Share

XXXIX

Gilda Point of View

                Daha dahan akong pumasok sa tahanan ni Lola Teresa. Maingat ang aking mga galaw. Sakto na sa pagdaan ng kusina ay napatigin sa akin si Maria.

                “Gising ka na pala,” aniya sa akin. “Bakit hindi ka bumaba kaninang umagahan? Kinakatok ko ang yong pinto ngunit hindi ka sumasagot?”

                Natuyo na ata ang lalamunan ko. Ang babaeng nasa harap ko ngayon. Isa siyang mamatay tao. Pero mabti at hindi niya alam na lumabas ako ng bahay.

                Hindi niya dapat ako mahalata dahil kung hindi ay malilintikan ako.

                “N-napuyat kasi ako,” ani ko at pilit na ngumiti sa kanyang harapan. Kailangan ko lang magpanggap na wala pa rin akong alam. Kung magagawa ko iyon ay ligtas akong makakaalis ng bahay mamayang gabi.

                Wala namana kong magiging problema mamaya dahil sigurado akong hindi na lumalabas ng kwarto si Maria pagsapit ng ala una ng umaga.

                Si Lola Teresa naman ay wala siya ng ganoong mga oras. Hindi ko alam kung nasaan siya pero kutob ko ay nasa lugar siya kung saan naroon ang mga kasamahan niya na kulto. Sila ang may gawa sa mga namatay na dalaga sa lugar na ito.

                Hindi na sila naawa. Hindi ba nila naisip na may dalaga din silang kapamilya? Paano kung mangyari din sa akin ang ginawa nila sa iba? Hindi ba nila naisip na may uuwian pang mga bahay ang mga taong iyon? na may mga magulang na naghihintay sa kanilang mga anak? Na may kapatid na naghihintay sa mga ito.

                Kumikirot ang aking puso kapag naiisip ko ang mga karahasang ginawa nila. Paanong ang dalawang babaeng nasa bahay na ito ay nagawang makapatay ng napakaraming tao?

                “Namumutla ka,” ani ni Maria sa akin. “May sakit ka ba? May problema ba? Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo.”

                Pinunasan ko ang malamig na pawis sa aking noo.

                “H-ha? W-wala po ito,” sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya kahit ayaw nang ngumiti ng aking mga labi sa takot. Natatakot ako sa kanya. “Kulang lang siguro po ako sa tulog. Sige akyat na po muna ako.”

                Tumalikod na ako upang umalis ngunit napatigil ako noong magsalita siya.

                “Kababa mo lamang ay aakyat ka na?” tanong niya sa akin. Napatingn ako sa kanya. Hindi siya nakangiti. Nakapoker face siya sa akin. Tila may nagbago sa kanya. Nakahalata ba sya?!

                “P-po? Bakit po?” tanong ko sa kanya. Nanlalamig ako. Ninerbyos ako sa mga binibigay niyang tingin. Hindi naman siya nakakahalata diba? Wala naman siyang alam hindi ba?

                “Alam mo ba kung anong oras na?” tanong niya sa akin. “Alas onse trenta na ng tanghali. Oras na ng pananghalian. Halika muna dito at kumain ka.”

                Kain? Ayoko. Ayoko ng kumain. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kaysa kainin ang laman ng isang tao.               

                Napapikit ako noong maalala ko ang isa sa mga biktmang nakita ko sa loob ng bodega kanina. Nakakatakot ito at tila babangungutin ako sa araw araw. Tila hindi ko na makakalimutan ang itsura ng kaawa awang biktima.

                “H-hindi na po. Busog pa naman ako,” tanggi ko sa alok niya.

                Nanlaki naman ang aking mga mata noong humakbang siya patungo sa akin. Bahagya akong napaatras.

                “Ano ka ba. Para kang nakakita ng multo,” aniya sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Ang lamig mo. Sigurado ka bang wala kang sakit?”

                Hinatak niya ako papasok ng kusina at pinaupo sa may upuan. Hinainan niya ako ng kanin at karne.

                Napatingin ako sa karne na nasa aking plato. Mamantika ito ngunit hindi na ako natatakam matapos ng mga nakita ko sa loob ng bodega.

                All this time. Laman ng tao ang kinakain ko. Gusto kong sumuka! Gusto kong isuka lahat ng kinain ko mula nag dumating ako rito.

                “Alam mo namang ayokong nagugutom ka,” aniya  sa akin. “Ipinagluto kita ng paborito mong adobo. Sige na kumain ka na.”

                Napalunok ako habang nkatingin sa karneng nasa harap ko. Walang duda na karne ito ng tao. Saan sila kumukha ng lakas ng loob upang gawin ang bagay na ito? Hindi ba sila natatakot sa karma? O kahit sa pagpatay man lang?

                Hindi ba nanginginig ang mga kamay nila sa tuwing hahawak sila ng kutslyo? Hindi ba sila nakukunsensya sa tuwing nilalagutan nila ng hininga ang kanilang mga biktima?

                Kasi ako, kahit hindi ako ang pumatay. Kahit wala akong alam sa lahat ng ginawa nila ay nakokonsensya ako. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa akin.

                Napatingin ako kay Maria na nakatingin sa akin.

                Ang babaeng ito. Nagpapanggap na mabuti pero kay sama ng ugali. Akala mo kung sinong inosente pero isang demonyo pala. Ngayon  alam na alam ko na at obvious naman kung bakit hindi sya pinakasalan ng aking ama.

                Isa siyang kriminal, at baliw! Sa dami ng kanilang napatay ay walang kapatawaran ang naghihintau sa kanila. Mga wala silang awa. Mga mamamatay tao!

                “Gilda? Gilda?” napabalik ako sa reyalidad noong tawagin niya ang aking pangalan.

                “P-po? B-bakit po?” tanong ko sa kanya.

                Napabuntng hininga siya.

                “Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa akin. “Pero tulala ka. Sigurado ka bang maayos ang pakiramdam mo? Nanlalamig ka at parang wala ka sa sarili. Aminin mo nga. May ngawa ba ako na hindi mo nagustuhan? Galit ka ba sa akin?”

                Marami! Marami kang ginagawa na hindi tama na hindi gusto. Galit? Hndi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa kanya.

                Itinuring ko siya na parang kadugo ko na rin matapos ay ito pala ang katotohan sa likod ng kanilang pinagtataguang maskara? Ano pa ang dapat kong malaman. Ano pa ang kanilang itinatago?!

                “Wala naman po,” ani ko sa kanya. “Wala lang akong gana kumain.”

                “Kung ganon ay bakit nga? Bakit ka ganyan?” tanong niya sa akin habang kunot ang noo. “Magsabi ka lang sa akin. Nandito lang naman ako para sa iyo, Gilda. Huwag kang maglihim sa akin. Nartio ako bilang iyong ina. Dadamayan kita.”

                “S-salamat po,” ani ko at tumayo. “Masama lang po ang pakiramdam ko. Bababa na lamang ako kapag naisipan kong kumain. Nais kop o muna magpahinga sa aking kwarto.”

                Mabilis akong umalis doon at umakyat sa aking kwarto upang makapag – impake ng mga damit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status