Share

XXXVIII

Third Person Point of View

            Maaga pa lamang ay binabagtas na ni Gilda ang daan patungo sa babuyan ng kanyang Lola Teresa. Doon siya itinuro ng boses na kanyang naririnig. Inutos sa kanya na pumunta siya roon pagka’t may sopresang nag aantay sa kanya.

            Paniwalang paniwala si Gilda sa boses na kanyang naririnig. Pakiramdam niya ay iyon ang gagabay sa kanya at maglilitas sa mga masasamang tao sa kanilang bahay.

            Pinangakuan siya ng boses na ito na proprotektahan siya at iingatan. Basta lamang makikinig siya rito at gagawin niyang kaibigan.

            Sumang ayon si Gilda sa mga kasunduan nito dahil na rin napatunayan nito ang kanyang sarili sa kanya.

            Maya maya pa ay natanaw na ni Gilda ang babuyan na tnutukoy ng boses.

            Malaking bahay ito. Sa layo at liblib ng lugar ay paniguradong walang nakakaalam na bahay pala sa lugar na ito.

            GILDA POINT OF VIEW

            Napakunot ang aking noo habang nakatingin sa bahay na nasa harapan ko. May mga binatana to ngunit sarado.

            Ito na ba ang tinutukoy ng boses na babuyan? Bakit parang bahay ng isang tao. Hindi momasasabing babuyan ito.

            Lumapit ako rito at napatakip ng aking ilong. Kahit sarado ang binatana ay nangangamoy ang bahay babuyan. Nakakasuka at nakakasulasok!

            Tinignan ko ang pintuan at nakasarado ito. Nakapadlock.

            Paanong mabubuhay ang mga baboy sa ganito ka isolated na tirahan. Wala man lang nagbabantay.

            Pinupuntahan pa ba nila ito? Ang baho! So dito kinukuha ang mga karne na kinakain namin? Nakakadiri ang amoy. Sana nililinis ni Maria ng mabuti ang karne na kinukuha niya rito.

            Gusto ko tuloy masuka. Sa katotohanan ay kahit malinis tignan si Maria ay nandidiri ako sa kanya. Isa siyang dugyot na tao. Imagine kinulong niya ang isang nabubulok na bangkay sa kanyang kwarto ng ilang araw. Hindi ko lang alam kung paano niya nasusupress ang amoy ng bangkay.

            Kaya pala tila balisa siya noong sinabi ko na may nangangamoy sa kwarto niya. Hindi pala patay na daga kundi patay na tao!

            Hindi pa rin talaga ako makapaniwala!

            Inikot ko ang paningin sa aking paligid. Nakalock ang pintuan ng kandado at makapal na kadena. Kailangan ko ng pambukas para makapasok ako sa loob.

            Sabi kasi ng boses ay may supresang naghihintay sa akin sa loob.

            Nakakita ako ng malaking bato sa gilid. Sa palagay ko ay kayang kaya nitong sirain ang kandado.

            Nilapitan ko ito at pinulot.

            Lumapit ako sa may pintuan at tumingin tingn muna sa paligid. Walang katao tao at napakatahimik.

            Malakas kong pinukpok ng bato ang kandado. Siomai!! Ang sakit sa kamay! Nagvivibrate ang bato sng impact niya!

            Medyo matikas ito at ayaw pang bumitaw. Muli kung hinampas ang kandado. Yumupi ang sarahan nito ngunit hindi pa bukas.

            Saglit kong ipinahinga ang aking kamay saka muling bumalya. Sa pangatlong balya ko ay tuluyan kong nasira ang kandado ng bahay.

            Napangiti ako nang mabuksan ko ito. Yes! Walang paumpik tumpik na tinanggal ko na ang kandado.

            Sinunod ko ang mga kadena. Paano na kaya mamaya paglabas ko? Paano ko ito isasara muli? Nasira ko na!

            Noong matanggal ko ang lahat ng kadena ay binuksan ko na ang pintuan.

