Share

CHAPTER 2

Dumating ako sa address na sinabi ko kay Liandro kung saan kami magkikita para mag usap.

"Kumusta ka na? Akala ko hindi ka na talaga magpapakita." Hawak hawak niya ang mga kamay ko habang magkaharap kami nakaupo.

Andito kami ngayon sa isang restaurant. Mabuti na lang at walang katao tao.

Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Hindi ko alam paano saan maguumpisa.

Ngayon ko lang siya ulit nakita at halatang malaki ang naging epekto ng biglang hindi ko pagpaparamdam sa kanya. Bagsak ang mukha nito. Sobrang stress. Tila nabawasan din ang timbang niya.

Bahagyang humaba ang buhok, balbas at bigote niya. Ang itim din ng paligid ng mga mata niya. Hindi siya marahil nakakatulog dahil sa kaiisip sa akin. Kung ano na bang nangyari.

"Babe.. Kausapin mo naman ako, please. Tsaka sino ba tong kasama mo?" Tinutukoy niya ang personal body guard ko.

Oo. Hindi ako nakakalabas ng Mansion ng mag isa.

"I'm so sorry, Lian. H-hindi ko gustong saktan, masaktan ka."

Garalgal ang boses kong hayag. Napayuko ako dahil hindi ko kinakaya ang sakit na nakikita ko sa kanya.

Nasasaktan ko siya. Ang taong walang ginawa kundi maging loyal, faithful at mahalin ako ng higit sa sarili niya.

Ang sama ko para wasakin ang puso niya ng ganito. Wala akong kwenta.

"O-okay na, Babe. Anuman ang naging dahilan mo hindi na mahalaga dahil andito ka na ulit."

Agad niyang pinahid ang luhang tumulo mula sa kanyang mata.

Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito sa tagal namin.

Hindi ko mapigilang humikbi na din. Parang babagsak ang mundo sa akin sa pakiramdam ko. Sobrang sakit. Mahal na mahal ko siya.

Ang dami naming plano. Bubuo pa kami ng pamilya pero hindi na matutupad pa ang mga iyon.

Kasalanan itong lahat ni Darcy, ang hayop na babaeng yun!

"I'm sorry, Lian. Ito na ang huling pagkikita natin. I'm breaking up with you." Agad siyang nagitlag, nabitawan ang kamay ko at napatayo.

"Ano?? Bakit? May nagawa ba ako? Hindi nagawa? May kulang ba? O sobra? Anong dahilan Audhrey?"

Ragasa na ang luha ko.

"W-wag naman ganito." Muli niyang kinuha ang mga kamay ko ng tumayo ako at makalapit siya sa akin.

"H-hindi ko kakayanin, Babe!" Mahigpit niya akong niyakap. Ang sikip ng paghinga ko. Parang mamamatay ang pakiramdam ko.

Dahang gumalaw ang mga kamay kong napayakap sa kanya. Ninanamnam ang mga huling sandali.

I'm doing this because I love him so much. He deserves greatly.

"Mahal na mahal kita Audhrey. Dahil ba to sa hindi pa tayo kinakasal? Naiinip ka na ba? Pinag iipunan ko naman na, Babe. Konting tiis na lang."

Mas lalo lang akong humagulgol dahil sa mga sinasabi niya. Pinaghahandaan na pala niya ang kasal namin.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Lord.. Bakit kailangan kong pagdaanan ang ganito.

"Ma'am.." Narinig ko ang pagtawag ng body guard ko. Sobrang higpit pa din ng yakap ni Lian na para bang nakadepende ang buhay niya sa akin.

"Tumatawag na po si Madam. Baka po mawalan ako ng trabaho kapag hindi pa ho tayo bumalik ng Mansion." Nakikiusap ang tinig nito.

Saglit na kumawala sa yakap si Lian. "Anong Mansion? Huh? A-anong sinasabi niya, Audhrey." Napaiwas ako ng tingin.

Hindi ko kayang durugin ng husto ang busilak niyang puso.

"S-sa Mansion na ako nakatira, Lian. K-kailangan ko ng umalis. I'm sorry. Ingatan mo sana ang sarili mo, please."

"Hindi. Hindi ka aalis. Sabihin mo muna sa akin. Ano ba talagang dahilan bakit bigla na lang ganito. Please, Audhrey.. Please lang kasi mababaliw na ko! Utang na loob!"

Gusto ko siyang aluhin, sabihing andito lang ako at hindi kailanman mawawala sa kanya.

"Sorry Lian.. Sorry. Sana mapatawad mo pa ako. Sorry talaga."

Yun lang ang kaya kong sabihin. Buo ang desisyon kong wag ipaalam sa kanya na kasal na ako. Na nakatali na sa iba.

Lalo lang siya masasaktan.

"Tara na ho Ma'am."

Akmang aalis na sana ako pero muli akong niyakap ni Lian sa likuran.

"Ma'am. Mapapatay ho ako ni Madam kapag nalaman niya to."

Hindi ko alam anong sinasabi niya dahil alam naman ni Darcy na makikipag kita ako kay Lian para makipag hiwalay.

