Share

THR 9

"People who have been traumatized experience immobility and sudden outbursts of wrath."

Third Person's POV

“ANONG ginagawa mo rito sa puntod ng ex-fiance ko?”

Napatayo mula sa pagkakahiga si Klea nang makita niya sa harapan niya ang lalaking kinamumuhian niya. Pinawisan siya ng malamig at tila ba na estatwa sa kinatatayuan niya. Hindi agad nakaimik si Klea. Kinakabahan siya pero pilit niya itong itinago sa pamamagitan ng pag-ngiti. Buong akala niya ay sinabi na ni Joanne ang ugnayan niya kay Shana.

“She’s my best friend.”

Sa pagkakataong ito ay si Wade naman ang nagulat sa nalaman niya. Bumalik sa ala-ala niya ang araw kung kailan nag-suicide si Shana. Si Klea Francine Singrimoto pala ang babaeng nakita niya ng araw na iyon. Lumipas ang tatlong minutong katahimikan sa pagitan ng dalawa. Ngayon ay magkatabi silang nakaupo habang pinagmamasdan ang lapida ni Shana.

“Siya ba ang rason kung bakit mo ako biglang pinakasalan, Francine?”

Napalunok si Klea sa itinanong ni Wade. Bumuntong hininga siya ng malalim bago nagbitaw ng kasagutan.

“No Xynon. Your family is in dire need of money at that time so ..” Napatigil sa pagsasalita si Klea ng biglang sumigaw si Wade.

“STOP YOUR LIES FRANCINE! Sinabi na sa akin ni Papa na ikaw mismo ang lumapit sa kanya para makipag kasundo. Now, tell me. Anong rason mo? Bakit mo ginawa ang lahat ng ito?”

Nakataas ang kilay ni Wade habang matalim na nakatingin ng diretso sa mga mata ni Klea. Sa halip na sagutin ang mga tanong ni Wade ay umalis si Klea. Sa kanyang pagmamadali ay naiwan niya ang susi ng kanyang sasakyan katulad nang pang-iiwan niya kay Wade na nakatitig sa kawalan. Nang makarating siya sa kanyang kotse ay kinapa niya ang lahat ng bulsa ng kanyang nude trench coat at nude pants pero hindi niya natagpuan ang susi ng kanyang sasakyan.

“Hala nalaglag ata sa daan!” Haka-haka ni Klea habang lumilinga-linga sa dinaanan niya. Nagulantang siya nang biglang sumulpot sa kanyang likuran si Wade.

“Are you looking for this?” Nakangising tanong ni Wade habang ipinapakita ang susi ng sasakyan ni Klea.

“Muntik na akong atakihin saýo! Paano iyan napunta sa iyo?” Bulyaw ni Klea Francine. Nginitian lamang siya ng pilyong si Wade.

Pilit inaabot ni Klea ang susi ngunit bigo siyang kunin ito sa mga kamay ni Wade dahil hanggang balikat lang siya ni Wade kahit na nakasuot siya ng four inches heels.

“LET ME HAVE IT XYNON!” Pinagpawisan si Klea kakatalon makuha lamang ang susi ng kanyang sasakyan. Nagpaawa siya kay Wade pero binalewala lang iyon ng kanyang asawa.

“Sagutin mo muna ang mga tanong ko Francine bago ko ito ibalik saýo.” Seryosong saad ni Wade.

“FINE BUT YOU SHOULD GIVE IT TO ME FIRST.” Tugon ni Klea.

“And why should I? I can’t trust your words Klea.” Wade grimaced before giving Klea a cold look.

“GIVE IT TO ME. I PROMISED I WILL ANSWER YOUR QUESTIONS.” Nauubos na ang pasensya ni Klea. Para siyang bulkan na malapit nang sumabog anytime.

Inihagis ni Wade ang susi at mabilis itong nasalo ni Klea.

“HEY HEY HEY! FRANCINE! TU PROMESA?” (your promise?)

Puwesto si Wade sa harap ng sasakyan ni Klea. Mabilis kasing sumakay ng sasakyan si Klea matapos makuha ang susi sa kanya. Agad din niyang inilocked ang pintuan dahilan kung bakit biglang nag rebelde si Wade. Dinilaan lang siya ni Klea at agad na pinaandar ang kanyang sasakyan. Wala nang nagawa si Wade kundi sumuntok sa hangin at sabunutan ang sarili.

"NO DEBO CONFIAR EN ESE MOCOSO!" (I SHOULDN’T TRUST THAT BRAT!)

Wade came to his senses when Joanne called him. Waine is in critical condition.

Nagmamadaling tumakbo papunta sa kanyang big bike si Wade. Pinaandar niya ito ng ubod ng bilis. Nalagpasan pa niya ang sasakyan ni Klea. Nagtaka naman si Klea sa sobrang bilis ng patakbo ni Wade kaya sinundan niya ito. Nakarating siya sa St. John Hospital - ang pinakasikat at pinaka-expensive na hospital sa buong Pilipinas.

