Lumapit si Frank upang tingnan ang head injury ni Brenda, at agad siyang sinigawan ni Jade, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”Tiningnan siya ng malamig ni Frank."Isa akong manggagamit,” ang sabi niya bago siya humarap kay Brenda. "Umupo ka, at huwag kang gagalaw. Gagamutin ko ang sugat mo.”Subalit, biglang hinablot ni Jade ang braso niya. "Kung manggagamot ka, yung anak ko muna ang asikasuhin mo!”Tumingin naman si Frank kay Luna.Bagaman hindi na niya gusto sila Jade at Luna dahil sa kayabangan nila, marahan niyang sinabi na, "Dislocated lang ang joint ng anak mo. Maliit na bagay lang ‘yun.”Subalit, nagalit lamang ang dalawang babae sa mga sinabi niya, at agad siyang sinigawan ni Jade, "Maliit na bagay?! Na-dislocate ang braso ng anak ko, tapos sasabihin mo maliit na bagay lang ‘yun?!”Humagulgol naman si Luna, "Oo nga, ang sakit-sakit… Tulungan mo na ako."Sumimangot si Frank at tinuro niya si Brenda. "Sinasabi mo ba na mas malala ang kondisyon ng anak mo kaysa sa babaen
Gayunpaman, nagsimulang sumigaw sa sakit si Luna noong hinawakan siya ni Janet, “Argh!!! Ang braso ko!!! Ang braso ko!!!”Nang marinig ni Jade ang mga sigaw ng kanyang anak, agad na tumalon si Jade papunta kay Janet at itinulak niya siya papunta sa sahig habang nag-aalalang nagtanong kay Luna, "Ayos ka lang ba, Luna?""Sobrang sakit, Mom!" Humihikbi si Luna.Lalong nagalit si Jade nang marinig niya ang pag-iyak ni Jade, at humarap siya kay Janet habang sumisigaw, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ba isa kang manggagamot?! Paano mo nagawang saktan ang anak ko?"Kumunot ang noo ni Janet. "Inaayos ko ang buto niya. Normal lang na makaramdam siya ng sakit...""Mom, ayaw ko ng tulong niya," humagulgol si Luna noong sandaling iyon. "Sobrang sakit..."Pinandilatan ni Jade si Janet habang sumisigaw, "Bakit nakatayo ka lang diyan?! Humingi ka ng tawad sa anak ko ngayon din!""H-Humingi ng tawad...?" Halos maluha si Janet.Gayunpaman, patuloy na nagalit sa kanya si Jade, "Walanghi
Subalit, nang makita niya na nagalit sa kanya ang mga tao, agad na sumakay si Jade sa kotse niya at umalis, hindi na siya huminto upang humingi ng kabayaran mula kay Brenda o sa kahit sino.Nakahinga ng maluwag si Janet at lumingon siya kay Frank. "Maraming salamat.""Hindi mo kailangang magpasalamat sa’kin," tumawa si Frank. "Sa totoo lang, saan nanggaling yung mga maharlikang ‘yun? Makatwiran ang galit na naramdaman ng mga tao."Lumapit si Brenda kay Frank noon at yumuko. "Maraming salamat, iho. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi dahil sayo.""Sobra-sobra na ‘yang sinabi mo, ma'am," ang sabi ni Frank sa kanya. "Wala ‘yun."Labis ding natuwa si Janet at ngumiti, "Ma'am, pwede kang magpahinga sa Flora Hall.""Hindi na, ayos lang ‘yun." Agad na itinaas ni Brenda ang kanyang mga kamay. "Ayos lang ako, at kailangan ko pang magtrabaho. Sa totoo lang, napakabait niyong dalawa... sana maging maganda ang buhay niyo. Magpakasal at magkaroon ng maraming anak..."Natural, inakala niy
Nagsalita si Luna, “Kailangan mo siyang hanapin, Mom. Parurusahan ko siya para sa paglapastangan sa pamilya natin.”Agad na sinabi ni Gina sa kanila na, "Huwag kang mag-alala, Luna. Ang sinumang nang-agrabyado sayo ay inagrabyado rin kami—siguradong ipaghihiganti kita."Pinagmasdan ni Jade si Gina. "Ganun ba kalawak ang impluwensya ng pamilya mo? Mayabang yung walanghiyang ‘yun at malamang marami rin siyang koneksyon."Agad na ngumiti si Gina, hindi siya nagpadaig. "Maimpluwensya kami dito sa Riverton. Oh, at nakalimutan ko—kasosyo ng Turnbull family si Helen. Alam mo, yung isa sa mga nangungunang pamilya sa capital.""Talaga? Mukhang may silbi naman pala kayo kahit paano." Mayabang na suminghal si Jade, mababa pa rin ang tingin niya sa pamilya ni Gina. "Oo nga pala, narinig mo na ba ang tungkol sa hundred-year old drakeroot ng Fielden family?""Oo naman." Agad na tumango si Gina, bagama't narinig din niya na ito ay isang pamana ng pamilya para sa mga Fieldens."Kaya nga ako pumu
