Share

Chapter 6 "Ang pagkabuhay ng Dragon balls"

Inayos ni Intoy ang pagkakalatag ng dalaga sa papag.. iniangat niya ang dalaga para pati paa nito ay makarelax na. Iniangat niya ang ulo nito ng malagyan ng isa pa sanang unan. Napamura ang binata ng makapa ang sugat sa likod ng ulo ng dalaga yun ang mas seryoso. Hindi niya iyon nakita kanina.

Nagisip ang binata, ano ba ang gagawin niya sa babaeng ito. Kapag dinala niya ito sa hospital madaming tanong at hindi niya alam sagutin kapag nalaman sa labas na sa likod ng bahay niya nakita ang babae malaking scoop ito at pagkakaguluhan siya at baka siya pa ang mapagbintangan.

Pero ng maisip naman ng binata na baka sa kuwarto pa mamatay ang dalaga lalong naguluhan ang binata. Nasa moment si Intoy ng pagtatalo ng isip at puso ng umungol muli si Yvone. Dali daling kinuha ni Intoy ang gamot at benda na dala ni Lizel sa kanya noong isang linggo lamang matapos siyang magalusan sa basketball.

Tinagilid niya ang dalaga paharap sa kanya para makita niya ang sugat nito sa ulo.. mukhang hindi naman ito kailangang tahiin malayo sa bituka sabi pa ng binata. Binuhusan niya ng betadine at binalutan ng bendad dinamay na niya ang nasa noo nito kaya pinalibot niya ang benda sa buong ulo ng dalaga.

Nilinis din ng binata ang buhok at leeg ng dalaga na natuyuan na ng dugo at putik.

Habang pinupunasan ng binata ng dalaga lalong siyang humanga sa babae napakaganda nito, mala diyosa ang hitsura nito , ung akala mo isang prinsesa sa isang Disney movie o isang fairy sa fantasy movie.

Mahahaba ang mga pilikmata ng dalaga matangos ang ilong mamula mula ang pisngi sa tuwing dadaan ng towel na pinumunas niya.

At ng dumako sa may baba ang towel napagmasdan na naman niya ang mga labi nitong tika may mahika.

Pouted lips na parang laging nagaanyaya ng halik, maliit at tila napakalambot. Natural ang pagiging kulang orange ng labi ng dalaga hindi tulad ng kay Lizel, malambot nga pero makapal at palaging may makapal na lipstick pula pa.

Napakaraming umaali aligid na babae kay Intoy, madami kase ang nagsasabi na magandang lalaki naman siya pero hindi yun pinagtutuunan ng pansin ng binata .

Dalawa pa lang ang naging babae sa buhay niya ,si Maya na naging kaklase niya sa kolehiyo , naangkin niya ito dahil liberated ang babae, wala silang pormal na relasyun kaya ng matigil siya sa pag aaral wala ring pormal na usap basta wala na lang.

Ang isa ay naging costumer niya sa pantalan anak ng isang pilipino chinese na may puwesto sa palengke, okey naman ito malambing at maasikaso yun naman ang weakness ni Intoy sa babae. maasikaso at malambing.

Ang kaso kailangan nila mag break dahil nakatakda daw ito ikasal sa kapwa chinese at mayaman .Pinili ng babae ang ipinagkasundo sa kanya kase mapaaayos daw buhay niya pati buong pamilya. Pero ipinagkaloob sa kanya ng babae ang sarili kesa daw pakinabangan ng iba.

Dinamdam ni Intoy yun halos mga tatlong araw din siya nag walwal kasama si Bert para lang makalimot, mula noon nagalit siya sa mga babaeng pera ang batayan sa pagmamahal at galit din siya sa mga mayayang pera ang ginagamit at ipinangbibili ng pagibig.

Magmula noon ay nawalan ng interes si Intoy sa babae ,maliban kay Lizel ay walang nakakalapit sa kanya, iwas siya sa komplekasyun at ayaw na niya muna magtiwala ulit sa babae.

Pero ang babaeng nasa harap niya ngayon na pinagpapala ng kanyang mga kamay ay kakaiba ang dating sa kanya. May binubuhay itong kakaibang atraksiyon sa kanya.