Klea discreetly followed Wade and she later found herself near the ICU. Nakita niya si Joanne na hinahaplos-haplos ang likod ng kanyang asawa.

“Where is Dad?” Wade asked in a quavering voice.

“Pumunta siya sa may chapel para magdasal. Wag kang mag-alala Wade, makakasurvive si Waine.” Saad ni Joanne habang diretsang nakatitig sa mga mata ni Wade.

Isang mainit na halik ang ibinigay ni Wade kay Joanne habang pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Nagulat si Joanne sa ginawa niya pero di kalaunan ay humalik na rin siya pabalik. Nasaksihan ito ni Klea. Napasapo siya sa kanyang dibdib sa di niya maipaliwanag na dahilan. Pareho namang naghahabol ng hininga sina Wade at Joanne matapos ang kanilang paghahalikan.

“Thank you Joanne for everything.” Wika ni Wade habang inaayos ang buhok ni Joanne. Sinuklian naman ito ni Joanne ng isang matamis na ngiti.

Nang makita nilang paparating na si Wensley ay agad na lumayo si Joanne kay Wade.

“Klea andyan ka pala! Bakit di ka lumapit kay Wade?” Tanong ni Wensley.

“Busy po kasi SILANG DALAWA ni Joanne Tito eh. Ayoko namang makaabala sa GINAGAWA nila.” Klea grinned wickedly while staring at Joanne.

“Joanne, you should leave now. Hindi ka ba nahihiya na katabi mo ang anak ko habang nandito ang asawa niya?” Prangkang usal ni Wensley sa ex ng kanyang anak na si Wade.

Padabog na umalis si Joanne na siya namang ikinatuwa ni Klea. Hahabulin pa sana ni Wade si Joanne nang pigilan siya ni Wensley. Umiling sa kanya ang kanyang ama at itinuro sa pamamagitan ng kanyang nguso si Klea. Tinitigan ni Wade si Klea na para bang gusto niya itong lamunin ng buhay.

“WHAT?” Tanong ni Klea nang mahuli niyang nakatingin ng masama sa kanya si Wade.

Nakahinga ng maluwag si Wade nang ianunsyo ng doctor na nakasurvive si Waine ngunit agad ding nawala ang ngiti sa labi nina Wade at Wensley nang sabihin ng doctor na isang taon na lamang ang itatagal ni Waine sa mundo. Niyapos ni Wade ang kanyang Papa na ngayon ay nakaluhod sa sahig habang umiiyak.

“Tito don’t cry. If you want I’ll send you and Waine sa States para doon siya magpagamot. Mas advance ang technology nila kaysa rito sa Pinas.” Suhestyon ni Klea.

Niyakap si Klea ng kanyang biyenan habang humihikbi-hikbi.

“Thank you Klea. Please don’t call me Tito. Call me Dad.” Hiling ni Wensley kay Klea. Tumango lang si Klea habang nakatingin sa papalayong si Wade.

Matapos ma discharge ni Waine ay agad inintindi ni Klea ang pag-alis ng mag-ama papuntang States. Sinagot niyang lahat ang gastos mula sa airfare, allowance at condo. Binigyan niya rin ng credit card si Wensley. Doon nila kukunin ang panggastos nilang mag-ama at lahat ng magagastos sa pagpapagamot kay Waine.

Bumalik sa ala-ala ni Klea ang paghahalikan nina Wade at Joanne. Napakuyom ang kanyang mga kamay hindi dahil sa selos kundi dahil sa pagkainis. Ang ayaw niya kasi sa lahat ay ang mga lalaking hindi makuntento sa kanilang mga asawa. Kinuha niya ang cellphone niya at inutusan ang kanyang sekretarya na tawagan LAHAT ng main investors sa kompanya nina Landicho. Ini-email niya sa kanyang sekretarya ang eksaktong mga salita na dapat sabihin para iwithdraw nila ang kanilang pera sa kompanya ng kanyang asawa. Nasa hospital si Klea kasama si Axie dahil ididischarge na roon si Don Lenel.

Samantala, pumunta naman si Wade sa isang bar para lunurin ang sarili sa alak. Masakit para sa kanya ang mga nangyayari. Naikasal siya sa babaeng hindi niya mahal. Wala siyang naiambag at maiambag sa pagpapagamot ng kanyang kapatid dahil bago pa lang bumabangon ang kanilang kompanya. Higit sa lahat, habang tumatagal ang panahon ay lalo silang nalulubog sa utang sa mga Singrimoto; lalo siyang nagkakaroon ng utang na loob sa pamilya ng babaeng sumira sa pinangarap niyang kasal. Tinawagan niya si Joanne para saluhan siya sa pag-inom ng alak. Miss na miss na niya ang babaeng pinakamamahal niya.

