Share

Chapter 3:

Aziria’s POV

Nang matapos ang labang iyon, ako naman ay irita sa aking sarili dahil papasok akong ganito muli ang hitsura. Ginusto ko ito kaya hindi na dapat ako nagrereklamo. Pero ano naman, ‘di ba?

Time check : 8:00 am.

"Hays." Buntong-hininga ko dahil iritang-irita na talaga ako.

"I'm here!"

Nagulat ako nang biglang pumasok sa aking condo si Clesea, ang kaibigan kong madaldal.

"Bee, bakit ganyan ang suot mo? Alam mo bang stress na ako sa katatanong ng mga magulang mo kung nasaan ka tapos maabutan kita sa condo mong ganiyan ang itsura. Anong sasabihin ko roon?" Napabuntong-hininga siya at napatampal sa noo.

"Ang over acting mo at higit sa lahat wala kang pagsasabihan, kung ikaw nandidiri sa hitsura ko. Ano pa kaya ako?"

"I'm so sorry, bee. Tanong kaya nang tanong ang mga parents mo. Ang sinabi ko na lang wala akong alam. Ay, wait, saan ka ba pupunta?" Nangunot ang kaniyang noo habang sinusuri ang aking kabuoan.

"Malamang papasok!" sigaw ko at kinuha ang aking bag sabay labas. "Ang condo ko, huh?"

"Wait, where are you going?" Tsk, arte talaga kahit kailan.

"Papasok na." Saka ako sumakay sa aking kotse at pinaharurot iyon. Mabilis naman akong nakapunta sa Klent Inria School at naglakad papasok.

Buti na lang matalino ako, pinag-isipan ko talaga ito. "Kung si Trill ang isa sa Sapphire Gang. Ang isa ay si—Tyrone?" bulong ko sa aking sarili habang naglalakad.

Pwedeng siya. Be ready, Tyrone, absent ka pa ng isang linggo. Psh.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang biglang may tumulak sa akin ng malakas dahilan para matumba ako. Tiningnan ko ang aking mga tuhod, may gasgas. Ayoko pa naman ang sinusugatan ang aking katawan. Inangat ko ang aking ulo, nakita ko si Keziah at ang isang babae na mukhang siya ang tumulak sa akin.

"Iyan, Natasha!" biglang sigaw ni Keziah.

"Kinakawawa mo ang kaibigan ko ng gano’n-gano’n lang? At sa tingin mo, papalagpasin ko ‘yon?" sigaw ng Natasha nito sa akin. Ah, so nagsumbong pala itong Keziah na ‘to? Angas, parang bata. Tawag kakampi. Tsk.

Nakatigtig lamang ako sa kanila na parang walang alam sa nangyari. May naramdaman na lang ako ng mahapdi sa aking kamay.

"Ano? Tapang-tapangan porque pinagtanggol?" Patuloy ng Natasha pero hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako sa kamay ko na may gasgas pati ang dalawang tuhod ko. Tumingin ako sa kanang direksyon, nakita ko ang tatlong ugok na tawa nang tawa, nakita ko rin sila Heart na nakatayo lang. Tumango sila na sinasabing patulan ko.

Kung umaakto silang parang bata, kaya ko rin iyon lalo na’t good mood ako at sila lang ang maninira? Mas lalong nakaiirita.

"Loser." Tinarayan pa ako ni Keziah. Ang corny ng buhay nito, tangina.

Tiningnan ko muna sila na tinging sinusuri ang kanilang mukha. Maputi lang naman kayo pero hindi maganda, hindi na nga maganda ganiyan pa magsiasta. Mga walang ambag nga naman sa lipunan, dagdag pabigat.

"Ano? Ganyan ka na lang? Tatayo-tayo?" Maangas ang boses na binigay sa akin ni Natasha. Akala niya ba matatakot niya ako sa ganiyan-ganiyan niya? Manigas siya.

Israel’s POV

Tumayo si Aziria, wala pa rin itong naging kilos, naiinip na kami. Hindi niya ba kayang ipagtanggol ang sarili niya? Kaawa-awa.

"Kawawa." Napailing-iling ako na natatawa.

"Ano? Ganyan ka na lang? Tatayo-tayo?" tanong ni Natasha na maangas ang boses. Wala pa ring emosyon si Aziria na binigay dito, parang nakikiramdam siya.

Tinuon ko ang atensyon ko kay Aziria. Iyan na naman, nag-uusap na naman sila nila Ryxel gamit ang mga mata. Nagngitian sila.

"Sabi ko sa ‘yo may something." Napaharap ako kay Klyde, parehas pala kami ng tinitingnan, nakatingin din pala ito sa akin.

