Share

Chapter 2:

Trill Villanueva’s POV

Nakabuburyo naman ang pagtuturo ni Ma’am Gonzales sa harapan. Inaantok na lang kaming tatlo kaya ang ginawa namin, pinagdidikitan namin ng papel sa likod si Ms. Sullvian. Deserve.

‘Pangit ako.’

‘Magkano ako?’

‘Mabaho ako.’

Iyan ang mga nakadikit sa kaniya dahilan para magbungingisan kaming tatlo. Wala e, magkakaibigan, kalokohan ng isa, kalokohan naming lahat. Depende kung tama pa ba pag-iisi—No, tama ang pag-iisip namin, trip lang.

"Lagot ka." Pananakot sa akin ni Kylde na may seryosong reaksyon. Akala mo naman hindi siya kasabwat.

Nginisihan ko lang siya at minura. "Fck you!"

"Ano kayang feel niyan? Haha." Natatawang ani Israel na nakatingin pa sa likod ni Aziria. Subukan natin sa ‘yo para malaman mo.

"Kayong tatlo sa likod? Mr. Abriel, Mr. Villanueva at Mr. Fuentebella, bakit kayo tumatawa?" Baling sa amin ng guro. Napunta tuloy ang atensyon ng lahat sa’ming tatlo. Natahimik kaming tatlo.

Nagulat kami nang tumayo si Ms. Sullvian.

"Because of me yata, ma’am," anito at kinuha ang tatlong papel na nasa likod niya. "See? Because of me." Saka siya umupo na parang kampante lang. Hindi siya naapektuhan sa aming ginagawa dahilan para uminit ang aming ulo.

"Sorry, Miss Sullvian."

Nagulat kaming tatlo roon. Bakit nagsosorry si ma’am diyan? Sa amin lang siya humihingi ng tawad kung talagang kailangan. Sa simpleng pagdidikit lang namin ng gano’n? Bakit kailangan niyang humingi ng tawad?

"You don’t need to say sorry, ma’am. Ang magsasabi lang niyan kung sino ang gumawa pero mukhang makakapal ang mukha kaya huwag na lang." Hindi ko mawari kung nang-iinis ba siya? Naiinis ba siya? Ewan, hindi ko malaman ang kaniyang emosyon.

"Kayong tatlo, say sorry to Miss Sullvian!" Sigaw ni ma’am habang nakaturo sa amin. What? Seriously? Anong nagaganap dito sa loob ng aming silid-aralan?!

"Ma’ammmm!" Pagmamaktol agad ni Israel. Alam ko na iyan. Dinadaan sa pa-cute. Wews, Mr. Abriel, mga gawain mo.

"Ma’am, hayaan niyo kung ayaw. Huwag nang pilitin, mukhang ikamamatay ng dignidad nila." Pansin kong napabuntong-hininga pa siya. Kanina niya pa rin kami hindi nililingon.

Hindi katagalan, natapos na rin naman ang klase.

"Break time, class. Good bye."

"Patidin," seryosong bulong sa akin ni Israel na mukhang babawi sa pagpapahiya ni Ms. Sullvian sa amin kanina. Yes, napahiya kami roon, minsan lang kami sigawan ng guro.

Pumunta kami ni Israel sa pinto malapit sa harap, si Klyde naman sa likod. Nag-aayos pa ng gamit si Ms. Sullvian at nang matapos, naglakad na siya patungo sa amin.

Huli.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawanan namin nang muntik na masubsob ito sa sahig, pati ang mga nakakita ay hindi napigilang hindi tumawa.

Naglakad na lang siya na parang walang nangyari. Anong klaseng babaeng ‘yon? Hindi niya napansin ang aming presensya? Hindi niya ba tatanongin kung sinong may gawa no’n? Hindi ba siya maiinis dahil pinagtawanan namin siya?

