Share

XXXVII

Maria Point of View

                Lumabas ako ng CR pagkatapos kong maligo. Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Teresa. Gusto niya ba akong mamatay sa gulat?

                “L-lola Teresa,” tawag ko sa kanya. “Narito ka nap ala. Akala ko ay bukas pa kayo uuwi.”

                “Kamusta ang anak ko?” tanong niya sa akin. “Nililinis mo bang mabuti ang kanyang bangkay?”

                “Opo, pinapangalagaan kong mabuti ang katawan ni Dan,” ani ko sa kanya.

                “Mabuti kung ganoon,” ani niya sa akin. “Bantayan mong mabuti si Gilda. Malapit ko nang matapos ang aking ritual. Malapit na nating makasama si Dan.”

                “Anong gagawin niyo kay Gilda?” tanong ko sa kanya.

                Ano naman kayang balak ng matandang ito sa kanyang apo.

                “Siya ang huli nating alay,” aniya sa akin.

                Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig.

                A-alay? Iaalay niya si Gilda? Nababaliw na ba siya? Sarili niyang kadugo ay iaalay niya sa demonyong sinasamba niya. At anak ko pa talaga ang iaalay niya.

                “Meron namang iba riyan,” ani ko sa kanya. “Bakit kailangan si Gilda pa.”

                Hinablot naman ako ni Teresa sa braso.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Napakariin ng pagkakahawak niya rito na halos bumaon na sa balat ko ang kanyang kuko.

                “Iyan ang sinasabi ko sa iyo!” madiin niyang bulong sa akin. “Kaya ayaw kitang palapitin ng masyado kay Gilda. Nakalimutan mo na ba? Anak siya ni Lilybeth. Ang mortal na kaaway mo! Huwag mo ng ipagtanggol ang batang iyon! Basta siya ang huling alay! Tapos ang usapan na ito. Alam mo naman na hindi mabubuhay si Da kung walang iaalay na kapalit niya.”

                Hindi naman ako kumibo sa kanyang sinasabi.

                Kaya niya inuwi si Gilda dito upang gamitin sa ritual niya? At anong anak ni Lilybeth? Anak namin si Gilda! Anak namin ni Dan!

                “Nagdadalawang isip ka ba ?” tanong niya sa akin at bakas sa mukha niya ang inis. “Huwag mong sabihin na napapalapit ka na sa anak ni Lilybeth!”

                “Anak namin siya ni Dan, Lola Teresa,” aniya ko sa kanya.

                Nakita ko na nanlaki ang kanyang mga anak. Mabilis na tinamaan ang aking mukha ng kanyang malakas na sampal.

                “Gumising kang tanga ka!” madiin na sigaw niya sa akin. “Wala kang anak! Hindi mo anak si Gilda! Anak siya ni Lilybeth at ni Dan!”

                “Ano bang pinagsasabi niyo?!” naghihisterikal kong sabi at hinawi ang tumapon na buhok sa harap ng aking mukha. “Anak namin ni Dan si Gilda! Hindi niyo ba natatandaan? Lumuwas pa nga kami ng maynila upang doon manirahan!”

                Sa katandaan niya ay hindi na niya matandaan. Sabi ko naman kasi dapat ay magpakain na siya sa kamatayan. Wala naman siyang silbi na. Hindi niya na kaya pang mabuhay ng walang kasama. Tama na ang paghihirap ko sa kanya! Mamatay na nga sana itong matandang ito ng sa ganoon ay mabuhay na kaming mapayapa nila Gilda at Dan!

                Nagulat ako ng isang malakas na sampal nanaman ang ibinigay niya sa akin. Tila nayanig ang aking pagkatao sa lakas ng kanyang pagkakasampal sa mukha. Saan siya kumukuha ng lakas. Parang hindi matandang byuda ang kaharap ko.

                “Ilusyunada! Baliw!” aniya sa akin. “Gumising ka sa pag – iilusyon mo! Isa kang talunan at hindi ka pinili ni Dan! Si Lilybeth ang pinili niya kasi nga baliw kang babae! At ngayon gusto mo pang angkinin si Gilda?! Gumising ka Maria dahil kung ipipilit mo ang gusto mo ay baka ikaw ang isunod ko!”

                Napahawak naman ako sa aking pisngi. Sa pagkakahawak pa lamang ay ramdam ko na ang hapdi.

                “P-pasensya na lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ako nag – isip agad. Isa akong talunan! Sang ayon ako sa kagustuhan niyo. Tama lamang na si Gilda ag maging huling alay. Magsama sila ng nanay niya sa kabilang buhay!”

                Tinignan naman niya ako at matapos ay tinalikuran na.

                Bwiset! Bwiset! Ang Gilda na iyon! Dahil sa kanya ay nasampal ako ng hukluban na babae! Humanda ka sa akin Gilda! Sisiguraduhin kong hindi ka na makakaalis ng probinsya na ito  ng buhay.

                Pahihirapan kita hanggang nabubuhay ka pa. Pagmamasdan ko ang iyong kamatayan! Isusumpa kita hanggang sa susunod mong buhay kasama ng bwiset mong ina na si lilybeth!

                Pumunta ako ng kusina at kumiha ng yelo sa may ref. Tinapalan ko ang aking pisnge. Sa oras na mabuhay si Dan ay malilintikan sa akin ang matandang iyon. Ipapatikim ko sa kanya ang lahat ng paghihirap na kanyang ginagawa sa akin!

                Malalasap niya ang galit ko! Isusunod ko siya sa kanyang apo at byenan! Mga bwiset sa buhay ko na walang magawa sa buhay.

                Kinalma ko ang aking sarili at pagharap ko sa may pinto ay nakatayo roon si Gilda.

                Agad akong ngumiti sa kanya.

                “Bakit nandito ka?” tanong ko sa kanya. “May kailangan ka ba?”

                “Nag – away po ba kayo ni Lola Teresa??” tanong niya sa akin. “Nakita kong sinampal ka niya.”

                Dahil sa iyo iyon tanga! Bwiset ka kasing babae ka. Bakit ka pa pinganak! Bwiset! Bwiset kayong mag – ina! Mga bwiset sa buhay ko!

                “Nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaintindihan,” ani ko sa kanya. “Ang mabuti pa ay umakyat ka na sa kwarto mo at matulog.”

                Ibinaba ko ang yelo sa may lababo.

                “Maliligo lamang po ako,” aniya sa akin.

                “Maliligo? Ganitong oras? Maliligo ka?” tanong ko sa kanya.

                Kung umakyat na lang sana siya edi sana hind niya mas lalong nasira ang araw ko.

                “Opo, hindi ba at magkausap pa lang tayo kanina? Ang sabi niy pa nga ay mauuna ka munang maligo sa akin,” ani niya.

                Sinabi ko iyon? Nahihibang na siya! Bakit ko naman siya kakausapin. Wala akong naaalalang nagkausap kami ngayong gabi. Kwentista! Imbento! Manang mana sa nanay niya na sinungaling.

                “SIge maligo ka na, at pagkatapos mo ay matulog ka na agad,” ani ko sa kanya.

                Tumango tango naman siya sa akin. Nginitian pa ako bago tumalikod. Walang hiya! Ang kapal ng mukha niyang ngumiti ngiti habang ako ay sira ang araw dahil sa kanya ng lola niyang hukluban. Lintik lamang ang walang ganti! Mga bwiset! Makaakyat na nga lang sa kwarto. Namimiss ko na si Dan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status