Share

Chapter 22.

NAPAPAILING NA lang si Alie habang nakangiting tinitingnan si Mandy. Paano ay sumasayaw-sayaw pa ito habang inaayos ang paninda nilang bulaklak. Naikuwento na niya rito ang tungkol sa alok ni Erwann na kasal at daig pa nito ang naging reaksyon niya. Kung siya ay nagulat ito ay kinikilig pa.

"Anong naging sagot mo kay my loves?" tanong nito pagkaraang lumapit sa kanya.

Imbes na magsalita ay nagkibit balikat lang siya.

"Anong ibig sabihin no'n?" Ginaya nito ang ginawa niya habang nakangiwi.

Bahagya siyang natawa. "Wala! Kasi hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya, 'no? Ikaw kaya alukin ng kasal habang nag-e-emote makakasagot ka ba?" pakli niya.

"Ay, oo nga 'no?!" Pagsang-ayon na rin nito.

Sa totoo lang hanggang sa mga oras na 'yon ay wala pa rin siyang sagot sa alok na iyon ng binata. Hindi niya alam kung oo o hindi ang sagot niya at kung alin man doon ang magiging sagot ay kailangan may paliwanag siya. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang ihatid siya nito at mula noon ay hin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status