Share

CHAPTER 4

Nauna nga akong makauwi kay Axell. Nagkapang abot pa kami ni papa sa hospital.

Nalaman kong sa ibang bahay na pala siya nakatira at doon na din uuwi si mama kapag labas nito.

Malapit na din daw makauwi ang kapatid ko. Ibig sabihin bumubuti na ang kalagayan niya. Iba talaga kapag sa private.

Si Axell ang bumili ng bahay kaya nabigla talaga ako. Naikwento din sa akin ni mama kung paano sila uli nagkita ni Axell.

Pero ang hindi ko natanong ay kung bakit hindi man lang niya nakwento sa akin.

Ang dami ko pa sanang gustong itanong pero nakatulog si mama marahil dala ng mga gamot na iniinom niya.

After kong magbihis lumabas ako ng kwarto at tutungo sana ng garden ng may marinig akong tawanan.

Kilala ko ang isa sa mga boses. Si Axell yun. Mukhang may bisita siya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang marating ko ang pakay.

Naging tambayan ko na to maliban sa kwarto ko at dining.

Nang makaupo ako ng bench naalala ko nanaman si Lian. Ilan sandali lang napaluha nanaman ako. Sa kabila ng mga nalaman ko, mahal ko pa din ang gago.

kung sabagay hindi ganun kadali mawala yun lalo pa at totoo, malalim ang pinagsaluhan namin.

"Miss.."

Napasulyap ako kay Bianca.

"Dinner na po."

Nakangiti ito.

"Sabi naman sayo Audhrey na lang eh."

Mukhang magka edad lang naman kasi kami.

"Baka mawalan ako ng trabaho, Miss."

Nahihiyang sabi nito. Napailing na lang ako sabay tayo at sinundan siyang makapasok ng loob.

Napansin kong may iba pa kaming makakasama sa hapag. Ito marahil yung katawanan ni Axell kanina.

Kagaya niya maganda din ang dalaga. Bakas ang mataas na pinag aralan, marangyang buhay at hindi basta bastang nilalang.

Nagsimula kaming kumain at napansin kong tila invisible ako sa dalawang babaeng kasama ko. Wala naman akong pakialam.

Kahit pa nalaman kong si Axell si Darcy walang nagbago sa nararamdaman kong galit, muhi sa kanya.

Ang dami niyang kasalanan sa akin baka nakakalimutan niya. Sapilitan niya akong pinag resign sa trabaho after ng kasal namin.

Bagot na bagot na ako dito sa walang kabuhay buhay niyang mansion.

Parang siya lang.

"You're done?" Aba at napansin pala niya ako. Tumango lang ako saka nagpatuloy na lisanin sila.

Pero bago pa man ako makalayo muli akong lumingon.

"Pwede ko bang ayain si Bianca sa kwarto?"

Saglit lang naman. Gusto ko lang magkwento.

"Okay."

Sabi lang niya saka bumalik sa kausap. Panay ang ngiti pero pag ako ang kaharap laging walang emosyon. Kung sabagay hindi naman kami close.

Hindi ko nga siya kilala, maliban na lang sa Axell na nakilala ko noong mga bata pa lang kami.

Minsan tuloy napapaisip ako kung bakit ba niya pinilit makasal ako sa kanya.

May sinumpaan ba kami noon? Base sa kwento ni mama ako ang nagsabi na pakakasalan siya pag laki ko. Ano tinutupad niya ba? Hindi naman kailangan.

Tamang katuwaan lang yun. Dala ng musmos naming isipan pero naalala ko din. Grabe ko siyang iyakan noon na nagtagal halos isang taon kung hindi ako nagkakamali.

"Pasok Bianca.." Sinalubong ko ito ng ngiti. Sinabihan ko ito kanina na puntahan ako.

"Naku Miss baka magalit si Madam kapag dinatnan ako rito." Nahihiyang turan niya. Napangiti ako.

