Share

Chapter 4.

Secret Admirer

THREE weeks later…

Naalimpungatan si Erwann nang maramdamang may humalik sa punong tainga niya pababa sa leeg at batok. Unti-unti siyang nagmulat ng mata kasabay ay naramdaman niya rin ang paggising ng nasa pagitan ng mga hita niya. Naghuhumindig iyon na animo gustong kumawala.

Napatingin siya sa babaeng gumising sa kanya. Ibang mukha ang nakikita niya. Her soft and natural red lips that he wanted to kiss all day if he had the chance.

Wala sa sariling napangiti siya at hinaplos ang mukha ng babae nang bigla siya nitong halikan. Sa puntong 'yon ay napagtanto niyang hindi ito ang babaeng pinapantasya niya. Marahan niya itong itinulak at bumalikwas ng bangon.

"Carrie..." Gulat ang rumehistro sa mukha niya. Saka niya lang naalala ang mga nangyari kagabi. Oo nga pala at nasa unit siya ni Carrie. "I-i have to go." Dali-dali siyang nagsuot ng pantalon.

Bumangon si Carrie na tanging kumot lang ang tumatakip sa katawan at niyakap siya mula sa likod.

"Later na. Why don't we repeat what we did... last night..." mapang-akit na bulong nito at sinimulan ulit siyang halikan.

"May kailangan pa 'kong gawin. I'll call you."  Matapos isuot ang tshirt ay walang lingon-likod siyang umalis ng unit nito. 

The woman she was with was Carrie Jimenez. Ang babaeng gusto ng abuela na i-date niya and he did. Labis pa sa napag-usapan ang ginawa niya. Dinala siya nito sa unit nito at ibinigay niya kung ano ang hinihingi nito. He's just a man and he has needs. What happened between them will stay that way. No strings attached. 'Yon ang mantra niya pagdating sa pakikipag-date at alam 'yon ng mga babaeng nakikilala niya.

Makalipas lang ang ilang minuto ay lulan na siya ng land rover defender at kasalukuyang tinatahak ang kalsada patungo sa Dangwa. Nang makarating sa lugar ay itinigil niya ang sasakyan 'di kalayuan sa flower shop ni Nathalie. Sa lugar na hindi siya nito makikita. Hindi niya na matandaan kung kailan pa niya sinimulan na manmanan ang dalaga. 

Siguro simula noong kuhanin niya ang address ng bahay at flower shop nito kay Mandy sa ospital. Dahil hindi na ito matanggal sa sistema niya. May ibang epekto ito na hindi niya maintindihan. Naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Mandy.

"Pagpasensyahan niyo na si Nathalie, naaawa lang siguro siya sa sarili niya dahil siya na lang ang nagtatrabaho para sa kanilang magkapatid." pahayag ni Mandy habang nasa labas sila ng silid ng dalaga.

"Bakit nasa'n ang mga magulang nila?" tanong ni Connore.

Isinalaysay sa kanila ni Mandy ang kwento ng buhay ni Nathan at Nathalie. Mataman nakinig ang kambal lalo na siya at bawat detalye ay pinapakinggan niya. Matapos 'yon ay hindi niya na alam kung ano ang mararamdaman niya para sa dalaga.

Wala sa sariling napangiti ang binata ng masulyapan si Alie na lumabas ng flower shop. Lumulan ito sa motor at sa likod ay may bouquet ng roses. Motor ang isa sa binili nito mula sa perang ibinayad ni Colton. Hindi siya nito napansin at nilampasan lang ang sasakyan niya. Magaling na ito at natanggal na ang pagkaka-semento ng kamay at paa.

Nang masigurong nakalayo na ito ay agad siyang bumaba ng sasakyan at tumawid sa kalsada para pumunta sa shop.

"A-anong ginagawa mo dito, Uno?" gulat na tanong ni Mandy at lumabas para tingnan kung wala na si Alie. Alam niyang ayaw nitong makita siya ng kaibigan nito kaya't inililihim nito ang pagkikita nila.

Ibinaba niya ang dalang mga pagkain at inilibot ang tingin sa kabuuan ng shop. Maliit lamang 'yon. Tipikal na tindahan ng bulaklak sa Dangwa. Ang kaibahan lang ay maganda ang pagkakaayos sa mga bulaklak na naroon. Presentable at talaga namang mapapatigil ang sinuman para bumili. Kaya rin siguro dito palaging umo-order ang taga-VGC dahil sa kalidad.

"Nag-abala ka pa. Sigurado puputaktehin na naman ako ni Alie, ng tanong kung sa'n nanggaling 'yan," anito.

Sa tuwing makikipag-kita siya kay Mandy ay marami siyang dalang pasalubong para kina Alie. Pero hindi lahat ay ibinibigay nito para na rin hindi naghihinala ang dalaga. Dahil nang minsang dalhin nito ang mga nanggaling sa kanya ay binulabog ito ng tanong. Mabuti at naniwala si Alie, sa alibi nito na bigay iyon ng kostumer sa parlor.

"Tell me, paano niya 'ko mapapatawad?" mula sa kawalan ay tanong niya.

"Napatawad na kita--- este mapapatawad ka rin niya. Basta sincere kang mag-sorry sa kanya,"  may simpatya sa tinig na wika nito. Hindi siya nagsalita at hinimas ang baba niya.

"Sa pagkakakilala ko kay Alie, hindi siya mapag-tanim ng galit," dagdag pa nito.

"But I'm an exception," pakli naman niya.

"Eh... Malay mo naman," nakangiwing tugon nito. Maski ito ay hindi sigurado sa sagot nito. Ibig lang sabihin no'n ay hindi gano'n kadaling magtiwala si Alie.

Hanggang sa makauwi siya sa pad niya ay laman pa rin ito ng isip niya. Hindi niya alam pero masyado na nitong ginugulo ang sistema niya.

Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa loob ng silid ay narinig niya na ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Pumihit siya pabalik para tingnan kung sino man ang nag-doorbell. Pasado alas otso na 'yon at wala siyang inaasahang bisita.

"Carrie," kunot ang noong wika niya nang mapagbuksan ng pintuan ang babae. Walang salitang pumasok ito habang may bitbit na isang bote ng wine. Base sa lakad ay mukhang nakainom na ito dahil pagewang-gewang itong nagtungo sa living room.

"Let's drink, Erwann." Pumihit ito paharap sa kanya pero nagkamali ito ng hakbang at muntik ng bumuwal. Mabuti na lang at mabilis niya itong nasalo.

"You're drunk, Carrie. I'll take you home," seryosong wika niya at inakay ito sa paglalakad.

"No, no, don't! Let me stay." Nagpumiglas ito dahilan para parehas silang mawalan ng balanse at bago pa siya makahuma ay bumagsak na sila sa carpeted floor at nakakubabaw ito sa kanya. Napangiwi siya nang maramdaman ang init ng katawan nito. Sunod-sunod ang naging paghugot niya ng malalim na hininga at sinubukang itayo si Carrie.

"I can feel your arousal, Uno. You want me, don't you?" tanong nito habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa kanya.

Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Mahirap kontrolin ang uhaw lalo na kung nasa harapan mo na at buong kusang iniaalok ang sarili sa 'yo.

"Lasing ka na, Carrie. Kung ayaw mong umuwi ay maari kang magpahinga sa couch." Pigil na pigil niya ang paghinga. Itinayo niya ito at inalalayang mahiga sa couch. Nilagyan niya ito ng kumot saka iniwan para magpunta sa balkonahe. Then he texted Mandy.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
yang babaeng yan ang magiging malaking balakid sau uno tsk ...thanks author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status