“Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso.Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito.Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina.Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya.Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man ay wa
Hindi na nga nag- aksaya pa ng oras si Kath dahil pagkatapos na pagkatapos niyang kainin ang cake na ibinigay sa kaniya n Silvia ay kaagad siyang umalis mula doon upang puntahan ang lugar kung saan niya kailangang kuhaning ang iniwan sa kaniya ng kaniyang Lolo.Bago nga siya umalis ay pinigilan pa siya ni Silvia at ng kaniyang ina dahil halos kararating niya lang daw at bakit daw pupuntahan na niya ito kaagad. Pwede naman daw niyang ipagpabukas iyon tutal ay hindi naman daw siya nagmamadali pero hindi niya pinakinggan ang mga iyn.Kung sila hindi nagmamadali siya ay nagmamadali dahil iniisip niya ang kaligtasan ng mga anka niya. Baka kapag mas matagal sila doon ay mas malaki ang tiyansa na magkrus ang landas nila ni Noah, okay lang sana kung sila lang e paano kung makita nito ang mga anak niya?Hindi pa naman niya maitatangging anak nito ang mga iyon dahil kamukhang- kamukha nito ang tatlo at halos wala man lang nakuha sa kaniya.Isa pa ay iniisip niya din ang kaligtasan ng mga anak n
Palinga- linga siya sa kanyang paligid. Walang tao kahit isa. Maging ang mga katulong ay wala. Napangiti siya habang naglalakad. Mabuti na lamang pala at napaniwala niya ang mga katulong. Pinag- day off niya lahat ang mga katulong upang maisagawa niya ang kanyang pinaplano.Dala niya ang isang maliit na bag kung saan naroon ang ilang mahahalagang gamit niya ay bumaba siya mula sa pangalawang palapag ng bahay.Kahit nasisiguro niyang wala na roon ang mga katulong ay nagdahan-dahan pa rin siya sa kanyang paglalakad.Nang makarating siya sa sala ng bahay ay muli niyang iniikot ang kanyang paningin sa kanyang paligid. Ito na ang magiging huli niyang araw na tumapak sa bahay na ito dahil kailangan na niyang umalis.Hindi dahil sa gusto niya ngunit dahil kailangan na.Napahawak siya sa kanyang tiyan na medyo nahahalata na ang umbok at napapikit ng mariin."I'm sorry baby, I need to do this." Bulong niya na tila maririnig naman ng batang nasa sinapupunan niya.She was pregnant with the bill
"WHAT?" Naguguluhang tanong ni Amber sa lalaking kausap niya ng mga oras na iyon sa telepono.Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa mga sinasabi nito sa kabilang linya, but one thing is for sure nakakaloka ang bagay na ito.She's been a registered egg donor for six years of her life, pero ni minsan ay hindi pa din siya nakakapag donate ng kaniyanv egg. She's an educator but she doesn't want to teach sa school so nag- online teaching muna siya habang naghahanap siya ng ibang magiging trabaho niya dahil wala naman talaga sa pagtuturo ang puso niya.She heaved a heavy sigh at napapikit ng mariin habang nasa tenga niya pa rin ang kanyang cellphone. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.Will she accept his offer? To carry his own child on her womb? Like for real? She would become the mother of the baby.Makakaya niya ba na gawin iyon kapalit ng napakalaking halaga na naghihintay sa kanya?Napamulat siya ng kanyang mga mata, wala naman sigurong masama na
