Share

The Mafia Boss Wrath 4

“Sir, tapos na po ako sa pinapagawa niyong checking sa mga files. May ipagagawa pa po ba kayo?” tanong ni Avyanna matapos niyang ilapag ang mga files sa table ni Vernon. Second day niya pa lang bilang secretary nito ay halos hindi na mabilang ang mga inutos nito sa kaniya.

Umangat ang tingin ng binata sa kaniya. “Are you sure?” paniniguro nito sa kaniya.

Tumango siya. “Yes, sir. Tapos ko na lahat iyan,” kumpyansang saad ni Avyanna dito.

“Good. ” muling binalingan ng tingin ni Vernon ang laptop na nasa harapan niya. “Give me a coffee,” utos nito sa kaniya ng hindi tumitingin sa kaniya.

Tumango siya kaagad. “Noted, sir. Wait a little minute,” Aniya. Hindi ito sumagot kaya nagtungo na siya sa office coffee machine at kumuha ng isang tasang mainit na kape. Kaagad rin naman siyang nakabalik sa office at marahan niyang inalapag sa table ng binata.

“Here is it. Enjoy your coffee sir,” nakangiting sabi niya dito.

Vernon just nodded. Tinignan nito ang isang tasang kape at inabot. “You can back to your table, ” usal nito sa kaniya. Tumango si Avyanna, bago niya tinakiuran ang binata. Naupo si Avyanna sa swivel chair niya at inayos ang mga gamit sa table niya. Muli niyang sinulyapan ang binatang CEO.

Napailing siya bago muling tinignan ang inaayos niyang mga gamit. Hindi pa man siya nakakatagal sa pagkakaupo ng muli siyang tawagin ng binatang CEO.

Tumayo siya at naglakad patungo sa direksyon nito. Dahil nasa iisang office lang naman sila ay kaagad niyang nalapitan ito.

“Hindi niyo po na nagustuhan ang coffee sir?” takang tanong niya rito. Paano ba naman kasi ay hindi maipinta ang mukha ng binata sa hindi malamang dahilan.

“Sir?” pag-uulit ni Avyanna.

“Magtimpla ka ulit ng bago. Huwag kang kumuha sa coffee mixer dahil hindi naman masarap,” utos nito sa kaniya. Nagtataka naman siyang tumango. Dinampot niya ang tasa na may lamang kape at muling sinunod ang utos ng binata. This time siya na ang nagtimpla at kaniyang siniguro na sapat na ang tamis at tapang ng pure na branded na kape na kaniyang tinimpla.

Muling inilapag ni Avyanna ang isang tasang kape at muling bumalik sa kaniyang table. Hinihintay niyang tawagin siya nito ay nagdaan ang kalahating oras ay wala siyang narinig na reklamo sa binatang CEO. Kaya nagtrabaho na siyang muli. Natigil lamang iyon ng tumunog ang telepono ng office ni Vernon. Kaya tumayo siya at sinagot ang tawag.

“Hello, this is secretary Avyanna. How my help you?” mahinahong tanong niya sa kabilang linya.

“Oh, okay. Thank you,” saad niya matapos niyang kausapin ang nasa kabilang department. Tinawag niya si Vernon upang sabihin ang tungkol sa meeting. “Sir, tumawag ang kabilang department. May meeting ka po mamayang 1:00 pm kay Mr. Hon. Urgent meeting po raw,” saad ni Avyanna.

Sumimsim ang binata ng kape bago siya sinulyapan. “Cancel it,” Anito.

May pag-aalangan sa mukha ni Avyanna. Hindi niya kasi alam kung ano ng dahilan kung bakit ipapa- cancel ang meeting kung wala namang ibang meeting ito mamayang hapon.

“Sir? Inaasahan po na dadating ka sa meeting,” giit niya rito.

“Follow me, Miss Scott. Cancel the meeting now or I will fired you,” banta nito sa kaniya. Kaagad naman niyang kinuha ang telepono sa gilid ng table ng binata at kaagad niyang tinawagan ang kabilang department. Nang masabi na niyang pinapa- cancel ang meeting ng binatang CEO ay kaagad niya rin ibinaba ang tawag.

