Share

Chapter 11

Ipinikit niya lamang ang kaniyang mga mata at hindi na niya pinag- aksayahan pa ng oras na tingnan ang paligid niya dahil bukod na nga sa nanghihina siya ay hindi pa rin natatanggal ang pagkahilong nararamdaman niya.

Maging ang magtanong kung gaano pa ba kalayo ang kailangan nilang i- byahe. Sumusunod na lamang siya sa mga pag- alalay sa kaniya ng mga lalaking kasama niya ng mga oras na iyon. Siguro naman ay hindi siya pababayaan ng mga ito dahil sa boss ng mga ito.

Pinanatili niya lang na nakapikit ang kaniyang mga mata ngunit ang kaniyang diwa ay gising na gising pa din. Nakapikit lang ang kaniyang mga mata dahil para kahit papano naman ay makapahinga siya. Ramdam na ramdam niya ang pagod at panghihina mula sa walang humpay na pagsusuka niya kanina.

Kapag bumabyahe naman siya at bus ang sinasakyan niya ay hindi naman siya nahihilo at nasusuka sa byahe. Ibang- iba lang talaga ang pakiramdam niya kanina sa pagsakay niya sa helicopter dahil iyon pa lamang ang unang beses niyang sumakay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status