[DARCY BOZZELLI]Mahimbing na ngayong natutulog ang asawa ko matapos ng mainit naming pagtatalik. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang maganda niyang mukha. Hindi pa din ako makapaniwala na asawa ko na siya.Na magkasama na kami. Dati kasi nawalan na ko ng pag asa dahil si Lian ang mahal nya. Akala ko noon ibabaon ko na lang talaga sa limot ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Sinong mag aakala na may chance pa pala na magkaroon kami ng love story. Sabi ko noon masaya na akong masaya siya. Okay na akong makita siya at hangaan sa malayo. Tapos ngayon magkaka anak na kami. Nagbunga na ang pagmamahalan namin. Sobrang saya ko dahil hindi ko talaga inakalang matututunan niya kong mahalin. Natapos ang paninitig ko sa asawa ko at pag iisip sa mga nagdaan ng tumunog ang phone ko. Dahan akong umalis ng kama at lumayo ng bahagya para tapunan ng tingin kung sino man ang tumatawag. Number lang ito kaya sinagot ko na lang kahit nag aalangan. "Darz.." Nagmadali akong pumasok ng
"Saan ka nagpunta? Bakit hindi ikaw ang nagdala nito?" Tanong ko agad pagpasok pa lang niya. Tinuro ko yung nasa table. "Love may kinausap lang ako sa phone. 'Bout business." Hindi na ako nagsalita pa pero titig na titig ako sa kanya na para bang binabasa ko kung nagsasabi ba siya ng totoo. "Let's eat?" Tumabi siya sakin, humalik sa pisngi ko bago kinuha ang tray ng pagkain na nasa table katabi lang nitong kama. Sinimulan niya akong subuan. Tahimik kami parehas hanggang maubos ko na nga ang pagkain ng hindi ko man lang namamalayan. Marahil lumilipad kasi ang utak ko tapos tinatanggap ko lang bawat subo niya sakin. Hindi ko nga matandaan kung nagustuhan ko ba yung lasa. May iniisip ako na hindi ko naman malaman kung ano ba exactly. Paranoid na ata ako. Hindi niya ako masisisi kung ganito ako. After ng panloloko ni Lian at kataksilan ni Axell kay Ingrid. What more to expect? Kahit pa sabihing hindi niya yun ginusto o plinano. Alam niyang may pagtingin sa kanya si Ingrid linta na
[DARCY BOZZELLI]"What the hell are you doing here??!" Isang tao ang hindi ko inaasahan makikita kong muli. "Why? What's the problem?" Magsasalita sana ang taong nasa harap ko ng pumasok ang asawa ko. Hindi ito pumayag sa suggestion ko kagabi na tumigil na lang muna sa work habang nagbubuntis siya. Napalunok ako sa tanong ng asawa ko. Pinilit kong umakto ng normal at tumayo mula sa swivel chair ko. "It is nice to see you again, too, Darcy." Tinapunan ako ng nakakalokong tingin ng babaing pumasok bago ang asawa ko. "Wala siyang appointment pero sabi niya importante ang sasabihin niya sayo at kapag narinig mo yun ikaw mismo ang maghahabol sa kanya kaya pinapasok ko siya, Love. May problema ba?" Kalmado ang asawa kong nilahad ang mga salitang yun pero nagbabadya ang bagyo sa mga mata niya. Patagong huminga ako ng malalim. Ramdam kong walang dalang mabuti ang babaeng nasa harapan ko ngayon pero ayokong dagdagan ang isipin ng asawa ko. Kung wala lang dito si Dhrey mabilis kong naka
"It's about her younger sister, Love." Wala pa man hinahanda ko na ang sarili ko. "Her sister.. Amm.. Her sister-" "What? Darcy?? Bakit hirap na hirap kang sabihin?? What about her sister??" Naubos na ata ang pasensya ko at ang bilis uminit ng ulo ko sa kanya. "Bat galit ka agad?" "Just spit it out kung ayaw mong mas magalit ako." Nakita ko ang pag alangan at balisa sa itsura niya. Para san ang pagka balisa niya kung hindi naman big deal ng sasabihin niya? Ito nanaman ho tayo. Yung pakiramdam na hindi ako komportable. Pakiramdam na parang sasabog ako kasi palagay ko may hindi nanaman ako alam. May tinatago siya sakin. May bagay siyang kinatatakutan pero bakit? Fuck!! I hate this feeling. Parang torture na inuunti unti akong patayin. "Gusto ako ng kapatid niya pero ayoko dahil ikaw lang ang laman ng puso ko simula't sapul pa man, Dhrey." Dapat ko bang ikahinga ng maluwag yun?? O ikabahala nanaman? "Sinubukan kong daanin sa mabuting usapan pero bulag si Nathalia sa pagmamahal
