan. Lumapit siya sa nakayukong umiiyak na si Christian."May problema ba Christian? May pinagdadaanan ka?"Hindi ito sumagot. Tumingin lang kay Irish saka inayos niya ang sarili. Kinagat niya ang labi niya ngunit sadyang marupok ang luha. Patuloy lang itong umagos sa kaniyang pisngi."Bakit hindi mo sabihin sa akin, baka matulungan kita.""Wala.”“Wala? Anong wala e nakikita ko yung sarili ko sa’yo ngayon.”“Talaga? Nakikita mo na ako? Nararamdaman?”“Bakit naman hindi?”Huminga nang malalim si Christian. Tinignan niya si Irish. Ayaw niyang sumabay sa lahat ng problema ni Irish ngayon. “Huwag mo na akong intindihin. May sarili ka pang problema na kailangang mong unahin." Bumunot ng malalim na hininga. Inilagay niya ang mga kamay sa magkab
CHAPTER 90“Wala ka bang nararamdaman sa akin?” garalgal na tanong ni Christian. Suntok sa buwan, sungkit sa bituing tanong.Umiling-iling si Irish habang umaatras hanggang sa tuluyan siyang tumalikod."Irish, I'm sorry..." sinikap ni Christian na pigilan ang President’s Princess."Huwag mo na muna akong kausapin.""Galit ka ba sa akin?""Please! Hayaan mo munang magsink-in lahat sa akin kasi nasa gitna ako ng iba't ibang matitinding emosyon ngayon. Nasasaktan ako dahil sa nangyari sa amin ni Daniel, nagulat ako at nalilito sa ipinagtapat mo sa akin, naiinis ako sa sarili ko na ginawa ko iyon, na ginawa natin iyon na hindi ko man lang sinigurado kung si Daniel ang katalik ko nang madaling araw na 'yon. Pagod na pagod na akong mag-isip. Ahhhh! Damn! Gusto kong ipahinga ang isip at puso ko dahil sa totoo lang malapit na akong mabaliw. Sana di na lang kayo dumating na magpinsan sa buhay ko nang hindi ako nahihirapan ng ganito," singhal ni Irish.Walang magawa si Christian kundi ang tangg
"Pag-asa? Nasisiraan ka na ba ng ng ulo? Hindi kita binigyan ng pag-asa. Nag-assume ka lang!"" Siguro nga, nag-assume lang ako. Na kahit hindi sigurado ang mga ipinakita mong mga pagtatanging iyon, nagbigay sa akin ng simpleng ngiti sa labi ngunit sa pagdaan ng araw, ang mga mumunting pag-asang iyon ang parang mga lason na unti-unti ding pumapatay sa akin, ang mga di mo sinasadyang iyon ang lalong nagpapahirap sa akin kasi nakikita kong mas matimbang ang pagmamahal mo kay Kuya Daniel.""Akin na nga yung pinabili ko." mabilis niyang nilapitan ang alak ngunit naunahan siya ni Christian. Kinuha iyon ni Christian at tinungo niya ang CR. Hinawakan siya ni Irish sa baywang para pigilan ngunit dahil mas malakas si Christian at maaring may tama na siya ngunit hindi katulad ni Irish. Kaya padausdos lang na nasama si Irish hanggang sa loob ng CR. Isa-isang binuksan ni Christian ang alak at ibinuhos niya ang laman no'n sa toilet bowl habang hirap na hirap si Irish na pigilan siya. Sapat na ang
CHAPTER 92 Bakit gano'n? Bakit siya ngayon naguguluhan? Bakit may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman.Nang una niyang makita si Christian pagbaba niya sa jeep ay matagal silang nagkatitigan. Naiinis lang siya noon kay Daniel at sa mahirap niyang immersion kaya naman ang lahat ay naituon sa pagkaaburido niya. Ngunit noon pa man, napansin na niya ang kaguwapuhan nito. Noon pa man, may kung ano na siyang naramdamang paghanga kay Christian. Madalas na rin ang pagpapansin ni Christian noong unang araw palang niya sa purok. Ang pagbibigay nito ng pagkain nang ayaw niyang humarap sa mga ibang tiga-baryo. Ang pag-gu-goodnight nito sa kaniya na tanging pag-irap lang ang itinutugon niya.Hindi niya makalimutan nang unang nakaramdam siya ng kakaiba noon kay Christian nang magka-angkas silang sumakay sa kalabaw."Natatakot ka ba sa akin Christian?" tanong niya."Hindi Ma’am, nahihiya lang ako.""Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa.""Ako mahuhulog? Astig
CHAPTER 93Pagkalapag ng eroplano ay agad na siyang pumunta sa paradahan ng jeep. Nagawa niyang takasan ang kanyang mga bagong PSG. Bahala na kung kagalitan siya ng Mommy o Daddy niya. Ang mahalaga ay maabutan at makausap niya si Christian.Dahil nakaalis na ang huling biyahe ng jeep ay nagdesisyon siyang umarkila na lang ng masasakyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pinaghandaan na niya ang mga maaring tanong ni Christian sa kaniya. Ayaw niyang isipin ni Christian na panakip-butas lang siya dahil batid niyang noon pa man, may espesyal nang bahagi si Christian sa puso niya. Nauna lang kasing nabuo yung paghanga niya kay Daniel. Naunang umusbong ang pag-ibig para sa nauna niyang bodyguard kaya nagawa niyang i-ignore ang sumisibol na pagmamahal niya para kay Christian. May tumubong paghanga nang panahong iniligtas siya ni Daniel sa kamay ng mga holdaper sa bus. Mula no'n, may kung ano na siyang naramdamang pagtatangi. Huli na nang napansin niya si C
CHAPTER 94Umalis si Christian dahil iyon ang gusto niya. Ngunit habang hindi pa sila nagkikita, wala siyang ibang gawin kundi ang ayusin ang buhay niya at magsimula. Inaamin niyang hindi rin ganoon kadaling kalimutan si Daniel ngunit panahon na lang din ang makapagdedesisyon kung magkikita pa silang muli. Bahala na ang pagkakataon kung sila nga talaga ang itinadhana. Ayaw na niyang maghabol. Pagod na siyang lumaban. Hindi naman kasi kailangang habulin ng habulin ang pagmamahal. Naniniwala siyang kung ang pagmamahal iyon ay ukol sa isang tao, hindi iyon dapat laging ipinaglalaban, dapat umaayon ang lahat. Walang mali, walang dapat katakutan, hindi din dapat ganito ang pakiramdam.Bumalik siya sa Malakanyang na bigo ngunit may nabuong pag-asa sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay mas malakas na siya ngayon.Sinubukan pa rin niyang hanapin si Christian. Pumunta sa dati nitong apartment ngunit sinabi ng kapitbahay nilang matagal na raw na walang umuuwi roon. Dumaan pa ang ilang araw at ha
Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan