Three
Hindi niya alam kung paano niya nagawang maglakad palabas sa ospital. Hindi niya din alam kung saan siya pupunta. Nanginginig pa rin ang kanyang mga paa at maging ang kanyang mga kamay habang naglalakad siya sa labas ng ospital.Madilim ang paligid kahit na maliwanag na dahil hindi sumikat ang araw. Makulimlim ang kalangitan ng tingalain niya ito.Nang nasa loob siya ng ospital ay halos ayaw niyang umiyak, ayaw pumatak ng kanyang mga luha dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang ina at ng kapatid niya na umiiyak din. Ayaw niyang ipakita sa kanila na maging siya ay nahihirapan na sa kanilang sitwasyon ng mga oras na iyon.Nasisiguro niya na hindi biro ang kakailanganin nilang pera para sa magiging operasyon ng kanyang ama upang madugtungan pa ang buhay nito.Panganay siya kaya nasa kanya lahat ng responsibilidad upang gawan ng paraan ang gagastusin nilang pang pa- opera sa kanyang ama.Sa sitwasyon niya ngayon at sa estado ng kanyang buhay ay wala siyang alam kung saan siya kukuha ng malaking halaga. Ang ipon niya sa kanyang bank account ay nasisiguro niyang hindi pa rin magiging sapat upang ipambayad nila.Ang mga gamot pa lamang na itinuturok ng mga nurse sa kanyang ama ay sobrang mahal na at inaabot na ng dalawampung libong piso. Dumaan siya sa information desk kanina at nagtanong sa mga ito kung magkano na ang inaabot ng bill nila.Ang ospital pa na iyon kung saan naka- admit ang kanyang ama ay pribado kaya nasisiguro niyang sobrang mahal ng ilang oras na pananatili ng kanyang ama sa ICU nito.Napatingala siya sa langit at napapikit. Tumigil din siya sa kanyang paglalakad dahil tila hinang - hina na siya kahit pa kagigising niya lamang.Bakit parang ang bigat naman yata ng pagsubok na binibigay sa pamilya nila? Naimulat niya ang kanyang mata at hinayaan niya ang sariling tumitig lamang sa langit.Bakit ako? Ano bang nagawa ko para bigyan Mo ng pagsubok na tulad nito? Tanong niya habang nakatitig sa mga ulap.Ginawa naman niya ang lahat para maging isang mabuting anak, maging isang mabuting ate kaya hindi niya lubos maisip kung bakit nangyayari sa kanila ang lahat ng iyon ngayon.Kung pwede lang sana na palitan niya na lamang ang kanyang amang nakahiga doon sa loob ng ICU at siya na lamang ang magkasakit at makaramdam ng lahat ng nararamdaman nito ay gagawin niya, huwag niya lamang makita itong nahihirapan na nakikipaglaban ito habang nakahiga sa higaang iyon sa loob ng ICU.Ayaw man niyang isipin na tila karma iyon sa kanila, pero bakit naman sana siya kakarmahin? Wala naman siyang natatandaang kasalanan na nagawa niya sa buhay niya kaya napaka- imposible naman yata iyon.Wala siyang ginawa kung hindi magpakabuting anak dahil ayaw niyang maging sakit siya ng ulo ng kanyang mga magulang isa pa ay wala siyang ibang inisip kundi ang maiahon ang mga ito sa kahirapang dinanas nila noong bata pa siya.Ayaw niyang mawala ang tatay niya, hindi pa ito ang oras para mawala siya. Hindi niya pa naabot lahat ng pangarap niya at ang mga pangarap ng kapatid niya. Gusto niya munang ibigay ang kaginhawaan sa mga ito upang bago man ang sana sila mawala ay maramdaman nila kung paano maging magaan ang pamumuhay. Gusto niyang maranasan ng mga ito ang buhay na pinapangarap niya kaya nga siya nagsusumikap upang ibigay lamang ito sa mga magulang niya.Handa siyang magsakripisyo para sa mga ito, handa siyang mawalan basta maibigay lamang ang lahat sa mga ito.Kaya napakalaking problema niya ngayon kung saan siya kukuha ng maipambabayad niya sa ospital. Wala siyang ibang alam na pagkukunan ng ibabayad niya. Wala din siya alam na malapitan sa mga kamag anak nila dahil kaparehas nila ay mahihirap lang din ang mga ito.Napakalaking pera ang kailangan