Share

Chapter 16: Back to zero

***

“The number you have dialled is out of coverage area. Please try your call later.”

Halos ibato ni Erin ang cell phone sa paulit-ulit na mensaheng iyon. Napapikit siya nang mariin, nalulunod sa sariling pag-iyak. Sinisinghot niya ang sipon na makulit na bumababa. Kagat-labi siyang lumabas ng NAIA at tumayo sa tagiliran ng isang coffee shop.

Hindi niya magawang masalubong ang mata ng mga taong sigurado siyang nakatuon sa kanya. Takaw-tingin ang bagong biling dress niya na nagtutulo sa tubig-ulan. Pudpod ang takong ng sapatos na sumadsad sa kalsada sa paghahabol. Magulo ang buhok niya. Kalat ang make-up. Namumula ang mata. At kipit niya nang mahigpit ang basa ring shoulder bag.

Hindi niya inabutan si Adrian. Ayon sa departure ay napaaga ang alis ng eroplanong bound to Madrid. Ampalaya ang ngiti niya. Nasaan ang Filipino time kung kailan kinakailangan? Bakit maagang umalis ang eroplano? It could have been delayed!

Pinagmasdan niya ang langit na nagbubuhos ng sama ng loob. Brokenhearte
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ylena
omoooooooo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status