Aziria’s POV

Tsk, mamamatid na lang hindi pa tinuloy na masubsob ako. Dumiretso ako sa locker at inilagay ang aking mga gamit doon. Pagkatapos niyon, dumiretso ako sa gym dahil mag-uusap kami nila Heart. Habang naglalakad ako, ang tangi ko lang naririnig ay...

"Ang pangit niya."

"Baduy."

"Dukha. Iyan ba ang transferee?"

"Mahirap, ayokong kaibiganin."

Ang dami talagang mapanghusga, ano pa bang aasahan ko? Masyadong mga papansin, pasalamat sila wala akong gana ngayon kaya hindi ko na lang sila sinulyapan at dumiretso na lang ako sa gym. Nandoon na sina Heart, Lara, Ryxel at Jasfer.

"Iyan na pala si Miss Beautiful." Nakangiting bungad sa akin ni Jasfer pero alam kong nagbibiro lamang siya.

Pansin ko namang sinuri ako ni Lara at nagsalita. "Azira, bakit ganiyan ang hitsura mo?" Walang pasabi-sabi ko siyang binatukan kaya napadaing ito.

"Siraulo ka ba? Ako nga tiis-tiis. Nakabadtrip magtago." Napaikot ako ng mga mata. Hays. Sanay na sila sa mga ugali kong pinapakita.

"Bakit ka kasi nakaganyan?" Biglang tanong ni Heart na nakataas ang kilay habang nakatitig sa akin. Pft.

"Napag-usapan na natin ito, e."

"May laban mamayang 7:00 ng gabi. Cyclops Gang vs. Evil Dragon Gang." Biglang sabi ni Ryxel dahilan para mapaharap ako sa kaniya. Laban?

"Mamaya agad?" Si Lara.

"Slow," sabat ni Heart.

"Sino ba iyang Evil Dragon Gang na iyan, Queennie?" Hays, kahit kailan mapang-asar. Sa dami-dami ng itatawag sa akin, bakit iyan pa?

"Kadiri ka." Nginiwian ko siya para ipaalam na nandidiri ako sa sinabi niyang queenie. "Ang Evil Dragon rank no 3. Ang Queen ay si Kim at ang mga members sina Roel, Rino, Sammer. Mabilis sila kumilos pero kapag kinabisado mo, madali mo lang silang maiiwasan. Patraydor din sila kung tumira. Dapat lahat sila binabantayan, huwag lang ang isang kalaban na kaharap mo dahil pwede kang patayin ng isang miyembro nila habang nakatalikod ka." Napabuntong-hininga ako. "In short, lahat sila traydor."

"Sila pala ang kakalabanin natin." Tangong-tangong ani Jasfer. "Dapat may chix sa kanila, ah? Hehe." Dahil doon ay sinapak siya ni Lara. Tsk tsk, baliw talaga ‘tong dalawa.

"Hindi rin natin sila pwede patayin dahil may sunod pa silang laban kaya ang basehan natin ay ang mapatumba. Ang hindi na makatayo o sabihin na nating kapag nasugatan ng isa. Tanggal na siya laban kaya kapag sila ay may galos na lahat, panalo tayo sa laban. Kailangan din nating mag-ingat. Same rules lang, kapag nasugatan, talo."

"So? Magsasacrifice pala ‘yong isa sa kanila kapag siya na lang ang natira?" tanong ni Ryxel.

"Yes, correct. Pwede niya rin iyon ikamatay dahil kapag sabay-sabay sumugod, maaring ikamatay ng isang iyon."

Napalunok naman si Lara dahil sa narinig. "Kawawa pala ang matitira."

"Kawawa talaga, naaawa rin naman tayo minsan, ‘di ba? Kaya ang kailangan natin kapag sumugod ako, susugod na kayo, sabay-sabay tayo." Ngiti ko para kahit papaano ay gumaan ang kanilang loob. Ito kasi ang pinakamahirap na laban namin.

"Paano kung isa na lang din ang matira sa atin. Ibababa ba ang rank?" si Heart.