[AUDHREY SOLACE]Halos three months na ang lumipas matapos ang naging kasal ko sa taong ni hindi sumagi sa panaginip ko na magiging asawa ko. Panay ang lakad ko dito sa loob ng kwarto habang mahigpit na hawak ang phone. Hindi ko alam kung paano tatapusin ang lahat sa long time boyfriend ko. Siya lang sa buong buhay ko ang inibig ng puso ko. Naka plano na ang lahat. Sa kanya ko nakita ang future ko na naghihintay sa akin sa altar. Siya ang pinangarap kong makasama sa mga darating pang araw, buwan at taon ko dito sa mundo ng ibabaw. Hanggang sa pag tanda, sa pag puti ng buhok, sa pag lagas ng ngipin namin at maging sa kabilang buhay. Nagunaw lahat ng iyon ng makasal ako sa mahaderang CEO ng company kung saan isa akong empleyado. Nung una mataas ang tingin ko sa kanya dahil hindi lang siya mayaman, maganda, matalino kundi saksakan ng bait. Kilala siya na matulungin sa lahat ng nangangailangan. Down to earth sa kabila ng mataas na antas niya sa buhay. Ngayon kinasusuklaman ko siya
Dumating ako sa address na sinabi ko kay Liandro kung saan kami magkikita para mag usap. "Kumusta ka na? Akala ko hindi ka na talaga magpapakita." Hawak hawak niya ang mga kamay ko habang magkaharap kami nakaupo. Andito kami ngayon sa isang restaurant. Mabuti na lang at walang katao tao. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Hindi ko alam paano saan maguumpisa. Ngayon ko lang siya ulit nakita at halatang malaki ang naging epekto ng biglang hindi ko pagpaparamdam sa kanya. Bagsak ang mukha nito. Sobrang stress. Tila nabawasan din ang timbang niya. Bahagyang humaba ang buhok, balbas at bigote niya. Ang itim din ng paligid ng mga mata niya. Hindi siya marahil nakakatulog dahil sa kaiisip sa akin. Kung ano na bang nangyari. "Babe.. Kausapin mo naman ako, please. Tsaka sino ba tong kasama mo?" Tinutukoy niya ang personal body guard ko. Oo. Hindi ako nakakalabas ng Mansion ng mag isa. "I'm so sorry, Lian. H-hindi ko gustong saktan, masaktan ka." Ga
Kasunod kong pumasok ng kotse si Darcy. Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit at sa kanya nilabas ang lahat lahat. "Soon.. Everything will be fine, my dear wife." Niyakap niya ako pabalik at wala man lang akong naramdamang pagkaalangan. Tila nakakatulong ang yakap niya para mabawasan ang sakit. Naisantabi bigla lahat ng muhi ko sa kanya. Patuloy lang ako sa pag iyak habang hinahaplos niya ang likuran ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pag gising ko wala na kami sa kotse at.. At andito na ako sa kwarto? Pero hindi ko to kwarto... Asan ako??"You're awake." Agad akong napasulyap sa pinang galingan ng boses. Naka cross ang mga paa at kamay nitong prenteng nakaupo ng couch. Tanging malaking t shirt ang suot??"Are you hungry? Gusto mo bang magpadala ako ng pagkain?" Dibale na lang. Wala akong gana. "Anong ginagawa ko dito?" "You are my wife. Dito ka dapat sa kwarto ko. Kwarto natin." "May isang buwan pa ko, Darcy. Please..." Wag ka ng dumagdag
Nauna nga akong makauwi kay Axell. Nagkapang abot pa kami ni papa sa hospital. Nalaman kong sa ibang bahay na pala siya nakatira at doon na din uuwi si mama kapag labas nito.Malapit na din daw makauwi ang kapatid ko. Ibig sabihin bumubuti na ang kalagayan niya. Iba talaga kapag sa private. Si Axell ang bumili ng bahay kaya nabigla talaga ako. Naikwento din sa akin ni mama kung paano sila uli nagkita ni Axell. Pero ang hindi ko natanong ay kung bakit hindi man lang niya nakwento sa akin. Ang dami ko pa sanang gustong itanong pero nakatulog si mama marahil dala ng mga gamot na iniinom niya. After kong magbihis lumabas ako ng kwarto at tutungo sana ng garden ng may marinig akong tawanan. Kilala ko ang isa sa mga boses. Si Axell yun. Mukhang may bisita siya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang marating ko ang pakay. Naging tambayan ko na to maliban sa kwarto ko at dining. Nang makaupo ako ng bench naalala ko nanaman si Lian. Ilan sandali lang napaluha nanaman ako. Sa kabila n