ng kanyang ama para sa operasyon at pag hindi siya nakapag diskarte ng pera ngayon araw na ito ay malabong madugtungan pa ang buhay ng kanyang ama.Kakayanin niya ba ang mawala ang kanyang ama? Pero anong paraan ang gagawin niya upang magkaroon ng malaking pera? Magnanakaw siya? O ibebenta niya ang isang kidney niya?Napahawak siya sa kanyang ulo, sumasakit na ito dahil sa sobrang pag - iisip ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa din naman siyang maisip na paraan.Hanggang sa naramdaman niya na lamang na nagingilid na ang kanyang luha dahil sa kawalan ng pag- asa. Paano pa ngayon madudugtungan ang buhay ng tatay niya kung wala naman siyang pera? Paano na?Hinayaan niya lamang ang kanyang sariling nakapikit sa gilid ng daan, sobrang nahihirapan na siya. Wala siyang magawa, wala siyang maisip na paraan.Hanggang sa maramdaman niya ang patak ng ulan. Biglang napamulat ang kanyang mga mata. Tila nakikisama ang langit sa bigat ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon.Hanggang sa ang mga patak na mahina lamang kanina ay naging ulan. Biglang bumuhos ang malakas na ulan, ngunit nanatili lamang siya na nakatayo doon at hinayaan ang sariling mabasa siya ng ulan.Tila halos ayaw gumana ng utak niya ng mga oras na iyon. Halos ayaw din gumalaw ng kanyang mga paa upang humakbang at umalis sa lugar na iyon.Ang maingay na kalsada ay halos napakatahimik na para sa kanya dahil tila wala na siyang naririnig. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao na nakasakay sa kaniya- kaniya nilang mga sasakyan ng mga oras na iyon.Kung pwede lamang siyang sumigaw ay gagawin na niya doon upang kahit papano ay mabawasan man lang ang sakit at bigat na dinadala niya sa kanyang dibdib.Hanggang sa mapatingin siya sa kanyang harapan, may naghagis kase ng isang bagay doon at nang makita niya ay payong pala. Napalingon siya sa naghagis nito sa kanya, isang matanda na nasa singkwenta mahigit na sa tanyiya niya ang edad nakatingin ito sa kanya na tila may awa sa kanyang mga mata.Hindi niya alam kung bakit tila may pumiga sa kanyang puso ng mga oras na iyon.Awa. Awa ang nakikita niya sa mga mata nito. Hindi niya gustong umiyak ngunit ang pagragasa ng damdamin niya ng mga oras na iyon ay sobra at hindi na niya napigilan pa.Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan niya rito bago tuluyang mawala ito sa kanyang paningin.Sa mata ng iba ng mga oras na iyon ay kaawa awa siya. Sino ba naman ang hindi maaawa sa kalagayan niya ng mga oras na iyon? Basang basa siya sa gitna ng kalsada habang bumubuhos ang malakas na ulan, iyon pa lamang ang nakikita nila ay awang awa na sila sa kanya paano pa kaya kapag nalaman nila ang problema niya?Kung sana ay meron lamang siyang pwedeng matakbuhan. Kung sana ay meron lang siyang mahingan ng tulong ng mga oras na iyon ay gagawin na niya ang lahat upang magmakaawa dito ngunit wala siyang alam, wala siyang alam kung sino ang maaari niyang hingan ng tulong.Unti unti siyang naglakad na tila wala sa kanyang sarili. Kailangan niyang gumawa ng paraan.FourBASA ng ulan at nanginginig pa ang kanyang mga laman nang makauwi siya sa kanyang tinutuluyan. Sa layo ng nilakad niya ay halos wala ng lakas ang kanyang mga paa. Mabuti na lamang at nagawa niya pa rin ang nakauwi kahit na sobrang nanghihina na siya. Gusto na niyang mag pass out dahil sa pagod na nararamdaman niya at tila gusto na lamang niyang sumuko sa lahat ng hirap na pinagdadaanan niya ng mga oras na iyon, ngunit biglang pumasok sa isip niya ang mga kapatid niya. Paano ang mga ito kapag sumuko siya?Ano na lamang ang magiging buhay ng mga ito kapag siya na ang nagkasakit? Sino na lamang ang aasahan niyang maghahanap buhay para may pantustos sa pag- aaral ang kapatid niya at para na rin may makain sila sa araw- araw. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi, ang tanging nasa utak na lamang niya ng mga oras na iyon ay kung saan siya kukuha ng malaking halaga para madugtungan pa ang buhay ng kanyang ama.Nasa punto na naman siya ng buhay niya na hindi alam kung saan siya kukuha
