Share

XXXV

Gilda Point of View

                “Anong ginagawa mo rito, Gilda? Namimiss mo ba ang iyong tatay?” tanong ni Maria sa akin.

                Saan niya kaya dinala si tatay Dan? Ang sabi niya sa akin ay dito niya inilibing ang bangkay ng aking ama ngunit wala ito sa kabaong na nasa ilalim ng lupa.

                Ang sabi sa akin ng boses na nakakausap ko ay nasa loob ng aming bahay. Literal ba? Pero bakit nasa loob ng bahay? Bakit nasa loob ng bahay ang isang patay?!

                “Kanina pa kita hinahanap. Naisip ko na dito ka pumunta,” ani ni Maria.

                Tumingin naman ako sa kanya. Alam niya? Alam niya kaya? O hindi? Sasabihin ko ba sa kanya? Kung alam niya ay siguradong malilintikan ako kapag may alam siya sa bagay na ito.

                Pero sa anong dahilan at bakit niya inilagay sa bahay ang aking ama? NGg hindi man lang sinasabi sa akin. At nagsinungaling pa siya. Kataka taka ito. Lubhang nakakahinala si Maria.

                Pinagmasdan ko siya at ang nakikita ko ay isang babaeng nakangiti sa akin ng matamis. Isang maamo ang mukha na animo ay isang anghel.

                Ngunit sabi nga nila ang mga maamong mukha ay nagtatago ng demonyo sa kanilang kalooban. Maaring nililinlang lang ako ni Maria ng kanyag mga ngiti.

                Ano ang alam niya?

                “Gilda? Bakit hindi ka nagsasalita? May mali ba? Binabagabag ka ba ng kaibigan na tinutukoy mo?” tanong niya sa akin.

                “Kaibigan?” tanong ko sa kanya.

                “Oo, yung kaibigan na tinutukoy mo dati. Yung sinasabi mong nasa loob mo,”

                “Naniniwala kayo sa akin? Naniniwala kayong may kaibigan sa loob ko?”

                Ngumiti siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

                “Naniniwala ako sa iyo Gilda,” aniya sa akin. “Alam ko na hindi ka magsisinungaling sa akin. Halika sa bahay at pag usapan natin ang mga bagay bagay upang malinawan ka.”

                ‘Huwag kang magpapaloko sa kanya, Gilda. Isa siyang masamang tao at gusto ka niya saktan.’

                Narinig ko ang boses. May sinasabi siya sa akin.

                Nais akong saktan ni Maria? Pero hindi ba at naging mabuti siya sa akin? Ni kahit minsan ay hindi niya ako pinagalitan o pinagbuhatan ng kamay. Paano naman nito nasabi na masama siyang tao at nais niya akong saktan.

                Tila imposible. Pero… pero ito rin ang banta sa akin ni Carmen. Sinabi niya sa akin na huwag akong masyadong magtiwala kay Maria o kay lola Teresa.

                Ibig bang sabihin na hindi pa pinapakita ni Maria sa akin ang tunay niyang kulay? Niloloko niya lamang ako?

                Ha! Hindi nagsisinungaling ang boses na naririnig ko at napatunayan ko na ito ngayon. Kung ganoon ay pinapakita lamang niya na mabuti siya ngunit isa talaga siyang demonyo!

                ‘Huwag kang magpapahalatang may alam ka.’

                “Hindi naman nap o ako binabagabak ng boses,” ani ko. “Baka dahil lamang sa pagkabored ko at pag iisa sa aking silid ay naglihkha ng ilusyon ang aking isipan. Pasensya na, nay kung pinag alala kita. Pasensya na rin at hindi ako nag paalam sa iyo. Nais ko lamang dalawin ang aking ama ngayon. Miss ko na kasi siya.”

                Hinagod niya naman ang aking ulo.

                “Okay lang. Ano ka ba. Naiintindihan ko. Nanay mo ako eh. Sige at halika. Sasamahan na kitang dalawin ang tatay Dan mo. Magbibigay ako ng konting oras sa pagdalaw sa kanya.”

                Agad na hinawakan ko ang kanyang kamay noong akmang pupunta siya sa may puntod na kanyang gawa gawa. Kay kapal ng kanyang mukha na sabihin ito ganon na alam niya naman na wala ang aking ama sa kanyang puntod.

                Iniwan niya sa bahay. Hindi ko alam kung alam niya ba ito o nagpapanggap lamang siya pero aalamin ko kung ano ang totoo.

                “Huwag na,” pigil ko sa kanya. “Tapos na rin naman ang aking pagdalaw. Umuwi na tayo, nay. Ayoko ng maalala pa ang masakit na aking nakaraan.”

                Tumango tango naman siya sa akin at sumang ayon.

                Bumalik na kami sa bahay ni Lola Teresa. Saktong sakto at nakahain na ang pagkain sa lamesa. Mukhang hinanda niya na agad para sa pagbalik namin ay kakain  na lamang.

                ‘Masarap ba Gilda? Alam mo ba ang sekreto ng karne na iyan?’

                Napatigil ako sa pagsubo ng aking kutsara. Hindi ako pwedeng magsalita mag – isa na parang kausapp ko ang aking sarili dahil kaharap ko ngayon si Maria.

                ‘Sasabihin ko kung ano kapag nahanap mo na nag bangkay ng tatay mo.’

                “Nanay Maria?” tawag ko sa kanya. “Wala na bang ibang secret passage sa bahay na ito bukod sa pinasukan natin papasok sa CR?”

                “Bakit mo naitanong?” kunot ang kanyang noo na nakatingin sa akin.

                “Wala lang. Nakakexcite kasi. Parang gusto kong libutin ang buong bahay saka ipakita sa mga friends ko. Sure na mamamngha sila.”

                “Meron naman. Sa susunod ko na lamang ituturo sa iyo kapag handa ka na.”

                So meron nga? Ano naman kaya ang itinatago nila roon.

                “Oo nga pala, Gilda,” ani ni Maria sa akin. “Napansin ko na nawawala na ang epekto ng dugo sa iyong mukha. Nais mo bang maligo muli?”

                Napatigil ako at biglang naexcite sa sasabihin niya. Noong minsan ay hind ako nakaligo dahil wala ng dugo sa bath tub at hindi ko alam kung saan napunta. Hindi ko rin naman alam kung saan siya kumukuha.

                “Talaga po? Opo gusto ko! Gustong gusto. Noong minsan ko pa nga po gustong sabihin sa inyo iyan kaso nakalimutan ko lamang.”

                NGumiti naman siya sa akin.

                “Sige, sasabihan kita kapag napuno na uli ang tub,” ani ni Maria sa akin. “Itinapon ko na kasi ang luma at nag iipon muli ako ngayon. Sabi mo kasi nandidiri ka sa mga uod diba? Don’t worry hahandaan kita ng fresh.”

                Wow? True ba? O ginogoyo niya lamang ako? Kailan nya kaya ipapakita ang tunay niyang kulay na sinasabi ni Carmen at ng boses na naririnig ko.

                Hindi ako magpapabulag sa kanyang kabutihan. Pwera na lamang kung aabot ng taon na mabuti ang pinapakita niya sa akin at walang humpay.

                Pero sa ngayon ay hindi ako maniniwala sa kanya kahit anong kabutihan pa ang ipakita niya sa akin.

                ‘Tama ka Gilda. Tama ang iyong desisyon.’

                Ngumiti ako kay Maria at matapos ay ipinagpatuloy ang aking pagkain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status