Share

Baliw

Gilda Point of View

                Dahan dahan kong ibinukas ang aking  mga mata dahil naramdaman ko na parang mahapdi ang aking anit. Nanlalabo ang aking paningin, at kailangan ko pang pumikit ng pumikit upang luminaw ito.

                Noong makakit ako ng mas malinaw ay napatingin ako sa may salamin. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.

                Nasa harap ako ng salamin habang ttumutulo ang dugo ko sa aking noo. Sa likod ko ay naroon si Maria. Nakangiti na animo ay isang baliw habang sinusuklayan ang buhok ko.

                Sinubukan kong tumayo ngunit natigilan ako noong hindi ko magawa. Napatingin ako sa aking katawan. Nakatali ako sa upuan. Tinali niya ako rito!

                Anong nangyari? Bakit ako narito. Nagbalik tanaw sa akin ang aking mga ala ala kanina. Habang papalapit ako sa highway ay napalingon ako sa aking likuran, at pagharap ko ay may humapas sa akin ng bote.

                Isang malakas na hampas na sapat para mawalan ako ng ulirat.

                At si Maria ang may gawa noon.

                “Gising ka na pala,” ani niya habang sinusuklay ang aking buhok. Madiin ang suklay niya at ramdam ko ang hapdi ng aking anit. Mukhang kanina niya pa sinusuklay ito dahil humahapdi ang aking ulo.

                “Pakawalan mo ako,” ani ko sa kanya at nagkakawag. “Pakawalan mo ako dito!!!!”

                “Shhhhh,” ani ni Maria sa akin. “Huwag kang maingay. Baka magising ang tatay mo sa kabilang kwarto.”

                “Isa kang baliw!!!” sigaw ko at pilit nagkakawag. “PAKAWALAN MO AKO DITO!! AYOKO NA DITO!!!”

                Napatawa naman si Maria sa hindi ko malamang dahilan. Paniguradong tumatawa siya ng ganyan dahil isa siyang baliw. Dapat sa kanya ay ikinukulong sa mental.

                “At may balak ka pang takasan kami ng iyon Lola Teresa,” ani ni Maria. “Alam mo bang kukuhana sana kita ng dugo pampaligo mo? Ngunit nakita ko na nakabukas ang bodega kaya naisip ko nab aka doon ka galing kahapon. Akala mo ba ay maloloko mo ako? Alam ko na hindi ka tanghaling nagising kahapon! Binuksan ko ang pinto ng kwarto, at wala ka roon!”

                Hinablot niya ang aking mukha at itinaas bigla.  Pakiramdam ko ay naipitan ako ng ugat dahil sa ginawa niya.

                “Bakit ka nagsisinungaling sa yong ina?!” tanong niya sa akin. Nakatapat ang mukha ko sa kanya. Nakakatakot siyang tignan ngayon. Ang kanyang mga mata ay nanlalaki, at namumula. “ALAM MO BANG MASAMA IYON! LAHAT GINAWA KO PARA SA IYO NGUNIT ITO LANG ANG IGAGANTI MO SA AKIN.”

                Hindi ako makapagsalita sa takot sa kanya. Ang diin ng pagkakahawak niya sa aking mukha na tila nais na niyang ibaon ang kanyang mga kuko sa aking laman.

                “H-hindi kita ina! Si nanay liliybeth ang nanay ko!” lakas loob kong sabi sa kanya.

                Nakita ko na namumuo ang mga luha sa mata ni Maria

                “LILYBETH NANAMAN?! PURO KAYO LILYBETH!” sigaw niya sa akin. Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. “ANO BANG MERON SA LILYBETH NA IYAN!!! AKO LANG ANG NANAY MO!! NAINTINDIHAN MO BA?! WALA KANG IBANG INA KUNG HINDI AKO! ANAK KA NAMIN NI DAN!!! AKO ANG NAGLUWAL SA IYO!! SUMAGOT KA! NAIINTINDIHAN MO BA?!”

