Share

Kabanata 50

Higit pa roon, ininom ni Henry ang pill at ayos na siya. Walang makakapeke roon.

Pagkatapos ay nagtanong si Lyndon, “At anong balak mong gawin rito, Miss Lane?”

Bahagyang ngumiti si Helen. “Gusto kong ibigay ito sa'yo, Mr. McCoy.”

Kaagad na naging maingat si Lyndon—walang kahit na anong libre sa mundo, tapos bibigyan siya ni Helen ng isang mahimalang pill?

“At mayroon ka bang kondisyon, Ms. Lane?” tanong niya.

“Ang totoo, walang masyadong kapital ang Lane Holdings,” direktang sabi ni Helen. “Ngayong nakuha namin ang West City project, kailangan namin ng napakaraming building materials. Umaasa akong mabibigyan mo kami ng rebate, Mr. McCoy. Kasunod nito, ang building materials niyo lang ang eksklusibo naming gagamitin para sa West City project.”

“Pwede ko kayong bigyan ng isa pang ten percent rebate dagdag sa lahat ng kasalukuyang rebates niyo,” sabi ni Lyndon.

“Thirty,” striktong sabi ni Helen.

“Twenty.”

“Twenty-five,” sabi ni Helen. “Mr. McCoy, isa tong long-term project.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status