"Alam mo bang kaya kitang patalsikin sa school na ‘to?" Kalmadong tanong ni Aziria habang pinapagpagan ang sarili. Sa pagtatanong niya ay parang kaya niyang gawin ang kahit ano sa kaharap niya. Dahil sa paunang salita, nagsigawan ang karamihan. Mga naghihintay kung anong mangyayari.

"Go, I can transfer pero kung gagawin mo ‘yon, I can buy your house too." Mataray na sabi ni Natasha na may halong pagbibiro kaya ang ibang estudiyante ay natawa. Pansin kong napangiwi sa Aziria na sinasabing nacocornyhan siya sa sinabi ni Natasha.

"You can buy our house." Ngumisi si Aziria saka humarap kay Natasha, tinitigan niya ito sa mga mata. "Pero kung gugustohin ko, kaya kong bilhin ang buhay mo na galing sa impyerno." Nangunot ang noo naming tatlo sa sinabi nito, anong ibig niyang sabihin? Bakit ganiyan siya magsalita? Sino ba ito? Kung titingnan, mukha siyang dukha.

"Who are you para sabihin iyan sa akin? I'm a rich kaya ko nandirito sa school na ‘to, huwag mo akong gaganyanin!" Pansin kong napikon niya si Natasha gamit lamang ang mga salita. Namumula na ito sa galit lalo na’t napahiya.

"Shut up the fuck." Ang simple ng sinabi niya pero nakakakaba. "Nagbabanta pa lang ako, ganiyan ka na. Huwag kang mag-alala, nandirito tayo sa school, lugar kung saan ako nagpapakitang tao. Advantage na iyon sa ‘yo."

Hindi na napigilan ni Trill, nagsalita na siya. "Anong sinasabi niya?"

"Baka big time naman iyan," sabat ni Klyde na kalmadong-kalmadong nakatayo at nanunuod.

"Nananakot lang siya," sabi ko.

"‘Wag ka ngang magpanggap na mas lamang ka sa akin!" si Natasha.

Bigla namang sumigaw si Keziah na ngayon lang nakapagsalita. "Feelingera!"

"Bakit? Huwag kang umarte na akala mo mas maganda ka sa akin, mas mayaman ka sa akin o mas matapang ka sa akin dahil wala akong pakialam kung ano mang pagkukumpetensya mo rito. Sa totoo lang, ang corny niyong dalawa. Dapat alam niyong dalawa iyon."

Lahat ay napasinghap. Takte!

Sa isang iglap ay sinampal ni Natasha si Aziria kaya lahat ay gulat. Akala ko ay tapos na pero humarap naman si Aziria at sinampal ng dalawang beses si Natasha saka ito itinulak ng kagaya kanina. Sa pag-oobserba ko, ginaya ni Aziria ang ginawa sa kaniya ni Natasha pero doble pa iyon.

"Ang bilis ng pangyayari." Namamanghang sabi ni Klyde na nananatiling nanonood.

Bakit mga walang gustong umawat?

"Kung ano ang ginawa mo, gagawin ko sa ‘yo." Tumitig si Aziria sa mata ng kaaway. "Mas lamang ka sa akin, ‘di ba? Kaya dalawang sampal at napakalakas na tulak ang nilaan ko para naman mapaniwala kita na mas lamang ako. Huwag unahan ang taong nananahimik para hindi mapahamak. Look at yourself, napahiya ka sa sarili mong kagagawan. Nakababawas dignidad ba?"

"Bakit mo tinulak?!" galit na sigaw ni Keziah habang tinatayo si Natasha.

"Hindi mo ba tatanongin ang kaibigan mo kung bakit niya ako tinulak kanina? Katangahan mo, Keziah." Nakangiting aniya na halatang nang-aasar.

"So? It's my turn." Sasampalin sana ni Keziah si Azira ngunit biglang may nagsalita.

"Anong kaguluhan ito?" tanong ng aming dean. Lahat ay napagilid.

Nakatingin lang ako kay Aziria na gulat na gulat habang nakatingin kay Sir Florenza ngunit si Sir ay nakatingin lang kina Keziah at Natasha.

"Aziria, ano na?" sigaw ni Lara na hindi alam ang gagawin. Kitang-kita sa mukha ni Aziria na kinakabahan.

Bumaling naman si Sir Florenza kay Aziria. "What’s you—" Natigilan si Sir Florenza nang makita si Aziria. Bakit? "Miss Sullvian, anong ginagawa mo rito?" Kalmadong tanong niya pero halatang takang-taka. Ngayon ay kalmado pero kanina parang gusto nang sermonan ang dalawa.

"I'm so sorry, Sir Florenza." Hingi niya ng tawad pero alam kong pilit iyon lalo na’t diniinan niya pa.