Nasa kalagitnaan ng pag-inom ng Tignanello wine si Wade nang biglang tumawag ang kanyang secretary. Nang marinig niya ang sinabi nito ay agad niyang ihinagis ang basong hawak-hawak niya. Nanlaki ang mga mata ni Joanne nang madatnang nagwawala si Wade. Pilit niya itong pinakalma at pinaupo para mahimasmasan.

“Wade ano bang problema? Bakit ka nagkaganyan dahil ba kay Waine o kay Klea?” Nag-aalalang tanong ni Joanne.

Nakita niyang umiiyak si Wade nang tumunghay siya sa kanya. Napaawa siya sa lalaking kanyang sinisinta. Kahit hindi magsalita si Wade ay ramdam na ramdam ni Joanne ang kanyang kalungkutan at galit. Niyakap na lamang niya ng mahigpit si Wade ngunit laking gulat niya nang biglang gumapang ang kamay ng binata papunta sa kanyang dibdib.

“Wade.” Mahinahong sambit niya.

Isang mainit na halik ang ibinigay ni Wade sa kanya at hindi niya iyon nasangga pa. Sa sobrang ingay ng paligid at sa sobrang dami ng tao ay wala silang naririnig at nakikita kundi ang isa’t isa. They are kissing aggressively in front of the crowd. Pareho silang nadala ng init ng katawan at tila hayok na hayok sa isa’t isa.

Aalisin na sana ni Wade ang damit ni Joanne nang bigla siyang pinigilan ng dalaga. Inakay niya si Wade palabas ng bar at nag maneho papunta sa Singrimoto Village. Nang makarating sila sa mansyon ay agad silang dumiretso papunta sa kwarto. Inilocked nila ang pintuan para alam nila kapag may taong darating.

Marahas na inalis ni Wade ang mga saplot ni Joanne. Tumambad sa kanya ang pagkababae ng dating kasintahan. He stared at her naked body mula sa malulusog na dibdib ng dalaga hanggang sa perlas nito. Sinunggaban niya ang mga labi ni Joanne na tila ba uhaw na uhaw siya sa mga halik niya. A passionate kiss turned into an aggressive one. 

“I miss this Wade. I miss you so much.” Sambit ni Joanne habang naghahabol ng hininga.

Ngumiti lang si Wade at tinuloy ang pagpapaligaya sa dalaga. 

Minamasahe na niya ang mga dibdib ng dalaga habang hinahalikan niya ito sa leeg at likod ng tenga. Napasinghap si Joanne nang magsimulang gumala ang bibig ni Wade sa kanyang katawan.

“Hmmm…Ohh..” Mahinang ungol ni Joanne.

Wade started to trace Joanne’s slit while kissing her tummy. 

“Shit! You’re so good. Ahhhh.” Sinabunutan niya si Wade habang abala ang dating kasintahan sa pagbibigay ng pleasure sa kanya.

“Put it inside Wade!” Pagmamakaawa ni Joanne.

Joanne moans more when Wade starts thrusting her. Pinanggigilan siya ng husto ni Wade dahil halos isang buwan na rin silang hindi nagkikita at nagkakasama sa iisang kama. Umalingawngaw ang mga ungol ng dalawa sa loob ng silid lalo nang marating nila ang tuktok ng kaligayahan.

Pagkatapos ng isang mainit na make love session ay agad silang nagsuot ng kanilang underwear at magkatabing natulog.

Sobrang sakit ng ulo ni Wade dahil sa dami ng nainom niyang alak kagabi. Napangiti siya nang makitang mahimbing na natutulog sa kanyang braso ang babaeng nais niya sanang pakasalan. Hinalikan niya si Joanne sa noo pagkatapos ay bumalik sa pagtulog. Nawala sa isip nila na sa mismong bahay ni Klea nila ginawa ang bagay na nagpaligaya sa kanila ng lubusan.

Habang mahimbing silang natutulog ay siya namang pagdating ni Klea sa mansyon mula sa bahay ng kanyang Papa Lenel. Magdamag niyang inasikaso ang kanyang Papa dahil hindi pa dumadating ang nurse na mag-aalaga rito. Pagpasok sa garahe ay umagaw ng kanyang pansin ang pulang Toyota Hilux. Dalas-dalas niyang tinungo ang kwarto nilang mag-asawa. Kumakabog ang kanyang dibdib habang papalapit sa pintuan ng kanilang silid. Naalala niya nang unang beses niyang mahuli ang kanyang Papa na katabi si Matilda sa kama mismo ng kanyang mga magulang. Sumikip bigla ang kaniyang dibdib.

Kinuha niya ang susi ng kwarto dahil napag-alaman niyang nakakandado ang pintuan. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. She clenched her fists when she saw her husband naked; katabi ang babaeng kinasusuklaman niya. Tila naistatwa siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam na ganito pala ang nararamdaman ng kanyang Mama ng mga panahong iyon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Salto
Taksil ka Wade! taksil!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status