TwoHINDI niya alam kung paano siya nakarating ng ospital. Halos wala siya sa sarili habang naglalakad palapit sa ICU ng ospital. Nakita niya sa labas ng pinto ang kanyang kapatid na katabi ang kanyang nanay habang hawak- hawak ang kamay nito.Halos ayaw humakbang ng kanyang mga paa palapit sa mga ito, nawalan na ang mga paa niya ng lakas at ang kanyang mga tuhod ay tila nauupos ng kandila.Mabibigat ang kanyang mga hakbang palapit sa mga ito. Habang nakatingin siya sa mga ito habang naglalakad ay naninikip ang kanyang dibdib dahil sa sobrang sakit. Sakit na makita ang mga itong nag- aalala para sa kanilang tatay na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung nasa mabuti na bang kalagayan.Walang imik ang mga ito at nakikita niya na nagpupunas ng luha ang kanyang kapatid. Habang ang kanyang nanay naman ay tahimik lamang na nakayuko sa tabi nito.Halos ayaw niyang lumapit sa mga ito. Parang gusto na lamang niyang bumagsak sa kinatatayuan niya ng mga oras na iyon dahil habang p
ThreeHindi niya alam kung paano niya nagawang maglakad palabas sa ospital. Hindi niya din alam kung saan siya pupunta. Nanginginig pa rin ang kanyang mga paa at maging ang kanyang mga kamay habang naglalakad siya sa labas ng ospital.Madilim ang paligid kahit na maliwanag na dahil hindi sumikat ang araw. Makulimlim ang kalangitan ng tingalain niya ito.Nang nasa loob siya ng ospital ay halos ayaw niyang umiyak, ayaw pumatak ng kanyang mga luha dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang ina at ng kapatid niya na umiiyak din. Ayaw niyang ipakita sa kanila na maging siya ay nahihirapan na sa kanilang sitwasyon ng mga oras na iyon.Nasisiguro niya na hindi biro ang kakailanganin nilang pera para sa magiging operasyon ng kanyang ama upang madugtungan pa ang buhay nito.Panganay siya kaya nasa kanya lahat ng responsibilidad upang gawan ng paraan ang gagastusin nilang pang pa- opera sa kanyang ama.Sa sitwasyon niya ngayon at sa estado ng kanyang buhay ay wala siyang alam kung saan siya kukuh
FourBASA ng ulan at nanginginig pa ang kanyang mga laman nang makauwi siya sa kanyang tinutuluyan. Sa layo ng nilakad niya ay halos wala ng lakas ang kanyang mga paa. Mabuti na lamang at nagawa niya pa rin ang nakauwi kahit na sobrang nanghihina na siya. Gusto na niyang mag pass out dahil sa pagod na nararamdaman niya at tila gusto na lamang niyang sumuko sa lahat ng hirap na pinagdadaanan niya ng mga oras na iyon, ngunit biglang pumasok sa isip niya ang mga kapatid niya. Paano ang mga ito kapag sumuko siya?Ano na lamang ang magiging buhay ng mga ito kapag siya na ang nagkasakit? Sino na lamang ang aasahan niyang maghahanap buhay para may pantustos sa pag- aaral ang kapatid niya at para na rin may makain sila sa araw- araw. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi, ang tanging nasa utak na lamang niya ng mga oras na iyon ay kung saan siya kukuha ng malaking halaga para madugtungan pa ang buhay ng kanyang ama.Nasa punto na naman siya ng buhay niya na hindi alam kung saan siya kukuha
Awtomatikong umawang ang mga labi niya nang matitigan niya ang gwapong mukha nito. Hindi niya inaasahan na isang gwapong nilalang ang makakabanggaan niya. Tila ito isang artista dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Napalunok na lamang siya dahil ang lakas ng dating nito. Ang mga mata nito ay walang emosyong nakatitig sa kaniya.Ang mga mata nito ay kasing itim ng gabi at walang kaemo- emosyon. Ang tingin nito ay nakakapang- lambot ng mga tuhod. Muli ay napalunok siya."I- I'm sorry." Nauutal na hingi niya ng paumanhin rito.Ilang sandali pa ay pinilit niyang bawiin na ang tingin niya mula rito. Nagmamadali nga pala siyang aalis doon dahil tila mali siya ng restaurant na pinasukan.Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan siya nito bigla sa kaliwang braso niya.Gulat siyang napatingala rito. At ramdam na ramdam niya mula sa hawak nito sa kamay niya ang libo- libong boltahe ng kuryente ang dumaloy doon.Halo- halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pagtataka rito kung