Awtomatikong umawang ang mga labi niya nang matitigan niya ang gwapong mukha nito. Hindi niya inaasahan na isang gwapong nilalang ang makakabanggaan niya. Tila ito isang artista dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Napalunok na lamang siya dahil ang lakas ng dating nito. Ang mga mata nito ay walang emosyong nakatitig sa kaniya.Ang mga mata nito ay kasing itim ng gabi at walang kaemo- emosyon. Ang tingin nito ay nakakapang- lambot ng mga tuhod. Muli ay napalunok siya."I- I'm sorry." Nauutal na hingi niya ng paumanhin rito.Ilang sandali pa ay pinilit niyang bawiin na ang tingin niya mula rito. Nagmamadali nga pala siyang aalis doon dahil tila mali siya ng restaurant na pinasukan.Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan siya nito bigla sa kaliwang braso niya.Gulat siyang napatingala rito. At ramdam na ramdam niya mula sa hawak nito sa kamay niya ang libo- libong boltahe ng kuryente ang dumaloy doon.Halo- halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pagtataka rito kung
Pagdating na pagdating nga niya sa ospital ay dumiretso siya kaagad sa ICU kung nasaan ang kaniyang ama. Bitbit niya ang mga pagkajng iti nake out niya sa restaurant kung saan sila nag- meet ng kliyente niya.Dumaan muna siya sa kaniyang apartment bago siya tuluyang dumiretso sa ospital. Ayaw niya namang makita ng kaniyang ina at ng kaniyang kapatid ang kaniyang ayos dahil baka magtaka ang mga ito.Ilang sandali pa ay palapit na siya ng palapit sa kwarto ng kaniyang ama ng may ilang mga nurse ang nagmamadaling nilampasan siya. Nasagi pa nga ng mga ito ang kaniyang dala."Sorry." Maikling hingi ng paumanhin ng isa at nagtutuloy- tuloy na sa mabilis na paglalakad. Tinanguan na lamang niya ang mga ito dahil naiintindihan naman niyang nag- aapura nga ang mga ito. Siguro ay may pasyenteng nag- aagaw buhay na kailangan ng agarang tulong kaya nagmamadali ang mga ito.Ilang sandali pa ay nasa hagdan na siya at paakyat na.Medyo nangangalay na rin ang kaniyang mga kamay dahil sa bigat ng kan
Kasalukuyan na silang nakaupo sa bench na nasa harap ng ICU. Tabi- tabi silang tatlo. Ang kaniyang ina ay pinatulog muna nila sa kaniyang tabi. Alam kase nilang puyat na puyat na ito dahil sa ilang gabing hindi ito nakakatulog dahil sa labis na pag- aalala.Hawak- hawak niya ang kamay ng kaniyang kapatid. Kanina pa sila tapos kumain at kanina pa din inumpisahan ang operasyon ng kaniyang ama nang magbayad siya. Mabuti na nga lamang ay napilit nila ang kanilang ina na matulog na dahil bukas na bukas paggising nito ay ipinangako nilang magaling na ang kanilang ama.Nakasandal siya sa dingding at nakatingala sa kisame ng ospital. Nangangamba siya dahil kasalukuyang inooperahan ang kaniyang ama. Oo, inooperahan na nga ito ngunit alam niya na may tendency pa rin na hindi maging successful ito at iyon ang iniisip niya kanina pa.Napayuko siya nang maramdaman niya ang mahinang pagpisil sa kaniyang kamay. Ang kapatid niya ang pumisil ng kamay niya."Ate gagaling na kaya si tatay pagkatapos ng
