Share

Kabanata 354

Nabasag ang mga pintuang gawa sa salamin ng clubhouse nang dumating ang mga elite ng Flying Sword Sect dala ang mga espada nila.

Mabilis nilang pinalibutan si Frank at ang iba pa, habang tuwang-tuwa namang sinigawan ni Jan si Frank, “Katapos mo na, hayop ka! Nandito na ang daddy ko!”

“Pu*angina mo.”

Nang makita ni Frank na dumadaldal pa rin si Jan, sinampal niya si Jan sa mukha, dahilan upang tumalsik ang dalawa sa mga ngipin ni Jan!

Di kalaunan, nagbigay daan ang mga apprentice ng Flying Sword Sect para kay Kuno, na nakatitig kay Frank, Vicky, at Yara, at pagkatapos ay tumingin siya sa kanyang anak na nakaluhod sa sahig.

Dahil alam niyang nabigo ang plano niya na siraan si Frank, nagdesisyon siya na wala nang rason para magtago pa sila.

“Pakawalan mo ang anak ko, Frank,” ang kalmado niyang sinabi.

Ayaw niyang galitin si Frank, dahil alam niya na papatayin ni Frank kahit na sino kapag ginalit nila siya ng husto.

Gayunpaman, suminghal sa galit si Frank. “Bakit ko naman gagawin ‘
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status