"She knows. Tsaka pwede ba.. Ganito na lang, pag tayong dalawa lang Dhrey na lang. Alisin mo na yung Miss at po. Feeling ko tumatanda ako, Bianca."

Natawa siya. May paghampas pa nga sa hita ko.

Nagkwento ako sa kanya. Hindi nga niya naiwasang mapaluha.

Sobrang na amaze sya kay Lian pero agad din nawala ng malaman nito ang kagaguhan ng ex ko.

"Ang liit ng mundo ano. Akalain mong si Madam pala yung childhood friend mo."

Tumango tango lang ako habang nilalaro ang kamay ko.

"Paano kung mahulog ka sa kanya?" Bigla akong napa angat ng tingin.

"Malabo yun, Bianca. Straight ako." Nagtaas ito ng kilay.

"Di mo sure. Bakit kayo naglalaro ng kasal kasalan tas bahay bahayan na parang kagaya sa mag asawa?"

"Mga bata pa kami nun. Bata din pati pag iisip." Hindi ko pag sang ayon sa nais niyang ipahiwatig.

"Mahiwaga ang pag ibig, Dhrey. Isa pa paano nga kung panain ka ni kupido?" Ayaw pa awat nito.

"Siya papanain ko." Sabay kaming natawa sa sinabi ko.

"Naku 10 pm na. Mauna na ako. Maaga pa ako gigising."

Paalam nito. Tumayo na siya. Hinatid ko naman siya palabas.

Napaisip naman ako kung ano pa bang ginagawa ni Axell at wala pa siya rito sa kwarto pero mabuti na din iyon.

Ayoko siyang makasama. Haist.

After kong makapag freshen up ay nahiga na ako. Patay lahat ng ilaw dahil yun ang kinasanayan ko. Titipid kasi kami ng kuryente noon sa amin.

Ilan sandali pa at dinadalaw na ako ng antok hanggang lamunin na ako ng dilim.

"What the fuck!"

Bigla ko na lang naibulilas ng maalimpungatan ako at maramdamang may naka yakap sa akin. Hapit na hapit.

Tumayo ako at binuhay ang ilaw. "What's the matter?" Pupungay pungay itong nagdilat ng mata.

Siya lang pala. Oo nga pala at andito ako sa kwarto ng magaling kong asawa.

"Sabi mo hindi mo ako hahawakan?" Pagpapa alala ko.

"Gosh.. I mean I won't have sex with you. Halika na. Hindi ka naman mabubuntis sa simpleng yakap, Dhrey."

Tinawag niya ko sa dating tawag niya sakin. Tila nanumbalik ang mga nakaraan dahil doon.

"Basta don't touch me." Paninindigan ko bago ako bumalik ng kama.

Hinila ko ang kumot at tumalikod sa kanya. Unang araw pa lang ito pero nababanas na ako.

Nang magising ako napitlag ako, agad na lumayo kay Axell. Paanong ako ngayon ang nakayakap sa kanya.

Tsk! Mabuti na lang tulog pa to pero bago ako bumangon muli akong napatingin sa kanya.

Ang ganda niya talaga. Wala kang maikukutya sa kanya dahil napaka perpekto ng pagkaka gawa sa kanya ng kanyang mga magulang.

Para siyang isang dyosa sa gandang taglay niya. May ganito pala talagang ganda. Nakakabighani. For sure madaming nagkakagusto, nanliligaw o baka boyfriend pa nga.

"Good morning wifey.." Nagulat ako. Naramdaman niya bang pinagmamasdan ko siya. Agad akong lumayo.

"You can watch me anytime you want, Dhrey. Hindi ka pa din nagbabago."

Sinasabi mo?? Tumayo na ako at pumasok ng banyo.

Agad akong naghilamos para mahimasmasan ako. Bakit ko ba kasi siya tinignan. Nakakahiya. Dapat ata sarili ko ang sabunutan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status