Kumuha muna ako ng sigarilyo at nanigarilyo, hindi ko pa nahihithit nang biglang agawin ni Ryxel. "Bawal 'yan." Hindi ako nakinig, nagpatuloy lang.

"Patas lang ang laban kung ano ang rules nila, iyon din ang rules natin. Hindi iyon ikabababa ng rank dahil kung isa ka na lang sa natira at nasugatan mo lahat, kaya mong buhatin ang mga kakampi mo." Paliwanag ko saka bumuga ng usok. Mukhang nakampante naman sila.

Biglang tumayo si Ryxel at nagsalita. "Magandang laro ‘to ngayon." Tumingin siya sa amin. "Pero mukhang mahihirapan tayo."

"Anong magandang laro? ‘Wag sana nila sugatan ang pinakagwapo kong mukha." Nagyabang na naman si Jasfer, hays.

"By the way." Agaw atensyon ko ulit sa kanila. "I have a question, sino iyong bagong member ng Sapphire Gang?"

"Oo nga," sang-ayon ni Lara. "May bago nga pero hindi ko siya kilala."

Nagpamulsa si Ryxel at sumagot sa aking tanong. "Kilala ko ‘yong isa sa Sapphire Gang."

"Sino? "

"Noog gabing iyon nakita kong pinalibutan ng Bloody Ruin Gang ang isang member ng Sapphire Gang. Tinanggal ng Sapphire Gang ang hoodie at mask niya. Ang nasa likod n’on ay si Trill Villanueva." Biglang nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Who’s Trill? Sounds familiar.

"Si Trill Villanueva?" Si Jasfer. Oh? Trill Villanueva? Parang kaklase ko siya.

"Iyong heartrob?" si Lara. Tumango si Ryxel.

"As in iyong kaibigan nina Israel at Klyde?" Si Heart. Bakit parang takang-taka sila?

"Oo nga, kukulit niyo."

Napaisip ako at inalala ang pangalan ng lalaki. Now, I knew it. Madali na lang alamin ang mga miyembro ng Sapphire Gang lalo na’t may isang clue sa kanila.

Klyde Fuentebella’s POV

At the cafeteria.

"Rael, manonood ka ba mamayang gabi ng laban ng Cyclops Gang vs. Evil Dragon?" tanong ni Trill kay Israel habang kumakain, siya lang naman kasi ang madaldal sa amin.

Ako ang sumagot doon. Wala e, nakahahawa pagiging madaldal niya. "Siya pa, crush niya nga iyong queen ng Cyclops Gang."

"Mga gago pala kayo, alam niyo naman pala, tinatanong niyo pa." Napailing-iling siya at napabuntong-hininga. Minsan talaga ay ganiyan siya kahit wala namang problema. Kung uso ang mood swing sa babae, uso rin sa kaniya.

"Feel ko kahit naka-hoodie at mask iyong queen ng Cyclops Gang, maganda iyon." Tiningnan ko si Trill. Halos mapangiwi ako nang makita ko siyang parang nag-iisip na nakangiti, inlove ‘yan?

"Cyclops nga lang sa lahat ng gang ang hindi pa nakakaalam ng mga pangalan at mga mukha nila. Sadyang tattoo lang sa kanang batok." Saka ako ngumuya.

"Rank no. 1 ngakasi magaling at bihasa!" Si Israel. Problema nito? Kailangang sumigaw?

"Kaya nga naging crush mo, e. HAHAHAHAHAHA!"

Siraulo talaga ‘tong si Trill.

"Gusto ko makita iyong mukha ng queen nila. Paano kaya?" Tumingin siya sa kawalan na parang nag-iisip. Hay nako, Real, ganiyan ba talaga kalakas ang epekto sa ‘yo ng queen na ‘yon? Kaya ang ginawa ko, binatukan ko siya.

Aziria’s POV

6:30 pm.

Trenta minuto na lang para mag-umpisa na ang laban. Lahat kami nakahoodie at mask bago pa kami pumunta sa center. Kailangan namin ihanda ang aming mga sarili.