“Okay na sir,” aniya. “May lunch po pala kayo ni Miss Lopez mamayang 11:30 sa restaurant. Kayo na lang raw po ang bahala kung saan kayo magkikita,” dugtong pa niya.

“Okay, ” saad ni Vernon sa kaniya.

Tumango siya. Kinuha niya ang cellphone niya ng mag- vibrate ito senyales na may tumatawag. Boyfriend niya ang tumatawag. Kaya kaagad niya itong sinagot kahit na siguradong mapapagalitan siya ng binatang CEO.

Napangiti si Avyanna ng marinig na nakikipagbati na sa kaniya ang nobyo.“ Thank you, babe. Yes, nandito ako sa trabaho. Mamaya na lang tayo mag-usap ulit.”

Nagitla siya ng biglang kumalampag ang table na nasa tabi niya. “S-sir, may problema po ba?” taka niyang tanong.

Tinignan siya ng masama ni Vernon. “Kung nakikipaglandian ka sa office ko, you can resigned now, Miss Scott. ”

Aminadong nasaktan si Avyanna sa sinabi nito sa kaniya. Pero isina-walang bahala lamang iyon dahil unang-una sa lahat ay hindi man lang siya nag-excuse sa boss niya. Kaya ibinaba na niya ang tawag. “Sorry, Sir.”

NAPABUSANGOT si Avyanna habang nakasunod sa boss niya papasok ng elevator. Paano ba naman kasi isasama siya sa restaurant kung saan magkikita si Miss Lopez at ang boss niya. Magiging third will siya sa lagay na ‘yan.

“Sir, hindi ba ako makaka-abala sa inyong dalawa ni Miss Lopez?” nag-aalangang tanong niya sa binata.

What do you think Miss Scott?” balik na tanong sa kaniya nito. Napabusangot siya dahil sa pagiging seryoso ng binata.

Kung hindi niya lamang boss ito ay masesermunan na niya ito dahil sa pagiging seryoso. Ang sabi nga nila, kapag laging seryoso o nakabusangot ay maagang mamumuti ang buhok.

“Siyempre, sir. Makaka abala ako sa inyo, kasi para sa inyong dalawa lamang iyon. Tapos isasama niyo ako. Ano na lamang iisipin ni Miss Lopez, sir?” saad niya.

“ Gusto mo ba tanggalin na kita?” tanong nito sa kaniya. Kaagad siyang umiling. Ayaw niyang matanggal dahil gusto rin naman niya ang trabahong ito. Kahit mukhang nangangain ng tao ang boss niyang si Vernon Huxley.

“ You are my secretary. Kung saan ako magpunta dapat nandoon ka rin,” dugtong pa nito. Napaismid siya ng palihim. Sa tuwing rumirihistro sa kaniya ang sinabi ng binata ay hindi niya maiwasang matawa.

“Kahit kaya sa pag- cr niya ay kasama ako?” tanong ni Avyanna sa sarili.

Tumunog ang elevator at bumukas. Malalaking hakbang na naglakad si Vernon papalabas ng elevator. Lakad takbo naman ang ginawa ni Avyanna para lang makasabay sa paglalakad ng binata.

Nang maabutan niya ito ay marahan siyang napabuntong hininga. Nakalimutan na ata ni Vernon na may kasama siyang secretary. Kung maglakad lang ito papalabas ng building ay parang walang tao sa paligid. Seryoso lamang ito maglakad at hindi man lang nililingon ang mga empleyado niyang bumabati sa kaniya.

“Sir Vernon!” pagtawag niya sa binata.

“What?” Iritang tanong sa kaniya nito.

“Ang sungit talaga,” bulong ni Avyanna.

“Red days mo ba ngayon sir?” tanong niya rito. Ang sungit kasi nito sa kaniya kahit kaunting kamalian lang.

“What? Red day's?” nagtatakang tanong sa kaniya nito. Tumigil sila sa paglalakad dahil sa tanong niya sa binata. Mahinang tumawa si Avyanna bago tumango.

“Yes, sir. Ang sungit mo kasi, kahit bihira ka lang kung magsalita,” pagtatapat ni Avyanna.

