Share

Chapter 69

Nagkaroon ng munting pagsasalo sa Purok dahil kaarawan ni Aline. Pasimple namang lumapit si Aline kay Eiress. Tumitingin pa ito sa paligid na parang humahanap ng timing. Alam naman ni Eiress ang sadya nito sa kaniya kaya inunahan na niya itong magsalita.

“Sinabi ko na sa kaniya ang pinasasabi mo kahapon. Hindi ko lang nasabi sa ’yo dahil gabi na ako umuwi,” saad niya kahit wala pa itong sinasabi.

Plano talaga niyang sabihin kay Aline ang tungkol sa pinapasabi nito kay Trigger, kaya lang hindi na niya nakita kagabi ang kaibigan no’ng umuwi siya. Hindi na rin niya nakuha si Liam sa bahay ng mga ito para ilipat sa bahay nila. Hinayaan na lang muna niyang magpalipas ng gabi si Liam sa bahay ng mga ito. Maliwanag pa nang umalis siya sa Alpha’s den kahapon, pero nagtungo muna siya sa boundary para tignan ang mga nagkakampong tauhan ni Ronie Villarama malapit sa Chipan. Ilang araw na rin simula nang mapansin niya ang mga nakatayong tent doon. Kahina-hinala ang pananatili ng mga ito sa lugar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status