Habang nag- eempake siya ng kaniyang mga damit ay panay pa rin ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi niya man lang nakita ang kaniyang ama o ni nasulyapan man lang bago siya makaalis sa ospital.Napakagat siya ng kaniyang labi kasabay ng pagkawala ng isang hikbi sa kaniyang bibig. Nahihirapan siya ngunit kailangang niyang gawin ang bagay na iyon para sa kaniyang pamilya.Kung ito ang magiging paraan para maging maalwan ang kanilang pamumuhay ay handa siyang gawin iyon kahit pa isakripisiyo niya ang sarili niya. Isa pa ay alam niya namang hindi naman magtatagal ang pagkawala niya dahil nasisiguro niya na pagkatapos niyang mabigyan ito ng anak ay palalayasin na siya nito.Sumisinghot- singhot siya habang naglalagay ng damit sa kaniyang bag. Wala pa siyang kaide- ideya kung saan nga ba siya dadalhin ng lalaking iyon dahil hindi naman sila nakapag- usap ng maayos dahil nagmamadali itong umalis kanina.Napatingala siya upang pigilin ang mga luha niyang wala pa ring lumbay sa pagtulo ngun
Nakatitig siya sa labas ng bintana. Kasalukuyan siyang nakasakay sa kotse nang mga oras na iyon. Pagkatapos nga niyang makatanggap ng tawag kanina mula sa tauhan umano nang magiging kliyente niya na nalaman niyang si Mr. Montemayor ay kaagad na silang dumating sa tapat ng apartment niya.Hindi nga kasama si Mr. Montemayor sa mga taong sumundo sa kaniya, puro mga tauhan lamang nito ang sumundo sa kaniya at nasa apat sila.Nang mapagbuksan niya nga ang mga ito ng pinto kanina ay halos ayaw niyang sumama, paano ba naman ang itsura ng mga ito ay tila ba mga tauhan ng isang mayamang mafia kaya may agam- agam siyang naramdaman.Ngunit nang sinabi nang isa sa mga ito na sila nga ang tumawag sa kaniya kanina at sila daw ang ipinadala ni Mr. Montemayor na susundo sa kaniya ay wala na lamang siyang nagawa kundi ang sumama sa mga ito. Total naman ay wala naman siguro silang gagawin sa kaniyang masama.Idagdag pa na ito naman talaga ang usapan nila kagabi ng lalaking Montemayor na iyon.Nasa har
Habang paakyat siya upang sumampa sa loob ng helicopter ay nanlalamig ang mga kamay niya. Ito ang unang beses na sasakay siya ng helicopter. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya nakakasakay nito, idagdag pa na natatakot talaga siya sa matataas na lugar.Halos hindi gumalaw ang kaniyang mga paa upang humakbang dahil nga sa kaba na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.Nanghihina ang mga tuhod niyang napaupo sa pinakagitnang bahagi ng helicopter kung saan nang pagka- upong pagka- upo niya ay kaagad na siyang nilapitan ng driver kanina ng kotse upang ikabit na ang kaniyang mga seatbelt at nilagyan din siya ng headphones sa kaniyang tenga.Ang kaniyang mga labi ay nanginginig din dahil nga sa matinding kaba na lumulukob na sa buong pagkatao niya ng mga oras na iyon.Ang kaniyang dibdib ay walang patid sa malakas na pagtibok na akala mo ay tila ba may naghahabulang mga kabayo sa ibabaw nito.Huminga siya ng malalim para pakalmahin niya ang kaniyang sarili. Humugot siya ng malalim na h
Ipinikit niya lamang ang kaniyang mga mata at hindi na niya pinag- aksayahan pa ng oras na tingnan ang paligid niya dahil bukod na nga sa nanghihina siya ay hindi pa rin natatanggal ang pagkahilong nararamdaman niya.Maging ang magtanong kung gaano pa ba kalayo ang kailangan nilang i- byahe. Sumusunod na lamang siya sa mga pag- alalay sa kaniya ng mga lalaking kasama niya ng mga oras na iyon. Siguro naman ay hindi siya pababayaan ng mga ito dahil sa boss ng mga ito.Pinanatili niya lang na nakapikit ang kaniyang mga mata ngunit ang kaniyang diwa ay gising na gising pa din. Nakapikit lang ang kaniyang mga mata dahil para kahit papano naman ay makapahinga siya. Ramdam na ramdam niya ang pagod at panghihina mula sa walang humpay na pagsusuka niya kanina.Kapag bumabyahe naman siya at bus ang sinasakyan niya ay hindi naman siya nahihilo at nasusuka sa byahe. Ibang- iba lang talaga ang pakiramdam niya kanina sa pagsakay niya sa helicopter dahil iyon pa lamang ang unang beses niyang sumakay