"Let's go Dude. I'm so tired I want to rest."Kanina pa nangungulit si Villegas na bumalik na kami sa hotel room kasi pagod na daw siya. If I know, he's just bored socializing with people. Kung di nga lang siguro ito pinagalitan ng tito niya baka isang araw lang umuwi na ito sa Pilipinas.Kung may choice lang din ako kanina ko pa iniwan ang lokong to pero kahit anong gawin ko hindi ko masasalisihan ang gago. Kanina pa ito parang batang nakasunod sa akin. Reklamo ng reklamo pero ayaw namang pumunta sa room niya."Sana talaga sinama natin si Guerrero eh." dinig kong reklamo niya. "para naman akong tanga dito na hangin lang ang kausap ko. Ano ba kasi ang nangyari sayo? Ang ayos-ayos mo pa last week ah, tapos ngayon bigla ka nalang hindi kumikibo."I remained quiet. Wala akong sinabihan sa videos na natanggap ko. Until now hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya yon sa akin. "I'll go ahead brute. Magkikita kami ng kaibigan ko." excuse ko lang yun sa kanya pero ang totoo gusto ko l
Nagising ako sa lakas ng sigawan mula sa labas ng pintuan. Boses ni Sir Mon at parang boses ni... Ethan ang narinig kong nagtatalo. Pero imposible namang makarating si Ethan dito dahil hindi niya naman kilala si Sir MON. Wala din naman siyang sinabi sa akin na uuwi siya dahil ilang araw na siyang hindi nagpaparamdamn sa akin. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Hindi pamilyar ang silid sa akin pero feeling ako nasa pamamahay ako ni Sir Mon. Ang huling naalala ko kanina ay nagsuka ako at biglang nagdilim ang aking paningin habang kumakain kami ni Sir Mon. It must be because of...my pregnancy. Dagdagan pa ng ilang gabing hindi maayos ang tulog ko dahil iniisip ko kung bakit biglang nagbago ang ugali ni Ethan."It's not what you're thinking, son. Listen to me first.""No Dad! You listen to me. That woman inside will do no good to you. You don't know her that much." nanggagalaiting sigaw niya sa ama."Stop! You don't know her. Kung hindi dahil sa kanya baka wala ka ng ama ngayon.
"Z..." nagulat ako at muntik ko pang mabitawan ang photo album na hawak ko sa biglang pagtabi ni Ethan sa akin sa sala. Hindi ko inaasahan na lalapit siya akin ngayon dahil akala ko nagpapahinga siya dahil may sakit. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Tumayo ako para bumalik sa silid ko nang bigla siyang lumuhod s aking harapan.Kunot noo akong tumingin sa kanya. He looks sick and exhausted. Nanlalalim at maitim ang paligid ng mga mata niya at halatang may sakit. He looks weak right now. Simpleng puting t-shirt at gray na sweat pants ang suot niya. Totally different from his usual look before. Parang hindi siya ang Ethan na kilala ko noon.The Ethan kneeling in front of me right now look so weak and devastated. Sobrang layo sa Ethan na kilala ko. The ruthless and monster Ethan Dominguez who treated me like trash."B-baby..." he whispered and I saw his eyes watered. Sinubukan niya pang abutin ang mga kamay ko pero agad ko itong iniwas sa kanya."What do you need?" masungit kong tano
"Tao po! Tao po! " dinig kong tawag ng tao mula sa labas. "Nong Andot, Nang Alicia may padalang durian para sa inyo."Mula sa kusina ay nakita kong nagmamadaling lumabas si mamang. Si papang naman na busy sa kung anong pinagkaka-abalahan nila ni Ethan at Dalton sa likod bahay ay nakita ko ring nagmamadaling pumunta sa gate.Sumilip ako sa bintana nakita. Si Banoy at isa pang kasamahan niya ang nasa labas may dalang isang malaking basket 'bukag' na puno ng durian."O Banoy, kanino galing yan? Bakit ang dami?" tanong ni papang habang binubuksan ang gate. "Padala ni Sir Gaston para daw sa anak niyang si Dalton at sa palangga niyang si Inday Z." ngumiti pa ito at sumaludo sa akin. "Day Z, naay durian para nimo ug kay Dalton." "Ali Bai tabangi kog alsa ani." tawag niya sa kasama at nagpatulong sa pagbuhat sa mga prutas papasok sa gate. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Ethan habang nakatingin kina Banoy at sa kasama nito. Pero ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, biglang na