            Nanlaki ang aking mga mata! Napanganga ako sa aking nakita.

            Yung amoy  na naaamoy ko sa labas noong sarado pa ito ay agad akong sinalubong. Mas masangsang ng sampung beses kumpara noong nakasara siya.

            Nakakahilo ang amoy.

            Napaatras ako at napasuka!

            Putek! Hindi baboy ang mga nasa loob kundi mga tao!

            Totoo ang sinasbai ni Carmen sa akin! Mamatay tao ang pamilya ko! Miyembro sila ng kulto!

            Napaiyak ako at napasubsob sa aking mga nakikita. Putl putol na parte ng katawan ng tao.

            Napapikit ako noong magtama ang mata namin ng putol na ulo.

            Nakadilat pa ito habang nakatingin sa kawalan.

            Nanginginig ako ngayon. Kinakagat ang aking hintuturo.

            Binuksan ko muli ang aking mga mata at pinagmasdan ang mga patay na tao sa loob.

            Galing ako sa mamatay tao na pamilya? Mamamatay tao rin ba si Tatay? Dugo ako ng mga miyembro ng kulto.

            Gusto kong sumigaw ngayon at humingi ng tulong pero napako ang aking mga mata sa loob. Naiiyak ako. Hindi ako makapagsalita.

            Umurong ang aking dila sa aking lalamunan.

            Napailing iling ako. Hindi! Kailangan kong magsumbong sa mga pulis!

            Ayoko nang umuwi! Ayoko ng makita sila! Mga mamatay tao sila! Ayoko ng tumira kasama sila. Mas gust ko pang matulog sa lansangan kaysa makipisan sa mga taong katulad nila.

            Ipinagtanggol ko pa sila kay Carmen. Tama! Si Carmen! Matutulungan niya ako. Aalis na ako sa bahay na ito. PWede naman na sa kanila muna ako makituloy habang nag – iipon ako ng pamasahe pangluwas ng maynila.

            Kinapa ko ang aking bulsa. Napasipa ako sa lupa. Naiwan ko ito sa aking kwarto! Kung alam ko lang na ganito ang maabutan ko ay dapat nag – impake na ako ng aking mga gamit.

            B-baka pumunta sila dito upang kumuha ng karne! Malalaman nila na may nagbukas ng kanilang bahay.

            Agad akong tumayo at tinahak ang pinto.

            Nanginginig ang aking mga binti na sinara ang pinto.

            Knikilabutan ako habang ginagawa ko ito. Nakakatakot ang mga tao kahit patay na!

            Agad kong pinulot ang kadena sa lupa at mabilis na pinulupot ito sa hawakan ng pituan. Kinuha ko ang kandado at inipit na lamang sa harapan. Hindi ko na maikandado uli dahil baluktot na ito.

            Agad akong nagtatakbo palayo roon.

            Ang mga karne na kinakain ko. All this time akala ko karne ng baboy! Karne pala ng tao!!

            Ininganga ko ang aking lalamunan at kinutkot ito. Sumuka ako ng sumuka ngunit walang lumalabas sa bibig ko.

            Gusto kong ilabas lahat ng mga kinain ko.

            Bakit ang tanga tanga ko! Hindi man lang ako nagtaka sa mga kakaibang nangyayari. Hindi ko man lang pinagtakhan bakit ganoon ang lasa ng karne na iyon na sobrang kakaiba. Pinagwalang bahala ko ang payo ni Carmen.

            Yung mga dugo na pinaligo ko? Huwag mong sabihin galing din iyon sa dugo ng mga tao?!

            Napapadyak ako sa lupa. Anong gagawin ko?!!! Anong sasabihin ko?! Paniniwalaan ba ako ng mga pulis??!!

            Kailangan kong makaalis dito! Hindi na ako matutulog doon! Baka mamaya ay kung ano pa ang gawin nila sa akin!

           

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status