Share

Kabanata 496

Pinamunuan ni Vicky ang pagsugod sa Lane Manor, habang malakas ang tibok ng puso nung nakita niya ang lahat ng mga nakakalat na bangkay sa may hardin.

Bago pa man siya makapagsalita, nakarinig siya ng putok ng baril mula sa itaas.

Nung nakapasok sila ni Yara Quill sa loob, kaagad niyang nakita si Luna na nakayukyok sa isang sulok at si Cindy na nakayuko habang nakatago ang ulo sa ilalim ng kanyang mga kamay.

Nasa sahig si Jade, walang malay, habang si Gina naman ay nakatayo, na may hawak na vase.

“Anong nangyari dito?!” Sinigawan ni Vicky si Gina. “Nasaan si Winter?!”

Natauhan si Gina at mukhang natuwa nung nakita niya si Vicky kahit na pinanliliskan siya nito.

Habang pilit na ngumiti, sinimulan nya, “M-Ms. Turnbull… Alam mo ba na si Frank Lawrence ay may ibang babae—”

Pak!

Sinampal siya ni Vicky sa mukha, at hindi pinalampas ang kalupitan nito.

“Nassan an ang kapatid ko?!” Sigaw niya. “Kapag may masamang nangyari sa kanya, ikaw at ang buong pamilya mo ang mananagot!”

Na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status