Sinamaan siya ng tingin ni Vernon bago muling naglakad. Kaya sumunod siya dito. Sa parking lot sila pumunta at huminto lamang sila ng nasa magarang sasakyan huminto ang binata.

“Sir, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko,” pangungulit ni Avyanna.

“Shut up Miss Scott. Ang ingay mo,” sambit nito sa kaniya. Tumahimik naman si Avyanna nang tinaliman siya ng tingin nito.

Pumasok ang binata sa driver seat kaya nagtungo si Avyanna sa backseat at naupo. Nang maikabit na niya ang seatbelt sa kaniya. Nagtataka niyang tinignan ang binata. Hindi pa kasi nito binubuksa n ang makina ng sasakyan.

“Seat beside me,” Anito. I'm not your driver, tsk,” dugtong pa nito sa nakakainsultong boses.

Bumuntong hininga si Avyanna habang mahinang natawa. Ano naman ang pinagkaiba no'n kung maupo siya sa backseat? Driver naman ang tawag sa kaniya dahil siya ang nakaupo ngayon sa driver seat. Muling bumaba ng sasakyan si Avyanna at binuksan ang front seat at naupo. Kaagad niyang kinabit ang seatbelt nang paandarin ni Vernon ang sasakyan nito.

“Sir, Huxley?” pagtawag niya sa pangalan ng binata.

“What?” usal nito sa kaniya.

“Saang restaurant po ba kayo makikipag meet kay Miss Lopez?” tanong niya. Kanina pa niya sana gustong itanong ito sa binata ngunit ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon upang tanungin ito.

“Club,” maikli nitong sagot sa kaniya.

Napamaang siya. Nanlalaki ang mata niya dahil sa pagkabigla. Sino ba naman ang pupunta sa bar ng tanghali at tirik na tirik ang haring araw? Hindi malaman ni Avyanna kung nagbibiro ba itong boss niya or hindi. Seryoso lamang kasi ito habang nagmamaneho.

Nagpakawala si Avyanna ng malalim na buntong hininga bago nagsalita. “S-seryoso?” tanong niya rito. “ Pupunta talaga kayo sa club? ” paniniguro niya. Lunch ang tinutukoy niya kanina napunta sa ganoong usapan.

Kung hindi niya lamang ito boss ay pagtatawanan niya ito dahil sa sinabi.

“Ano ba sa tingin mo?” balik na tanong sa kaniya ni Vernon.

“Eh, nagtatanong kasi ako ng maayos, sir. Bakit ayaw mo na lang po ako sagutin ng maayos?” nakangusong tanong niya. Ngayon lamang siya naka- encounter ng katulad ng boss niya. Tinatanong ng maayos sasagutin ka nang kung ano- ano.

Itinigil ni Vernon ang sasakyan sa gilid ng kalsada. “ Sa tingin mo ba, ganoon akong tao? I'm just kidding, okay?” Pagkasabi ni Vernon ay umismid pa siya. “Can you please shut up, because it's so very irritating,” dugtong pa nito.

“Ang layo po kasi ng sagot niyo, Sir. ”

Palihim na napairap si Avyanna. Ngayon lang talaga siya naka- encounter ng ganitong klaseng tao. Napaka sungit, napaka seryoso at higit sa lahat may sayad.

“Ang ayos- ayos ng tanong ko, ito pa ang may ganang magsungit.”

Muling pinaandar ni Vernon ang kotse niya at huminto sila sa isang mamahaling restaurant. Mga mamahalin at mga sosyal ang mga pagkain sa restaurant na ito. Mga mayayaman lang din ang kumakain sa restaurant na ito dahil sa sobrang mahal ng presyo ng bawat putahe.

Nagtatakang napasunod si Avyanna sa boss niya nang itinuro ng isang waitress ang naka- reserve na table sa kanila.

“Call, Miss Lopez now.” Utos sa kaniya ni Vernon kaya kaagad niya itong sinunod. Matapos niyang tawagan si Miss Lopez ay naupo siya sa kaharap na upuan ng binata. Wala naman kasi siyang choice kundi sundin ang utos ng binata. Boss niya ito sa kumpanya kaya wala siyang karapatan para magreklamo. Puwede naman kasi siyang hindi magtrabaho sa ibang kumpanya kaso nga lang ay gusto niya laging nahihirapan. Ayaw ni Avyanna na laging umaasa sa magulang. Gusto niyang ituring ang sarili na independent kahit na sila ay mayaman.