"Ang hirap ng laban natin." Rinig kong sabi ni Lara na kinakabahan, ngayon lang siya nagganiyan.

"Oo nga. Magkasugat lang tayo, talo na agad."

"Idaan niyo lang kasi sa tawa." si Jasfer

"Hoy, anong idaan sa tawa? Seryosohin niyo. Kailangan natin itong mapanalo, alam niyo namang malalakas ang tingin nila sa pangalan ng ating gang." Sino pa ba? Ryxel, daldal e. Alagang-alaga niya ang pangalan ng gang namin. Cyclops Gang.

Malapit na mag-umpisa ang laban. Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila. Nakikiramdam kung anong mga nararamdaman nito.

"Are you ready?" sigaw ng Emcee.

Nagsigawan naman lahat ng mga gang sa labas na nakapalibot sa ring.

"From the corner, they are Evil Dragong Gang." Huminto ang emcee dahil lumabas na ang mga miyembro nito. Nang makalabas na lahat, tinawag ang aking grupo. "Vs. Cyclops Gang!"

Sobrang ingay ng mga gangs. Iba’t ibang gangs ang nandirito at ang karamihan ay mga taga-ibang lugar. Nang makumpleto na kami sa gitna, lahat ay nagbubulungan, pati ang aking mga kapartido.

Nagsalita si Lara. "Kinakabahan ako."

"Oo nga." si Heart

Lagot ako nito.

Kinakabahan daw sila.

Tinitigan pa ako ng masama ng queen ng Evil Dragon. Lima sila, lima kami kaya tig-iisa.

"Now, I’'s the hard fight, when you’re injured you’ll remove from the battle so lets start! Rules are rules, gangs!"

Israel Abriel’s POV

"Now, It's the hard fight, when you’re injured you’ll remove from the battle so lets start! Rules are rules, gangs!"

Ang tingin ko lang ay nasa queen kung paano siya umiwas. Pilit na sinasaksak ang queen ng EDG ang queen ng CG pero umiiwas lang ito. Nagulat naman ang lahat nang masugatan sa balikat ang isang miyembro ng CG. Babae siya at sobrang bilis ng kalaban niya. Nakamamangha.

"One left on the Cyclops Gang."

Maganda ang laban nila. Masyadong mabilis ang EDG at magaling din umiwas ang CG. May dalawang natumba sa CG, babae at lalaki. Ang isa, nakahawak sa binti at ang isa, nakahawak sa siko kaya dalawa na lang ang nasa CG.

Anong nangyayari sa kanila? Bakit ang bilis maubos? Para silang mga kinakabahan. Kung kami ang nandiyadiyan, mahihirapan din kami. Pero nakakapagtaka, kilalang bihasa ang mga CG? Ngayon lang sila nalagasan ng tatlo. Minsan ay isa o dalawa lang.

Aziria’s POV

Nasugatan na si Lara sumunod naman sina Heart at Jasfer. Habang umiiwas ako sa queen, kinakausap ko si Ryxel.

"Anong nangyayari sa kanila?" Nagsasalita akong nakatuon sa aking kalaban. Sabi na nga ba, ito ang resulta sa kanilang mga kaba.

"Dinadala ng takot at kaba," sagot niya sa akin.

"Kailan pa?" Nangunot ang aking noo.

"Masyado talagang mahirap. Masugatan ka lang, tanggal ka na," sabi ni Ryxel. "I like it." Nasugatan niya ang isa dahil tatlo ang nakabantay sa kaniya, sa akin naman ay dalawa.

"Ano na queen ng Cyclops Gang, iiwas ka na lang?" Pagtatanong ng queen sa akin, halata ang pagyayabang. Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo.

"Out ka na." Usal muli ni Ryxel nang masugatan niya ang isa. Buti naman at natutulungan niya ako.

Todo iwas lang ako sa kanila dahil nasa likod ko ang isa at nasa harap ko ang queen.