"Umayos ka ng tawag sa akin parang hindi ki—" Doon nagalit ang dean pero pinigilan agad ni Aziria ang sasabihin.

"Nasa school po tayo kaya dapat kayong igalang ng mga estudiyante rito, lalo na’t dean kayo." Walang gana siya kung magsalita.

"Magkakilala ba sila?" si Klyde.

"Hindi nga natin alam, e." si Trill.

"Kayong dalawa, bakit kayo nagsisimula ng gulo?" Baling ni sir kina Natasha at Keziah.

"Si—"

"Hindi ko kailangan ng kasinungalingang opinyon niyo. Go to my office now!" galit na sigaw ni dean kaya pumunta na ang dalawa sa office. "Nandito ka lang pala." Harap niya kay Aziria, napailing-iling pa ito.

"Mag-usap na lang tayo mamaya para sa aking dahilan kung bakit ako nandidito, sir. Huwag niyo muna ipaalam sa parents ko." Nang sabihin niya iyon ay umalis na siya. Hindi na siya naghintay ng isasagot ni dean.

"Magkakilala kaya sila?" Kanina pa tanong nang tanong si Klyde. Wala nga kaming alam, e!

"Hindi yata e, baka mahigpit ang mga magulang ni Aziria. Binubugbog yata siya kapag may nagagawang mali kaya pinigilan niya ang dean natin na huwag ipagsabi." Komento ni Trill na nakatingin pa rin sa pwesto ng pinag-awayan.

"Mga chismoso," sabi ko at umalis na.

"Anong nangyari doon?" Rinig kong tanong ni Trill pero hindi ko na nilingon.

Ang ingay ng mga babae dahil sa kakatili.

Aziria’s POV

"Muntikan ka na," sabi sa akin ni Heart na ginagamot ang sugat ko. Wala naman akong naging sagot.

"Ano mo ba iyong dean natin?" Gulong-gulong tanong ni Lara.

"Engot ka ba? Tito niya iyon!" sigaw ni Jasfer dito.

"Maka-engot naman ito. Oo, alam ko na!" Hays, para talaga silang mga isip bata.

Bigla namang sumbat si Ryxel. "Mukhang mahihirapan ka sa pagtago mo."

"Mahihirapan talaga ako, alam na ni tito na nandidito ako at next week papasok na si Tyrone."

"Sino namang Tyrone?" si Jasfer.

"Engot ka ba? ‘Di ko rin alam, hehe." si Lara

"Tyrone?" si Ryxel.

"Tyrone?" si Heart.

"Sige, mamaya na. Pupunta muna ko sa office ni tito." Paalam ko sa kanila, wala akong balak sagutin dahil tinatamad ako.

Pagkapunta ko, kakalabas lang nina Keziah at Natasha.

"May araw ka rin," pagbabanta nito.

Marami kayang araw.

"Bitch. Tss." si Keziah.

Ano ka pa kaya?

Hindi ko na sila pinansin, kumatok na ako sa pinto. Wala namang mangyayari sa buhay ko kapag pinatulan pa ‘yang mga ‘yan. Tss.

"Come in."

Pumasok ako sa loob at umupo sa harap ni tito.

"Ms. Sullvian, bakit hindi ka nagsasabi sa magulang mo na nandirito ka pala?!" sigaw sa akin ni tito kaya napatungo ako.

Dalawang araw pa nga lang ako rito alam na agad niyang nandirito ako. Si Tito Florenza kapatid siya ni mommy, si Tito Sullvian siya naman ang kapatid ni daddy na hiningian ko ng tulong dahilan kung bakit ako nandirito.

"Bakit? Hilong-hilo na ba sila? Simple lang naman kung bakit ako nandirito. Kung hindi nag-away sina dad at mom, hindi aatakihin si lola, I wish she was still here. Kaya ako naglayas sa bahay para hindi matuloy ang kanilang paghihiwalay. Only thing that hurts, they will separate and then there’s something new right away. Alam ko rin namang pinaghahanap ako ng kanilang mga body guards, siyempre hindi ako sasama."

"Hanap sa ‘yo nang hanap ang mga magulang mo."

"Bakit pa nila ako hahanapin kung may mga sarili na silang kinikilos para maging masaya sila? Ano pang gagawin nila sa akin? Ipapamukha na may bago na akong nanay. May bago na akong tatay? How funny, haha." Napairap pa ako sa lagay na iyon. "So tito, huwag mong ipagsabi sa kanila na nandirito ako." Pagmamakaawa ko ngunit nandoroon pa rin ang malamig na boses.