“On the way na raw po siya. Mag o-order na po ba ako ng food ninyo ni Miss Lopez, sir?” tanong niya rito.

Tinignan siya nito. “ Yeah, bilhin mo ang pinaka mahal na pagkain dito sa restaurant,” utos nito sa kaniya. Tumango siya at tumayo. Hindi naman siya ang magbabayad ng mga o-order in niya kaya wala siyang problema. Matapos niyang sabihin sa waitress ang mga pagkaing nais ng boss niya ay kaagad din naman itong na- i-serve sa table nila.

“Sir? Hindi niyo na po ba hihintayin si Miss Lopez?” tanong niya kay Vernon. Pagka- serve kasi ng mga pagkain sa table nila ay kaagad nagsimulang kumain ito. Hindi malaman ni Avyanna kung ano ba ang nasa isip ng boss niya. Para kasi itong walang paki-alam sa paligid at nakalimutan na ata ng binata na siya ay may hinihintay.

“I'm hungry,” maikling saad nito sa kaniya. Napasapo siya sa noo dahil sa sinabi nito. Biglang pumasok sa isip ni Avyanna ang katatagpuin ng boss niya.

“Hindi man lang marunong makiramdam. Nakakahiya kay Miss Lopez kung maabutan nito na ang boss ko ay nauna ng kumain.” Saad ni Avyanna sa isip. “Binata pa naman.”

Huminto ito sa pagkain at seryosong tinignan si Avyanna.“Titignan mo lang ba ako magdamag Miss Scott?” Ayokong nagugutom ang staff ko, kumain ka na kung ayaw mong ipaubos ko sa ‘yo ang lahat ng pagkaing nasa harapan mo.”

Napalunok si Avyanna ng marinig ang mga katagang iyon sa bibig ng boss niya. Ngunit hindi siya nagpatinag dito, dahil nahihiya siyang maabutan ni Miss Lopez na kumakain sila ng boss niya nang sabay.

“Hinihintay pa po natin si Miss Lopez, Sir. Ang sabi po kasi ng secretary ni Miss Lopez malapit na po raw sila dito,” aniya.

Ngunit tila hindi nakikinig si Vernon sa sinabi niya. Hindi man lang kasi nagbago ang reaksyon nito. Para kasing galit ang pustora nito ngunit dahil malakas ang apil ni Vernon ay ayos lamang sa kaniya ang ganoong ekspresyon ng mukha. Hindi ngumingiti, laging seryoso.

“Call Miss Lopez Now,” utos ni Vernon sa kaniya sa naiinis na boses. Naiinis na siya dahil sa pagiging palatanong ni Avyanna sa kaniya. Akala niya ay isang tahimik at mahinhin na babae ito ngunit nagkakamali siya. Madaldal ito at kahit bago pa lamang sa pagiging secretary ay confident na sa sarili. Hindi man lang natakot sa mga banta ni Vernon sa kaniya. Kaya siya naiinis dahil may lakas nang loob ang dalaga para kuwestyunin siya sa kaniyang mga kagustuhan.

Kinuha ni Avyanna ang kanyang cellphone.

“Tell to her secretary the meeting lunch is cancelled,” utos nito sa kaniya. Imbis na sundin ang utos ni Vernon ay kaniyang ibinaba ang telepono.

“Bakit naman ika- cancel, Sir? Wala ka na namang ibang meeting bukod kay Miss Lopez, sir?” taka niyang tanong kay Vernon.

Tinaliman siya ng tingin nito. Kung nakakamatay lamang ang pagtingin nang boss niyang si Vernon ay tiyak na patay na siya ngayon.

“Sino ba sa ating dalawa ang boss

Miss Scott? ‘Di ba ako?” tanong nito sa kaniya sa nangungutyang tono. Dahan- dahang napaiwas ng tingin si Avyanna sa kaniya ng ma-realize na lumalampas na siya sa limit.

“ Pasensya na, Sir. Sa susunod hindi na mauulit. ”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ms.Ivymadrama
nice story talaga...️...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status