                Napailing iling ako sa kanya. Nagulat ako ng magsimula siyang umiyak habang nakatingin sa akin.

                “Anak huwag mo akong iwan mag – isa,” aniya sa akin habang umiiyak. Tumulo sa aking mukha ang kanyang luha. Nakakadiri!! “Dito ka lang sa tabi ko! Hindi ko kayang mawala ka. Naiintindihan mo ba?! Huwag mo na uli ulitin iyon ha? Huwag ka nang maglalayas. Hindi kakayanin ng nanay mo kapag nawala ka. Labis akong masasaktan. Ipangako mo sa akin anak na hindi mo na gagawin sa akin ito.”

                Malakas na ang tama niya. Kung ano ano na ang kanyang pinagsasabi! Kailangan kong makawala sa kamay nya dahil baka mmaya ay kung ano pa ang magawa niya sa akin!

                Sa isang iglap ay nagalit ang mukha ni Maria.

                “BAKIT HINDI KA SUMASAGOT?! TALAGANG SINUSUWAY MO NA AKO?!” aniya sa akin habang patulo ang kanyang sipon. Pilit akong kumawala sa pagkakahawak niya sa aking mukha. Padiin ng padiin ang kanyang kuko sa aking mukha.

                Nararamdaman ko na.

                “SUMAGOT KA!!!!!” sigaw niya sa akin.

                Napaluha ako sa sakit na naramdaman ko. Ramdam kong bumaon na ang kanyang ilang kuko sa aking pisngi.

                “S-sorry po,” iyak ko.

                Tumulo  ng tuluyan ang sipon niya sa ilong. Napapikt ako at naramdaman kong bumagsak iyon sa bandang bibig ko.

                Punyeta! Animal kang Maria ka! Nakakadiri!!!

                Agad niya akong binitawan. Napatingin ako sa salamin sa kanyang pagbitaw. Dumudugo ang sugat ko sa pisngi. Nakita ko rin ang sipon  sa aking labi. Agad akong yumuko at pinunasan ito.

                Nakakasuka siya! Bakit kasi ganoon niya pa ako kausapin! Pwede naman ng harapan! Bakit kailangan nakatingala pa ako sa kanya.

                “AHHHH!!” sigaw ko noong hatakin niya ang aking buhok.

                Ano nanaman ba?! Nagsorry na ako!

                “ARAY KO!! NASASAKTAN AKO!!!” sigaw ko sa kanya.

                “Walang hiya kang Lilybeth ka!” sigaw niya sa akin. “Inagaw mo sa akin si Dan!!!”

                Baliw na siya! Napagkakamalan na niya akong ibang tao!

                Nabuwal ako habang hatak hatak niya ang aking buhok. Matapos ay hindi na siya naawa sa akin, Kinaladkad niya ako gamit ang aking buhok habang nakatali ako sa upuan. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang anit ko sa ulo.

                “TAMA NA PO!!! NASASAKTAN AKO!!!” sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

                Malakas na sampal ang natamo ko sa kanyang kamay.

                Abusing ito! Hindi niya ako dapat sinasaktan! Ibang iba siya sa pinapakita niyang panlabas na kaanyuan. Bigla na lamang siyang nag iba! Dati naman hindi siya ganyan. Mukha pa ngang hindi niya ako mapagbubuhatan ng kamay.

                Matapos ay agad siyang umiyak at niyakap ako.

                “Anak dyos ko! Sino ang may gawa sa iyo niyan! Bakit ganyan ang itsura mo?! Bakit may mga sugat ka?! Anong ginawa nila sa iyo?!” tanong niya sa akin.

                Nanginginig ako na tinignan siya. Umiiyak siya sa gilid ko.

                “P-pakawalan mo po ako inay,” sabi ko habang nakatingin sa kanya.

                Tumango tango naman siya at sinipat ang kinalalagyan ko na upuan.

                “Sino ang nagtali sa iyo?” tanong niya at malakas na tumawa.

                Tumayo siya at iniwan niya ako sa loob ng kwarto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status