"Sino ang babaeng ito?"

Magmula ng makita niya ito kanina sa likod ay para na siyang namagnet sa dalaga. Muling umungol ang dalaga, nataranta si Intoy..Nagsunod sunod kase ng ungol ng dalaga na tila nahihirapan.

Napansin niyang nanginginig ito at maging ang mga labi ay nangangatal at biglang namumutla.

Hinawakan niya ang braso ng babae "Ah, miss, miss, anong masakit sayo? Anong nararamdaman mo? Gising ka na ba?" Hindi malaman ni Intoy kung bakit ganun ang naging tono niya sa pagkausap sa babae, tila malambing, tila may pagsuyo.

"P*tcha ka Edward, taglibog ka ba? " saway ni Intoy sa sarili, may mga pumapasok kase sa isip niya.

Pero ang Katawan ni Intoy ay may sariling isip at desisyun, namalayan na lang ng binata na hinahaplos na niya ang pisngi ng dalaga.

"Ay, putcha" muntik ng mapamura ng malakas si Intoy sa pagkakapaso sa pisngi ng dalaga, napaka init nito. Kinapa niya ang noo at leeg ng dalaga, inapoy talaga ito ng lagnat.

"Anong gagawin ko?" Tanong ni Intoy sa sarili habang pailot ikot sa loob ng kanyang silid, titingin sa dalaga tapos ay kakamot sa ulo....pabalik balik na hindi mapakali.

"Dalhin ko na kaya siya sa hospital?Tawagin ko kaya si Bert o kaya Si aling Semang na manghiholot baka may maitulong sila..

Ngunit nagtatalo ang isip ng binata .Parang ayaw ng puso at isip niya na may makaalam na may dalaga sa bahay niya. Parang nais niyang nandito lang ang dalaga sa tabi niya sa kama niya. Muling nagpasya si Intoy, lumabas ito ng kusina kinuha muli ang palanggana at bagong towel.

Naglabas ng yelo sa ref at dinurog sa palanggana.Naghalughog sa cabinet at naghanap ng maaaring ipainom muna sa dalaga pampababa ng lagnat.

Muling pinagpala ni Intoy Si Yvone. Pagkatapos ay pinainom niya ng paracetamol at kinumutan ng makapal. Binantayan niya ang dalaga, pinupunasan ng pawis.at pinapalitan ang towel na nasa noo.

Nakampante lamang si Intoy ng pagkatapos ang halos mahigit kalahating oras ay tumigil ang pagungol ng dalaga. Nawla na din ang panginginig nito at maging ang lagnat ay bumaba na din.

Binuksan ni Intoy ang electricfan at saka kinumutan ang dalaga. Halos past 7am na ng umaga.

Nagpasya si Intoy lumabas para bumili ng gamot ng dalaga at stock na gamot sa sugat. Dumaan na rin siya nang pwedeng maging almusal ng dalaga. Mabilis na sumibat si Intoy gamit ang kanyang motorsiklo.

Buo ang loob na bilhin ang mga kailangan..Kailangan niyang makabalik bago pa magising ang amain at ang dalaga sa kanyang silid. Nakaramdam ng uhaw si Yvone, parang tuyong tuyo ang lalamunan niya.

Masasakit ang mga bahagi ng katawan niya at makirot ang ulo niya. Napabalikwas ang dalaga ng maalala ang mga pangyayari. Alam niyang hindi panaginip ang lahat. Kinapa niya ang ulo may benda na iyon. Ginala ni Yvone ang paningin sa paligid nasa simpleng silid siya. Maayos naman ito malinis at malambot naman ang hinihigaan niya. May nakatutok sa kanyang maliit na electric fan, may lamesa sa gilid na may study lamp.

Naroon pa ang tira ng benda at gamot na marahil ay ginamit sa ulo niya. Pinakiramdaman ng dalaga ang sarili, hinipo ang mukha at leeg, malinis na siya .. wala na ang mga natuyong dugo. Hinawi ng dalaga ang kumot at laking gulat ng makitang naka short lang siya.at jersey. Wala siyang bra pero ramdam niyang suot pa niya ang panty at basa pa iyon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rina Nicolas
Ang ganda sobra sana matapos kong basahin to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status