Share

Totoo

Third Person Point of View

        Kanina pa nakatingin si Gilda sa may salamin. Hind niya malaman kung paano niya tatanggalin ang boses na bumubulong sa kanyang isipan.

        Gusto niyang ibigti ang kanyang leeg o laslasin ang kanyang kamay. Sigurado siya na sa kanyang kamatayan ay hindi na siya masusundan nito.

        Ilang oras na siyang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang sarili.

        Nakatulala lang siya roon habang binubulungan siya ng mahiwagang kakaibang boses.

        ‘Nais mo bang malaman ang katotohanan? Pwede mong tanungin sa salamin. Sasabihin niya sa iyo ang nais mong malaman. Tuturuan kita.’

        “Sino ka ba? Bakit mo ako ginagambala?” tanong ni Gilda sa boses na ito.

        Hindi niya alam kung totoo nga ba na may boses sa kanyang isipan o sadyang nababaliw na siya. Hindi niya alam kung ano ang totoo sa hindi.

        Basta ang alam lang niya ay may boses sa kanyang isip na hindi siya tinitigilan.

        ‘Ako ay iyong kaibigan. Tinawag mo ako sa aking pagkakahimlay.’

        “Tinawag? Kailan kita tinawag? Wala akong matandaan na may tinatawag akong tulad mo!”

        ‘Hinawakan mo ang itim na libro. Ibig sabihin lang niyon ay pinahihintulutan mo akong pumasok sa iyong katawan. Malakas ang iyong dugo kaya naman nais kong maging kaibigan mo. Malaki ang magagawa mo sa hinaharap. Magiging magaling kang pinuno. Malakas ka kung mag – aaral ka lamang ng mga bagay sa itim na libro.’

        Napatigil naman si Gilda. Naalala niya na hinawakan niya nga ang libro ng kanyang Lola Teresa at binuklat ito.

        Para sa kanya ay isang hindi kapani paniwala ang bagay na nangyayari sa kanya ngayon. Tila pang baliw lamang. Hindi niya malaman kung ano ang tawag dito. Kung nag iilusyon ba sya o kung ano.

        Kung sasabihin niya ito sa iba ay siguradong walang maniniwala sa kanya. Sino naman kasi ang maniniwala sa kanyang mga sasabihin na may bumubulong sa kanya?

        Siguradong pagtatawanan siya ng mga ito at tatawagin na isang baliw.

        Kung mayroon mang maniniwala sa kanya ay ang kanyang lola na si Teresa dahil sa kanya ang itim na libro na kanyang hinawakan.

        ‘Huwag kang maniniwala kay Teresa. May binabalak siya sayong masama. Hindi niya ka niya mahal. Hindi ka niya itinuturing na apo pagka’t anak ka ng kanyang kinaiinisan na babae. Ang iyong ina na si Lilybeth.”

        “Sinisiraan mo ba ang aking Lola sa akin?! Kung mayroon man akong dapat hindi paniwalaan ay ikaw iyon! Pagka’t hindi kita kilala at hindi ka totoo!” mariin na sabi ni Gilda.

        “Magtiwala ka sa akin, Gilda. Kapag sa akin ka naniwala ay maililigtas mo ang iyong sarili. Sasaluhin kita sa ano mang bagay. Sundin mo lamang ang lahat ng mga ipag uutos ko sa iyo at wala kang magiging problema.’

        “MANAHIMIK KA! Hindi ako naniniwala sa iyo! Hinding hindi ako maniniwala sa isang tulad mo. Isa ka lamang ilusyon! Nag – iilusyon lamang ako. Walang boses! Wala akong boses na naririnig!”

        Tumango tango si Gilda.

        “Tama. Gilda, gumising ka. Kakatitig mo sa salamin ay nag – iilusyon ka na lamang! Get back to yourself! Kumain ka baka gutom ka lamang.” Kausap ni Gilda sa kanyang sarili.

        ‘Nais mo bang patunayan ang sarili ko? Bakit hindi mo puntahan ang punto ng iyong ama na itinuro sa iyo ni Maria. Sasabihin ko na sa iyo at uunahan na kita. Wala kang makikitang bangkay doon.”

        Napatigil si Gilda at muling napatingin sa may salamin.

        “Ano ang ibig mong sabihin na wala?! Paanong wala? Anong nangyari sa bangkay ng aking ama?”

        ‘Bakit hindi ka muna magtungo roon at tignan mo? Siguro naman ay maniniwala ka na sa akin kapag napatunayan ko ang aking sinasabi sa iyo ngayon.’

        Tumayo si Gilda. Napagdesisyunan niyang gawin ang bagay na iyon upang patunayan din sa kanyang sarili kung nag iilusyon ba siya o hindi.

        Alam niyang kapag totoo ang sinasabi ng boses na iyon ay siguradong hindi siya nag iilusyon dahil imposibleng maisip lamang iyon ng kanyang isipan.

GILDA POINT OF VIEW     

        Agad akong nagtatakbo sa may bukid. Tinahak ko ang daan kung saan itinuro sa akin ni Maria na inilibing niya si Tatay.

        Dala dala ang aking pala na kinuha sa bahay ay sinimulan kong hukayin ang lupa kung saan may krus na nakalagay.

        Mabigat ang pala kasama ang lupa kaya naman nakakailan pala pa lamang ako ay hinihingal na ako.

        Ngunit hindi ako titigil. Huhukayin ko ito!

        Matapos ang isang oras ay napatigil ako at napatingin sa kabaong  na tinamaan ng dala kong pala.

        Napapikit ako at napaupo na lamang. Naiiyak ako.

        So baliw ako at nagiilusyon ang isip ko ng boses? Ano ito? Panong nangyari iyon? Anong sakit ito? Bakit kusa na lamang may bumubulong sa akin?

        Hindi kaya dahil ito sa paglubog sa akin ni Maria sa may dugo?

        Napailing iling ako at napakagat ng aking labi. Hindi kaya may lahing baliw ang pamilya ko kaya napagbibintangan din sila?

        Kailangan ko nang pumunta sa may doktor. Baka matulungan nila ako sa sakit kong ito.

        ‘Bakit ka tumigil, Gilda? Tanggalin mo pa ang mga lupa at buksan mo ang kabaong.’

        Sira na ata ang ulo ko at ginawa ko ang sinasabi ng boses. Inalis ko ng aking kamay ang mga lupa at noong maalis ko na ay binuksan ko ang kabaong.

        Nanlaki ang aking mga mata.

        Tama at eto nga ang kabaong na ginamit ng aking tatay ngunit…

        Ngunit wala siya rito!

        Wala si tatay dito! Nasaan siya?

        “Nasaan ang bangkay ni tatay? Bakit wala siya rito.”

        Tumawa ang boses sa aking isipan.

        ‘Ngayon alam mo na. Hindi ka baliw at totoo ako.’

        “Sabihin mo sa akin kung nasaan ang bangkay ni tatay!”

        ‘Hanapin mo sa bahay niyo, Gilda. Hindi ko sasabihin kung saan eksakto. Kapag nahanap mo ay may sikreto pa akong sasabihin sa iyo.’

        “Sagutin mo na lamang ang tanong ko!”

        Ilang minuto akong naghintay ngunit wala akong narinig na boses muli.

        “GILDA?!!”

        Napatingin ako sa aking likuran at doon ay nakita ko si Maria na naglalakad patungo sa aking kinalalagyan.

        Agad kong itinapon ang pala sa baba at tinabunan agad ito ng mga lupa.

        Matapos ay agad akong tumakbo sa kanya upang hindi na niya marating ang lupa.

        Malalaman niya na hinukay ko ito.

       

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status