Share

Chapter 41

NATATARANTA si Kira nang sabihin ni Dimitri na may bisita sila. Inutusan siya nitong magluto ng masarap na putahe. Pinapunta naman nito roon sa bahay si Sonia upang tulungan siya.

“Dalawa ang bisita natin, Kira. Si Craig ang isa,” sabi ni Dimitri. Hinatid nito ang grocery na pinabili nito sa driver.

“Sino naman ang isa?” aniya.

“Si Duke. Hindi mo pa siya nakita pero mamaya ay makikilala mo siya. He’s nice, too.”

“Ah, sige. Sasarapan ko na lang ang luto ko para matuwa sila,” determinadong sabi niya.

“Gawa ka rin ng dessert.”

Tumango siya kahit walang ideya sa dessert.

Nang umalis si Dimitri ay siya namang dating ni Sonia. May dala na itong kinayod na niyog.

“Ano po ang gagawin natin sa niyog, Manang?” tanong niya.

“Gagataan natin ang malalaking alimango na pinabili ni Don. Gusto raw kasi ‘yon ng kaibigan ni Don.”

“Ah, mukhang masarap nga ‘yon.”

“Lutuin mo na ang mga gulay.”

“Gagawa rin daw tayo ng dessert. Ano kaya ang masarap?” Napaisip siya ng mas masarap na panghimagas.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Princess Tobias
Ayun na nga Sabina eh.ung lord na kausap ni manang Sonia at si Luther ay mag ama
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status