"Anong ginagawa ng queen ng CG?"

Bulong ng mga nanonood. Nagtataka siguro kung bakit wala akong ginagawa. Kahit sino ay mapapatanong dahil walang ganitong kilos kung lalaban.

"Iwas lang siya nang iwas," bulong pa ng isa.

"Fuck!" Napasigaw si Ryxel nang masugatan siya sa balikat, mukhang tinalunan. Sinilip ko ito, tiningnan siya, may sugat.

Trill’s POV

"Mag-isa na lang ang queen ng Cyclops Gang," bulong ni Klyde. Ramdam na ramdam ko ang tensyon at kaba sa ring.

Napahalukipkip ako at nagtanong. "Kaya niya pa kaya iyang tatlo?"

"Kaya pa niya iyan." Ang inlove na si Israel. Tsk.

Mula kanina hanggang ngayon, iwas lang nang iwas ang queen ng CG. Lahat ay nagtataka na.

"Woah!" Sigaw ng lahat nang nahiwa ang hoodie at mask ng queen ng CG. Natanggal ang maskara niya, akala ng lahat ay may sugat pero wala.

Nakayuko siya, nakatingin sa lapag. Lahat ay napahinto, hinihintay ang kaniyang gagawin. Paano niya tatakpan ang kaniyang mukha? Pero tinakpan niya ito gamit ang kaniyang buhok at sabay na sinugatan ang dalawa. Tumalon ang queen ng CG at walang pasintabing hiniwaan ang mukha ng queen ng EDG. Lahat ay nagulat at namangha. Ang bilis ng pangyayari. Bakit parang wala pang isang minuto?

Mukhang nagalit siya sa queen ng EDG kaya ginaya niya rin ang ginawa sa kanya. Kahit sino ay maiinis dahil ayaw mo ngang ipakita ang mukha mo, may namimilit talagang maibalandra mo ito.

"Woooooh! Ang galing ng queen ng Cyclops!"

"Cyclops Gang!"

"Sayang mukha ng queen!"

"Hindi ko nakita!"

"Side view lang ang nakita ko!"

"Sayang!"

Sigaw nila, ang iingay. Nang matapos iyon, dumiretso agad ang queen sa baba para takpan ang kaniyang mukha, wala man lang nakakita.

"The winner is Cyclops Gang!" sigaw ng emcee. "Wala bang nakakita sa mukha ng queen of Cyclops Gang diyan?" Pati siguro siya ay natatakam na makita ang mukha nito.

"Wala!" sigaw ng lahat.

"Pamilyar ang mukha niya." Napatingin kami kay Rael dahil sa sinabi niya.

"Nakita mo ba?" tanong ko.

"Swerte ka na kung nakita mo." si Klyde.

"Kaunti lang pero pamilyar sa side view."

Nababaliw na!

Aziria’s POV

Agad kong sinuot ang extra hoodie ko nang sigawan ako ni Jasfer. Manganganib ang aking buhay kung may makakakilala man.

"Ayos lang ba kayo?" Sila agad ang tiningnan ko. "Kahit sabay-sabay pa sila sumugod, hindi nila matataasan kung anong lakas mayroon ako ngayon." Tukoy ko sa tatlo. Nainis ako sa pamamaraan ng laban nila.

"Okay lang kami, hindi naman malalim ang sugat." si Ryxel.

Napailing-iling si Heart. "Gusto talaga nila makita iyang mukha mo."

"Oo nga, kinabahan kami kanina baka makita ng lahat kung sino ka." si Lara.

"Wala namang nakakita." Kalmadong sabi ni Jasfer.

"Mayroon," usal ko.

"Sino?" Silang lahat.

"Nakita ko si Israel, ang schoolmate natin. Nang matanggal ang aking hood, nakita niya ang aking mukha pero ang pagkakalam ko, hindi niya masyadong nakita. Hindi naman siya gulat na gulat."

"Sana nga."

Alam kong hindi.

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status