Share

XXXVI

Gilda Point of View

                Nalibot ko na ata ang buong bahay ay hindi ko pa rin makita ang bangkay ng aking ama. Saan kaya nila itinago iyon? Huwag mong sabihing nakabaon naman sa lupa kaya hindi ko makita.

                T-teka… Naalala ko…

                Sa… sa kwarto ni Maria. May masangsang na nangangamoy dati.

                Napailing iling ako. Hindi naman siguro niya gagawin iyon. Hindi naman siguro tama ang iniisip ko hindi ba? Walang dahilan para gawin niya iyon. Maghunos dili sya. Sinong matinong tao ang gagawin iyon.

                ‘Pero malay mo ay tama ka’

                Bulong ng isang boses sa aking isipan.

                No! That is ridiculous! Bakit naman isisilid niya sa loob ng kanyang kwarto ang isang bangkay? Hindi ba siya natatakot?

                Napakagat ako ng aking labi.

                Sumilip ako sa may hagdan at tinigna kung pataas na ba si Maria. Noong wala akong makitang tao ay agad kong tinungo ang kanyang kwarto.

                Hinawakan ko ang senadura at pinihit ito. Siomai sarado!

                Kinuha ko ang pin sa aking ulo at sinubukan kong iunlock ang kandado sa loob.

                Ilang ikot na ang ginawa ko ngunit hindi ko pa rin matyempuhan ang lock. Bwiset! Dalian mo baka dumating na si Maria.

                Maya maya pa ay narinig ko na ang tunog ng nagbukas na lock ng kwarto.

                Abot langit ang kaba ko at nagdadasal na sana mali ako.

                Mabilis kong binuksan ang kwarto dahil ayokong magtagal pa ako. Madilim ang kwarto at sarado ang lahat ng bintan. Parang sa kwarto lamang ni Lola Teresa.

                Kinapa ko ang switch sa gilid ng kwarto. Binuksan ko ito ngunit hindi umandar ang ilaw. Siopao! Kung kailan mo kailangan saka wala. Pinatay ko na uli yung switch na walang kwenta dail baka may magtaka na nakabukas iyon.

                Iniikot ko ang aking paningin sa kwarto. May taong nakahiga sa kanyang kama.

                S-sino iyon? Tatlo lang kami rito. Sino itong nakahiga? Nanlalamig ang mga kamay ko na kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Agad na binuksan ko ang flashlight nito at…

  At muntik na akong mapasigaw sa aking nakita!

                Narito ang tatay ko! To be exact, bangkay ng tatay ko! Oh my god! Bakit niya inilagay dito ang bangkay ni tatay? Dapat nakabaon to sa lupa!

                Paanong hindi nangangamoy ang bangkay niya? Napapikit ako. Inuuod na ang bangkay at hindi na rin maganda ang itsura.

                Nakarinig ako ng mga yabag sa hagdan.

                Sh*t!

                Isira ko ang pintuan at tinignan ang kwarto kung saan ako pwede magtago. Narinig ko ang susi ni Maria na binubuksan na ang kwarto niya. No choice!

                Agad kong isiniksik ang aking sarili sa ilalim ng higaan. Naramdaman ko ang mga matatabang uod na napisak ko at nadaganan.

                Pinatay ko ang flashlight sa aking phone at tinakpan ang aking bibig.

                Nagbukas ang kwarto at pumasok si Maria. Isinara niya rin ang kwarto at inilock ito. May mga inilagay siya sa bandang lamesa niya at pagkatapos ay lumapit siya sa higaan.

                Bahagya itong napahinto habang nakaharap ang paa sa akin.

                Please! Please! Huwag kang yuyuko!!!

                Save me! Isave niyo ko sa baliw na babaeng ito!

                “Kumusta mahal?” rinig ko na ani ni Maria.

                Sino ang kausap niya? Si tatay? Kinakausap niya ang patay? At anong mahal? Bakit niya tinatawag na mahal ang aking ama?

                Hindi pa rin ba siya nakakamove on kay tatay  Dan? Kaya ba ikinulong niya dito dahil sa sobrang obsess niya?

                BALIW KA MARIA! BALIW KA!!!!

                “Alam mo namiss ka ng anak mong si Gilda. Dinalaw niya kaniana yung ginawa kong puntod sa iyo. Sobrang namimiss ka nanamin ng anak natin, mahal. Gumising ka na dyan para makalabas ka.”

                Anong pinagsasabi niya? So sadyang ginawa niya ang puntod na iyon para paniwalain ako? Alam ba ito ni Lola Teresa? Alam ba ni Lola ang ginagawa ng Maria na ito sa anak niya?! Jusko po! Isang baliw!

                Anong lalabas? Paanong makakalabas ang isang patay?!

                At ano raw? Anak nila ni Tatay? Sino ako? So feeling niya talaga sa kanya ako lumabas? Feeling niya anak niya talaga ako?!

                Oh my siopai! I can’t believe this! Akala mo isang mabuting tao pero napakabaliw pala niya. Dapat naniwala ako kay Carmen. Hindi nga mapagkakatiwalaan si Maria.

                Ang tanga tanga ko para maniwala sa mga matatamis niyang salita at mga mabuting gawa.  Nakakatakot ang isang babaeng katulad niya. Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin.

                “Mahal sandali lang ha, maliligo lamang ako,” ani ni Maria.

                Yes please! Lumabas  ka na at baka hindi ko na kayanin! Gusto ko na ring lumabas ng nakakatakot na kwarto niya.

                Nanlaki ang mga mata ko noong may bumagsak na bagay sa sahig. Swerte ko talaga. Gumulong pa talaga papalapit sa akin ang sabon.

                Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?!!!

                Agad kong kinuha ang sabon at inilapit sa may bukana ng kama. Nagsisiksik ako sa may sulok upang hindi ako makita ni Maria. Madilim naman diba? Hindi niya naman ako makikita?

                Hindi! Hindi yan!

                Lumuhod si Maria kasabay ng pagtambol ng aking dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

                Napahinga ako ng malalim noong hindi siya tuluyang yumuko upang silipin ang sabon. Kinapa niya lamang ito ng knayang kamay. Agad niya ring nakuha ang sabon dahil inilapit ko ito sa bukana.

                Lumabas na rin si Maria at agad akong lumabas sa aking pinagtataguan.

                Napatingin ako kay tatay. Gusto ko siyang ialis dito pero hindi ko naman agad magagawa iyon. Paano ko siya mabubuhat diba?

                Iisip muna ako ng paraan pero ngayon ay kailangan ko munang umalis sa kwarto na ito.

                Pinakiramdaman ko ang labas ng kwarto. Wala akong naririnig na ingay. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip.

                Noong makasigurado akong wala si Maria ay agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ko.

                “AAHHH!” sigaw ko ng maabutan ko siya sa aking kwarto.

                “Gilda,” tawag niya sa akin. “Akala ko umakyat ka na? Saan ka nagpunta? Susuklayan sana kita pero wala ka rito sa kwarto mo. Saka ano ka ba. Sa ganda kong ito mapapasigaw ka? Mukha ba akong multo?”

                Pasimple kong pinunasan ang aking kamay na napisakan ng uod.

                “P-po? Nagpahangin lang po sa labas,” sabi ko. “Pwede po bang maligo bago niyo ako suklayan?”

                “Oo naman,” aniya saka lumabas ng kwarto. “Pero mauna na muna ako maligo ha.”

                Tumango tango naman ako at pinagmasdan siyang umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status