Share

XXXX

Gilda Point of View

                Tumingin ako sa aking orasan. Ganap na alas dose trenta ng umaga. Sigurado akong tulog na sila. Ngunit maghihintay muna ako ng ilang minuto para saktong ala una na ako aalis. Mas magandang sigurado. Mahirap nab aka mahuli nila ako.

                Ang bawat segundo, at minuto ay tila isang araw sa paghihinatay. Napakatagal. Akala mo walang baterya ang aking relo at hindi gumagalaw ang oras. Mas mabagal pa sa isang pagong ang takbo nito.

                Labis labis na ang aking kaba. Iniisip ko lamang ang pagtakas ay kinakabahan na ako. Balak ko sanang lumuwas na g maynila at doon manirahan. Bahala na kung anong buhay ang naghihintay sa akin doon. Mag – aapply ako ng trabaho. Kahit lansangan muna ako matulog basta makatakas lamang sa mga taong kasama ko sa bahay ngayon.

                Mayroon naman akong naitabing pera upang maidaos ang aking pagluwas at ang ilang araw ko sa maynla.

                Doon ay mas ligtas ako. Hindi nila ako masusundan. Maluwag ang mundo.

                Napahawak ako sa aking tiyan. Kumukulo na ito pagka’t kaninang umaga pa ako hindi kumakain. Wala man lang kasing malapit na tindahan dito upang mabilhan. Kahit mamatay ako s agutom ay hindi ko gagalawin ang pagkain na hinain ni Maria sa akin. Nakakasuka! Nakakiri! Mga laman ng tao. Pakiramdam ko tuloy ay isa na akong kanibal dahil sa ipinakain nila sa akin.

                Sigurado akong tulong ulo si Lola Teresa at si Maria sa kanilang mga masasamang balak.

                Kahit ba sabihin natin na wala silang gagawing masama sa akin ay hindi ako panatag sa piling nila. Hindi mga kagaya nila ang nais kong makasama sa isang bubong. Hindi ko kaya. Habang pumapatay sila ng tao.

                Isa pa kahit itigil nila ang kanilang ginagaw ngayon ay hindi nila mababago ang katotohanan. Katotohanang nakapatay na sila. Katotohanang mga kulto sila. Katotohanang nakakahindik.

                Pakiramdam ko ay lagi akong hahabulin ng ala – alang ito kahit saan ako magpunta. Kahit mangibang bansa pa ako ay hindi ako matatahimik.

                Pakiramdam ko ay obligasyon kong magsumbong sa mga pulis. Tama. Sasabihin ko kay Carmen ang aking mga nakita. Sabay kaming magsusumbong sa pulis! Sana nga lang ay paniwalaan kami.

                Itetext ko sana siya upang salubungin na ako sa bukana ng highway ngunit naubos na ang load ko. Kung kailan ko kailangan na kailangan ay saka naman naubusan.

                Napakamalas ko!

                Napatingin ako sa orasan ko muli. Mapapamura ka talaga sa bagal ng oras. Limang minut pa lamang ang nakakalipas.

                Baka mmatay pa ako sa niyerbos habang naghihintay dito. Kung pwede lang ako na ang magdusog ng oras ay gagawin ko. Bilis bilisan nya naman ang pagtakbo! Kung kailan mo talaga ito hinihintay saka bumabagal!

                Relax Gilda! Magrelax ka lang. Mallagpasan mo ang pagsubok na ito. Ligtas kang makakaalis sa bahay ng lola mo. Ang kailangan mo ay kumalma upang maingat kang makatakas.

                Tama! Inahale! Exhale!

                Kaya mo ito Gilda. Ina, ama, patnubayan niyo po ako. Nais kong makaalis na sa bahay na ito. Diyos ko tulungan mo po ako

                Matapos ang matagal na paghihintay ay pumatak na rin ang oras sa ganap na ala una ng umaga.

Kinuha ko ang aking maleta kung saan ko inimpake ang aking mga gamit sa ilalim ng aking kama.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas. Walang tao! Malaki kong binuksan ang pinto at agad na lumabas. Nilock ko ito sa loob upang hindi nila agad malaman na wala ako kung sakali man na may kakatok dito mamaya.

Tinahak ko ang hagdan. Dahan dahan akong bumaba. Anak ng siomai! Lumalangitngit ito! Napatingin ako sa paligid. Walang nagbubukas ng pintuan.

Matapos ang ilang hakbang sa awa ng diyos ay naidaos ko ang pagbaba ng hagdan. Sumilip ako  sa ma kusina dahil baka mamaya naroon si Maria. Madalas pa naman maglagi ang babaeng iyon doon.

Walang tao.

Lumapit ako sa pintuan at dahan dahang binuksan ito. Natatanaw ko na ang labas!

Noong mabuksan ko ito ay agad akong lumabas. Dahan dahan ko muling sinara ito.

Initsa ko ang maleta ko sa labas at inakyat ang mababang gate ng bahay ni Lola Teresa. Noong tuluyan akong makalabas ay agad kong tinakbo ang daan papunta sa highway.

Napakahaba pa naman ng daan na ito na animo ay walang katapusan! Anong oras pa kaya ako makakarating sa highway. Feeling ko bago pa ako makarating doon ay may humatak na sa akin pabalik sa bahay.

Hindi rin nagpaparamdam sa akin ang mahiwagang boses sa aking isipan. Hindi ko alam kung bakit.

Maya maya pa ay napagod na ako kakatakbo. Kaya naman naglakad na lamang ako. Sigurado naman akong nakalayo na ako sa may bahay nila Lola Teresa.

Nakakatakot maglakad ng ganitong oras. Napakatahimik ng paligid. Madilim. Tanging mga insekto lamang ang iyong maririnig sa buong kapaligiran.

Pakiramdam ko may mga nagmamasid sa akin sa dilim.

Tumingin ako sa aking likuran. Hindi ko na tanaw ang bahay. Puro kadiliman na lamang ang nakikita ko sa likod. Ni kahit kasi isang poste ng ilaw ay walang nakatayo dito.

‘Psst’

Napatigil ako sa aking narinig. Agad akong lumingon lingon habang nanlalaki ang aking mga mata. Sino iyon?!

Guni guni ko lamang ba? Sa sobrang takot ko ay nakakarinig na ako ng mga pumapaswit.

                ‘Psst’

Napahinto muli ako dahil sa aking narinig. This time alam kong hindi ko na ilusyon iyon. May pumapaswit talaga!

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking katawan. Lumingo ako sa aking pinanggalingan ngunit kahit idilat ko pa ng sobra ang aking mga mata ay wala talaga akong makita sa dilim.

‘PSSTTTTT!’

Sh*t!!!!

Agad akong napatakbo ng mabilis hatak hatak ang aking maleta. Para akong atleta sa bilis ng aking pagtakbo na hndi ko namalayan ang malaking bako sa daan. Nabitawan ko ang maleta ko at napasubsob sa daan.

                Ngunit hindi ko papansinin ang sakit ng mga sugat ko! Agad akong tumayo at binitbit ang aking maleta.

Natatanaw ko na ang highway!! Makakalabas na ako!!

Tumingin ako sa aking likuran pagka’t parang may kasunod ako. Wala naman! Pagharap ko sa aking harapan ay napatigil ako noong bumungad sa aking si Maria na nakangiti.

“AAHHHH!!!!” sigaw ko.

Bigla niya akong pinalo ng malaking bote at nawalan ako ng ulirat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status