Kaya nga siya pumayag dahil sa rason ko.

"Wag mo akong iwan, Audhrey. Nagmamakaawa ako, parang awa mo na! Hindi ko kaya!"

Pigang piga na ang puso ko sa tinatamasa ni Lian.

Pumikit ako at buong lakas, pwersa na inalis ang mga yakap niya sa akin.

"Hindi ka aalis! Patayin mo na lang ako!" Nahawakan niya ako sa kamay kaya muli akong natigil sa paglayo.

"Sir.. Maawa ho kayo sa sarili niyo. Kahit umiyak ho kayo ng dugo or maglupasay dito, wala hong magbabago."

Dagdag pa ng body guard ko.

"Wag kang mangialam dito! Wala ka namang alam saming dalawa!"

Pumagitna ako bago pa kung anong mangyari di maganda.

Baka mauwi pa sa malaking gulo kapag nagka dampian sila.

Isang presensya ng babae ang kumuha ng atensyon naming tatlo.

"We're going home my dear wife.." Palapit siya sa amin. Naging triple ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya.

"A-anong sinasabi niya Audhrey??"

Gulantang na balin sa akin ni Lian. Gusto kong maglaho na lang dahil anong sasabihin ko?

Ang daming nangyari. Ang gulo ang bilis ng lahat. Paano ako magsisimula? At kahit isa isahin ko pa may mababago ba?

"Not so good to see you again, Lian."

Nagpantig ang tenga ko. Hindi maipinta ang mukha ko. Kilala ba nila ang isa't isa?

"Bakit mo to ginagawa, Darcy?? Nagmamahalan kami!!"

Nakita ko kung paanong ngumisi ang demonyita.

"Binabawi ko lang ang akin, Lian. You know what I'm talking about."

Napatingin ako kay Lian. Anong sinasabi ng babaeng ito?

"Or do you want me to tell her everything?"

Ang alen? Wait... A-anong pinag uusapan nila? Naging salit ang tingin ko sa dalawa.

"Hindi mo pwedeng gawin to Darcy. Mahal ko si Audhrey. Hindi ko sinasadya. Nangyari na lang."

Napapaisip ako sa nasasaksihan kay Lian. Takot ang mababakas sa mukha niya.

Takot ba siya sa babaeng ito? Paanong magkakilala sila?

"Then how about your wife and kids?" Nawindang ang buong mundo ko. Napunta lahat ng focus ko kay Lian.

"A-anong wife at kids? A-anong kagaguhang pinagsasabi niya Lian??"

Nagngangalit ngayon ang dibdib ko.

Tila ba maliit na apoy ang biglang nagliyab sa kaibuturan ko. Umaasa akong itatanggi niya ang paratang sa kanya.

"M-magpapaliwanag ako, Audhrey."

Hinawakan niya ako sa kamay pero tinabig ko lang yun. Unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko.

Magpapaliwanag siya? Ibig sabihin may basihan ang mga sinabi ni Darcy? May posibilidad na totoo? Putang ina!

"Totoo ba??"

Sobrang diin ng pagkakabigkas ko.

"H-hayaan mo ko magpaliwanag, Audhrey please. Mag usap tayo. Ng tayong dalawa-"

"Totoo ba?! May asawa at anak ka?!"

"Magpapaliwanag nga ako. Mahal kita. Mahal mo ako. Yun ang mahalaga-"

Pilit niya akong hinahawakan pero lumalayo ako. Kulang na lang lumuhod siya sa harapan ko.

"Putang ina! Lian! Just answer my fucking question! Totoo ba?? Oo o hindi lang!!"

Nanginginig siya kagaya ko. Pero galit ang dahilan ng akin. Sobrang galit.

Niloko ba niya ko?

"O-oo."

Nasapo ko ang ulo ko sa finale niyang sagot. Parang matutumba ako dahil tila naubos bigla ang lakas ko sa katawan.

5 years... 5 years na kami. Wala man lang akong alam.

"His wife didn't even know."

Muling pagsasalita ni Darcy. Muli akong napatingin ng buong sama kay Lian.

Bubulagta na siya sa sahig kung nakakamatay lang ang tingin.

"Kayo pa? Nagsasama pa kayo? Ayun ba yung dahilan kaya pabalik balik ka ng Samar at ayaw mo akong isama?? Pamilya mo ba ang pinupunta mo dun??"

Unti unting may nabubuo sa utak ko.

Napapagtagpi tagpi ang ilang pangyayari.

"Kaya ba ayaw mo akong mabuntis??"

Napasinghap ako. Hindi ko na kinakaya. Tang ina. Mali pala ako sa lahat ng inakala ko tungkol sa lalaking pinag alayan ko ng buong sarili, pagkatao ko.

Ang virginity ko!

Putang ina!!

"Audhrey!"

Tuluyan na akong umalis at dina pinansin ang tawag niya. Gago pala siya! Masahol pa siya kay Darcy.

Kaya pala di magawang mag propose ng kasal ng hayop dahil may sabit na pala siya.

Walang kasing sakit ang unang pagka bigo sa pag-ibig...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status