"Anong hindi ko sasabihin? Naghihirap­ ka na ba? At ganyan ang suot mo? Kung ako magulang mo, magagalit ako sa ‘yo. Look at yourself!" Napapikit ako ng bahagya nang sumigaw si tito.

"Maraming laman ang bangko ko I'm wearing it because their bodyguards are useless and they try to find me."

"All right, I’ll help you. I won’t tell your parents but fix yourself first because you’re being bullied!" Halatang galit na si tito. Tumango naman na ako.

"Kung pupunta ang daddy mo rito sa school. Bahala ka na sa buhay mo pero malabo naman yata na pumunta ang daddy mo rito dahil ang umaattend lang naman kung may problema sa school ay si Millen." Tukoy niya sa kapatid ni dad.

"Sige." Yumukod ako.

"Wait, maaga kong papapasukin si Tyrone para naman protektahan ka niya sa mga nambubully sa ‘yo. Think about what you will do."

"Tito, wa—"

"Anong tito huwag? Kapag may nangyari sa iyong masama, ako ang mayayari. Understood?"

"Sige, tito. I’m going back to my class." Saka na ako lumabas.

Hayst. Ano nang gagawin ko? Kapag si tito pa naman ang nagsabi ay kailangan mong gawin pero ayoko. Hindi niya naman ako makikita araw-araw. Habang naglalakad ako ay nasalubong ko ang tatlo kong kaklase.

"Hoy, badang!" Sigaw sa akin ni Israel.

Badang? The heck! Is he serious? Gross!

Nabwisit ako sa tinawag niya sa akin.

"Anong badang? May pangalan ako." Tss, kainis.

"Gusto ko iyon, bagay sa ‘yo.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa nila Kylde at Trill.

"If I’m badang, maybe budang is for you. What do you think?" Ang tagal niyang sumagot kaya tuluyan na akong umalis. Naririnig ko pa rin sila tumatawa pero pinabayaan ko nalang.

Pestang badang iyan! Kingina!

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang...

"Ah!" D***g ko nang mabangga ako ng isang lalaking tumatakbo.

"Sorry, miss." Hingi niya ng tawad habang hingal na hingal, halatang may tinatakbuhan.

Tumingin ako sa kanya. "Tingin-tingin din kasi sa dinadaanan." Pagpaparinig ko rito. Ang daming nakatingin sa amin pero hindi siya mapakali.

Pinulot niya ang mga gamit ko. Habang tinatayo niya ako, nakita ko sina Heart, Jasfer, Lara at Ryxel na tumatakbo.

"Miss Beautiful, huwag mong papakawalan!" sigaw ni Jasfer. Bumaling agad ako sa lalaki, tatakbo na dapat pero hinila ko kaya natumba kaming dalawa.

Ang bigat mo, kuya! Nasa ibababaw pa kita.

"Kunin niyo na." Inis kong sabi sa mga ito dahil naiinis ako sa p’westo namin ngayon. Kinuha naman nila mula sa akin ang lalaki kaya tumayo na ako.

Buti nalang wala pang guro.

"Sino ba iyan?" tanong ko nang makatayo.

"Tatakbo ka pa." si Ryxel.

Naiirita na akong nagsalita. "Sino ba kasi ‘yan? May problema ba?"

Si Jasfer ang sumagot at napakamot pa ito sa ulo. "Hehe, wala naman, naglalaro kasi kaming habulan at kapag nahabol namin ito, lahat ng ipabili namin na pagkain, bibilhin niya."

"Pinahamak niyo pa ako sa kalokohan niyo. Ang sakit tuloy ng balikat ko. Hoy, ang bigat mo, hindi bagay sa akin ang binabangga. Tss." Harap ko sa lalaki. Pinagpagan ko ang aking uniporme.

"Sorry, miss, hehe."

"Sino ka ba?"

"Ah, siya si Brinten." Sagot sa akin ni Lara.

Tumingin ako sa lalaking ito. "Mr. Bintin, may atraso ka sa akin."

"Brinten hindi Bintin, bisaya ka?"

"Ikaw kasi Brin, pinagnanasahan mo pa. Dinaganan mo pa si Miss Beautiful ko." Hays, Jasfer again.

"Tama na ‘yan. Tara, Brin, ililibre mo na kami." Saka hinatak ni Ryxel si Bintin.

"Una ka kami, Aziria." Paalam sa akin ni Heart.

"Bye!" Kaway sa akin ni Lara.

"Makita niyo riyan si Budang, bahala kayo." Bulong ko at kinuha ang aking bag.

"Sinong Budang?" Sabay-sabay nilang tanong pati si Bintin.

Hindi ko na sila nilingon, nagsalita ako. "Magsisimula na ang aking klase." Pumasok na ako sa silid para sa first class ni Sir Buical.

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status