Ang sarap sa pakiramdam na gumising sa umaga na dinig mo ang mga huni ng ibon at ingay ng mga manok sa paligid. Dahil ang bukas ang bintana dama ko ang lamig na mula sa hanging pang-umaga at ang peskong amoy ng mga halaman. This is the life, ito ang buhay na matagal ko nang nami-miss. Simpleng buhay namin dito sa probinsiya.Humikab ako at iniunat ang kamay para sana yakapin ang anak ko pero nagulat ako na wala na pala ito sa aking tabi. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan, maaga pa naman. Alas sais pa lang ng umaga. My son usually wakes up late kaya nakakapanibagong wala na ito sa tabi ko gayong ang aga-aga pa. Nagmamadali akong bumangon at lumabas. Tinali ko lang ang mahaba at maitim kung buhok. Kinuha ko ang roba at sinuot bago ako lumabas ng silid.Naabutan ko si mamang na nagluluto na ng agahan."Good morning mang." bati ko sa kanya. "Nakita mo ba si Dalton?""O nak gising ka na pala, good morning." ganting bati ni mamang sa akin. "Sumama si Dalton kay papang mo at kay E
"Baby, Wait!" tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Baby your face! Ang landi-landi. Kaya pala hindi nagsuot ng damit dahil gustong ipakita dun sa mga babae ang katawan. "Pogi ang bibingka, sayo na lang libre ko na." dinig kong sigaw ni Maria."No thanks, my baby don't want to eat that, mas gusto niya daw ang suman."Naiinis ako sa sarili ng pumasok sa kusina. Why am I acting like that? Nakakainis!Kumuha ng tubig sa ref at uminom.Pinakalma ko ang aking sarili dahil bigla atang uminit ang ulo ko dun sa labas. "What happened, Mom?" seryosong tanong ng anak ko. Hindi ko namalayan na nakatingin pala ito sa akin. "Ahm, Nothing son." I smiled cutely at him. " Please call your lolo ang lola, let's eat na."Sumunod naman si Dalton, tinawag niya si Mamang sa labas pati si papang saka pumunta siya sa kubo kung saan 'nakatira' si Ethan at sinabihan din itong kakain na. Gaya kahapon ganun pa din ang pwesto namin, si Ethan at Dalton ang magkatabi at magkaharap naman kami. Todo asika
Buong araw akong nakipagchikahan kay Veronica dahil ayaw niya akong pauwiin, pambawi ko daw sa mga buwan na hindi ako nagpakita sa kanya. Pero habang nakikipagchikahan ako sa kanya kanina nakikita ko mula sa pwesto namin ang pagsilip silip ni Major, ni Gaden at parang may isa pa, lalo na nung umupo at nakipagtawanan din si Kuya Gustavo sa amin.Si Kuya Gustavo naman hindi rin nagtagal dun kanina kasi may inaasikaso daw siya ngayon sa hacienda nila. Pero bago pa siya nakalayo kanina nakita kong isinakay niya sa kabayo ang apo nung tagapamahala ng bakahan nila... si Chiara. Si Gaston naman nagsabi sa akin kagabi na pupunta siyang Manila dahil may emergency sa company nila. Kung maayos daw agad ay uuwi din daw siya dito para makapagbonding sila ni Dalton. Sabi ko naman kanya na ayos lang at asikasuhin niya muna ang negosyo nila. Dalton is doing well with Ethan naman kaya ayos lang talaga.Papadilim na ng umuwi kami ni Mamang. Pagdating namin sa bahay malayo pa lang dinig ko na ang taw
Last night, I slept early. Napagod ako sa sa buong araw naming chikahan ni Veronica kaya hindi ko na nahintay si Dalton na sabay na matulog sa akin. Busy ito at si Ethan kagabi kakapukpok sa lata para gawin daw nilang laruang telepono. At ngayong umaga naman wala na ito sa aking tabi pagkagising ko. I'm wondering kung anong oras sila natulog kasi pakiramdam ko kagabi parang ang sikip ng bed namin ni Dalton. Gusto ko sanang magtanong kay mamang kung...baka dun nakitulog si Ethan sa silid namin ng anak pero nahihiya naman ako. Baka kung ano pa ang isipin ni mamang.O baka naman assuming lang ako? Pero hindi talaga e, feel ko talaga na may mabigat na kamay na nakayakap sa akin kagabi. Tsaka si Dalton kapag nakatulog na hindi na yun yumayakap sa akin."Mang, anong oras natulog si Dalton at Ethan kagabi?" tanong ko kay mamang. Nagsasangag ito ngayon ng kanin para umagahan."Hindi ko din alam nak kasi maaga din akong natulog kagabi. Naiwan silang tatlo ni papang mo kagabi kasi yung anak mo