Sumimangot si Frank. “Nababaliw na ba talaga ang mga Turnbull?! Nasaktan ka sa gitna ng tungkulin mo, tapos ngayon gusto ka nilang patayin!?”"Hindi..." Ang pilit na sinabi ni Frida, "Sinubukan akong gahasain ni Neil, pero pumalag ako at sinaktan ko siya... At ngayon gusto niya akong patayin."Nagalit si Frank sa narinig niya. "Yung walanghiyang ‘yun... Alam ba ni Vicky ang tungkol dito?""Hindi." Umiling si Frida. "Muntik na akong hindi makarating dito—wala akong oras na tawagan siya.""Naiintindihan ko. Magpahinga ka na muna at ipaubaya mo na sa’kin ang lahat." Tumango si Frank at binitbit niya si Frida papunta sa sopa.Noong sandaling iyon, binasag ng mga tauhan ni Neil ang mga bintana habang papasok sila sa mansyon, at nakahinga sila ng maluwag nang makita nila si Frida.Sinabi ni Neil sa kanila na hulihin ng buhay si Frida hangga’t maaari.Sabi ng isa sa kanila, "Sumama ka na lang sa’min, Frida. Baka hayaan ka pa ni Mr. Turnbull na mabuhay—ipapahamak mo lang ang sarili mo
Ang sabi ni Frida, “Salamat, Mr. Lawrence. Iniligtas mo nanaman ako.”“Dito ka lang,” sagot ni Frank. “Tatawagan ko si Vicky—aasikasuhin niya ‘to.”“Salamat…”-Galit na galit si Vicky pagkatapos siyang tawagan ni Frank at sabihin sa kanya kung ano ang ginawa ni Neil, at dumiretso siya sa Skywater Bay.Nagsimulang yumuko si Frida, na para bang nakasanayan na niya ito. "Ms. Turnbull—""Tumigil ka. Tumayo ka ng tuwid." Nagmadali si Vicky na tulungan si Frida na tumayo. "At wala kang dapat ipag-alala—kakampi mo ako sa bagay na ito."Determinado si Vicky, o maraming tauhan ang mawawala sa kanila. Sino pa ang maglilingkod sa kanila mula ngayon kapag kumalat ang balita tungkol dito?Higit sa lahat, magagamit niya rin ito laban kay Neil!"Salamat, Ms. Turnbull. Alam kong hindi ako susukuan ng pamilya niyo," emosyonal na sinabi ni Frida."Syempre naman," seryosong sinabi ni Vicky, naantig ang damdamin ni Frida dahil dito. "Nasaktan ka dahil sa’kin—hindi kita iiwan ngayon."Pagkatapo
Tumango si Frank at nagpalit siya ng jacket bago siya sumakay sa kotse ni Vicky.Hindi gaanong malawak ang impluwensya ng pamilya ng mga Fielden sa Riverton. Si Paul Fielden, ang pinuno ng pamilya, ay isang venture capitalist.Dumaan sa hirap ang pamilya niya at komokonti na ang bilang nila, ngunit napanatili nila ang maraming mga kayamanan mula sa kanilang mas kilalang mga ninuno. Isa ang drakeroot sa mga ito.Si Vicky, na naging kasosyo niya noon, ay sumakay sa kotse sa tabi ni Frank upang tawagan si Paul nang maaga."Hello, Mr. Fielden? Si Vicky ‘to." Tumawa siya habang nakikipag-usap kay Paul bago niya sinabi ang punto niya. "So, iniisip ko lang kung nasa bahay ka? Bibisita sana ako ngayong araw."Nabigla si Paul sa kabilang linya.Gumawa ng ingay ang mga Turnbull sa Riverton kamakailan, at naglaan talaga ng oras ang tagapagmana ng mga Turnbull upang bisitahin siya?Kahit may kutob siya na may gustong makuha si Vicky, wala siyang dahilan para tumanggi.Pagkaraan ng ilang s
Sumimangot si Frank—hindi parang napakawalang galang naman niya?Sa tabi niya, galit na galit si Vicky. "Ano bang problema niya? Hindi ba parang masyado na niya tayong binabastos?"Matagal na bumuntong-hininga si Frank, ngunit wala rin siyang magagawa.Nagpatuloy sila sa paghihintay sa labas ng pinto, at masuwerte sila na nakabalik agad si Paul.Bumaba siya mula sa kotse, suot ang isang suit, nakilala niya agad si Vicky at nakangiti niya siyang binati, "Long time no see, Ms. Turnbull. Masaya ako na naglaan ka ng oras para bumisita sa tahanan ko.""Grabe ka naman." Napangiti si Vicky.Pagkatapos ay napansin ni Paul si Frank at nagtanong siya, "At sino naman ang ginoong ito...?""Frank Lawrence," mabilis na sabi ni Vicky. "Siya ay isang consultant at shareholder sa kumpanya ko, ang Grande Pharma."Nagulat si Paul.Gayunpaman, noong mag-partner sila bago nagkasakit si Vicky, nakilala niya ang mga kakayahan nito.Bukod dito, ang sinumang tao na may selyo ng kanyang pag-apruba ay